WAKAS

WAKAS
"OH Fvck!..." Napabalikwas ako ng bangon dahil sa nanaginip ako ng hindi maganda---actually isa pa lang bangungot iyon para sakin.
Shit! Para talaga itong totoong-totoo. Si Hallia, namatay siya at kasalanan iyon.
I know it just a bad dreams pero hindi ko pa ring mapigilang hindi matakot at kabahan.
Kaya ayon, wala na akong sinayang pang sandali. Agad ako nagtungo sa bahay nito. Sa sobrang pagmamadali ko ay hindi ko naisipan pang magdamit. Tanging boxer lang ang suot ko.
Pagkarating ko sa bahay nila ay agad kong kinalampag ang pintuan nila Hallia. Hindi nagtagal ay bumukas rin ito.
"Ano ba yan gabing-gabi—Anong ginagawa mo dito?" Mamang ni Hallia yung nagbukas ng pinto. Nakabusangot ito.
"Magandang gabi po, Si Hallia po?" tanong ko.
"Oh, bakit? Anong kailangan mo sa anak ko, aber?" matabang na tanong nito. Nakataas din ang isang kilay nito.
"Gusto ko lang po sana siyang makita at makausap."
"Wow, ha! Pagkatapos mo siyang bigla na lang iwan kanina ay babalik ka dito na para bang walang nangyari?!" masungit na sabi nito habang nakapamewang
"I was just really shock sa nalaman ko tita. Masiyadong naging magulo yung utak ko kanina, kaya minabuti ko munang umalis. Pero it doesn't mean na hindi na ako babalik. Mahal na mahal ko po si Hallia. At wala po akong pakialam kahit pa siya ai Halley."
Aaminin ko,  sobrang nagulat at nabigla talaga ako ng makita yung laman ng box. Kaya naisip ko munang iwan ito para makapag-isip. Pero matapos kong managinip ng masama ay isa lang yung narealize ko. Hindi ko pala kayang mawala si Hallia sa buhay ko. Mawala na ang lahat sa akin huwag lang siya, huwag lang yung babaeng mahal ko.
"Mukha ka namang sincere. Ni-hindi mo na nga nakuhang magdamit." she said in sarcastic tone. "Sige na, pumasok ka na. Kung kakausapin mo si Hallia, huwag muna ngayon. Siguro bukas na lang dahil kakatulog lang no'n. Nakatulugan na nga yung kakaiyak ng kakaiyak."
"Salamat po, hindi niyo ako pinagtabuyan, tita."
"Kung hindi ko lang talaga mahal yung anak ko ay baka matagal pa lang nasakal na kita. At pwede lang please, huwag mo na ulit pang saktan ang anak kong si Hallia. Hindi ito isang pakiusap kundi isang babala. Kaya kong magpakalalaki maprotektahan lang anak ko. Kaya kung ayaw mong tayong dalawa ang makaproblema umayos ka." seryoso nitong sabi.
"Ayaw ko ko pong mangako, pero gagawin ko po ang lahat-lahat ng makakaya ko."
"Siguraduhin mo lang." seryosong anito.
Pagkarating ko sa kwarto ni Hallia ay naabutan ko itong nakahiga. Nakabaluktot at yakap-yakap ang dalawang yung tuhod nito. Nilapitan ko ito at inayos ko ang pagkakahiga nito. Tama nga si tita, kagagaling lang nito sa pag-iyak dahil may bakas pa ng luha ang mukha nito. Hinaplos ko ito. "Sorry my baby." bulong ko dito pagkatapos ay hinagkan ko ito sa noo. Pero dapat hindi ko lang ginawa dahil nagising lang ito.
"G-Grego, i-ikaw b-ba t-talaga i-iyan?" utal na tanong nito. Muli ding tumulo ang mga luha nito.
"Shhh..." I put my index finger in her lip to make her stop in talking. "Rest, my baby. We will talk tomorrow. Magpahinga ka muna, I know you're tired." bulong ko dito.
"H-Hindi k-ka b-ba g-galit s-sakin?" humikbi nitong tanong.
"Of course, I'm not. Sige na go back to sleep. Bukas tayo mag-uusap. For now, rest." tinabihan ko ito sa kama nito at tsaka hinaplos-haplas ang bandang likod ng ulo nito para makatulog ito.  "I love you my baby." malamyos kong bulong dito at tsaka ko muling hinagkan ang noo nito.
Pinsgmasdan ko lang ang pagtulog nito, hangagang sa hindi ko namalayan nakatulog na rin pala ako habang yakap ito ng sobrang higppit na para bang may aagaw dito.
KINABUKSAN...
Mas na una akong nagising kaysa dito. Tulog pa ito kaya naisip kong pagmasadan muna ito habang natutulog ito.
Ilang saglit ay nagmulat na ito ng mata. "Totoo ng nandito ka, akala ko na nanaginip lang ako kagabi." malungkot nitong wika.
"You're not dreaming, totoong nandito na ako."
Niyakap ako nito ng mahigpit. "Akala ko hindi mo na ako babalikan. Natakot ako Grego. Please huwag mo na ulit akong iiwan, ha? Hindi kakayanin kung mawawala ka, ikakamatay ko iyon." luhaang ani nito.
Dahil sa sinabi nito ay muling nagbalik sa isipan ko yung napanaginipan ko.
"Mas hindi ko kakayanin na mawala ka Hallia." bulong ko rito. Hinigpitan ko yung yakap ko dito. Buti na lang narealize ko agad yung halaga niya bago pa man mahuli ang lahat.
Ikinuwento sa'kin ni Halley ang lahat kung paano siya gumanda.
I can't believe na pwede pa lang mangyari iyon sa totoong buhay.
Isa lang ang ibig sabihin nito. Si Hallia ay isang napaka epesiyal na babae.
"A-Akala ko talaga tulyan mo na akong iiwan. Sobra akong natakot ng makita kong hawak mo yung kahon." muli  na namang tumulo ang luha nito. Pero agad ko itong pinahid using my thumb finger. Hanggang ngayon hindi rin ito makarecover sa pag-iwan ko kanya. Takot na takot pa rin ito.
"Shhh... Stop crying, my baby. Sorry if I scared you that much. Kinalangan ko lang talaga ng oras para ma-process ng maayos sa utak ko yung mga natuklasan ko tungkol sayo."
"Grego, t-tanggap mo ba ako sa kabila ng nakaraan ko?" malungkot ang pagkakatanong nito.
"Of course." sagot ko sabay yakap dito. "Mas matimbang pa rin ang pagmamahal ko sayo kaysa sa kahit na ano pa mang bagay.
"Mahal na mahal kita, Grego."
"I love you too, my baby." ginawaran ko ng salit na halik ang labi nito.
"Alam ba, nanaginip ako ng masama. Nakipaghiwaly ka daw sa'kin kasi..." napalunok ito, ".... h-hindi mo matanggap na ako at si Halley ay iisa. Pinagtabuyan mo ako, tapos nakipagbalikan ka rin kay Marsha. Tapo—"
"Shhh... It just a dream." pagpapatigil ko dito. Weird, we have a same dream. Ganyang-gayan din yung panaginip ko.
"Pero kasi parang totoo talaga."
"My baby, listen to me. Panaginip lang iyon, hindi totoo iyon. Nandito ako sa tabi mo, palagi lang akong nasa tabi mo, hindi mawawala. Hinding-hindi ko gagawin sayo kung anuman yung napanaginipan mo."
"P-Promise?"
Ngumiti ako sabay tango." I promise, my baby. Now I want to see you smile." hinawakan ko ang baba nito tsaka ko ito pinagkakatitigan.
Ngumtii ito ng pagkatamis-tamis. Maging ang mga mata nito ay nakangiti din. She is smiling sincerely. I miss her smile. Mas lalo siyang gumaganda kapag nakangiti.
Sa pagmamahal ko kay Hallia, isang lang natutunan ko. Love is not based on a physical appearance of one person.
Salungat sa paniniwala ko dati. Pero when I met Hallia pina-realize niya sa akin ang tunay na depinisiyon ng pag-ibig. Hindi lang iyon kasi maging tunay na depinisiyon ng salitang kagandahan ipinaintindi niya rin sa'kin. Ang tao ay gumaganda hindi dahil sa panlabas nitong anyo kundi sa kabutihan ng puso nito.
—WAKAS—

Komento sa Aklat (321)

  • avatar
    Manilyn Madelo

    ang ganda ng story

    8d

      0
  • avatar
    Cristal M.Arquilos,

    beautiful story

    29/08

      0
  • avatar
    EsplanaJha

    good

    10/12

      0
  • Tingnan Lahat

Tapusin

Mga rekomendasyon para sa iyo