Homepage/Birth of Beauty/
KABANATA 75
"Pansin ko lang, darling bakit hindi mo na dinadala dito si Hallia?" my Mom asked.
"We broke up." tanging naisagot ko.
"OH MY GOD!? But why? I thought you loved her?"
"Niloko niya ako. Sinungaling siya. And, No Mom, HINDI KO SIYA MAHAL!"
"Sakin ka pa ba talaga magsisinungaling, ha Grego? I know you love her. Kitang-kita ko sa mga mata mo ang pagmamahal sa tuwing tinitignan mo si Hallia.
"Mom, hindi ko siya mahal. Walang lalaking magmamahal sa katulad niya!" inis na sabi ko. Hindi ako kay Mom naiinis kundi sa sinasabi nito na kesyo mahal ko daw si Hallia kahit ang totoo hindi na.
"Then anong tawag mo sayo, ha Grego? Magagawa ng bibig mo na magsinungaling pero yung puso mo hindi. Huwag mong hitaying mawala siya sayo bago mo ma-realize na mahalaga siya sayo kasi mahal mo siya."
"Mom, how many times do I have to tell you na hindi ko nga siya mahal!" hindi ko na napigilan ang pagtaasan ito ng boses. "Iyon nga yung gusto ko, yung tuluyan siyang mawala sa buhay ko!"
Ngumiti ng malungkot si Mom. "Sana lang maging masaya ka sa pinili mo."
Oo magiging masaya ako. Hindi ko kailangan ng kahit na sino, lalong-lalo na ang katulad ni Hallia.
"Ano na naman bang kailangan mo, ha Delo?" Seryoso kong tanong dito. Bigla na lang kasi ako nitong nilapitan.
"May gusto lang sana akong ibigay sayo." anito.
"Ano nama—"
"Boogsh!..." bigla ako nitong sinuntok sa mukha.
"Para iyan sa pananakit mo sa damdamin ni Hallia ng paulit-ulit! Hindi ka naawa do'n sa tao, puro paghihirap na nga yung dinanas niya sa inyo, lalo na sayong gago ka! Huwag ka na ulit pang lalapit sa kanya. Kasi kung hindi, hindi lang iyan ang aabutin mo sakin. Napaka tanga mo! Hindi mo alam kung anong sinayang mo, Gag*! Sana lang talaga hindi mo pagsisihan yung ginawa mo." anito pagkatapos ay tinalikuran na ako.
Mapait na lang akong natawa. Habang hawak ang panga kong sinuntok nito. Anong klaseng suntok iyon? Napaka hina!
Kasalukuyan ako ngayong umiinom sa condo ko ng bigla na lang na ring yung cellphone ko. Tamad ko itong sinagot. Hindi na ako nag-abala pang tignan kung sino ito.
"Kuya Greg?" boses ni Maceylene yung nasa kabilang linya. At parang naiiyak ito nag dulot naman sa'kin ng kakaibang kaba.
"Anong nangayri?" taranta kong tanong.
Humagulgol na ito "S-Si a-ate H-Hallia k-kasi nasa hospi----"
Nabitwan ko yung cellphone ko. "Bakit siya nando'n? Anong nangyari sa kanya?" Ewan ko pero parang biglang may kakaibang kirot akong naramdaman sa aking dibdib. Pinagpawisan ako ng malapot. Nakaramdam din ako ng takot.
Wala na akong sinayang pang sandali agad kong inalam yung hospital at pinuntahan ito. Hindi pa man ako sigurado sa totoong nangyari pero hindi ko kayang maupo na lang. Kailangan kong makasigurado. Pabilis na ng pabilis ang tibok ng puso ko.
Pagdating ko sa hospital naabutan ko ang mamang ni Hallia na umiiyak---hindi lang pala basta umiiyak, kasi humahagulgol na ito. Maging si Chelie ay gano'n din. Hindi rin nakatakas sa paningin ko si Delo na nakaupo habang nakayuko. Umiiyak din ito. Lalo akong kinabahan.
Lumapit ako sa kanila. "Tita?" kuha ko sa atensiyon ng mamang ni Hallia. Binalingan ako ng tingin. Galit, yan yung nakita ko sa mata nito habang nakatingin sa'kin.
"Ikaw! Kasalanan mo itong lahat!" naggagalaiting sigaw nito sabay lapit sa'kin at pinag-sasampal at pinagsasapok ako. "Ikaw ang dahilan kung bakit namatay si Hallia! Kasalanan mo kung bakit siya namatay!"
Sa narinig ko para akong tinakasan ng dugo sa katawan. Para sinaksak yung puso ko ng paulit-ulit.
"Pa—Patay n-na s-si H-Hallia?" paninigurado ko. Hindi ko na rin naitago ang pag-garalgal sa boses ko.
"Oo! At kasalanan mo iyon, HAYOP KA! Napaka walang kwenta mong hayop ka! Kasalan mo kung bakit namatay yung anak ko! Nang dahil sayo namatay si Hallia, PINATAY MO SIYA! Napaka walang kwenta mong tao. Minahal ka niya sa kabila ng nagawa mo sa kanya pero anong ginawa mo? Anong isinukli mo? Sinaktan mo lang siya! Paulit-ulit mo lang siyang sinaktan, Hinayupak ka!" patuloy pa rin ito sa pagsampal sa'kin. Habang akong naman patuloy lang pagtanggap ng mga ito.
Wala na siya?
Patay na siya?
Hindi. Hindi ako maniniwala hanggat hindi nakikita ng mismong mga mata ko.
Hinawakan ko yung magkabilang palapulsuhan ng mamang ni Hallia para patuligilin ito sa ginagawa nitong pagsamapal at pagsapok sakin. Pagkatapos ay iniwan ko na ito para pumunta sa isang kwarto. Tangka ko na itong bubuksan ng magsalita si Delo.
"W-Wala na siya diyan. She's in mortuary." barag ang tinig nito, at hanggang ngayon ay na kayuko pa rin ito.
Amabang aalis na na ako ng...
"At saan ka naman pupunta?" malamig na tanong nito.
Napalunok ako.
Peke itong natawa. "Ang tigas rin naman ng mukha mong magkapakita pa dito pagkatapos ng ginawa mo sa kanya." anito sabay tayo at lapit sa'kin. "Kung tutuusin kasalanan mo kung bakit nangyari ito. Kung bakit siya namatay, gag* ka! Umalis ka na dito bago pa magdilim ang piningin ko't mapatay rin kitang gago ka!" pigil ang galit na anito.
"Umalis ka na dito, baka mapatay lang rin kitang hinayupak ka!" mariing sigaw ng maman ng mamang ni Hallia. "Hindi ka kailangan dito. Umalis ka na. Huwag kang umarte na para bang importante sayo si Hallia. Kasi kung meron ka man kahit katiting na pagpapahalaga sa anak ko, edi sana hindi ito nangyari. Sana hindi siya nagpakamatay!" humahagulgol na ito. Bakas na bakas sa mukha nito yung sakit na nararamdaman nito.
Imbis na sundin sila ay mabilis akong tumakbo papuntang mortuary. Pagkarating ko do'n ay agad kong ni-lock yung pinto.
Agad akong lumapit sa kaisa-isang bangkay na natatakpan ng puting kumot. Dahan-dahan kong binuksan ito. Kung saan bumungad sa'kin ang maputlang mukha ni Hallia.
At sa unang pagkakataon tumulo yung luha ko.
Masiyado akong nagpadala sa ego at sa pride ko. Kaya ngayon wala na siya.
Tama sila, ako yung pumatay sa kanya. Ang kawalan ko ng puso ang naging dahilan ng pagkamatay nito. Wala pwedeng ibang sisihin kundi ako! Ako yung pumatay sa babaeng mahal ko!I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (321)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
ang ganda ng story
3d
0beautiful story
29/08
0good
10/12
0Tingnan Lahat