KABANATA 63

Foundation Day
Dahil foundation day ngayon ay naka-sibilyan lang kami na damit.
Ang suot ko ay simpleng white v neck shirt and jeans. Ininshirt ko yung damit ko sa jeans ko, nagsuot din ako ng oversize flannel polo na kulay grey. Pero nagbago na yung isip ko, naka t-shirt na ang ako tapos naka-polo pa ako. Buti sana kung hindi kasagsagan ng init ngayon.  Pinalitan ko yung t-shirt ko ng spaghetti strap top na kulay puti rin. Siguro naman ayos na itong suot ko, ito lang kasi yung meron sa aparador ko. Pinartneran ko na lang ito ng white shoes na ibinigay sa akin ni Grego. Yung buhok naman ay inilugay ko na lang, hindi kasi talaga ako sanay ng nakapusod ang buhok.
Pagkatpos kong magbihis ay agad na akong lumabas at dumiretso sa sala kung saan naabutan ko si Grego na naka dekwatrong nakaupo sa sopa. Nang makita ako nito ay pinasadahan ko ng tingin nito mula ulo hanggang paa. Bago pa man ako tuluyang makalapit sa kanya ay tumayo na ito lumapit sa akin.
Ang gwapo nito sa suot nitong white shirt na hapit-hapit sa katawan nito. Halatang-halata at bakat na bakat yung mga muscles nito sa braso at maging yung malapad nitong dibdib. Sa pambaba naman ay nakasuot ito ng denim jeans. Yung sapatos naman nito ay katulad ng sa akin. May dala rin pala itong jacket na nakasabit sa kanang balikat nito, ang kulay nito ay itim.
Nang tuluyan na itong nakalapit sa akin ay agad nitong pinalupot sa bewang ko ang mga braso nito.
"Huwag na lang kayo tayong pumasok?" bulong nito.
"Ha, bakit naman?"
"Ang ganda mo kasi, baka maninis lang ako sa mga lalaking titingin sayo."
I wrapped my arms around his neck. "Hanggang tingin lang naman sila e. Kasi takot lang nila sayo."
He chuckles. "Kahit na, ayaw ko pa rin na tinitignan ka nila." nangungusap ang mga matang wika nito.
Pagadating namin ni Grego ng school ay agad kaming tumulong sa ibang kaklase namin na nagse-set up ng booth namin.
"Hallia, maupo ka na do'n, ako na lang tutulog sa kanila." ani Grego.
"Grego hindi pwedeng maupo lang ako, nakakahiya naman, lahat kayo kumikilos tapos ako nakaupo lang." ani ko habang patuloy sa pag-aayos ng gagamitin namin sa pang luto ng ititinda namin.
"Oo nga Hallia makinig ka sa boyfriend mo baka mamaya mapagod ka pa at magalit pa sa amin iyan." singit ni Mathina.
"Mamaya ka na lang siguro tumulong kapag may custumer na tayo. Ikaw na lang yung magbenta para marming bumili." dagdag ni Katarina.
"Ano ibubugaw mo yung girlfriend ko?" nakabusangot na sabi ni Grego.
"Grebe, bugaw agad? Iyon na nga lang yung gagawin niya tapos aarte pa siya. Kami nga dito ang dami ng nagawa." parinig ni Marsha.
Pekeng natawa si Grego." Ano namang pakialam ko kungapagod kayo? All I care is my girl." ani Grego dahilan para mas pinili na lang ni Marsha ang manahimik.
Pero kung inaakala niya na palalagpasin ko siya, nagkakamali siya. Piningot ko ang tenga nito. " Ikaw, ha masiyadong ng nagiging magaspang yung ugali mo." sermon ko habang hawak pa rin ito sa tenga.
"A—A-Aray, b-baby masakit!" daing nito.
"Sa susunod na ulitin mo iyon ay hindi lang iyan ang aabutin mo. Nakakaintindihan pa tayo, GREGO?" ani ko sabay bitaw sa tenga nito na dali-dali naman nitong hinaplos.
"Iyon naman pala, kay Hallia lang tataob." kumento ng isang kong kaklaseng lalaki na si Arnold.
"Bakit anong gagawin mo, hmn?" malambing nitong bulong sa tenga ko.
"Simple lang, isang buwan kang walang kiss sa akin."
"Nakakatakot nga yan, sige mag bi-behave na ako. Ngayon ba pwede kitang halikan?"
"Pe—"
Hindi ko nagawa pang magsalita dahil ninakawan na ako nito ng isang mabilis na halik. Naghiyawan naman yung mga kaklase ko. Bigla tuloy akong nahiya. Ito naman kasing si Grego napaka landi.
Ilang saglit pa ay tapos na kaming mag set up ng booth. Nakahanda at naka-ayos na rin yung mga gamitin namin. Pati yung ititinda namin ready na katulad na lang ng samalamig namin na may tatlong flavor na  melon, pandan, at pineapple juice.
Sa ngayon ay lima kaming nakatoka sa pagbabantay dito, ako, si Grego, Delo, Mathina at Katarina. Yung ibang kaklase namin ay gumala muna para makita yung booth ng ibang grade at section.
Hindi nagtagal ay may mga bumili na sa amin. Dito ako nakapuwesto samalamig. Nagluluto at nagse-serve naman si Mathina at Katarina. Si Delo naman yung taga-kuha ng bayad at taga-sukli.  At ito namang magaling na si Grego ay walang ibang ginawa kundi titigan at panoorin lang ako sa ginagawa ko. May oras pa nga na kapag sumasandok na ako ng samalamig ay yayakap ito sa bewang ko, lalo na kapag lalaki yung bumibili.
"Hallia oh." abot sa akin ni Delo ng cup na may lamang kikyam at fishball. "Baka kasi gutom ka na." ani pa nito.
Tangkang aabutin ko na ito ng naging maagap si Grego at siya ang umabot nito. "Salamat dito ha, kaso hindi na ito makakain ng baby ko dahil may dala akong pagkain para sa amin. Kaya ako na lang kakain nito para naman hindi masayang yung effort mo." nang iinis na ani Grego.
"Sige, ikaw na lang yung kumain para matikman mo kung gaano kasarap yung effort ko. Baka kasi kapag si Hallia yung kumain niyan ay bigla ka na lang niyang hiwalayan." nang-aasar na sabi ni Delo.
"Ah, eh. Mabuti siguro magmeryenda muna tayo." basag ko sa namumuong alitan between Grego and Delo.
"Iba talaga yung gandang Hallia, pinag-aagawan." -Mathina
"Anong feeling ng pinag-aagawan?" -Katarina
"Naku, hindi naman nila ako pinag-aagawan sadyang inaasar lang talaga ni Delo si Grego." ani ko.
"May balak siyang agawin ka sakin Hallia." mariin na bulong sa akin ni Grego. Kuyom din yung dalawang kamay nito. Sa nakikita ko ngayon, nagpipigil na ito ng galit. At baka kapag nagtagal pa kami dito ay tuluyan na itong sumabog.
"Ahm, Mathina saglit lang ha, papakalmahin ko lang si Grego." paalam ko, hindi ko na ito na hinintay pa na makasagot at agad kong hinila si Grego palayo.

Komento sa Aklat (321)

  • avatar
    Manilyn Madelo

    ang ganda ng story

    7d

      0
  • avatar
    Cristal M.Arquilos,

    beautiful story

    29/08

      0
  • avatar
    EsplanaJha

    good

    10/12

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata