"Mamang, pasado po ba sa inyo si Grego?" tanong ko kay Mamang at kasalukuyan kaming kumakain ng umagahan ngayon. "Aba'y malamang, kung hindi pasado sa akin ay pinalayas ko na iyon kagabi." "Hmn. Parang hindi ko naman alam na kaya niyo lang siya nagustuhan dahil binigyan niya kayo ng magazines. Takot niyo lang na bawiin ni Gre---Gio iyon." Hooh! Muntik na iyon, muntik ko ng mabangit yung pangalang Grego. "Hallia, hindi lang naman ito tungkol sa magazines. Gusto ko siya para sayo sa kadahilanang nung mag-usap kami ay ramdam na ramdam ko at kitang-kita ko sa mga mata nito ang senseridad na nagsasabi ito ng totoo. Na totoong mahal kaniya. Na hindi ka niya pababayaan at aalagan ka niya. Nangako din siya sa akin na hindi ka niya sasaktan. Although hindi naman talaga siya na nga ko pero gagagwin niya daw ang lahat para hindi kaniya masaktan. ***** "Is he really your father?" biglang tanong ni Grego. "Ha?" "Si tita, tatay mo ba talaga siya?" "Bakit mo naman naitanong?" "Hindi kasi kayo magka-mukha." "Sa harap ni mamang mo sabihin yan, ewan ko lang kung maging boto pa rin siya sayo." "Natawa lang ito. Nang maka-recover ito sa pagtawa ay tsaka ito nagsalita. "I'm just being too observant. You have a fair skin, while your mamang is tan. You have a sharp and small nose while you're mamang have a flat nose. You ha—" "Hep, hep!... Tama na iyan masiyado mo ng minamaliit yung mamang ko." pagpapatigil ko dito. "Im not belittling your mamang. I'm just—" "Hep, hep!" muli ko pagpapatigil dito. "kung hindi minamaliit anong tawag mo sa ginawa mo?" "Just comparing you with your mamang." anito. "Amapon niya lang ako." ani ko dahilan para matigilan at mapatitig ito sa akin. "Hindi ko siya totoo magulang, ni-hindi ko rin siya kamag-anak. Napulot niya lang ako sa harapan ng pintuan ng bahay niya." kwento ko. Pinilit kong pasiglahin yung boses ko pero wala e, naging malungkot pa rin. " I don't like seeing you sad, my baby . Sorry if I bringing up the topic." anito sabay yakap sa akin. "Ikaw, pwede ka bang magkwento tungkol sa pamilya mo? Wala pa kasi akong masiyadong alam tungkol sa sayo." "I'm only child, my mom and dad is businessman and businesswoman. Since palagi naman wala sa bahay ay mas pinili ko na lang bumukod. Wala rin naman kasing pinagkaiba, even na mag stay ako sa bahay ay parang ako lang rin naman mag-isa, so I decided na magcondo na lang. At isa pa masiyado ring malayo yung bahay namin sa school. Ang hassle at nakapagod magdrive ng magdrive." "Hindi mo ba namimiss yung parents mo?" "Not really." sagot nito. "Dapat mamiss mo sila, kasi parents mo kaya sila." nakanguso kong sabi. "Don't worry, we will visit them later." bulong nito. "Ha?" hindi ko kasi masiyadong narinig. "Nothing." "Ano nga kasi iyon?" pangungulit ko, na ikinatawa naman nito ng bahagya. Mukha atang wala itong balak sabihin. "Damot." I mumbled. Balak ko sanang kulitin pa ito kaso hindi na natuloy ng biglang.... "Kuya... Greg?" patiling tawag ng kung sino kay Grego. Boses ito ng babae. Lumingon ako para makita ito. Siya, siya yung sinasabi ni Grego na pinsan niya. Ngayon mas malinaw ko na ng nakikitang itsura nito. Ang ganda niya, Kung hindi ako nagkakamali ay hindi nagkakalayo yung edad namin. Pero dahil nakita ko yung kulang ng lace ng suot nitong ID ay nalaman ko na grade 11 na ito. So ang ibig sabihin ay mas matanda ako dito ng isang taon. "What do you need, Maceylene?" agad na tanong ni Grego. Maceylene pala yung pangalan niya. Ang ganda rin, bagay sa kanya. Pero hindi naman ito pinansin ni Maceylene dahil nasa akin ang atensiyon nito. Nakatulala itong nakatitig sa akin. "OH MY GOSH!... Ang pretty mo!" humangang anito habang titig na titig sa akin. At hindi pa ito nakuntento dahil lumapit pa ito sa akin ng sobrang lapit. Tsaka ako nito muling pinagkatitigan. "Parang kang Angel---ay hindi kasi para kang diwata--- ay parang hindi pa rin, kasi mukha ka ring Barbie. Hala! Bakit gano'n wala ka namang make-up pero ang glow ng mukha mo." ani pa nito. Pagkaapos yung buhok ko naman yung pinagdiskitihan nito. "Hala! Pati buhok ang ganda-ganda at ang haba-haba rin." ani nito habang hinaplos-haplos yung buhok ko. "Maceylene?" seryosong tawag dito ni Grego. Dahilan para mapatigil ito. "You scaring her." sabay hila sa kamay ko at tinago niya ako sa likod niya. "My G! Kuya Greg, Girlfriend mo ba siya?" kinikilig na tanong nito. Umalis ako sa likod ni Grego. "Hi sayo, Maceylene." bati ko dito at bahagya pa ako kumaway. "Oh, Hi sayo ate pretty na super beautiful." nakangiting bati nito sakin pabalik. Bahagya din itong kumaway. "Don't talk to her, Hallia. She's crazy, baka mahawa ka sa kanya." ani ni Grego. "Hoy! Kuya Greg, isusumbong kita kay Tito Gregor, inaaway mo na naman ako." ani ni Maceylene. "That spoiled brat, sakit talaga sa ulo." bulong ni Grego. "Grego, be nice to your cousin. Mukha naman siya mabait." bulong ko rin dito. "Kung alam mo lang. Kaya nga pinatransfer dito yan kasi sobrang tigas ng ulo niyan at may pagka-isip bata rin. Kaya ayan sakin pinabantay. Ginawa pa akong baby sitter." "Kuya Greg, naririnig kita. Bakit mo ko sinisiraan kay ate pretty, ha?" mataray nitong tanong. "I'm just telling the truth that you're really a hard headed." "Grego?" pinagdilatan ko ito. Para iparating na maging nice siya sa pinsan niya. "Ok fine." napipilitang ani ni Grego. "Ano bang kailangan mo?" baling nito kay Maceylene. "I-tour mo ko sa school na ito." ani ni Maceylene. "Sa iba ka na lang magpasama. Busy ako." ani Grego dahilan para bumusangot si Maceylene. "Ako na lang magtu-tour sayo." presinta ko, kaya naman biglang umaliwalas ang mukha nito. "Talaga po, ate Hallia?" "Ou—" "Hindi ka niya sasamahan dahil busy kami, may gagawin pa kami." putol sakin ni Grego sabay hila sa kamay ko palayo kay Maycelene. "Kuyaaa... Greggg... kahit kailan talaga ang epal mo!..." sigaw ni Maceylene, habang nagpapa-padyak ito. Hindi na naman kami nito sinundan. "Grego, bakit ka naman gano'n sa pinsan mo? Kawawa naman, nagpapasama lang naman yung tao." "Kapag pinagbigyan mo iyon, hindi ka na no'n titigilan. Hanggang sa dumating sa point na aagawin ka na niya sa akin. Ayaw ko ng mayroon akong kahati sa atensiyon mo. Dapat sa akin lang umiikot yung mundo mo, my baby."
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
ang ganda ng story
3d
0beautiful story
29/08
0good
10/12
0Tingnan Lahat