Balak ko ng ipagtapat kay Mamang na may relasiyon kami Grego. Ayaw ko kasing magsinungaling pa sa kanya. "Mamang, may sasabihin po ako sa inyo, kaso huwag po kayong magagalit. ha?" "Sige, susubukan ko, ano ba iyon?" "Mamang may boyfriend na po ako." mahina kong sabi. "Hallia, bakit parang ang bilis naman ata?" seryoso nitong tanong. "Mamang, mahal ko po siya." tanging naisagot ko na lang. "Mahal mo, pero mahal ka ba? Totoo bang pagmamahal yung nararamdaman niya sayo o dahil lang sa ganda mo?" "Mahal niya po ako. Ramdam ko po na totoo na yung pagmamahal niya para sa akin." "Ipakilala mo siya sa akin. Gusto ko sa kanya ko mismo marinig na mahal ka niya. Gusto ding kong makilatis kung anong klaseng lalaki yan, kung mabuti ba siyang tao o kung makakabuti ba siya sayo. Bukas dalhin mo siya dito sa bahay, dito na rin siya maghapunan." ***** "Jiru?" "Hmn?" "Gusto ko daw makilala ni Mamang." ani ko. "Talaga?" may tuwa sa boses nito. Tumango ako. "Pero kung ayaw mo naman okay lang din. Ako na lang bahala gumawa ng palusot kay Mamang." "Hallia, gusto ko. Gusto kong makilala yung pamilya mo para naman maging legal na tayo. At least malaya na akong makakapunta sa inyo kahit anong oras ko gustuhin." "Mabuti naman, akala ko kasi hindi pa ready na makilala si Mamang." "Ready na ako. Kung gusto mo isasabay ko na rin yung pamamanhikan." "Sira. Puro ka biro." "Seryoso ako, Hallia. At baka nga sa sobrang seryoso ko ay hingin ko na yung kamay mo sa Mamang mo." sabay kuha nito sa kamay ko at hinagkan ito. Wala talagang palya ang lalaki itong pagdating sa pagpapakilig sa akin. "Good luck na lang sayo mamaya kasi panigurado malalagay ka sa hot seat. Tatadtarin ka ni Mamang ng tanong." "Then, tatadtarin ko rin siya ng kindat." natatawang ani nito. Ay oo nga pala, muntik ko ng makalimutan. "Grego?" "Hmn, bakit?" "Pwede bang pag tinanong ka ni Mamang kung anong pangalan mo ay pwede bang huwag Grego yung isagot mo?" "Bakit naman?" kunot noong tanong nito. "Galit kasi siya sayo—este sa pangalan mo pala. Kasi nagkaroon si mamang ng ex na kapangalan mo. Sobrang nagalit do'n si Mamang kaya sinumpa niya na yung pangalang "Grego" at baka kapag nalaman ni Mamang na Grego ang pangalan mo ay baka mabawasan yung pagkagusto niya sayo." imbento ko. Hindi ko pa rin kasi talaga pwedeng ipagtapat kay mamang na si Grego yung boyfriend ko. Sa ngayon ililihim ko muna. "Then baby na lang yung itawag mo sa akin." may ngiti sa labi nito habang sinasabi niya iyon. "B-Baby y-yung i-itatawag k-ko s-sayo?" tanong ko. "H-Hindi kaya magtaka si Mamang kung baby yung gagamitin mong panglan? Kasi pambabae 'yon e." Imbes na sagutin ako ay tinawan lang ako nito. Nang maka-recover ito sa pagtawa ay tsaka ito nagsalita. "What I mean is—hindi bale na nga lang." medyo natatawa pa rin ito. Then, bigla kong narealize kung anong ibig sabihin ng sinabi nito kanina. He want me to call him baby. "Baby for an endearment thing" "Hmn.... baby?" tawag ko dito. Balak ko lang sana asarin ito kaso mukhang sineryoso nito kasi natulala ito. 1 2 3 3 minutes left na pero nakatulala pa rin ito. Kaya naman bahagya ko ng tinapik ang mukha nito. "Ayos ka lang ba?" tanong ko. "Please, Hallia. Huwag mo na akong bibiglain ng gano'n. Muntik na akong mahimatay." Dahil sa sinabi nito ay hindi ko napigilan pa ang. Binigla ko ba talaga siya? Ngayon ako naman yung nabigla dahil bigla naman ako nitong hinapit sa bewang ko. "Say it again, please. Tawagin mo ulit akong baby." paos na pakiusap nito. Naging sunod-sunran namn ako. Dahan-dahan kong binigkas ang salitang gustong marinig nito. "B-Baby." ani ko. "Fuck! Fuck! Fuck!" sunod na mura nito pagkatapos ay walang sabi-sabi nitong inatake ng halik ang labi ko. ***** Kasalukuyan kami ngayong papunta sa condo ni Grego. Ang sabi kasi niya ay dumaan daw muna kami sa condo niya para magkapag-aayos daw siya. Dapat daw maging sobrang gwapo niya. At habang sinasabi niya iyon ay sobrang seryoso niya. Seryoso talagang siyang makilala si Mamang. "Grego, kailangan ba talaga nating dumaan sa condo mo?" "Uhmn. Maliligo muna tayo." "B-Bakit t-tayo?" kunot kong tanong. "Para may kasabay ako." simpleng sagot nito, pero nasa tinig nito yung kapilyuhan. "M-Mabango pa naman ako. Hindi ko pa kailangang maligo." sabi ko. "Paamoy nga ako?" "H-Ha?... A—" Hindi ko natapos yung sasabihin ko dahil agad nitong sinusob ang mukha nito sa bandang leeg ko. Ni-hindi ko manlang napansin na naihinto na pala nito yung sasakyan sa tabi. "Hmn. Ang bango nga." bulong nito habang nanatiling nasa leeg ko pa rin ang mukha nito. Ramdam na ramdam ko ang pagsinghot nitong ginagawa sa leeg ko. Habang ako naman ay nagmistulang estatwa sa ginawa nito. . . . . . . . . . . . . . . . . Pagdating namin sa condo nito ay mabilis lang itong naligo. "Bagay ba sa akin?" tanong nito habang nirarampa yung suot nitong faded jeans na kulay puti na parang may pagka-asul. Yung pang itaas naman nito ay long sleeve na black. Actually pang apat na bihis niya na ito. Pinagpapalit ko kasi siya. Paano ba naman kasi yung una nitong sinuot ay suit na kulay itim, tapos yung mga sumunod naman ay puro pang formal din na akala mong a-attend ng conference meeting o kaya naman ay rarampa sa isang runway. At sa totoo lang halos maglaway na nga ako dito sa bawat labas nito walk in closet nito na iba na yung suot na damit. Talaga naman kasing napakagwapo at ubod siya ng kisig. Para din siyang isang modelo. Siguro pwede na yung suot nito kahit na medyo formal na rin. "Bagay ba sa akin?" tanong ulit nito." "Wala namang hindi bagay sayo." nakanguso kong sabi. "Yea, wala nga. Kasi tignan mo naman bagay na bagay tayo." ani nito na ngayon ay nakayakap na naman sa bewang ko. "Ah... Eh... Grego, ayos na siguro yang suot mo, tara na baka hinihintay na tayo ni Mamang." ilang kong sabi. Haist! Ang landi naman nitong lalaking ito.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
ang ganda ng story
3d
0beautiful story
29/08
0good
10/12
0Tingnan Lahat