KABANATA 50

Kakatapos lang naming manood ng sine. At heto naglalakad na kami palabas ng sinehan.
Kanina nung nanonood kami ay pareho lang kaming tahimik.
At aaminin ko kasalanan ko ito. Kasalan ko kung bakit malungkot ito. Dapat kasi sinabi ko na lang yung totoo sa kanya, na nag-enjoy naman talaga ako sa date namin.
"Nagugutom ka ba?" walang emosiyon na tanong nito.
"Ahm, h-hindi."
"Ok."
"Ah, Gre—"
"Bumili pa rin tayo ng makakain. Para kung sakaling magutom tayo. Ano bang gusto mo?"
"Kahit ano na lang." sagot ko. Wala naman kasi akong ganang kumain. Ewan ko pero parang bigla na lang akong naging matamlay.
"Sige. Dito ka na lang. Ako na lang bibili."
"Hindi mo ko isasama?" tanong ko gamit ang maliit na tinig. Nag-uumpisa na ring magtubig yung mga mata ko.
"Hindi na siguro para mapabilis."  anito sabay iwan sa akin. Ngayon bigla niya na lang akong iiwan. Galit ba siya sa akin?
Ni-hindi ako nito nilingon, patuloy lang ito sa paglakad palayo sa akin.
Natanaw ko pa ang pagkuha nito sa cellphone nito. Tinapat ito nito sa kanyang tenga. Sino kaya yung kausap niya?
Ngayon ay tuluyan na siyang nawala sa paningin ko.
Bakit hindi niya na lang ako sinama?
Ang luhang pinigilan ko kanina ay tuluyan ng tumulo. Pero agad ko din itong pinahid ng makita ko si Grego na pabalik na. Ang bilis naman ata niyang makabili ng pagkain. Kaya naman pala, hindi naman pala ito bumili. Dahil wala naman kasi itong kahit na anong bitbit.
"Nasan na yung pagkain?" tanong ko pagkalapit paglapit nito. Pilit ko ring pinasigla yung boses ko.
Imbis na sagutin ako ay hinawakan lang ako nito sa palapulsuhan ko at hinatak ako palabas ng mall. Hindi na lang ako nagsalita at nagpatianod na lang dito.
Isinakay ako nito sa sasakyan nito at ganoon din ito. Inistart niya na yung engine at pinaharurut na yung sasakyan patungo sa kung saang lugar.
Maging sa loob ng saskayan ay tahimik lang din kami. Hindi nagtagal ay inihinto na rin nito yung sasakyan nito.
Gabi na kaya hindi ko makita yung paligid ng lugar na kinaroroonan namin. Lumabas ito sa saasakyan, kaya lumabas na rin ako.
Lumapit ito sa akin. Inilapit nito yung mukha nito sa mukha ko. Yumuko ito ng konti para lang magpantay yung tingin namin.
"Do you really think na hahayaan ko na lang na hindi mo maenjoy yung first date mo? Yung first date natin?"
"Grego about sa sina—"
"Shhh..." inilapat nito yung hintuturo niya sa labi ko para lang mapahinto ako sa pagsasalita. "Hindi ako papayag, Hallia. Kasi tulad ng sinabi ko sayo kanina. This date will be memorable to you. Hinding-hindi mo ito makakalimutan, my baby." bulong nito sa paos na boses.
"A-A—Akala ko galit ka sa akin." tanong ko at kasabay no'n ang pagtulo ng luha ko.
"Galit?... Ako?... Sayo?.... Hindi, Hallia. Kailanman hindi ako magagalit sayo." ubod ng lamyos ang boses nito. Pinahid nito yung luha sa aking mga mata gamit ang dalawa nitong kamay. "Don't cry, my baby." alo nito sa akin.
"E, kasi naman, bakit ba bigla na lang nag-iba yung pakikitungo mo sa akin kanina? Bakit ka lang biglang naging cold sakin?"
"Tungkol naman sa bagay na iyan, gusto kong humingi ng tawad. Patawad sa inasal ko. Kung alam mo lang, grabe yung pagpipigil ko na hindi ka yakapin ng makita ko yung lungkot sa mga mata mo. Kaso kailangan ko talagang panindigan yung pagiging cold ko. Para maging successful yung plano ko."
"A-Anong plano?" tanong ko, at kasabay no'n ang ingay mula sa kalangitan. Tumingala ako kung saan nabungaran ko ang iba't ibang kulay ng pailaw na naglalaro sa kalangitan.
Ang ganda—ay hindi lang pala maganda, dahil sobrang ganda nito.
"Nagustuhan mo ba?" tanong ni Grego na ngayon ay nakayakap na sa bewang ko mula sa likuran.
"Oum." tumango ako. "Sobra kong nagustuhan." dagdag ko nang hindi inaalis ang tingin sa kalangitan.
"Buti naman." anito.
Patuloy lang ang paglitawan ng mag naggagandahang at iba't ibang kulay ng pailaw sa kalangitan. At tuluyan na ring napakako ang tingin ko dito. Hindi ko kasi kayang palagpasin ang ganitong klaseng tanawin. Isang beses lang naman kasi ako sa isang taon kung makapaanod ng fireworks at tuwing new year lang. Kaya naman talagang sabik na sabik ako dito.
"Ikaw ba yung may gawa nito." tanong ko na hindi pa rin inaalis ang tingin sa kalangitan.
"U-hmn." sagot nito at mas humigpit yung pagkakayakap nito sa bewang ko.
Pero kalaunan ay pinaharap din ako nito sa kanya. At walang sabi-sabing inangkin ang aking labi. At buong ko na naman itong tinugunan.
We kiss under the fireworks. Naghalikan kami sa ilalim ng mga pailaw sa kalangitan. Tunay nga hindi ko makakalimutan ang date na ito.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Grego?"
"Hmn, why my baby?"
"Salamat. Salamat sa araw na ito."
"Anything for you, my Hallia, my baby."
"Ah, sige. Mauna na ako." ambang lalabas na ko ng sasakyan ito ng mabilis ako nitong nahawakan sa braso. "Bakit?" tanong ko.
"I just want to say goodnight to you." anito. At nilapit nito yung mukha niya sa mukha ko. Akala ko muli na naman ako nito hahalikan, hindi pala dahil ang noo ko ang hinagkan nito. "Good night, my Hallia." bulong nito matapos akong hagkan sa noo. "I wish na sana katabi kita sa pagtulog ngayong gabi. Na nayayakap kita buong magdamag. Isang beses lang kitang nakatabi sa pagtulog pero hinahanap-hanap ko na agad yung pakiramdam na katabi kita, na naamoy kita at nayayakap. Bakit ba kasi hindi ka lang sa condo ko tumira?"
"G-Grego, a-ano n-na n-naman b-ba y-yang p-pinagsasabi m-mo?"
"I just being vocal in what I feel. Maling bang magkakatotoo ako sa nararamdaman ko." sa bawat pagbitaw nito sa mga salitang sinabi nito ay ramdam na ramdam ko ang pagiging sinsero nito.
"Bakit ano bang nararamdaman mo para sa akin?" matapang ko tanong.
"I love you, Hallia. Mahal kita. At araw-araw parang lalo pang lumalalim yung nararamdaman ko sayo, yung pagmamahal ko sayo." nangungusap ang mga matang ani nito. Na parang gusto nitong iparating sa akin na totoo yung sinasabi niya, sa pamamagitan ng mga mata nito. Kung paano niya ako pagkatitigan gamit ang nangungusap niyang mga mata.
Minsan ko ng narinig mula sa labi niya ang mga katagang iyon, na binitawan niya ngayon-ngayon lang. Ang kaibahan nga lang, ngayon ay harap-harapan niya itong pinagtapat sa akin at mas iba yung ipekto nito sa akin.
Gustong tumalon ng puso ko sa sobrang galak, ngunit hindi nito magawa dahil nandito pa rin yung takot. Yung takot na siya rin mismo ang may gawa.
Mahal niya ako, iyon yung sinabi niya,  iyon yung nanggaling sa bibig niya. Pero ganoon din ba yung sinasabi ng puso niya?

Komento sa Aklat (321)

  • avatar
    Manilyn Madelo

    ang ganda ng story

    7d

      0
  • avatar
    Cristal M.Arquilos,

    beautiful story

    29/08

      0
  • avatar
    EsplanaJha

    good

    10/12

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata