KABANATA 46

"Grego, hindi mo pa ba ako iuuwi sa amin?" tanong ko dito. Katatapos lang naming kumain ng hapunan. Pero bago iyon ay pinahiran muna nito ng ointment yung pasa ko sa tiyan. Ngayon ay nakahiga kami sa kama nito, habang nanonood ng TV. Ginawa kong unan yung kaliwang braso nito.
"Hindi na muna. Bukas na lang siguro." anito at base sa pagkakasabi nito ay very chill lang siya. Habang ako heto malapit ng mataranta.
"Grego, hindi pwede. Baka hanapin ako ni Mamang. Panigurado nag-aalala na ngayon sa akin iyon."
"Just tell them na kasama mo ako." very complacent na anito.
"Akala mo ba ganoon lang kadali iyon?"
"Kung gusto mong umuwi, umuwi ka. Pero huwag kang umasang makakalabas ka dito."
"Anong ibig mong sabihin?"
Imabes na sagutin ako nito ay may dinukot ito sa bulsa nito. At may inilabas itong susi.
"Hindi ka makakalabas. Hanggat nasa akin ito." tukoy nito sa susing pinapaikot-ikot nito daliri niya. At napanganga ako at nanlaki yung mga mata ko sa sunod nitong ginawa. Paano ba naman kasi isinuot nito yung susing hawak niya sa loob ng pants na suot niya. As in sa loob talaga, baka nga sa loob ng brief pa e."
"B-Bakit nilagay mo doon?" Utal na tanong ko.
"Para siguradong hindi mo makuha. Matinik yung tagabantay ko dito. Nangangagat." Habang sinasabi niya iyon ay nakatingin ito sa bagay na nasa gitna ng mga hita niya. At hindi rin nakatakas sa paningin ko ang bahagyang pagkagat nito sa pang ibabang labi nito.
Sa totoo lang hindi ko naintindihan yung sinabi nito. Kaso ayaw ko naman ng itanong dahil parang iba na yung pinapahiwatig nito.
"Grego, paano sila mamang?"
"Don't worry about them, ako ng bahala doon."
"Pero ka—"
"Shhh..." putol nito sa sasabihin ko. "Nagawan ko na ng paaran, kaya huwag ka ng mag-alala pa."
"Pero paano?" tanong ko pa. Hindi kasi talaga ako mapakali hanggat hindi ko nalalaman.
"Malalaman mo rin once na nakauwi ka sa inyo. For now let just enjoy the moment while we're together." anito sabay yakap sa akin.
"Grego, mali ito. Hindi dapat ako nandito." Totoo naman e. Hindi tamang nandito kami sa isang kwarto at ganito kalapit sa isa't isa.
"As far as I know boyfriend mo ako. Kaya walang mali kung nandito ka."
Hindi ko na alam yuny isasagot ko dito kaya napagpasiyahan ko na lang manahimik.
Kaso biglang pumasok sa isip ko si Casho.
Ano kayang nangyari sa kanya? Ang huli kasing natatandaan ko dito ay yung pinagsusuntok na ginawa dito ni Grego.
"Grego, ano nga pa lang nangyari kay Casho?"  hindi ko napigilang itanong. Hindi rin kasi maalis sa akin ang mag-alala dito.
"Pagkatapos ng ginawa sayo ng gago iyon. Kakamustahin mo pa rin yung lagay niya?" may pait sa tinig nito. Nagtagis din ang bagang nito.
"Gusto ko lang naman malaman yung lagay niya." ani ko gamit ang maliit na tinig.
"Ayon, binugbug ko. Kung pwede nga lang pinatay ko na yung gagong iyon."
"O-Ok lang ba siya?" mahinang tanong ko.
"Bullshit!..."  sigaw at malutong na mura nito. Napabangon din ito sa pagkakahiga nito. Maging ako ay napabangon din. Nagtagis ang bagang nito. Labas na rin 'yong mga ugat nito leeg, sign na galit na ito. "He almost raped you, Hallia! Tapos ano? Nag-aalala ka pa sa gagong iyon? What if hindi ako dumating, ha? Baka tuluyan ka ng marape na gagong iyon!" nanginginig na ito sa galit.
Hindi ko tuloy mapigilang hindi matakot dito.
"Ok fine. Gusto mong malaman yung nangyari sa kanya?..." tumayo ito sa kama "...nasa kulungan siya. Pinakulong ko. At gagawin ko ang lahat para hindi siya makalabas pa do'n." Dagdag nito gamit ang sobrang lamig na tinig. Pagkatapos ay tinalikuran na ako nito at lumabas ng kwarto.
Hindi niya naman kailangan magalit ng ganoon.  Dahil sa nangyari ay hindi ko namalayan na tumulo na pala yung luha ko.
Pero hindi rin nagtagal ay muling bumukas ang pinto at iniluwa nito si Grego na ngayon ay malambot na yung ekspresiyon ng mukha, kalmado na rin ito. Dali-dali itong lumapit sa akin at niyakap ako.
"I'm sorry. I'm sorry. Hindi ko sinasadyang sigawan ka." bulong nito, gamit malamyos na tinig.
Lalo tuloy akong napaiyak. Kahinaan ko yung ganito e. Masiyado akong malambot sa mga taong nagpapakita ng pag-aalala sa akin,  lalo lang akong maiyak.
"G-Galit ka ba sa akin?" tanong ko dito.
"Of course not." anito sabay kalas sa pagkakayakap sa akin. Lumayo ito ng bahagya pagkatapos ay tsaka ako pinagkakatitigan sa mukha. "Kailanman hindi ako magagalit sayo. Doon sa Tasho na iyon ako galit. Hindi sayo."
Yung luha ko ay biglang naurong ng marinig ko yung tinawag nito kay Casho. Bahagya din akong natawa,  kaso hindi ko ito pinahalata kay Grego.
"Casho nga kasi iyon, hindi Tasho."
"The hell I care to his name!"
"Grego, naiinsecure ka ba kay Casho?" hindi ko na napigilang itanong. At sa totoo lang gusto ko lang itong asarin.
"What the?... Saan mo nakuha yang ideya na yan?" kunot noong tanong nito.
Ang cute ng reaction at itsura niya. Para siyang galit na seryoso na sobrang defensive. Gusto kong tumawa kaso hindi ko magawa dahil baka magalit lang ito. At ayaw ko ng makita yung side niyang iyon.
"AKO ISANG GREGO SANTILIAN, MAI-INSECURE SA ISANG PANGET NA KATULAD NG GAGONG IYON?" natatawang wika nito.
"E, bat parang pakiramdam ko, PARANG OO." Tudyo ko pa.
Natatawang umiling-iling lang ito. "Ikaw ang nagsimula nito, kaya sige sasakyan ko iyang laro mo." anito bago ako nito hawakan sa magkabilang pisngi at walang sabi-sabing nilamukos nito ng halik yung labi ko.
Habang ako heto, gulat na gulat.
Kumpara sa halik na pinagsaluhan namin noon. Ang halik na ginagawad nito sa labi ko ngayon ay mas mapusok at punong-puno ng kasabikan.
Pero kalaunan ay sinuklian at sinabayan ko na rin ang mga halik nito. Naramdaman ko rin ang paghayang pagngiti nito sa gitna ng aming paghahalikan.
Huminto ito sa paghalik sa akin. "Iba ako gumanti. Kaya huwag mo akong susubukan, Hallia." anito bago ako muling halikan. At buong puso ko rin naman itong sinuklian.

Komento sa Aklat (321)

  • avatar
    Manilyn Madelo

    ang ganda ng story

    06/10

      0
  • avatar
    Cristal M.Arquilos,

    beautiful story

    29/08

      0
  • avatar
    EsplanaJha

    good

    10/12

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata