KABANATA 42

"Ahm, Miss Gavrielle kayo na po yung sunod." tawag sa akin. Kasi ako na yung susunod na magperform ng talent.
"Kaya ko ito!" pagpapalakas ko ng loob sa sarili ko.
Pagdating ko sa stage ay naka ready na ang upuan na gagamitin ko.
Ang lahat ay nakatahimik lang, at nag-aabang sa gagawin ko.
Napatingin ako sa direksiyon ni Grego na ngayon ay seryosong nakatingin sa akin habang umiiling-iling. Anong ibig sabihin no'n?
"Haist! Pwede ba Hallia mag-focus ka sa gagawin mo!" saway ko sa sarili ko.
At ayon na, nagsimula ng tumugtog 'yong kantang "Love Me Like You Do"
In...
5
4
3
2
1
Nag-umpisa na akong sumayaw.
At habang sumasayaw ako ay wala akong ingay na naririnig. Tahimik lang sila na nanonood.
'Yong iba ay nakanganga
Merong nakatulala.
Merong nanlalaki ang nga mata
Merong napapa "Wow!"
Merong napapa "Wooh!"
At meron pang parang pinagpapawisan at napapalunok.
At habang tumatagal ay mas na eenjoy ko na yung pagsayaw.
Muling nabaling ang tingin ko kay Grego. At katulad kanina, seryosong tingin pa rin ang binabato nito sa akin. Pero this time may kasama na itong paglunok. At bahagya pa nitong sinuklay ang buhok niya pataas gamit ang mga daliri nito sa kanang kamay nito.
Sobrang napasarap na ako sa pagsasayaw  ay hindi ko na napansin na tapos na pala 'yong tugtog. Na sinundan naman ng nakakabinging palakpakan at hiyawan at parang kulang na lang mag wala sila.
Hindi ko tuloy maiwasang maiyak dahil labis na kasiyahan. Ngayon ko lang kasi naramdaman 'yong ganitong klaseng pagtanggap.
Nag-bow lang ako bilang pasasalamat, pagkatpos ay bumalik na akong back stage.
"Base sa naririnig naming hiyawan at palakpakan mukhang maganda 'yong pinakita mo." -Pamela
"Mukhang pinainit mo 'yong stage. Grabe ang hiyawan ng mga lalaki." singit naman ni contestant number 10. At ang pangalan nito ay Janina.
"Mukhang alam na namin kung sinong mananalo." -Pamela
"At ako iyon!" pag-singit naman ni Marsha.
"Ah... O-Oo ikaw nga iyon." sang ayon na lang ni Pamela.
Nagpahinga lang kami ng saglit. Pagkatpos ay muli kaming pinabalik sa stage. I-a-announce na daw kasi 'yong top 5. Pero bago iyon, sasabihin muna daw nila yung mga nanalo ng award. Hindi na kami nagbihis. Kung ano yung suot namin no'ng nagtalent kami ay ganoon pa rin ng bumalik kami ng stage.
"So, now let's welcome the all candidates of Miss Carrison University 2021. Salubungin naman natin ng isang masigabong palakpakan ang ating naggagandahang kandidata na sobra naman talagang naghanda sa araw na ito. Dahil kitang-kita naman natin sa naging performance at siyempre sa itsura na nila. " ani ng host na walang iba kundi si Sir Pascual.
Isa-isa kaming lumabas, at humlira.
Halos lahat pangalan ko ang sinisigaw.
"Siyempre, before we know the top 5, i-a-announce ko muna ang mga nanalo ng award. So, our first award is "Best in Gown," na una pa lang ay nirampa ng mga candidate kanina. So, this award goes to...
"Candidate number 12... Hallia Gavrielle!..."
*/Palakpakan.
*/Hiyawan.
Ako ba iyon? Tama ba 'yong rinig ko? Pangalan ko ba talaga 'yong binanggit?
"Mukhang sobrang na-shock si candidate number 12. Hindi niya expected." -Host
"Anong gagawin ko?" tanong ko sa isip ko.
"Ahm, kung pwede lang Miss Gavrielle, pumunta po tayo dito sa harap para tanggapin ang sash."
Kahit na nasa gitna pa ako ng sobrang gulat ay pumunta ako sa harap para tanggapin ang sash. Tapos ay bumalik na agad ako sa puwesto ko.
"Palakpakan naman natin si Miss Gavrielle na talaga namang sobrang ganda. Nakakainggit, mapapa sana all na lang talaga ako.
Muling nagpalakpakan 'yong mga tao.
"Wooh!...  Napaka galing mo talaga, Hallia. I LOVE YOU!"
"Wooh!... Asawa ko iyan!"
"Ang ganda-ganda mo!...  Ang sexy-sexy mo, Hallia!.."
"Sobrang galing mong sumayaw kanina!"
"MARRY ME, HALLIA!"
"Ay, Grabe naman pala ang supporter nitong si candidate number 12. By the way move on na tayo. So ito na nga, our second award is "Best in Sport Attire." and this award goes to...
"Hallia Gavrielle, candidate number 12 again."
*/Palakpakan.
*/Hiyawan.
"Bongga itong si Miss Gavrielle, mukhang hahakot ng award." ani ng host na si Sir Pascual.
"Pero huwag panghinaan ng loob ang iba nating candidate, dahil meron pa tayong dalawang award. Oh my gosh, kanino kaya ito mapupunta?... I'm so excited na kaya let's find out na. The third award is The people choice award na binase sa total likes na nakuha ng picture ng bawat kandidata na ipinost sa page ng school. At alam kong alam niyo na rin kung sino ito kaya huwag na nating patagalin pa. This award goes to...
"Candidate number 12, Hallia Gavrielle!..."
*/ Palakpakan.
*/ Hiyawan.
At 'yong iba halos magwala na.
"Namumuro na talaga itong si candidate number 12." biro pa ni Sir Pascual.
"By the way alamin na natin kung sino ang nakakuha ng huling award na "Best in Talent" na kakatapos lang ngayon-ngayon lang. Mukhang 'yong iba pa nga sa ating mga manonood ay hindi pa nakaka-move on sa mga pinamalas na talento ng ating mga kandidato. Lalo na ang mga kalalakihan diyan na talaga namang nabusog ang mga mata. Pero ako, alam ko na kung sino yung nanalo ng award, kasi grabe naman talaga yung ginawa niya. Hindi niya lang talaga pinainit yung stage kundi ginising niya din ang natutulog na diwa ng mga kalalakihan na nandito. Napakagaling sumayaw, halos lahat ay hindi kumurap. So anong pang hinihintay natin. This award goes to....  none other than Miss candidate number 12, Hallia Gavrielle!... Palakpakan naman natin.
*/Nagpalakpakan ang mga manonood.
Ako ulit?
Ako na naman?
"Congrats." bati sa akin ng ibang kandidata, na sinuklian ko naman ng ngiti at pasasalamat.
Napatingin naman ako sa direksiyon ni Marsha na ngayon ay nakakuyom ang dalawang kamay at mahahalata rin sa mukha nito ang galit.
"Grabe naman si candidate number 12, hakot kung hakot. By the way, Congrats, Miss Gavrielle." ani ni Sir Pascual.
Bumabahang palakpakan ang natanggap ko. Ang sarap pala sa pakiramdam ang palakpakan ng mga tao.
Si Mamang at Chelie naman ay tuwang-tuwa with matching patalon-talon pa.
Sila Kervi, grabe din ang pagpalakpak at pag-sigaw.
Si Grego naman ay nakatingin sa akin gamit ang walang ekspresiyon na mukha. Nginitian ko siya ngunit nanatiling walang ekspresyon ang mukha nito.
Gusto kong malaman kung anong nasa isipan nito ngayon, kasi sa totoo lang hindi ko na ito maintindihan.

Komento sa Aklat (321)

  • avatar
    Manilyn Madelo

    ang ganda ng story

    8h

      0
  • avatar
    Cristal M.Arquilos,

    beautiful story

    29/08

      0
  • avatar
    EsplanaJha

    good

    10/12

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata