KABANATA 37

Ang hirap pa lang maging boyfriend itong si Grego. Bantay sarado ako, ni-hindi ko makausap sila Kervi. Lagi itong nakabuntot sa'kin. Ang clingy din nito, kung hindi nakayakap sa akin ay nakahawak naman ito sa kamay ko.
Pero hindi naman iyon ang pinoproblema ko ngayon, kundi yyng pageant. At ilang araw na lang bago maganap ito. Sana lang talaga makaya ko. Kasi ngayon pa lang kinakabahan na ako, natatakot na ako. Kasi paano kung hindi ko pala kaya?
"Ang lalim naman ata ng iniisip mo?" biglang tanong ni Grego.
"Kinakabahan kasi ako para sa palapit na pageant." pag-amin ko.
"Gusto mo bang umatras? Sabihin mo lang at ako ng bahalang gumawa ng paraan."
"Hindi. Hindi ako aatras. Sadyang kinakabahan lang talaga ako. First time ko lang naman kasing sumali sa pageant."
"Huwag ka na lang kayang sumali?" sabay yakap sa bewang ko.
"Hanggang kailan mo kukulitan pagdating sa bagay na iyan?"
"Hanggang sa magbago ang isip mo at umtras na lang."
"Sorry ka pero hindi na magbabago ang isip ko."
"Natatakot ako, Hallia."
"Natatakot saan?"
"Natatakot na baka sa araw ng pageant na 'yan mas lalo ka pang gumanda. At baka mas lalo lang silang mahumaling sayo." kitang-kita ang pangamba sa mga mata nito.
"About diyan Grego, kaya mo lang ba ako nilapitan at nagustuhan dahil mukha ko?" tanong ko dahilan para matigilan ito.
"Kung panget ba ako magugutuhan mo ba ako? O lalapitan mo man lang ba ako?"  tanong ko pa.
"O-Of c-course--- o-of c-course."
Sinungaling, sabi ko na nga ba yung ganda ko lang talaga ang dahilan ng lahat. Once a sinungaling always a sinungaling. One a manloloko always a manloloko.
"Tara kumain na tayo." pag-iiba nito ng topic.
"Mabuti pa nga." tanging naisagot ko na lang.
Mabuti at iniba niya yung usapan, ayaw ko na kasing makipaglokohan pa dito, nakakasuka lang.
*****
Nandito ako ngayon sa office ni Sir Pascual, bigla kasi ako nito pinatawag.
"Sir, pinatawag niyo daw po ako?" silip ko sa pintuan ng office nito.
"Oo girl, pumasok ka dito bilis, nandito na yung isusuot mo para sa sport attire."
"Talaga po?" excited kong tanong.
"Oo, pero hindi mo muna siya pwedeng makita. Sa mismong pageant na lang para nasurprise."
"E, kung gano'n po bakit nyo pa po ako pinatawag?"
"Sa totoo lang, kaya kita pinatawag ay gusto ko lang maki-chimis. Totoo ba, kayo ni papa Grego?"
"Hala! Sir, paano niyo po nalaman?" nahihiyang sabi ko.
"May papak ang balita, chismosa are everywhere. Kaya huwag ka ng magtaka. Usap-upsapan kayo girl. Headline, yung pinakgwapo at pinakamagandang estudyante sa paaralang ito ay mag-jowa na, ganern."
Dahil sa sinabi nito ay hindi ko napigilang matawa. May ganito pa lang side si Sir, mabait din palla ito.
"Pero alam mo girl, bet ko talaga yang si Grego, kaso hindi niya bet yung beauty ko."
"Ah.. Eh... Gano'n po ba." tanging nasabi ko na lang.
"Pero alam mo girl, sure win na talaga na ikaw ang mananalo."
"Ah... Eh... Hindi naman po siguro, kasi di hamak naman po mas maganda at mas may karanasan po yung ibang candidate kaysa sa akin.
"Ay pa-humble, kaya bet na bet kita e. Kasi hindi ka mayabang na bata, ang bait-bait mo."
"Salamat po. Pero Sir, hindi po ba ang unfair na naman po sa iba, kasi ako po tinutulungan niyo."
"Hindi naman siguro, maliit na tulong lang naman yung naimabag ko sayo.
"Kung para sa inyo ay maliit na tulong lang po 'yon, para po sa akin po ay sobrang laking bagay na po iyon. Kaya nga po sobra po akong nagpapasalamat sayo, Sir."
Pagkatapos namin mag-usap ni Sir ay bumalik na agad ako sa room.
"Saan ka ba nanggaling?" bungad agad sa akin ni Grego, pagkarating ko sa room. At talagang sa mismong pinto pa ito naghihintay na para bang isang guard.
Mas nauna kasi akong dumating dito sa university kaysa sa kanya. Kaya kahit papaano ay nakahinga ako. Palagi na lang kasi itong nakabuntot sa akin.
"Ahm, dumaan lang ako kay Sir. Pascual." sagot ko.
"Bakit hindi mo ko sinama?" tanong pa nito.
"Bakit sasama ka pa?" balik na tanong ko rin dito.
"Para mabantayan kita."
"Hindi mo naman ako kailangang bantayan. Hindi naman ako mawawala."
"Sinong may sabing hindi ka mawawala? Ang dami kayang nagkakainteres sayo. Baka mamaya bigla ka na lang nilang kidnapin." nakangusong ani nito.
"Grego, parang last time I checked parang ikaw ata itong nagbabalak na kidnapin ako." ani ko na ikinatawa naman nito ng bahagya.
"Nagsisi nga ako kung bakit hindi ko tinuloy." bulong nito, pero rinig na rinig ko naman.
"Ewan ko sayo, puro ka talaga biro." ani ko sabay lagpas dito at pasok sa loob ng room. Sumunod naman ito sa akin.
Ilang saglit pa ay nagsimula na ang klase.
"Kamusta ang paghahanda mo sa pageant, Hallia?" tanong sa akin ni Ma'am Tonyales.
"Ahm, sa totoo lang po kinakabahan po ako." pag-amin ko.
"Natural lang naman ang kabahan, pero sigurado akong kaya mo yan, Miss Gavrielle."
"Salamat po Ma'am."
"Ikaw, Miss Labrin. Kamusta ang paghahanda mo?" tanong naman nito kay Marsha.
"Hindi ko na po kailangang maghanda pa, mga loser lang naman po ang mga makakalaban ko. Kaya bakit pa ako maghahanda. Isa pa, for sure naman na ako na yung mag-uuwi ng korona." puno ng kompiyansang ani nito.
Pagkatapos ng klase ay dumiretso kami ni Grego sa canteen.
"Bagay na bagay sila, 'no?"
"Sinabi mo pa, ang ganda naman dakasi ni Hallia."
"At sobrang gawapo naman ni Grego. Kaya perfect match talaga sila."
"Narinig mo iyon?... Bagay na bagay daw tayo." nakangiting bulong ni Grego sa akin.
"Naniwala ka naman?" ani ko.
"Hala, tignan niyo ang sweet nila!"
"Oh My Gosh! Kinikilg ako sa kanila!"
"Nagtataray ka na naman." anito sabay haglit sa bewang ko papalapit sa kanya.
"Paborito mong gawin yan no?"
"Hmn, alin?"
"Yung bigla mo na lang hahaglitin ang bewang ko." mahina kong sabi.
"Gusto ko kasi palaging kang malapit sa akin. Yo'ng ganito kalapit." at mas lalo pa ako nitong hinila palapit sa kanya. Wala ng espasyo ang pagitan ng mga katawan namin. Gagahibla na lang din ang layo ng mukha namin sa isa't isa.
"Grego pinagtitinginan na nila tayo." bulong ko habang tinutulak ito sa dibdib palayo.
"Hayaan mo lang silang tumingin. Mamatay sila sa inggit. Kasi hawak ko ngayon ang pinakamagandang babae sa paaralan ito---ay mali pala, kasi pinakamagandang babae sa buong mundo."
"BO-LE-RO!..." ani ko na para bang pinapantig ko yung salita, na ikinatawa naman nito.
"I'm not." tanggi nito.
"Nek nek mo!... Sinong niloko mo?" ako sa isip ko.
"Bakit hindi ka ba babaero?" tanong ko.
"Oh, 'bat naman nasama ang babaero?"
"E, kasi po kapag babaero ka ay madali na lang sayo ang mambola."
Muli na naman itong tumawa.
"Wala talagang araw na hindi mo ako pinapasaya." nakangiting anito.
"At walang araw naman na hindi mo ako pinagloloko gamit ang mabulaklak mong mga salita. Akala mo ba madadalala mo ako sa kaga-ganyan mo?" ako sa isip ko.

Komento sa Aklat (320)

  • avatar
    Cristal M.Arquilos,

    beautiful story

    29/08

      0
  • avatar
    EsplanaJha

    good

    10/12

      0
  • avatar
    Kyle Luntao

    maraming maraming salamat po novelah

    09/11

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata