KABANATA 24

Agad akong lumayo dito at ginawaran ng isang malutong na sampal ang mukha nito.
"Bastos!" galit na ani ko, sabay talikod dito at martsa paalis.
Wala na yung first kiss ko! At kasalanan itong lahat ng buwisit na Grego na iyon. Anong karapatan niyang halikan ako?!
"Hallia?" habol nito sakin. At ng mabutan ako nito ay agad ako nitong hinawakan sa palapulsuhan ko. Na agad ko rin naman winaksi.
"Huwag mo akong hawakan! At lalong huwag mo na ulit akong lalapitan!" sigaw ko. St tinalikuran ko na itong muli. Buti naman at hindi na ako nito sinundan pa.
Kasi kung nagkataon baka masampal ko lang ulit siya. O baka hindi lang sampal yung magawa ko sa kanya kundi sabunot at sakal letse siya!"
Hindi porke masaharap yung labi nya ay—Hindi, hindi pala masarap kasi sobrang sarap lang na—este hindi pa rin tama na halikan nya ako.
Nagsimula at natapos ang klase na hindi kami nagkikibuan ni Grego. At nagpapasalamat ako do'n, kasi sa wakas tumgil na ito sa pangungulit sa akin.
Pagkarating ko sa bahay ay naabutan ko si Mamang na nakikipag-usap sa mga kapit bahay namin.
"Dang, kaano-ano ba kasi yung napaka gandang bata na nakikitara sa bahay mo?" tanong ni aling Merda kay Mamang.
"Diba sabi ko naman sa inyo na pamangkin ko iyon, kaya nga halos hindi kami nagkakalayo ng itsura. Pareho kaming saksakan ng ganda. Kung nakita nyo lang ako no'ng kabataan ko, tiyak na mas lalo pa kayong mama-mangha." pagmamalaki ni Mamang. At kitang-kita sa mukha nito ang sobrang kasiyahan. Ngayon ko lang siya nakitang ganito.
"E, si Halley, bakit hindi na namin nakikita?" tanong naman ni aling Telma.
"Si Halley, ibinalik ko na sa tunay niyang mga magulang. Naawa na rin ako do'n sa bata. Palagi na lang bunu-bully sa school."
"Mga Kabataan talaga ngayon, wala ng magawang tama. Pati yung taong nanahimik ginugulo nila." -Merda
"Sinabi mo pa, ang bait-bait kaya ni Halley para ganunin nila." -Telma
"Alam nyo kung hindi lang talaga ako pinipigilan noon ni Halley na sumugod sa school ay nakatikim na akin yung mga bwiset niyang kaklase at pati na rin yung ibang estudyanteng nang-bubully sa kanya." -Mamang
"At sasama kami sayo kung nagkataon." Telma/Merda
Kung meron man kaming dapat ipagpasalamat, ay isa doon ang pagkakaroon ng mabubuting kapit bahay. Ang turingan namin dito ay isang pamilya.
"Oh, ayan na pala yung napaka ganda mong pamangkin." -Merda
"Magandang hapon po." bati ko sa kanila. Lumapit ako kay Mamang at nag bless dito.
"Oh, siya pasok na muna kami at paghahanda ko ng meryenda itong pamangkin ko." ani Mamang kila aling Telma at aling Merda.
"Mamang marunong ka bang sumayaw?" tanong ko dito matapos ibaba sa mesa ang isang baso ng gatas at tinapay na may palamang peanut butter.
"Bakit mo naman naitanong?"
"Mamang, para sana sa talent ko."
"Ay, Oo nga pala, nakalimutan ko yung bagay na iyan."
"Ano Mamang, marunong ka po ba?"
"Aba'y siyempre naman, multi talented kaya itong Mamang mo. So, ang ibig bang sabihin nito ay sayaw ang itatalent mo?"
"Opo sana. Iyon na lang po kasi yung pwede kong italent."
"Sige."
"Ano pong sige?"
"Sige ako na magtuturo ng sayaw sayo.
"Salamat po Mamang, the best ka talaga?" sa saya ko ay niyakap ko ito."
"Ako na magtuturo para siguradong ikaw ang mananalong best in talent."
"Mamang, ok lang kahit hindi. Ang mahalaga ay may maipakita at may mai-perform akong talent."
*****
Pagpasok ko ng room ay agad akong dumiretso sa upuan ko, pero natigilan ako ng may makita akong pumpon ng rosas nakapatong sa aking upuan.
Para sa'kin kaya ito? Para makasigurado ay kinuha ko yung card na naka-ipit dito at binasa.
To: Hallia
From: Grego
Sorry for what I did yesterday, but I'm not feel sorry for kissing you.
Ano daw nagsosorry siya sa ginawa nya? Pero hindi sa paghalik sa akin?... Infairness  ang gulo niya sa part na iyon.
"Akala niya ba mamadadala niya ako sa mga pabula-bulaklak na ganito?! Nek-nek niya!"
Sa inis ko ay ambang ihahampas ko na ito sa table ng may marinig akong naubo sa likod ko. Nilingon ko ito, at dapat pala hindi ko na lang pala ginawa kasi ang buwiset na pagmumukha lang ni Grego ang nakita ko.
"Sayo na itong bulaklak mo!" sabay saksak ko sa dibdib nito.
"Ayaw mo nito?"
"AYAW!"
"E, kung gano'n anong gusto mo? Para iyon na lang bibilhin ko next time."
"AYAW KO NG KAHIT NA ANONG BAGAY GALING SAYO!"
"Kaya ka ba nagagalit ay dahil ba sa ginawa kong paghalik sayo, kahapon?" tanong nito sa nangungusap na mga mata.
"Hindi ba halata?" sarkastikong kong sagot.
"Pero diba nag-sorry na ako sayo?"
Peke akong natawa sabay palakpak at napailing-iling pa ako. "Nagsorry? Pagso-sorry ng matatawag iyon? At hindi porke nag sorry ka na ay ibig sabihin ok na! Na wala ka ng kasalanan! Kasi sa totoo lang, kahit anong gawin at ilang sorry ang sabihin ay mo hindi mo na maibabalik yung FIRST KISS KO!"
"You mean I'm your first kiss?" gulat na tanong nito, at hindi rin nakawala sa paningin ko ang munting ngiti na naka-ukit sa labi nito.
"Oo, first ko iyon! Kaya dapat hindi mo ko hinalikan, kasi may iba akong pag-aalayan no'n!"
Pagkasbi ko no'n ay biglang naging madlim ang ekspresiyon ng mukha nito. Nagtagis din ang bagang nito.
At sobrang naging mabilis ang sumonod na pangyayari dahil natagpuan ko na lang ang sarili ko na sobrang lapit dito at...
Magkadikit ang mga labi namin!
Hinalikan niya ako akong muli sa panglawang pagkakataon.
Ngayon pati na yung second kiss ko wala na!
Gumalaw yung labi nito, habang yung akin naman ay nanatili lang na nakatikom.
Gustong-gusto ko siyang itulak, kaso ayaw makisama ng mga kamay ko. Hindi ko ito magawang itaas, dahil masyado na akong nalulunod sa mga halik nitong ginagawa sa aking labi.
Ilang saglit pa ay binitiwan na nito ang labi ko. Ngunit nanatili pa ring magkalapit ang mga mukha namin. Hinawakan nito ang magkabilang kong mukha gamit ang dalawa nitong kamay. Tsaka nya pinagdikit ang mga noon namin.
"Ang labi mo ay para lamang sa labi ko." ani nito sa paos na boses. Pagkatapos ay muli na naman nitong ginawaran ng mabilis na halik ang labi ko.
Pati yung third kiss ko, wala na rin!

Komento sa Aklat (321)

  • avatar
    Manilyn Madelo

    ang ganda ng story

    8d

      0
  • avatar
    Cristal M.Arquilos,

    beautiful story

    29/08

      0
  • avatar
    EsplanaJha

    good

    10/12

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata