KABANATA 23

Pagkarating ko ng university ay agad akong dumiretso sa—Oo nga pala, hindi ko nga pala alam kung saan yung room nila Kervi.
Paano na?
Kapag kaya pinagtanong ko sila, may makakakilala kaya sa kanila? Hindi ko rin kasi alam yung apelyido nila. Pero alam ko naman yung grade nila, siguro sapat na iyon para mahanap ko sila. Nagtungo ako sa building ng mga grade 9.
"Ahm, excuse me po, pwede pong magtanong?" tanong ko sa grupo ng mga lalaking nakatambay sa labas ng room, mga grade 9 din ang mga ito.
Pero imbis na sagutin ako ay para lang silang ewan na nakatitig sa akin.
"Ahm, pwedeng pong magtanong?" ulit ko.
"Ah... Eh.. Oo ba, Oo ba Miss Hallia." sabay-sabay nilang sagot.
Ha, pati sila, kilala rin ako?
"Itatanong ko lang sana kung kilala nyo ba sila Kervi, Carlos, Jackson, at Ceejay?" tanong ko at sana talaga kilala nila.
"Ah, sila po ba? Oo kilala namin sila."
"Kung gano'n pwede nyo ba akong samahan sa kanila?"
"Oo naman." sabay na sagot nila.
At yung nga, sinamahan nila ako papunta sa room nila Kervi. At naabutan ko si Kervi na palabas ng room
"Miss Hallia bakit ka po nandito?" -Kervi
"Tama ba yung nadinig namin si Miss Hallia nandiyan?" -Jackson
Ilang saglit pa ay nasa harapan ko na yung apat.
"Bakit ka po nandito miss Hallia? May kailangan ka po ba samin?" -Carlos
"Meron e, kailangan ko kasi talaga ng tulong nyo. Kayo na lang yung malalapitan ko."
"Ano po bang problema Miss?" -Ceejay
"Kung pwede sa—"
Hindi ko na natapos yung sasabihin ko ng biglang sumingit si Grego.
"Anong ginagawa mo dito?... Mukha bang nandito yung room natin?" tanong nito sa seryosong na boses. At sabay hawak sa bewang ko. Na naging dahilan para manigas ako sa kinatatayuan ko.
"Ikaw, anong ginagawa mo dito?" baling ko dito.
"Ako dapat ang magtanong sayo niyan Hallia!... Bakit ka nandito?"  this time diin ang pagsasalita nito.
"Ano bang pakialam mo?" akala nya siguro masisindak niya ako.
Lumapit ito sa sakin, as in sobrang lapit. Yung tipong isang hakbang na lang layo namin sa isa't isa. Bahagya ito yumuko hanggang sa magpantay ang mga mata. Pinagkatitigan nya ako, mata sa mata.
"Ano pakialam ko? Nakalimutan mo na ba? Diba nga pagmamayari na kita?" bulong nito sa akin.
Tinulak ko ito, dahilan para maatras ito at mapalayo sakin.
"Pwede ba Grego, huwag mo kong inaangkin na para bang isa akong bagay!" sigaw ko dito.
Tinalikuran ko ito at bumaling kila Kervi, na nasa isang sulok lang at do'n ko lang din nakita na marami pa lang estudyante ang nanonood samin.
"Pasensya na sa inyo, ha?" paghingi ko ng paumanhin kila Kervi. "Mabuti pa sa susunod na lang tayo mag-usap." ani ko bago ako naglakad paalis.
Masyado ng ginugulo ni Grego yung buhay ko. Ano ba kasing kailangan or problema nya sa akin?
"Hallia?" habol ni Grego sakin.
Hindi ko ito pinansin at nagpatuloy ako sa paglalakad. Nang bigla na alo ako nito hagitin sa braso.
"Ano na naman ba Grego?" iritang ani ko, sabay bawi sa braso ko.
"Ano ba kasing ginawa mo do'n?" mariin na ang pagkakatanong nito.
"Bakit ba parang kating-kati kang malaman? May mangyayari ba kung malalaman mo, ha?
"Meron, makakampante ako!"
"Makakampante saa—"
Hindi ko natapos ang tangka kong sasabihin ng hagitin ako nito bigla sa bewang, papalapit sa kanya.
"G-Grego ano ba? B-Bitawan m-mo n-nga a-ako!" nagpupupiglas ako sa pagkakahawak nito. Pero mas lalo lang nitong hinigpitan.
"Sabihin mo muna kung anong kailangan mo sa mga lalaking iyon!" madilim na yung ekspresiyon ng mukha nito. Desperado na talaga itong malaman.
"OK FINE!" mukhang wala na rin naman akong pagpipilian. "Nandoon ako kasi magpapaturo ako ng sayaw." napahina yung boses ko. Nahihiya kasi akong sabihin sa kanya.
"Sayaw? For what?" kunot noong tanong nito.
"Para sa talent na gagawin ko sa pageant."
"Hindi ba talaga kita mapipigilan sa pag-sali mo na diyan?"
Natahimik ako, hindi ko kasi alam kung anong ire-react o sasabihin ko.
"I think, mukhang hindi na nga." sagot nya sa tanong nya.
"G-Grego, baka naman pwede mo na akong bitawan." mahinang usal ko. Dahan-dahan naman ako nitong binitawan. Pero... muli na naman ako nitong hinagit sa bewang. At this time nilapit na nito yung bibig nito sa bandang tenga ko.
"Huwag lang ulit kitang makita sa lugar na ito. Dahil kung hindi, baka hindi mo magustuhan yung gagawin ko sayo. Huwag mong sabihing hindi kita binalaan, my baby. Pero I think magugustuahn mo rin naman ito. Maybe sa umpisa magpupumiglas ka pero in middle... for sure magugustuhan at masasarpan ka." may naglalarong pilyong ngiti sa mga labing ani nito.
Ako lang ba o parang may kakaiba sa sinabi nito, parang may ibang kahulugan na hindi ko mawari.
Pagkatapos ng pag-uusap namin ay akala ko hindi na ako nito muling guguluhin pa. Kaso hindi, kasi ng mga sumunod na araw ay lagi na itong nag-aabang sakin sa gate. Agad na ako nitong hihilahin papuntang room. At ang hindi ko maintindihan bakit hinayaan ko lang na kontrolin nya ako? Bakit hindi ko magawang umangal sa mga pinag-gagawa nito sa'kin? Diba nga galit ako sa kanya? Pero bakit parang unti-unti ng nalulusaw yung galit na nararamdaman ko para sa kanya?
*****
Lingon sa kanan... Lingon sa kaliwa... Yes, walang Grego na haharang sa akin.
Dali-dali akong naglakad papuntang building ng mga junior high. Pero hindi pa man ako nakakasampung hakbang ay may humawak ng ng bag ko sa likod, naka backpack kasi ako, dahilan para mapahinto ako sa paglakad. Mukhang hindi ko na ata kailangan pang alamin kung sino ito, dahil for sure si Grego lang ito. Dami ko na nga pinoproblema tapos sasabay pa siya. Nakakainis na.
"And, where do you think you're going, hmn my baby?" bulong nito sa tenga ko mula sa likuran. Gamit ang malamyos na tinig, na dahilan para manigas ako, at nagdulot sa akin ng kakaibang pakiramdam. Parang nagtaasan yung mga balahibo ko sa katawan.
Pero tama ba yung narinig ko? Tinawag nya akong baby?
Ipinihit ako nito paharap sa kanya. Tsaka ako pingkatitigan. "Diba sabi ko naman sayo, na kapag nakita kita ulit n pumunta sa lugar na iyon, hindi mo magugustuhan yung gagawin ko sayo." malamyos pa rin ang gamit nitong tinig pero this time seryoso na.
"Pero ka—
Huli na para magpaliwanag ako dahil... Hinagit na ako nito sa bewang at walang sabi-sabing... HINALIKAN AKO SA LABI.

Komento sa Aklat (321)

  • avatar
    Manilyn Madelo

    ang ganda ng story

    5d

      0
  • avatar
    Cristal M.Arquilos,

    beautiful story

    29/08

      0
  • avatar
    EsplanaJha

    good

    10/12

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata