Halos isang buwan na rin akong pumapasok bilang Hallia. Naging maayos at masaya naman yung naging araw ko dito, bilang Hallia. "Miss Gavrielle, malapit na kasi yung "Miss. CU" at gusto namin na sumali ka." ani ni Ma'am Tonyales, na naging dahilan para manlaki yung mga mata ko sa gulat. Miss. Carrison University, ay isang pageant na ginaganap taon-taon dito sa school. Kung saan kahit sinong grade 11 at 12 ay pwedeng sumali dito. As long as maganda, talented at matalino. Kaya nagtataka ako kung bakit nakasali si Marsha. Yung dalawang nauna lang naman yung meron sya, kasi yung talino wala siya at mukhang hindi rin siya magkakaroon pa nito. "Pero Ma'am, kasi po hin—" "Sige na Miss Gavrielle, halos lahat ng teacher ay asang-asa na sasali ka. Bagay na bagay ka do'n. Sa ganda mong iyan for sure mananalo ka." "Hindi naman po sa ayaw ko pero kasi wala po kasi akong ta—" "At isa pa, may malaking plus points ito sa card sa lahat ng subject at exempted din sa darating na exam." Putol na naman sakin ni Ma'am Tonyales. "Ehem, ehem." tikhim ni Marsha. "Sige na, sumali ka na." tudyo pa mga kaklase ko. "Huwag kang sasali." may babalang bulong naman sakin ng katabi kong si Grego. At dahil sa hindi ko kayang tanggihan pa si Ma'am Tonyales at dagdagan pa ng mangungulit ng mga kaklase ko. Ay ayon pumayag na akong sumali. Kaya mamaya pag-uwian na ay didiretso akong gymnasium para mag pa register. At tulad ng inaasahan ko, nag-alburoto na naman itong Marsha, kesyo ang lakas daw ng loob kong sumali baka daw magkalat lang ako sa stage. Si Marsha, sya yo'ng nanalo na Miss Carrison no'ng nakaraang taon. At sisiguradhin niya daw na sya pa rin yo'ng mananalo ngayon. Di-hamak naman daw na mas magaling siya kaysa sakin. Edi sya na, kanya na yung korona, isaksak nya sa utak niya para naman magkalaman kahit papaano. "Really, Hallia? Sasali ka sa pageant na iyon?" tanong ni Grego sa hindi ko maipaliwanag na emosyon, para kasi itong galit na hindi ko mawari. Nandito kami ngayon sa garden, at tulad ng nangyari no'ng isang araw at ng kahapon, kinaladkad na naman ako nito papunta dito. "Bakit, may masama ba kung sasali ako." tinaasan ko ito ng kilay. "Oo, meron!" napataas ang boses nito. "Talagang papayag ka na ibalandra yung sarili mo sa harap ng mga lalaki?" "Harap ng mga lalaki? Bakit mga lalaki, e. hindi lang naman mga lalaki yung manonood no'n." "Wala akong pakialam, basta ang alam ko lang na maraming lalaki ang manonood kapag nalaman nilang kasali ka." "E, ano naman ngayon?" tanong ko. Hindi ko kasi maintindihan kung ano bang punuputok ng butsi nito. Tsaka hindi ko na rin kasi talaga siya maintindihan pa. "Kasi baka lalo ka lang nila magustuhan." bulong nito, pero malinaw na malinaw ko itong narinig. ***** Nang uwian ay agad akong dumiretso sa gymnasium para mag pa register. Marami akong nakasabay na estudyante na sasali din. Magaganda rin sila, at yung iba sa kanila ay mga sumali rin no'ng nakaraang taon. Haist! Ano bang laban ko sa kanila? Naging mabilis lang yung naging takbo ng registration, since magsagot lang naman ng form yung ginawa ko---I mean namin pala. And after kong magsagot, sinubmit ko na ito sa teacher na si Sir Pascual, na nagbabantay at nag lbibigay ng form para sa mga gustong sumali. "Buti naman at sumali ka." tanong ni Sir Pascual, isa itong bakla. Naging teacher ko ito no'ng grade 11 ako. At masasabi ko lang, wala akong natanggap mula rito kundi puro panlalait at masasakit na salita. Pero matagal na naman na iyon, wala na sakin iyon. Wala naman kasing mangyayari kung magtatanim ako pa ako ng sama ng loob. "Totoo nga yung sabi-sabi ng iba na sobrang ganda mo nga talaga." ani ni Sir Pascual habang matamang nakatingin sa mukha ko. "Ah, salamat po Sir." nahihiyang kong ani. "Nakaka-ingit yung ganda mo girl." -Sir Pascual "Kayo din naman po Sir, maganda din po." totoo naman kasi maganda talaga sIya. Mukha siyang babae. "Maganda pero Sir?" "Ay sorry po Si—este Ma'am po pala. Pagkatpos ng audition ay umawi na rin agad ako. "Mamang, may problema ako." "Ano na naman ba yan Halley—Ay Hallia ka na nga pala. Hindi pa rin ako masanay sa bago mong pangalan. "Mamang kasi naman yung teacher ko pinilit akong sumali sa pageant." "Oh, tapos... For sure hindi ka pumayag ka— "Pumayag po ako." putol ko rito. "TOTOO? SUMALI KA TALAGA?!" bakas sa mukha nito ang sobarang kasiyahan at excitement. Akala ko magagalit si Mamang pero hindi kasi tuwang-tuwa pa ito. "OH MY GULAY! HALLEY, BUTI NAMAN AT NAISIPAN MONG SUMALI!" nagtitili ito. "Napilitan lang po ako." nakasimangot kong sabi. Hindi ako nito pinansin. "For sure ikaw na yung mananalo Hallia, sa ganda mong iyan, kabog silang lahat sayo!" "Mamang, ang sabi ko napilitan lang naman po ako." ulit ko. Hindi pa rin ako nito pinansin. "Mabuti pa maghahanda na ako ng isusuot mo. Ano ba kailangan? Evening gown? National costume? Swim suit? Ano pa ba?... Ay oo nga pala yung mga make-up na gagamitin mo. Pero teka, ang ganda mo na kasi kaya siguro kahit ng walang make-up. Natural na mapula ang pisngi mo, gano'n din ang labi mo. Kaya parang hindi mo na kailangan pa ng make-up.... pero kailangan mas maging maganda ka pa, kailangan ikaw yung pinakamaganda, para siguradong sayo ang korona. Kaya sige bibili ako ng make-up. Doon ako sa mall bibili para sure na hindi peke. Mahirap na baka sensitive yung face mo. Ano pa bang kailangan? " natataranta na ito. "Mamang hindi naman po Miss Universe yung sasalihan ko." "Siguro dapat kontakin ko na yung mga mamars ko pa para matulungan nila ako sa paghahanda sa pageant mo. Alam mo ba Hallia, matagal ko na itong pangarap, yung makita kitang sumasali sa ganitong uri ng patimpalak." excited na ani nito. At iyon nga, sa sobrang taranta nito hindi na ako nito pinansin pa at ang tanging naging bukang bibig na lang nito ay ang pagsali ko sa pageant. Ngayon kasalukuyan akong nakahiga sa kama ko. Nag-iisip, actually namomroblema pala. Hindi ko kasi alam kung ano bang pwede kong italent. Hindi naman kasi akong pwedeng kumanta, kasi hindi talaga ako marunong. E, kung sumayaw na lang kaya ako?... Iyon na lang din kasi yung pagpipilian ko. Wala na akong ibang pagpipilian kundi sumayaw na lang talaga. Pero ang tanong kaya ko ba? Hindi ko pa kasi naranasang sumayaw sa buong buhay ko, hanggang sa panonood lang kasi ako. Pero base sa mga napapanood ko parang madali lang naman. Siguro magpapaturo na lang ako. Pero kanino? Ah, alam ko na, kila Kervi kaya? For sure marunong yung mga iyon. Tama, bukas pupuntahan ko sila.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
ang ganda ng story
9d
0beautiful story
29/08
0good
10/12
0Tingnan Lahat