KABANATA 18

"Naglalakad ka lang pala pauwi." boses galing sa tabi ko. Kaya agad ko itong binalinga ng tingin.
Si Grego...
Gaano katagal ko na siyang katabi at kasabay maglakad?... Bakit hindi ko manlang siya naramdaman?
"Nandiyan ka pala. At Oo! naglalakad lang ako. Kanina ka pa ba nasa tabi ko?"
"Simula ng lumabas ka ng gate ng university magkasabay na tayo. Hindi mo lang napansin kasi masyadong malalim yung iniisip mo. Halos hindi ko na nga mabilang kung ilang beses kang bumuntong hininga." anito.
Halos almost 15 mins. na akong naglalakad. So, gano'n katagal ko na siyang kasama?
"Ah, gano'n ba." Tanging nasabi ko na lang.
"Dapat hindi ka naglalakad ng mag-isa, lalo na't malapit ng mag-gabi. Masyadong delekado sa daan."
"Sa tagal ko ng ginagawa ito wala namang masamang nangyari sakin. Tsaka kaya ko yung sarili ko. Salamat sa na lang sa concern, pero hindi ko kailangan nyan." malamig kong usal.
"Suplada." bulong nito. Akala nyan naman hindi ko narinig.
"May sinasabi ka ba?" tanong ko.
"Nothing." bahagya itong umiling. Meron ding sumisirit na ngiti sa labi nito.
"Para kasing may binubulong ka e."
"Ok fine. Ang sabi ko is... ang ganda mo, sobrang ganda."
"Parang hindi naman iyon yung sinabi mo kanina. Ang pagkakarinig ko kasi is sinabihan mo ako ng "Suplada"
Bahagya itong tumawa. "Narinig mo naman pala, bakit tinanong mo pa?" natatawang wika nito.
"Bakit masama bang magtanong?... Edi sana hindi mo lang sinagot. Tsaka kung sasagot ka man sana yung totoo na." nagpatiuna na akong maglakad.
Ilang saglit pa ay kasabay ko na naman itong maglakad. Huminto ako at hinarap ito.
"Bakit mo ba ako sinusundan? O ang mas magandang tanog is... hanggang kailan mo ako balak sundan?"
"I just want to make sure na ligtas kang makakauwi sa inyo."
Mukhang hindi ako mananalo sa lalaking ito. Kaya hinayaan ko na, pero natigalan ako ng maalalang alam nga pala ni Grego yung bahay ko no'ng Halley pa ako. Hindi nya pwedeng malaman na do'n din ako nakatira as Hallia. Baka magtaka iyon.
Huminto ako sa paglalakad. "Ok, na dito. Pwede mo na akong iwan."
"Dito ka na ba nakatira?"
"Oum, kaya makakaalis ka na." pagtataboy ko dito.
At buti na lang at hindi na ako nito pinahirapan pa. Umalis din agad ito.
*****
"Grego na naman, akala mo ba hindi ko napapansin na iniiwasan mo ako this past few days?!"
"Pwede ba huwag ngayon Marsha, ang aga-aga, oh." iritadong sabi ni Grego.
Yan yung tagpong naabutan ko sa room namin. Naging nakasanayan ko na kasing pumasok ng maaga. So ayon nga, nabutan ko si Marsha at Grego na nag-uusap ba o nagtatalo?... Haist! ewan ko sa kanila.
Nakayakap si Marsha sa baywang ni Grego. Habang si Grego naman ay kinakalas ang yakap nito.
Dire-diretso akong pumasok. Wala akong pakialam kahit pa naglalandian sila.
"Yan ba yung pinalit mo sakin Grego?" galit na ani ni Marsha hang nakatingin sakin
"Yang feelingerang epal na 'yan?..." dagdag pa nitochabang dinuduro ako.
Hinawakan ni Grego ang kamay nitong nakaturo sakin at binaba ito.
"Alam mo MISS MARSHA, kung may problema kayo ng BOYFRIEND MO, please lang huwag nyo kong idamay." seryoso kong sabi habang nakataas ang isang kilay ko.
"Wow, nagmamalinis ka girl?" peke itong natawa habang binabato ako masama ng tingin.
Hindi ko ito pinansin at naupo na lang sa upuan ko. Ang aga-aga naman nitong high blood.
At ano yung sinasabi nyang nilalandi ko si Grego?... Kanyang-kanya na si Grego, isaksak nya sa baga nya.
"Marsha ano ba? tama na, tumigil ka na!" mariing ani ni Grego habang hawak ito sa braso na parang pinipigilan. Si Marsha naman ay nagpupumiglas sa pakakahawak nito.
"Bakit ako yung pinapatigil mo? Bakit hindi siya?" turo nito sa'kin. "Siya yung patigilin mo sa panglalanding ginagawa nya sayo!"
"Ano ba Maraha, hindi ka ba titigil?" malakulog na sigaw na ni Grego. Dahilan para tumigil na ito at padabog na nagmartsa na lang palabas ng room.
Agad na lumpit sakin si Grego. "Sorry sa ginawa at nasabi ni Marsha."
"Grego, huwag kang magagalit, ha? Pero kasi, kung may problema man kayo ng girlfriend mo sana pag-uspan nyo ng maayos. Hindi yung dinadamay nyo ako. Tsaka huwag ka ring lumalapit pa sa akin, kasi napapagkamalan akong NILALANDI KITA!... Kahit ang totoo ay hindi naman talaga."
Hindi na ito nagsalita pa, imbes ay tinungo na lang nito yung upuan nito na katabi ng upuan ko at naupo dito. Bukas talaga sa ibang upuan na ako uupo, tutal naman marami pa namang vacant seat. Ewan ko ba naman kasi kung bakit doon pa ako umupo sa tabi nya, kahit pa na alam ko namang hindi na ako si Halley na dating nakaupo do'n.
Ilang sandali pa ay nagdatingan na yung iba naming kaklase. Nag-upisa na rin yung klase. Si Marsha naman ay hindi na bumalik pa.
Discuss...
Discuss...
Discuss...
Discuss...
Discuss...
Discuss...
Lunch break...
"Ahm. Hallia, tara sabay na tayong kumain." yaya sakin ni Casho.
"Hindi na. May baon kasi ako," tanggi ko.
"Ahm, gano'n ba. Sige next time na lang." bigong ani nito, sabay alis sa harapan ko.
Ako na lang yung tao sa room, nagsilabasan na kasi yung iba para magtake ng lunch sa canteen. Mas pinili ko na lang magbaon, ayaw ko na kasing makisabay pa sa gulo sa canteen.
"Pwede maki-upo?..." boses ni Grego. Inangatan ko ito ng tingin. Nakangiti ito, na hindi ko alam kung bakit. Ah, baka siguro nagka-bati na sila ni Marsha, kaya good mood na siya ulit.
May dala itong pagkain. Ano, balak nya ba akong sabayan kumain?
Bumili siguro siya ng pagkain sa canteen. Pero ang tiyaga nya rin, kasi medyo may kaluyan yung canteen sa room namin. At isa pa, yung way papuntang canteen ay open space kaya naman ang sapul-sapol ka ng init ng araw.
"Diba nag-usap na tayo?... Alin ba ang hindi mo naintindihan sa "huwag mo na ulit akong lalapitan?"" ani ko dito gamit ang seryosong tinig.
"I don't remember na pumayag ako sa sinabi mo." sabay upo sa katabi kong upuan.
"Grego naman, bakit mo ba ako ginugulo ng ganito?" ako sa isip ko.
Hinayaan ko na lang itong sabayan ako, tutal naman, wala na rin akong magagawa dahil nandiyan na sya.
Kasalukuyan kaming kumakain. Hindi kami nag-uusap at parehong nasa pagkain ang atensyon. Napaka tahimik at tanging pagnguya lang namin ang tanging ingay na maririnig
"Mukhang masarap ata yang ulam mo." biglang ani nito.
Dinedma ko lang ito. At nagpatuloy sa pagkain. At habang kumakain kami ay paminsan-minsan itong nagtatanong, at panay lang din ang dedma ko dito.
Haist!.... Paano ko siya magagawang iwasan kung siya na itong lapit ng lapit sakin?
Mukhang kailangan ko na ngayong humingi ng tulong kay Eva Eugenio. Oh, tukso layuan mo ako!

Komento sa Aklat (321)

  • avatar
    Manilyn Madelo

    ang ganda ng story

    9d

      0
  • avatar
    Cristal M.Arquilos,

    beautiful story

    29/08

      0
  • avatar
    EsplanaJha

    good

    10/12

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata