KABANATA 17

"Mamang?" tawag ko dito. Kasalukuyan kasi kami ngayong kumakain ng hapunan.
"Oh, bakit?" natigilan ito sa pag-amba nitong pag-subo ng pagkain.
"May tanong po ako."
"At, ano naman iyon Halley?"
"Mamang, ngayon na maganda na ako, ano po bang dapat kong gawin?"
"Mag-aral ng mabuti, iyon lang."
"Pero Mamang, sila Casho at Grego po kasi lumalapit sila sakin. Ano pong gagawin ko?"
"Iwasan mo sila, hindi sila makakabuti sayo. Lalo na yang Shota ni Dora."
"Huh? Sino pong shota ni Dora, yang pinagsasabi nyo po?" nalilito kong tanong dito.
"Yang si Diego... "
"Mamang naman, Grego po iyon. Tsaka ang pagkakaalam ko po ay hindi magshota si Dora at Diego kasi magpinsan sila.
"Wala akong pakialam kung sino yang hinayupak na yan!... Basta iwasan mo yan! Iwasan mo silang lahat!"
"Yan naman po talaga yung gagawin ko, ayaw ko na siyang pagkatiwalaan pa ulit.
Minsan na akong nakaramdam ng pagkagusto sa kanya, pero naglaho din agad iyon matapos kong malaman yung tunay nyang kulay.
*****
"Ang kapal ng mukha, kabago-bago pa lang pero ang landi-landi na. Pati boyfriend ko nilalandi! Nasaan naman kaya yung hiya ng isa dyan?!" pagpaparinig ni Marsha. At sigurado akong sakin nya pinapatama iyon.
Tsaka sino bang boyfriend yung tinutukoy nya? Si Casho ba o si Grego?
Minsan ko na rin kasi silang nahuli ni Casho naghahalikan sa library no'ng minsang may kinuha akong libro do'n.
Hindi ko na lang pinansin si Marsha. Nagbasa na lang ako ng lesson, may long quiz kasi mamaya sa isang subject namin.
"Oo nga pala, may long quize pala tayo ngayon kay Ma'am Casago." -Trasey
"Paano na tayo?... Wala tayong kokopyahan kasi wala na si Halley-Maw." ani ng isang kong kaklase na si Kyla.
Sa halos isang linggo ko ng pagpasok dito bilang Hallia, ay ngayon na lang ulit nila binanggit yung dati kong pangalan na Halley.
"Oo nga sayang. E, sya lang naman yung dahilan kung bakit nakakapasa tayo sa mga exam." ani pa ng isa kong kaklase na si Cheska.
Totoo iyon, ako ang dahilan kung bakit nakakapasa silang lahat, even sa assignment kumukopya din sila sakin, para bang ako na yung nagsilbing utak nila. Wala naman kasi akong choice kundi pakopyahin sila. Pero ngayon paano na sila? Ngayon na wala na si Halley, wala na yung dating ako. Kaya wala na silang matatakot at mauuto pa.
"Pero speaking panget na iyon, bakit kaya bigla na lang siyang nawala?..." humihikab na ani ni Casho.
"Nagtataka pa kayo kung bakit?... Malamang hindi nya na kayang pumasok pa dahil sa kahihiyan. Ikaw ba naman hubaran sa harapan ng maraming tao, at makita yung dibdib mo, hindi ka ba mahihiya?... Grebe, iyon lang pala ang kailangan para mapa-alis siya dito. Kung alam ko lang edi sana noon pa lang ginawa ko na iyon." -Marsha
"Pero alam nyo may paghihinayang ako ng gabi na yan." ani Casho dahilan para mapatingin ang lahat sa kanya. "Dapat talaga sinundan ko yang si Halley nung gabi na iyon. Sayang din iyon, ang ganda pa naman ng katawan. Pwede ng patiyagaan, takpan na lang yung mukha." dagdag nito na nag pakuyom sa kamay ko. Habang yung iba ko namang kaklase ay natawanan.
Wala na nga si Halley, pero ayaw pa nilang tigilan. Hanggang kailan ba nila ito gagawing katatawanan. Hindi ko pa rin kasi maiwasang makaramdam ng sakit, kasi kahit anong manayari, ako pa rin iyon. Ako pa rin yung patuloy nilang kinukutya.
"Hey, are you okay?...." tanong ni Grego sa tabi ko. "Bakit ka umiiyak?" dagdag pa nitong tanong.
Ako umiiyak?... Agad kong hinawakan yung mata ko... tama nga sya, uumiiyak nga ako.
"May problema ba?" tanong pa nito sa nag-aalalang tinig. Habang ang kaliwa naman nitong kamay ay nakahawak sa braso ko.
"A-Ahm, wala." sabay waksi sa kamay nitong nakahawak sa braso ko. Tinuon ko na lang ulit yung atensyon ko sa pagbabasa.
Pero ilang sandali pa, may kamay na may hawak na panyo ang humarang sa binabasa ko.
"Here take it, punasan mo yung luha mo." alok nito sakin ng panyong hawak nya.
"Hindi na, I have mine." sabay labas ko ng panyo sa bulsa ko at punas sa luha ko. Muli kong binalik ang atensyon ko sa pagbabasa. Hindi na rin ako muli pang kinausap nito.
"Pero alam nyo buti na lang talaga umalis na dito si Halley-Maw." Trasey
Hindi pa rin ba sila tapos sa pag-uusap nila tungkol sakin?
"Sinabi mo pa, at least hindi na tayo naiimbyerna tuwing nakikita yung pagmumukha nya!" -Marsha.
"Pero nawala nga yung panget, may pumalit naman na feelingera na higad!" -Marsha ulit
"Yuck!... I hate higad, SOBRANG KATI kaya no'n!" -Trasey
I know na sakin nila pinapatama iyon, pero hindi naman ako tinatablan kasi kung meron mang makati saming tatalo, silang dalawa iyon. Para namang hindi ko alam na ang dami nilang kinakalantaring lalaki dito. Ginagamit nila yung ganda nila para umakit ng mga lalaki.
"Nakakalungot, halos lahat kayo ang nakuhang score ay bagsak." -Ma'am Casago
Kakatapos lang kasi naming mag-take ng long quiz.
At tulad ng inaasahan ko halos lahat ng kaklase ko ay namroblema sa isasagot nila.
Gusto ko matawa kaso narealize ko na maling tawanan ang paghihirap ng iba. At kung ginawa ko iyon, ano na lang ang pinagkaiba ko sa kanila? Diba wala rin.
So what are we waiting for, uumpisahan ko ng sabihin yung mga score nyo. Para naman hindi na kayo mag-isip pa kung anong nakuha nyo.
Yung una ko munang babanggitin is yung maba-baba. Ok let's start...
"Trasey Dañas... 12/100"
"Casho Alvarez... 16/100"
"Marsha Labrin... 9/100"
"Cheska Andres... 15/100"
"Kyla Cortez... 19/100
"Grego Santilian... 96/100... Congrats Mr. Santilian isa ka sa dalawang nakapasa long quiz."
"Hala, dalwa lang sila?... Sino yung isa?"
"Ang galing talaga ni Greggo, gwapo na nga talino pa."
"Hmp. Masama naman yung ugali." bulong ko.
So, ito na yung isang nakapasa. She got perfect score.... Congratulation, Miss Gavrielle you got 100/100
"Wow! Matalino din pala sya. Ano ba yang mukhang nasa kanya na ata yung lahat."
"Tiyamba lang yan!" -Trasey
"Sip-sip!..." -Marsha
"Wow, ang galing nya..." -Casho
"Congrats." si Grego sa tabi ko.
"Salamat." simpleng sagot ko.
"So, sana sa susunod na mag-test kayo ay sana lahat makapasa na. Mas dagdagan pa ang oras pagre-review, iyon lang at class dismiss."

Komento sa Aklat (321)

  • avatar
    Manilyn Madelo

    ang ganda ng story

    7d

      0
  • avatar
    Cristal M.Arquilos,

    beautiful story

    29/08

      0
  • avatar
    EsplanaJha

    good

    10/12

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata