KABANATA 16

Naglalakad ako ngayon papuntang canteen. At tulad ng inaasahan ko ayan naman ang bulungan nila.
Pagkarating kong canteen ay saglit lang akong bumili ng pagkain at na-upo sa pinakadulong lamesa. Mag-uumpisa na sana akong kumain ng...
"Pwede bang maki-upo?..." inangatan ko ito ng tingin.
Si Casho lang pala.
"Ano ka-"
Hindi ko natapos ang balak kong sabihin ng bigla na lang may sumingit.
"That seat is already taken, taken by me."
Si Grego yung sumingit.
"Pre naman, huwag kang epal. Nauna na ako." ani Casho.
"So what's the matter? Ano ngayon kung ikaw yung nauna?..." seryosong ani Grego, habang binabato ng matalim na tingin si Casho.
"Pwede kung mag-aaway kayo, huwag sa harapan ko?... Do'n kayo sa labas, para wala kayong naiistorbo." ani ko sabay tayo at bibit sa pagkain ko. Mabuti sigurong sa garden na lang ako kuma- ay huwag na pala doon, kasi madumi na nga pala ang lugar na iyon. Ayaw ko ng maalala pa yung nasaksihan ko at narinig ko ng nung gabing iyon. Hanap na lang siguro ako ng iba. Ah, alam ko na, sa bench na lang malapit sa covered court.
Binabaybay ko yung daan pa papuntang covered court.
"Hallia?... " boses ni Casho at galing iyon sa likuran ko.
Hindi ko ito nilingon at nagpatuloy na lang sa paglakad hanggang sa tuluyan na akong makarating sa bence. Agad akong umupo dito.
"Dito ka ba kakain?..." si Casho pa rin. At bahagya pa itong hinihingal. Siguro ay tumakbo ito para maabutan ako.
Ano kayang nangyari sa kanila ni Grego? Nagkainitan kaya sila?
Haysss! ... Ano bang pakialam ko sa kanila! Dapat nga hindi ko na sila pinapansin at kinakausap pa.
"Bakit mo ko sinundan?" walang kaemo-emosiyon kong tanong.
"Ahm, gusto ko sanang sabayan kang kumain." ani nito habang kinakamot yung likod ng ulo na para bang nahihiya ito. Marunong pa lang mahiya ang katulad niya.
"Umalis ka na. Ayaw ko ng may kasabay." malamig kong sabi.
"Pe-"
"Kung ayaw mo, ako na lang." ambang tatayo na ako ng bigla itong magsalita.
"Hindi na, ako na lang yung aalis." pigil nito sakin. "Kumain ka na, sorry if naistorbo kita." dagdag pa nito bago ako tuluyang iwan.
Plastik, yan sila. At wala akong balak maging isa sa kanila.
Hay! Salamat naman at makaka-kain na ako ng maayos. Walang mga asungot na manggugulo.
Ay parang hindi pala kasi natanaw ko si Grego na papalapit sa direksyon ko. Ano naman kailangan ng isang ito sakin?
Nagpanggap ako na hindi ito nakita. Tinuloy ko ang pagkain ko.
Hangagng sa maramdaman ko itong umupos sa espasyo sa tabi ko.
"Okay lang ba if sabayan kita?" tanong nito.
Hindi ko pa rin ito pinansin. Sinunod-sunod ko ang pagsubo ko ng pagkain.
"Baka naman mabulunan ka niyan." ani nito sa nag-aalalang boses.
"Mabubulunan talaga ako kasi may katabi akong demonyo." bulong ko.
"Are you saying something?"
"Wala." maikling sagot ko.
Hindi na ito nagsalita pa at nag-umpisa na ring kumain. Mas nauna akong natapos sa kanya sa pagkain. Niligpit ko lang yung pinagkain ko. Pagkatapos ay iniwan ko na ito.
Ayaw ko na ulit mapalapit sa kanya. Hindi ko dapat binibigyan pa ng pansin ang katulad nya. Kilala ko na kung anong uri sya ng tao. At hindi siya makakabuti sakin.
Dati, every time na naglalakad ako dito sa covered court, tumitigil yung mga naglalaro para lang batuhin ako. Ngayon naman tumigil na sila para balingan ako ng tingin.
Nakatayo lang ako dito habang pinagmamasdan sila. At ngayon ay papalapit sila sakin.
Isa...
Dalawa...
Tatlo...
Apat...
Lima...
Lima silang papalapit sakin.
Pero agad din silang napahinto dahil sa biglaang pagsulpot ni Grego sa tabi ko.
Kaya naman yung ambang paglapit sakin ng mga limang lalaki ay naudlot. At mas pinili na lang bumalik sa court.
"Sakto lang pala yung dating ko." bulong nito at dahil matalas ang pandinig ko ay narinig ko ito.
"Bakit mo ko sinundan?" tanong ko. bago ako nag-simulang maglakad ulit.
"Hindi kita sinundan, remember magkakalase tayo kaya pareho lang tayo ng room. And so since parehas lang naman tayo, magsabay na tayo."
"Ano pa nga bang magagawa ko." sumusukong sabi ko.
Nagpatiuna ako sa paglakad, pero kahit anong bilis ang gawin ko sa paglakad ay naabutan pa rin ako nito. Kumpra naman kasi sa hakbang ko mas malaki yung kanya. Isang hakbang nya ay katumbas na ng tatlo kong hakbang.
Habang naglalakad kami ay heto na naman ang bulangan ng ilang estudyante.
"Hala, bakit sila magkasama ni Grego?"
"Sila na kaya?"
"Bagay naman sila e, maganda at gwapo."
"Ang swerete naman niya, kabago-bago lang pero napansin na agad sya ni Grego."
"Huwag na tayong magtaka, tignan mo naman yung itsura nya, ang ganda-ganda.
"Hallia, yan yung pangalan nya."
"Talaga?... Ano ba yan, pati pangalan ang ganda. Tunog diwata."
"Dapat lang talaga na maganda yung ipangalan sa kaniya. Yung babagay sa kagandahan nya."
"Gandang-ganda sila sayo." biglang usal ni Grego sa tabi ko.
"E, ikaw. Nagagandahan ka ba sa akin?" tanong ko, at hindi ko alam kung bakit bigla na lang itong lumabas iyon sa bibig ko.
"Yea, sobra." sabay patiuna nito sa paglalakad, habang ako naman ay napailing na lang.
Grego, ano na naman ba ang binabalak mo ngayon?
*****
Mabilis na natapos yung klase. Ngayon ay kasalukuyan na akong naglalakad palabas ng university ng...
"Hallia?" its Casho again. Ano naman bang kailanga nya sakin? Hanggang kailan niya ko balak kulitin?
Hinarap ko ito. "Ano na naman ba Casho?"
"Woah, kilala mo na ako?" may tuwa sa tinig nito.
"Ah, eh-Oo."
"Wow, yung pinakamagandang babae dito sa buong university natandaan ang pangalan ko."
"Madali lang naman kasi tandaan yung pangalan mo." naiilang akong natawa.
"Kahit pa, isa pa rin yung karangalan para sakin." kumikislap ang mga mata nito sa tuwa.
I knew it, he's flirting with me. Pero hindi nya madadala pagpapa-cute nya. But honestly pogi rin si Casho, isa rin sa kinababaliwan ng mga estudyante dito. Kung hindi lang dumating si Grego ay baka sya yung pinaka gwapo dito sa buong university.
Pero teka, ano yung sinabi nya kanina? Ako daw ang pinakamaganda sa buong university? Nagbibiro lang sya diba? Oo maganda ako pero may mas maganda pa sakin dito, katulad na lang ni Marsha at pati na rin si Trasey.
"Ano bang kailangan mo sakin?" tanong ko.
"Ah... Eh... Hatid na kita sa inyo, kung okay lang naman sayo?" nahihiya nitong sabi.
"Hindi na." nginitian ko ito ng payak upang iparating kahit papaano ay na appreciate ko yung pagmamagandang loob nito. Pagkatapos ay tinalikuran na ito at agad ng sumibat paalis.
Buti naman hindi na ako sinundan pa nito. Hmp, kaya lang naman niya ako nilalapitan kasi maganda na ako. Pero kung ako pa rin yung dating Halley ay baka dinruan na ako nito. Actually hindi lang sya kundi baka lahat ng tao sa university na ito.

Komento sa Aklat (320)

  • avatar
    Cristal M.Arquilos,

    beautiful story

    29/08

      0
  • avatar
    EsplanaJha

    good

    10/12

      0
  • avatar
    Kyle Luntao

    maraming maraming salamat po novelah

    09/11

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata