KABANATA 13

Pansamantala muna akong iniwan ni Delo. May gagawin pa daw kasi sya.
Ngayon heto ako, kasalukuyang papasok ng banyo para maghilamos.
Sigurado mukha na naman akong aswang na sabog-sabog yung buhok. Sabayan na pa ng nagkalat na make-up sa mukha ko na dahilan ng kakaiyak ko kagabi.
Nakakahiya naman, nagawa ko pa talagang humarap kay Delo na ganito yung itsura ko. Ang panget ko na nga tapos hindi pa ako marunong mag-ayos. Baka isipin no'n burara akong tao.
Pagkapasok ko ng banyo ay agad akong dumiretso sa sink para magsalamin.
Kaso pagharap na pagharap ko sa salamin ay...
Ibang mukha yung nakita ko... Kaya dali-dali akong umalis harap nito.
Sino iyon?
Hindi kaya may multo sa bahay na ito?
Muli akong sumilip sa salamin.
Hala! Nando'n pa rin yung babae na ubod ng ganda.
Grabe ang ganda nya!
Pero bakit nasa loob sya ng salamin?
Mabuti pa lumabas na ako dito baka mamaya masapian niya pa ako.
Sa takot ay lumabas na ako at hindi na naghilamos pa.
Saktong paglabas ko ng banyo ay siya namang pagpasok ni Delo sa kwarto.
"Bakit parang takot na takot ka?" tanong nito.
"Ahm, Delo umamin ka nga. May multo ba dito sa bahay nyo?"
"HAHAHAHA!" tawa ni. At ng maka-recover na ito kakatawa, tsaka ito nagsalita. "Bakit mo naman naisip na may multo dito" medyo natatawa pa rin na ani nito.
"E, kasi may nakita akong magandang babae sa banyo nyo." ani ko gamit ang maliit na tinig.
"Magandang babae?... " kunot noong tanong nito.
"Tara sumama ka sakin, ipapakita ko sayo?" sabay hila sa braso nito papasok ng banyo at dumiretso kami sa tapat ng salamin.
"Iyan ang babaeng tinutukoy ko." turo ko sa salamin.
Pero teka... Bakit ginagaya nya yung ginagawa ko?
"HAHAHAHAHAHAH!" tawa na naman nito. Pagkatapos pumuwesto ito sa likod ko tsaka nito hinawakan ko ang magkabilang balikat ko. "Miss, hindi ko alam kung anong bang nangyari sayo at bakit nagkakaganyan ka. But to tell you honestly. Yang nakikita mo sa salamin ay walang iba kundi ikaw. Ikaw mismo." ani nito na nagpagulat sakin.
Ako?
Ako itong magandang babaeng nasa salamin?
P-Pero pa-paano?
Paanong nangyaring ako ito?
Paanong naging maganda ako?
Hindi na tuluyang nag pa-process sa utak yung mga pangyayari. Nagdilim ang piningi ko nahimatay ako.
Ang tanging huling naramdaman ko na lang ay pagsapo sakin ni Delo.
.
.
.
.
.
.
.
Nagising ako dahil sa ingay ng pagbukas ng pinto.
"Buti naman at gising ka na." boses ni Delo iyon. "Halos isang oras ka din nakatulog," dagdag pa nito. "At buti na lang din nasalo kita kanina. Kung hindi baka nabaldog ka na.
Sa sinabi nito ay naalala ko na naman yung nangyari kanina sa loob ng banyo.
Bumangon ako sa pagkakahiga at naupo sa kama. Habang ito naman ay lumapit sakin at naupo rin sa kama.
"Ah Delo, pwede ba akong maki-hiram ng salmin?"
"Sure, sure." sabay abot sakin ng salamin na kinuha nya sa drawer na katabi ng kama.
Pagkaabot nito sakin ay agad kong tinignan ang itsura ko. At katulad kanina, magandang mukha pa rin yung nabungaran ko.
"Ako ba talaga ito?" tanong habang hinahaplos ko yung repleksyon sa salamin.
"Ikaw talaga iyan." ani nito habang titig na titig sa mukha ko.
"Paano ako naging ganito kaganda?"
"Aba'y ewan ko. Bakit hindi mo itanong sa parents mo?... Tutal sila naman yung gumawa sayo. Or I think baka maganda yung posisyon nila habang ginagawa ka, kaya ayan naging ganyan kaganda."
"Paanong posisyon?..." nalilito kong tanong dito.
"Hindi mo alam?"
Tumango ako bilang sagot.
"Ah, so isa kang-hindi bale na nga lang. At kalimutan mo na rin pala yung sinabi ko. Joke-joke lang iyon." kamot ulo nitong ani.
"Ahh... Okay." ani ko.
Muli kong binalik ang tingin ko sa salamin.
Hindi kaya na nanaginip lang ako?.... Oo tama, baka nga.
"Delo?" tawag ko dito.
"Uhm, bakit?"
"Pwede mo bang akong sampalin?"
"W-What?" gulat at nanlalaki matang tanong nito.
"Ang sabi ko, pwede mo ba kako akong sampalin?"
"Seryo ka ba dyan sa pinagagawa mo sakin?... Tsaka, bakit ko naman gagawin iyon?"
"Baka kasi na nanaginip lang ako. Baka panaginip lang ang lahat ng ito. Kaya sige na please Delo, sampalin mo na ako."
"Sorry Miss, pero hindi ko magagawa yung hinihiling mo. Hindi ko magagawang manakit ng babae, lalo na ganyan kaganda. Pero teka nga muna. Bakit ba kasi hindi ka makapaniwala na ikaw talaga yang nasa salamin?"
"Kasi hindi naman talaga ako yan." ani ko sa maliit na boses. "Kasi sa totoo lang pangit talaga ako, sobrang panget. Kaya imposible talaga na ako iyan."
"Maybe you're just traumatize sa nangyari sayo kagabi. Kaya kung ano-ano ng pumapasok sa isip mo. Siguro mas kailangan mo pang magpahinga pa."
"Pero Delo nagsasabi ako ng toto-
"Shhh... Pagpapatigil nito sakin habang ang ang hintuturo nitong daliri ay nakalapat sa labi ko. "Matulog na ka na ulit, then after that pag-uusapan natin yang gumugulo sayo. At kung ayos lang din sayo, ikwento mo na rin sakin kung ano bang nagyari sayo kagabi." dagdag nito at inalis na rin nito yung daliri nito sa labi ko.
"Hindi na siguro. Uuwi na lang ako. Baka hinahanap na rin ako ni Mamang ko. Tiyak na nag-aalala na sa akin iyon."
"Ihahatid kita sa inyo pero, magapahinga ka muna."
"Pere De-"
"Matutulog ka o hindi kita hahayaang makaalis dito?" pagbabanta nito.
Sa takot na baka hindi ako nito pauwiin ay sinunod ko na lang ang sinabi nito. Iniwan ako nito para makatulog daw ako.
Pero ang totoo hindi naman ako natulog. Kundi tinitigan ko lamang yung sarili ko sa salamin. Tinitigan ko yung repleksiyon ng napaka gandang mukha sa salamin na ngayon ay pagmamayari ko na.
Paanong ang magandang mukhang ito ay sa'kin na?
Ano ba talagang nangyari sakin?
Paano ako naging maganda?
Teka... hindi kaya dahil sa pagtama sakin ng kidlat?
Pero imposible kasi dapat tustado na ako ngayon.
Hayyy! Ano na ba itong nangyayari? Gulong-gulo na ako! Gulong-gulo na yung utak ko!

Komento sa Aklat (321)

  • avatar
    Manilyn Madelo

    ang ganda ng story

    4d

      0
  • avatar
    Cristal M.Arquilos,

    beautiful story

    29/08

      0
  • avatar
    EsplanaJha

    good

    10/12

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata