Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata. Puting paligid, yan yung nabungaran ko. Nasaan ako? Patay na ba ako? Nasa langit na ba ako? Ang alam ko kasi natamaan ako ng kidlat. Kaya for sure patay na ako. At ang alam ko, wala pa namang taong natamaan ng kidlat ang hindi namatay. Bumangon ako sa pagkakahiga ko at naupo. Nilibot ko ang tingin sa buong paligid. Nasa isang kwarto pala ako. Sa loob ng isang magarang silid. Wow, ganito pala sa langit. Akala ko kasi parang paraiso ang langit. Iyon pala hindi, kasi parang itong hotel room na ang tanging nakaka-afford lang ay yung mga mayayamang tao. "Buti naman at gising ka na." boses ng lalaki iyon. Agad kong binalingan ng tingin ang direksyon na pinanggalingan ng boses na iyon. "Sino ka po?" tanong ko dito. Lumapit ito sakin. Kaya naman napagmasdan ko ng mabuti ang mukha nito. Kung titignan ito ay parang kasing edad ko lang ito. At masasabi ko ring gwapo ito, pero mas gwapo pa rin si-haist! Hindi bale na nga lang. Ang dapat sa mga gano'ng uri ng tao ay kinakalimutan na. "I'm Delo, Delo Franco Villarmino" pagpapakilala nito. "Ako yung nakakita sayo, sa daan kagabi. Wala kang malay kaya naisipan kitang dalhin dito. At kung pabayaan kita do'n ay baka may mangyari lang sayong masama." "Ibig bang sabihin nito, buhay pa ako?" "What do you mean na buhay ka?" naguguluhan nitong tanong. "Kasi ang alam ko natamaan ako ng kidlat kagabi." "Imposible, kasi kung natamaan ka nga ng kidlat edi sana nasunog ka na or worst baka patay ka na. Tsaka imposible yang sinasabi mo kasi look at your skin sobrang puti at sobrang kinis. Ni walang bakas ng pagkasunog. Napatingin naman ako sa balat ko. Bakit parang lalo ata akong pumuti? Oo natural akong maputi pero hindi ganito kaputi na parang kulay gatas. "Mabuti pa kumain ka muna, for sure gutom lang yan. Kaya kung ano-ano ng naiisip mo." ani nito bago kunin yung pagkain naka-tray na nakapatong sa side table malapit sa kama. Siguro nga baka gutom lang itong nararamdaman ko. Binaba na nito sa harapan ko yung pagkain. At bigla akong naglaway at nakaramdam ng gutom ng makita ko yung pagkain. Agad kong sinunggaban at nilamon yung pagkain na nakahain sa harapan ko. Wala akong pake kung parang patay gutom akong kumain. Gutom na gutom na talaga kasi ako. Habang kumakain ako ay pasimple kong sinulyapan yung lalaki. At halos maluwa ko yung pagkain ko ng makita kong titig na titig ito sakin. "Gusto mo?" nahihiyang alok ko dito. "No thanks, I'm full. Kaka-kain ko lang. Para sayo talaga iyan." "Sigurado ka?" "Yea." sagot nito. "Ayaw mo talaga?" pangungulit ko pa. "Kulit," natatawang ani nito habang bahagyang umiiling-iling pa. Pagkatapos kong kumain ay saglit akong iniwan ni Delo dahil maghuhugas pa daw siya pinagkainan. Sabi ko na ako na lang kaso tumanggi ito. Magpahinga na lang daw ako. Ngayon kasalukuyan akong nakahiga sa kama. Tiyak na nag-aalala na sakin si Mamang. Mabuti sigurong umuwi na ako. Pero teka... Ang alam ko naka-gown ako kagabi. Bakit naka-t-shirt at nakapajama na ako ngayon? Jusko po! Huwag nyo sabihin na... At ayon, hindi ko na napigilang magti-tili. "Hey what's happen?" biglang sulpot ni Delo. "Walang hiya ka!" ani ko sabay lapit dito at pinagsasapok ito. "Bakit sinamantala mo yung kahinaan ko?!... Hindi porke panget ako ay gagahasain mo na ako! Walang hiya ka! Akala ko mabait ka, pero isa ka rin naman pa lang mapangsamantalang tao!" dagdag ko pa habang walang tigil sa pagsapok dito. "Aray! Aray!... Ano ba?... Anong bang pinasasabi mo? Anong sinamantala? Anong ginahasa? At Sinong panget?" "At talagang nagmamaang-maangan ka pa talaga! Ikaw na manyak ka!" "Sandali nga muna," anito sabay hawak sa dalawang kamay ko, dahilan para matigil ang pagsapok na ginagawa ko dito. "Bitawan mo kong Demonyo ka!" sigaw ko. "Miss, pwede ba bago ka magalit dyan sabihin mo muna kung ano ba yang kinagagalit mo SA AKIN?... Mag-usap tayo ng maayos hindi yung nambubugbog ka agad dyan." Hindi ko ito makitaan ng galit ang ekspresiyon nito. "Hmp." ani ko dito sabay bawi sa kamay ko at pinag-ekis ito sa dibdib ko. "Now, tell me. Ano bang problema mo, Miss?" "Ikaw kasi pinagsamantalahan mo ko." sagot ko, at kasabay no'n ang pagtulo ng luha ko. "What?... Ako pinagsamantalahan ka?" nanlaki yung mata nito. "Bakit hindi ba?... Kung hindi mo ako pinagsamantalahan bakit iba na yung suot kong damit?" ani ko sa maliit na boses. "HAHAHAHAHAHA!" tawa nito. "Tapos ngayon tinatawanan mo pa ako." tinignan ko ito ng matalim. "Sorry naman." Natatawang ani nito. "kasi naman, dahil lang sa napalitan yung damit mo inisip mo na agad na nirape na kita? Hindi ba pwedeng pinalitan kita kasi gusto kong maging komportable yung pagtulog mo. At isa pa sira na din yung gown na suot mo at medyo madumi rin. Baka mangati ka lang. Bigla akong dinapuan ng hiya matapos marinig yung sinabi nito. Nakakahiya yung inasal ko at sa ginawa kong pananakit sa kanya. "K-Kung gano'n, ikaw ba yung nagpalit ng d-damit ko?" nahihiya at hindi makatinging tanong ko dito. "What if ako nga? Anong gagawin mo sakin? Aliw na tanong nito. "Kung sakaling ikaw nga, pwede ba kitang sampalin? Kasi mali yung ginawa mo." Muli na naman itong tumawa. "Don't worry, I'm not, kundi yung isa sa mga katulong namin." ani nito na ikinahinga ko ng maluwag. "Pasensya ka na sa ginawa ko sayo kanina." nakayuko kong paghingi na paumanhin. "Grabe, ang sakit kaya ng ginawa mo sakin kanina. Kababae mong tao pero ang lakas mong manapok. Take note sobrang ganda mo pa nyan. Sige ka baka maturn off sayo yung mga manliligaw mo." Ako maganda? Bulag ba itong lalaking ito? Hindi niya ba nakikita kung gaano ako kapangit? "Pwede huwag na tayong maglokohan pa. Huwag mo na akong bolahin. Alam kong pangit ako." "Miss, hindi ako marunong manloko. Maganda ka talaga. As a matter of fact, ikaw yung pinakamagandang babae na nakita at nakilala ko sa buong buhay ko." Mukhang naka-shabu ata itong lalaking ito. Sayang ang gwapo pa naman nya para maging isang drug addict. "Ah... Eh... Oo na lang, kung saan ka masaya Mr. Delo." sang-ayon ko lang dito. Mahirap na baka bigla na lang ako nitong sasaksakin.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
ang ganda ng story
7d
0beautiful story
29/08
0good
10/12
0Tingnan Lahat