KABANATA 10

Prom Night
"Halley, anong oras na? Bakit hindi ka pa naliligo?"
"Ahm, ito na nga maliligo na po ako."
"Ay juskong bata ka, kung hindi pa pala ako nagpunta dito ay wala ka pang balak kumilos!"
Dahil ayaw ko ng masermunan pa ni Mamang ay dali-dali na akong naligo at nagbihis. Sinuot ko yung gown na bigay ni Grego at nilagyan lang ako ng konting make up ni Mamang. Yung buhok naman ay tinali nito into messy bun.
At hayan, ready na ako para sa prom.
"Oh My Gosh Halley, ang ganda-ganda mo!" manghang ani ni Mamang. Panigurado binobola lang ako nito. Sinakyan ko na lang rin para hindi na ito magtampo pa.
"Salamat po." nakangiti kong wika.
"Oh siya, mabuti pa't humayo ka na, for sure hinihintay ka ng Grego na KAIBIGAN MO." ani nito at talagang pinadiinan pa nito yung salitang "Kaibigan mo"
Pero ang isipin na hinihintay ako ni Grego ay nagbabilis ng tibok ng puso ko.
Sasabihan niya rin kaya ako na maganda ako?
Anong kayang magiging reaksyon niya kapag nakita niya ako na suot-suot ang binigay nyang gown?
Nag arakila lang si Mamang ng tricycle na maghahatid sakin.
Ngayon kasalukuyan ko ng binabaybay ang daan papapuntang gymnasium, doon kasi gaganapin yung prom.
Mas pinili ko na lang dumaan sa may garden, para wala akong makasalubong or makasabay pa na estudyante. Kung sa hallway kasi ako dadaan ay baka mapagtripan lang ako.
Ngunit habang naglalalkad ako ay may narinig ako na kung ano sa bandang mapunong parte ng garden. Hindi ko na sana ito papansinin ng marinig ko ang boses ni Marsha habang tinatawag ang pangalan ni Grego.
Hindi ko alam pero nagtapuan ko na lamang yung sarili ko na tinutungo yung pinanggaling ng boses ni Marsha.
At halos malalag yung panga at the same time parang sinaksak yung puso ko sa nabungaran ko.
Si Marsha at Grego... NAGHAHALIKAN!...
Yung halikan na parang kulang na lang lamunin na nila yung labi ng isa't isa.
Bakit ganito yung nararamdaman ko?
Bakit nasasaktan ako?... Nasasaktan ako sa nasasaksihan ng dalawang mata ko ngayon na ginagawa nila.
Balak ko na sanang umalis ng magsalita si Marsha. Dahilan para matigilan ako.
"I can't believe na natagalan mong kasama yung panget na iyon." natatawang ani ni Marsha. Habang nakapalupot ang dalawang braso sa leeg ni Grego. Habang ang dalawang kamay naman ni Grego ay nasa bewang ni Marsha.
"Ako nga din, hindi rin ako makapaniwala na natagalan ko yung nakakasukang pagmumukha na iyon." natatawang ani ni Grego.
Anong ibig sabihin nito Grego?
"Ibang klase ka din pa lang mabored Grego, pati yung panget na iyon hindi mo pinaglagpas. Talagang pinatulan mo."
"Not totally pinatulan kundi pinaglaruan." walang ganang ani ni Grego.
Parang nabasag yung puso ko matapos kong marinig yung sinabi nito.
"Do you really think na papatulan ko iyong pange-I mean yung halimaw na iyon?" dagdag pa nito, dahilan para tuluyan ng pumatak yung luha ko. Habang si Marsha na naman ay tumawa lang.
So, niloloko nya lang pala ako at pinaglalaruan.
Ibig din bang sabihin yung kabutihang pinakita nya sakin ay pagpapanggap lang lahat?
"So, ano nang plano mo? Itutuloy mo pa rin ba yung laro mo?" -Marsha
"Why not, isa pa natutuwa pa ko. Natutuwa pa akong paglaruan yung panget na iyon." ani ni Grego habang hinahalik-halikan ang leeg ni Marsha.
"Ewan ko sayo Grego, you're so mean talaga." maarteng ani Marsha.
Grego chukled. "Is that a compliment?"
"What do you think?"
"I guess, it is."
"Grego... Grego... Grego i forgot to tell you, you're handsome and dashing tonight." nang-aakit na ani ni Marsha habang nilalaro ang kurbata ni Grego.
Pagkatapos magsalita ni Marsha ay agad na inatake ni Grego ang labi nito. Naghalikan sila na para bang wala ng bukas.
Hindi ko na nakayanan pa at mas piniling umalis na lang. Baka kasi kapag nagtagal pa ako doon ay kung ano-ano lang yung marinig ko na mas ikakasakit pa ng damdamin ko. At baka kung ano lang din yung matunghayan kong gawin nila bukod pa sa halikan.
Patuloy lang ako sa paglakad, ni-hindi ko na tinignan yung dinadaanan ko. Masyado na kasing hilam ng luha ang mga mata ko.
Akala ko iba siya sa kanila, hindi pala. Kasi mali pala yung pagkakakilala ko sa kanya. Maling-mali.
Sinungaling ka Grego!... Manloloko ka!
Sa paglalakad ko ay hindi ko napansin na dinala na pala ako ng mga paa ko sa gymnasium. Na hindi dapat kasi nagbago na yung isip ko. Ayaw ko na pa lang umattend ng prom. Uuwi na lang ako. Balak ko sanang umatras at bumalik na lang kaso... may kung sino ang... tumulak sakin ng ubod ng lakas. Dahilan para masubsub ako hindi sa sahig kundi sa lamesang ilang metro lang ang layo sakin. Nagdulot itong ingay na kumuha sa atensyon ng halos lahat ng tao sa gymnasium.
"Lakas din talaga ng loob mong umattend pa ng prom. Gaano ba ka-kapal yang pagmumukha mo na iyan? At hindi ka matablan-tablan ng kahihiyan?"
"Marsha." bulong ko, at mukhang siya rin yung tumulak sakin. Dahan-dahan akong tumayo at hinarap ito-ay hindi, sila pala kasi kasama nito si Grego.
Magsama silang dalawa, tutal pareho sila ng ugali!
"Akala mo ba maganda ka na sa lagay na yan? Oo nga't maganda yang suot mo, pero hindi pa rin nito mababago yung pagmumukha mo! yang kapangitan mo!" ani ni Marsha habang dinuduro ako.
Pansamantala kong nilibot ang tingin ko sa paligid, at halos lahat ng tao sa gymnasium ay nanonood samin at nabubulungan.
"Si Halleymaw ba yan? Infairness, ang ganda ng suot nya."
"Ang sabihin mo sinyang nya lang yung damit kasi hindi naman bagay sa kanya."
"Wow, ang kinis at ang sexy din pala ni Halleymaw!"
"Grebe ang ganda ng suot nya!"
"Alam nyo okay naman talaga si Halley, yung mukha lang talaga."
Hanggang sa mapadpad ang tingin ko kay Grego na ngayon ay nakatingin din sa akin. habang may munting ngiti sa mga labi nito.
Ano, natutuwa ba sya sa nangyayari sakin?
Ano bang ginawa kong mali sa kanya?
Bakit nya ko kailangan paikutin at paglaruan?
Pero hindi ko naman talaga sya masisisi. Kasi ako yung tangang naniwala sa kanya.
Mas mabuti sigurong hindi ko na lang sila patulan, masyadong mahalaga ang araw na ito para sa ibang estudyante. Kaya dapat hindi ako gumawa ng kahit na anong eksena na pwedeng pagsimulan ng gulo, kahit na sila naman talaga yung nag-uumpisa. Ako nang lalayo at iiwas.

Komento sa Aklat (320)

  • avatar
    Cristal M.Arquilos,

    beautiful story

    29/08

      0
  • avatar
    EsplanaJha

    good

    10/12

      0
  • avatar
    Kyle Luntao

    maraming maraming salamat po novelah

    09/11

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata