Epilogue

Sumisinghot sa tabi ni Love ang Mama ni Cameron habang pinapanood ang pagpe-perform ng choir ng mga batang estudyante ng School for the Blind. Ang mga ito ang kakanta sa church wedding nila ni Cameron.
“Siguro naman papayag na si Mama na sila ang kumanta para sa kasal natin,” bulong ni Cameron sa kanya at ginagap ang kamay niyang may suot na wedding ring.
Hindi naging madali para sa kanila ni Cameron na makuha ang approval ng Mama nito. Masyado kasing mataas ang standard nito para sa babaeng pakakasalan ni Cameron. Subalit nang maka-graduate siya ng Education ay itinanan agad siya nito para wala na daw kontra ang mama nito.
Ngayon ay kailangang may approval nito ang bawat hakbang para sa church wedding nila. Hindi daw ito papayag na ang mga Blind Children’s Choir ang kakanta sa kasal niya hangga’t di daw ito nai-impress. Kaya naman pinag-perform niya sa harapan nito para mapatunayang magagaling talaga ang mga bata. Ipinagmamalaki niya ang mga estudyante niya.
“Parang mga anghel sila,” sabi ng Mama ni Cameron at pinunasan ang gilid ng mata. “I am sure maraming mato-touch sa talent nila. Mabuti na lang sila ang pinili ninyo at hindi sexy singer na sobrang mahal ng talent fee. Magkano ba ang bayad sa kanila?”
“Regalo po nila sa kasal namin, Ma,” sabi niya. Mahal na mahal siya ng mga bata doon.
“Hindi bale. Magdo-donate na lang ako sa school na ‘to,” sabi nito at kinausap muna ang director ng eskwelahan at si Bham na nanood din.
“Mabuti naman at na-impress din si Mama,” anang si Cameron na nakahinga ng maluwag. “Ilang meeting na ba ang na-cancel ko para sa kanya?”
Mas marami nang inaasikaso si Cameron ngayon. Ang mga bagong projects nito ngayon ay may kinalaman sa pagbibigay ng training at trabaho sa mga taong may kapansanan. Successful kasi ang unang project nito na call center agents na mga taong visually impaired. Ngayon ay gumagaya na rin ang ibang kompanya subalit gusto ring matiyak nito na hindi maaabuso at patas rin ang pagpapasweldo sa mga taong may kapansanan.
Siya naman ay isang ganap nang teacher para sa mga persons with disability at sa mga special children. Parang anak na ang turing niya sa mga bata. Parang anak na nila ni Cameron.
“Ano? Tuloy tayo sa Guimaras,” sabi ni Cameron. “Dalawin natin si Tatay.”
Maganda na ang buhay ng tatay niya sa probinsiya. Nakaipon na ito ng pera at nakabili na ng sarili nitong lupa at nagpatayo ng sariling bahay. Si Kulas naman ay magtatayo na ng sarili nitong parlor. Kada dalawang buwan ay libre ang serbisyo nito para sa mga taong may kapansanan.
“Tatanungin ko muna ang doktor ko kung pwede.”
Nagsalubong ang kilay nito. “Bakit? May sakit ka ba?”
Lumapit sa kanila ang mama nito. “Love, tumawag sa akin ang designer mo. Bakit ire-refit pa ang gown mo? Hindi ka ba nagda-diet? Di ka pwedeng tumaba sa kasal mo. Next month na iyon.”
Tipid siyang ngumiti. “Kailangang i-refit, Ma. Baka mahirapan po akong mag-diet kasi magkakaapo na kayo.”
“Ano? Magiging daddy na ako?” tuwang-tuwang sabi ni Cameron.
Tumango siya. “Oo. Three months na. Hindi ko lang napansin dahil sobrang busy…”
Akmang yayakapin siya ni Cameron nang nauna siyang yakapin ng Mama nito. “Naku! Wala akong pakialam kahit di magkasya ang gown mo, hija. Magiging lola na ako.” Inilabas nito ang cellphone. “Sandali. Papuntahin natin ang papa mo. Magpapa-deliver ako sa Jollibee at i-treat natin ang mga batang ‘to. Iinggitin ko ang mga amiga ko na wala pa ring apo hanggang ngayon.” Saka ito humalakhak.
Saka lang siya niyakap ni Cameron at kinintalan ng halik sa labi. “Thank you! You make me so happy. Masaya ka rin ba na kasama ako?”
“Oo naman. Kung wala ka, baka iba ang naging buhay ko. Baka nga hindi ko na marasanan kung paano ang magmahal at mahalin.”
“At ako ang pinakamasayang lalaki sa mundo dahil mahal mo ako at magiging daddy na ako.”
Maya maya pa ay narinig na naman niya ang boses ng choir. Kinakantahan siya nito dahil sa magandang balitang ihinatid niya. At alam niyang isisilang ang anak niya sa mundong iyon na puno ng mga taong nagmamahal dito.
Love Is Not Blind by Sofia
- Preloved
- Complete pages
- In a good reading condition
"Para hindi tangayin si Love ng sindikatong pinagkakautangan ng tatay niya ay kinailangan niyang magpanggap na bulag at mamuhay na isang bulag. Wala siyang oras sa pag-ibig. Malas kasi siya pagdating sa lalaki. Hindi na siya binalikan ng kasintahan niyang si Mitos na nag-abroad.
Pero sa pagpapanggap niya ay isang lalaki ang laging nakakaagaw ng atensiyon niya. Binubuhay nito ang nahihimbing na puso niya. Isang misteryo para sa kanya ang pagpapanggap nito bilang Mitos kahit batid niyang “Cameron” ang tunay na pangalan nito. Ito ang sumagip at nag-alaga sa kanya mula sa mga sindikatong dahilan kung bakit muntik nang mapariwara ang buhay niya.
Pinangatawanan nito ang pagpapanggap bilang Mitos at hinayaan niya ito. Hanggang sabihin nitong mahal siya nito kahit ang buong akala nito ay bulag siya. Mahal din niya ito kaya gusto niyang hilingin na ipakilala nito ang tunay na pagkatao nito at mahalin siya nito hindi bilang si Mitos kundi bilang ang totoong ito.
Mamahalin pa kaya siya nito kapag nalaman nitong nakakakita talaga siya?"

Komento sa Aklat (60)

  • avatar
    Liling

    super ganda ❤️🥰❤️

    12/02/2025

      0
  • avatar
    Jovelyn Cabase Aquino

    love it 😍

    16/01/2025

      0
  • avatar
    Felizardo Francisco

    good readings

    06/12/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Tapusin

Mga rekomendasyon para sa iyo