Tahimik si Love habang nasa kotse na minamaneho ni Marvin. Ang assistant ni Eron ang sumundo sa kanya sa School for the Blind. Ipinasundo daw siya ni Eron. Magkasalikop ang palad niya habang malakas ang kaba sa dibdib. Paano kung gusto na ni Eron na magpaalam sa kanya? Paano kung nag-demand na ang nobya nitong si Janice na kailangan na siyang paalisin ni Eron? Dapat ay handa na siya para dito. Sobra-sobra na ang naibigay ni Eron sa kanya bilang Mitos. Aalis din naman talaga siya sa buhay nito. Mas mapapaaga lang. Pumasok sila sa isang yacht club. Nakahilera ang naggagandahang mga yate sa marina. “Nandito na tayo, Miss Love,” wika ni Marvin at inalalayan siyang bumaba. Pagbukas ng pinto ay nakita niyang naghihintay sa kanya si Eron na naglakad agad palapit sa kanya. Guwapong-guwapo ito sa black business suit nito. Kahit na gaano pa katagal siyang nagpapanggap na bulag, napakahirap pa rin na magpanggap na hindi nakikita si Eron. Maraming beses niyang gustong haplusin ang mukha nito at sabihin kung gaano kaganda ang mga mata nito, ang ilong nito at ang labi nito. Ginagap nito ang kamay niya. “Hello, Love. Alam mo ba kung nasaan tayo ngayon?” tanong nito at ginagap ang kamay niya. “Hmmm… naririnig ko ang dagat. Malapit lang tayo sa dagat.” “Good. Pero hindi lang tayo basta nasa dagat. We are in a yatch club. Ipapasyal kita sakay ng yate.” “S-Sasakay ako ng yate?” bulalas niya. “Hindi nga?” Pinahawak siya nito sa braso nito. “Yes. Sasakay tayo ng yate at magdi-dinner tayo sa gitna ng dagat. Do you like that?” Nagningning ang mga mata niya. “Oo naman. Pangarap ko talagang makasakay ng yate. Maganda ba? Malaki?” “Malalaman mo rin kasi itu-tour kita.” Sinapo niya ang dibdib. “Hindi ba tayo lulubog diyan?” “Hindi. Ako ang bahala sa iyo. May tiwala ka naman sa akin, di ba?” Marahan siyang tumango. “Siyempre naman. Ikaw lang naman ang inaalala ko dahil galing ka sa aksidente.” Alam niyang hindi naman ganoon kadaling maka-recover sa aksidente nito lalo na’t sa yate din ito nadisgrasya. Kinintalan nito ng halik ang noo niya. “I am fine. Ikaw kasi ang kasama ko. Kaya kalimutan natin ang aksidente. Gusto ko na mag-enjoy tayong dalawa.” Hindi lang simple ang yateng iyon. Ayon kay Eron ay halos one hundred feet iyon. May mangilan-ngilan itong ipinakilalang staff sa kanya pati ang kapitan mismo. Mababait at magagalang ang mga ito at nangakong mag-e-enjoy sila doon. “Kanino ‘tong yateng ‘to?” tanong niya habang nakahawak siya sa railing sa bow ng yate. “Hindi naman yata ako papayag na pinagkagastusan mo ‘to. Masyado ka nang nagastusan dahil sa akin. Dati naman Luneta lang okay na sa akin.” Saglit itong natigilan. “No. sa kompanya ito ng kaibigan ko. He owns an investment bank. Okay lang sa kanya. Minsan lang naman ‘tong date natin.” “Kay Cam ‘to? Hindi ko pa rin nakikilala ang kaibigan mo na ‘yon. Masyado naman yata siyang mabait sa iyo.” Inangat niya ang kamay at kinapa ang mukha nito. “Saka gusto kong malaman kung sino ang mas guwapo sa inyo.” Kapag wala na siya sa buhay ni Eron, tiyak na maya’t maya niya itong iisipin. Gusto yata niyang titigan lang ito hanggang makabisa niya ang mukha nito. Kung pwede lang. Magkakasya na lang siyang haplusin ang mukha nito ngayon. Hinawakan nito ang kamay niya at pinanatili sa pisngi nito. May lungkot sa mga mata nito habang nakatunghay sa kanya. “Nasabi ko na sa iyong nagkasama kami sa aksidente. Iniligtas ko ang buhay niya. Nagpapagaling pa siya ngayon sa ospital. Once he is better, you will get to meet him.” She sensed his discomfort. Parang ayaw nitong magkwento tungkol sa “kaibigan” nito. Di rin niya maipaliwanag kung bakit siya kinakabahan. Ang “kaibigan” ba nitong nagpapagaling pa ay si Mitos? Iniligtas ba ito ni Mitos kaya ngayon ay tinutulungan siya nito? Ibinilin ba siya ni Mitos dito? O parte lang ito ng katuwaan ng dalawa? Hindi niya alam. Parang di naman kaya ni Eron na paasahin lang siya at paglaruan. Hindi ganoon ang pagkakakilala nito sa kanya. Pero nahihiwagahan pa rin siya kung bakit nagpapanggap itong Mitos ngayon. Sasabihin na ba nito ang totoo sa kanya sa gabing iyon? Hinapit nito ang baywang niya. “Let’s dance.” Saka niya narinig ang tugtog ng violin sa di kalayuan. Napaka-romantic ng musika at parang ipinaghehele siya sa mga bisig ni Eron. Di niya napigilang ihimlay ang pisngi sa dibdib nito. Sana ay manatili na lang silang ganoon habambuhay. Silang dalawa lang ang magkasama. Hindi na nila kailangang magpanggap. Hindi na nito kailangan pang magpanggap bilang si Mitos. At di na niya kailangang magpanggap na di niya ito nakikita. Sana ay hindi niya kailangang lumayo dito at di na nito kakailanganing bumalik sa piling ng Janice na ‘yon. Sana ay siya na lang ang babae sa buhay nito. Sana ay malaya siyang sabihing mahal niya ito. “Love, I have something really important to tell you.” Biglang tumuwid ang katawan niya. Ito na ba? Sasabihin na ba nitong kailangan na niyang mawala sa buhay nito para matuloy na ang kasal nito at ni Janice? Di naman nito kailangang protektahan pa siya, di ba? Magkaibigan lang sila. Pero kailangan ba talaga niyang marinig pa iyon mula sa mga labi nito? Sa kauna-unahang pagkakataon ay ayaw niyang marinig ang katotohanan sa mga labi nito. “Ako rin,” maagap niyang sabi. “Tapos na ang bakasyon namin ni Kulas. Plano na naming bumukod ng bahay. Salamat sa tulong mo.” “Ano?” gulat nitong usal. “Bakit bigla mo ‘tong naisip? Hindi mo naman kailangang umalis. Hindi mo ba nagustuhan ang trato ko sa iyo? May ayaw ka ba sa ugali mo? Hindi ka ba komportable sa bahay…” Tumigil siya sa pagsasayaw at inilapat ang palad sa dibdib nito. “Huwag kang mag-panic. Okay? Hindi naman pwedeng habambuhay kaming dependent sa iyo. May buhay ka at may sarili rin kaming buhay. Kaya ko naman nang mag-isa. Dati nga mas malaki pa ang problema ko pero nakaka-survive ako. Kami ni Kulas. Wala ka nang aalalahanin dahil okay na ako. Naayos mo na ang problema ko. kaya wala ka nang aalalahanin sa akin.” Maitutuloy na nito ang buhay nito. Maitutuloy na nito ang kasal nito at ni Janice. Sana lang ay mahalin ito ng tama ni Janice. Habang masaya na lang siyang mahalin ito sa malayo. “Love, huwag kang umalis. Ayoko,” pakiusap nito. There was anguish in his voice that makes her wonder. Parang ayaw nitong mawala siya sa buhay nito na parang napaka-importante niya. “Sabi ko sa tatay mo aalagaan kita hangga’t di siya mismo ang sumusundo sa iyo.” “Sasabihin ko kay tatay na wala ka nang responsibilidad sa akin. Kung gusto mong matiyak na okay lang ako, pwede mo naman akong dalawin kung nag-aalala ka sa akin. Kung masyado kang busy, patingnan mo ako kay Marvin.” “Mami-miss ka ni Yaya Rosa,” sabi nito. “Kaya di pwedeng umalis ka.” Bahagya siyang ngumiti. Mukhang mahabang argumento pa ito. “Alam ni Yaya Rosa na aalis ako at okay lang sa kanya. Sabi ko dadalawin ko siya.” Hinawakan nito ang balikat niya at inilapat ang labi sa noo niya. “Malulungkot ako. Ayokong ma-miss kita kaya ayokong umalis ka. Please don’t go, Love. I will do everything just to make you stay.”
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
super ganda ❤️🥰❤️
12/02/2025
0love it 😍
16/01/2025
0good readings
06/12/2024
0Tingnan Lahat