KATATAPOS pa lang ng first meeting ni Cameron sa araw na iyon pero pagod na pagod siya. Mukhang nami-miss pa rin ng katawan niya ang bakasyon. Kundi kasi siya babalik sa trabaho ay kukulitin siya ng Mama niya at irereto sa kung sinu-sinong babae. Hindi iyon ang priority niya ngayon. Nire-review niya ang report na ipinadala ng mga department heads nang mag-ring ang cellphone niya. “Hello!” “Kuya Eron, si Mitos…” Nabahala siya nang humagulgol ng iyak si Shei. “Calm down! Anong nangyari kay Mitos?” “N-Nag-seizure siya. Parang mamamatay na nga siya. Anong gagawin ko? Akala ko gagaling na siya agad. Na gigising na siya. Bakit ganito?” Sinapo niya ang noo. “Let the doctors handle it. Everything will be okay.” Akala naman niya ay mapapabilis na ang pagbalik ni Mitos sa Pilipinas oras na magising ito. Na makikita na nito si Love at makakabawi sa mga kasalanan nito. Lalo yatang lumabo ang lahat. “Walang guarantee na maibibigay ang mga doktor. Baka hindi na siya gumaling.” “No, Shei! Sabihin mo sa kanya kailangan niyang gumaling. Kailangan niyang balikan si Love. Kailangan siya ni Love.” Iyon na lang ang pagkakataon ni Mitos na bumawi kay Love. Kailangang maitama nito ang mga pagkakamali nito. Kumalma ang paghikbi ni Shei. “Sabihin mo sa babaeng iyon, baka di na makabalik si Mitos. Kung may magagawa nga lang talaga ako.” “For now, stay with Mitos. Keep me updated.” Nabayo niya ang mesa sa sobrang frustration. Kung kailan akala niya ay magiging okay na ang lahat, saka pa lumala ang sitwasyon ni Mitos. Naalala niya ang sinabi ni Mitos bago sila makaligtas sa isla. Kailangan niyang sabihin kay Love ang mga bilin nito. Siguro ay nararamdaman ni Mitos na mahihirapan na itong makita pa si Love. Pumasok ang assistant niyang si Marvin habang nasa malalim siyang pag-iisip. “Sir, kakanta bukas si Lovellia sa Sky Garden.” “Good!” Paborito niyang restaurant iyon na pag-aari ng kaibigan niyang si Avondale. Marami itong customers kapag lunch time at tiyak na maa-appreciate ng mga ito ang talent ni Love. Ini-recommend niya si Love. Kahit kailangang siya pa ang magbayad ng talent fee nito kung kinakailangan. Dala-dalawa ang trabaho nito. Ibig sabihin ay matindi ang pangangailangan nito. Kahit sa ganitong paraan ay matulungan man lang niya ito. “Okay na rin ang bulaklak na ipapabigay natin sa kanya. Ipapasabi na lang natin sa waiter na ipinabibigay mismo ni Mitos.” Plano niya na magpadala ng mga regalo kay Love pero nakapangalan kay Mitos. Na parang nililigawan ulit ito ni Mitos. Para pagbalik ni Mitos ay magaan na ulit ang loob ni Love dito. Di naman iyon masama. Kung magaling si Mitos, tiyak na iyon din ang gagawin nito para kay Love. “Pupuntahan natin siya bukas. Kakausapin ko siya pagkatapos ng performance niya. Sasabihin ko ang nangyari kay Mitos at ang pinapasabi ni Mitos sa kanya.” Malaking responsibilidad ang nakaatang sa balikat niya ngayon. “Akala ko ba hihintayin muna ninyong bumalik si Mitos, Sir?” Malungkot siyang umiling. “Baka hindi na siya makabalik. Tumawag sa akin si Shei kanina. Nag-seizure daw si Mitos. Masama ang kondisyon niya. Baka mas makatulong kay Mitos kung malalaman niyang napatawad na siya ni Love.” “Sabagay, Sir. Mahirap talaga kapag comatose. Wala nang katiyakan kung kailan gigising. At kung gigising man, baka gulay na. Parang huling habilin na rin siguro ni Mitos iyon sa inyo.” Maaring di na magkita ang mga ito. Pero ang importante ay malaman nito kung ano ang nararamdaman ni Mitos para dito. “ATE BHAM, ang ganda nitong restaurant na ito. Talaga bang dito ako kakanta?” Di pa rin makapaniwala si Love habang naghahanda sa pagkanta niya para sa araw na iyon. nasa Sky Garden siya, isang indoor garden restaurant na nasa rooftop ng isang mataas na building sa Makati. Doon ang gig niya para sa araw na iyon. “Oo. Okay rin ang talent fee. Alam mo ba na puro sosyalen ang mga performers nila dito. Ini-refer ka daw ng isang kaibigan ng may-ari. At kung maganda ang performance mo, baka sa susunod makapag-reserve na tayo ng slot para sa banda natin.” Sa ngayon ay solo muna siya at may piano accompaniment naman. Nakapag-practice na sila ng pianista at lalo lang siyang na-excite. Napakaganda kasi ng ambiance ng restaurant. Gaganahan siyang kumanta. “Thank you, Ate. Malaking tulong ang bayad sa akin dito para makabayad sa utang namin. Sumugod na lang kasi sa bahay kahapon. Nakaka-tense talaga.” Mabuti at dumating ang pagkakataong iyon dahil wala siyang mautangan. Kapag nangutang siya ay tiyak na mababaon siya sa utang. “Sino pa ba ang magtutulungan kundi tayo-tayo lang.” Kinalabit nito si Kulas na siyang guide niya. “Oy! Gandahan mo ang make up ni Love. Baka makaakit siya ng guwapong mayaman. Chance na niya ito.” “Ako ang bahala, Ate,” sabi ni Kulas at sinimulan na siyang ayusan. Nag-iba ang itsura niya nang makita ang sarili sa salamin. Na-emphasize ang magandang mata niya at nagmukha siyang kaakit-akit dahil kinulot ang buhok niya. At napaka-sexy niya sa red dress na suot niya na humakab sa katawan niya. Ganito ang pangarap niyang itsura kapag nagpe-perform. Parang diva siya. Nang sumalang siya sa stage ay talagang ginalingan niya. Ang alam ng mga tao doon ay bulag siya. But they didn’t seem to mind. Ilan na rin daw may kapansanan ang nakapag-perform doon. Isa iyon sa magandang katangian ng Sky Garden. Talent ang tinitingnan sa performer at hindi ang panlabas lang na anyo. Maganda ang reception sa kanya ng audience. Kahit ang may-aring si Avondale at ang girlfriend nito ay talagang umokupa pa ng mesa para mapanood siyang mag-perform. She was flattered. Sa mga sandaling iyon ay kinalimutan niya ang problema niya. Nagpakalunod siya sa mga palakpak at papuri ng audience. Ibinalik agad ni Kulas ang shades niya pagbaba niya ng stage at ibinigay ang walking stick. Ayaw niyang ipakipagsapalaran ang mga mata niya kapag nakaharap ang ibang tao. “Congratulations!” bati ni Avondale sa kanya. “Hindi nga ako nagkamali ng pagkuha sa iyo. Nag-enjoy kami ng girlfriend ko.” “Lalo akong na-in love kay Avondale,” sabi ng girlfriend nito. “Thank you po. It is an honor na makapag-perform sa restaurant ninyo.” “Talented ka naman kaya dapat lang. sana makabalik ka ulit dito para mag-perform.” Pinagsalikop niya ang palad. “Talaga po?” “Dumaan ka mamaya sa opisina para makuha mo ang talent fee mo then we will discuss the schedule. Nagkausap na kami ng manager mo kanina. Kung may iba ka pang gusto…” “Okay na po ako kung anuman ang napag-usapan ninyo.” Inilahad nito ang palad. “May gustong mag-invite sa iyo sa table niya. Mukhang fan na fan ka ng isang ito.” Sumasal ang kaba sa dibdib niya nang makita ang direksiyon kung saan siya papunta. Sa mas private na bahagi ng restaurant kung saan nakaupo ang guwapo niyang admirer. Ang guwapong mayamang may hayop na katawan na nagpamasahe sa kanya. Sabi na nga ba niya’t may interes ito sa kanya. Kung stalker man niya ito, ito na ang pinakaguwapong stalker sa mundo. Flaterred siyang ma-stalk nito. This must be love. Nadadala tuloy siya sa pagka-romantic ng lugar na iyon. Isang lalaking may dalang bulaklak ang humarang sa dadaanan niya. “Miss Love, flowers for you.” Maagap naman si Kulas na alalayan ang bulaklak para mahawakan niya. “Thank you! Sinong nagpapabigay?” Siguro naman ay malalaman na niya ngayon ang pangalan ng guwapo niyang stalker. “Ipinabibigay po ni Mitos, Miss Love.” “Mitos?” Kumunot ang noo niya. “Mitos Hernandez?” “Yes, Miss Love.”
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
super ganda ❤️🥰❤️
12/02/2025
0love it 😍
16/01/2025
0good readings
06/12/2024
0Tingnan Lahat