"Bakit kailangan mo pa akong ihatid hanggang dito sa loob?" Inis akong nakatingin sa likuran ni Paxton na siyang pinangunahan ang daan. Huminto naman ito at hinarap ako sabay inayos ang suot kong coat. Pinagbawalan niya akong magsuot ng skirt at kung ano-ano pang damit na makakaagaw ng pansin ng mga lalaki, tuloy ay mukha akong babaeng gwardiya sa suot ko. "Gusto ko lang makasiguro. Good luck sa unang araw mo sa trabaho. Sana wala agad maging problema," aniya na tinanguan ko nalang. Naglakad na siya paalis kaya naman nagtungo na ako sa opisina ni Mom at nakita itong abala sa mga papel na nasa mesa niya. "Take a seat," alok niya kahit na hindi ako tinitignan kaya naman naupo na ako. "Natext ko na sa'yo kung saan ang pwesto mo at kung anong gagawin mo, gusto ko lang na igood luck ka." "Salamat po Mom, pero pwede na po ba akong magtungo roon? Gusto ko na pong magsimula." sagot ko na tinanguan naman nito kaya tumayo na ako. "Mom, 'wag masyadong magpalipas ng gutom." paalala ko pa at inilagay sa ibabaw ng desk niya ang isang lunch box sabay naglakad paalis. Ang totoo at inihanda iyon Paxton para daw meryenda ko kapag nagugutom ako. Tsaka kung galit daw ako ay kumain nalang ako para walang gulo. Nawala ang panlalamig niya at naging sweet nanaman. Ano nanaman kaya ang susunod na pagkatao ang sasanib sakaniya? Huminto ako sa isang pintuan na gawa sa salamin at huminga ng malalim. Itinulak ko iyon papasok at tumambad sa akin ang malawak na silid kung saan naroon ang mukhang nasa walong kasama ko. Naglakad ako patungo sa harapan upang harapin silang lahat at nakatingin naman ang mga ito sa akin. "Good morning. Ako nga pala si Taki Villanueva, nice to meet you all. Bago lang ako dito kaya sana ay magkasundo tayong lahat." nakangiti kong pagpapakilala gaya ng turo sa akin ni Diane hanggang sa sumeryoso ang aking mukha. "Pero hindi ko kailangan ng kaibigan. Sasali ako sa mga teamwork pero ayokong may kaibigan. Salamat sa pakikinig." Hindi ko talaga kayang maging pakitang tao. "Okay, iwelcome natin si Taki!" anunsyo ng isang babae at pumalakpak kaya naman nagsipalakpakan narin ang iba. Nagpakilala silang lahat at kinabisado ko naman ang pangalan nila kahit na halos magkabuhol-buhol na iyon sa utak ko. "Taki, ito ang magiging desk mo." sambit ni Manager Ashlyn. Nagtungo naman ako roon at naupo sa swivel chair. Napatingin ako sa mga nasa ibabaw ng desk at tumango-tango dahil kumpleto ito sa gamit. "Taki, ito ang ibinigay ng Chairman na gagawin mo." turan naman ni Senior Bianca at inilapag ang limang folder sa desk ko kaya tumango ako. "Kung may kailangan ka ay sabihin mo lang sa amin. Kung may tanong ka ay huwag kang mahihiyang magsabi para matulungan ka namin. Tandaan mo na komunikasyon at teamwork ang kailangan natin para maging success." lintana pa ni Manager Ashlyn. Ilang saglit lang ay nagsibalikan na sila sakanilang pwesto. Kaya naman umayos na ako ng pagkakaupo. Pinatunog ko ang buto ng aking mga daliri at huminga ng malalim. Okay, Taki. Parang pagsusulat lang ng article ang gagawin mo. May kaharap kang laptop at gagawa lang ng presentation. Kaya mo 'yan. Pagkakausap ko sa aking sarili at sinimulan ng buklatin ang folder na nasa ibabaw ng desk ko. Lahat kami ay tahimik na ginagawa ang trabaho namin hanggang sa napatayo si Senior Jasper. "Guys, may problema. Nagkaproblema daw sa isang truck kaya hindi madedeliver 'yung ilang mga kagamitan." anunsyo nito na ikinagulat ng lahat, maliban sa akin. "Ako na ang mag-aayos," presinta ni Senior Jeane at may inilapag itong sampung folder sa desk ko. "Pakiasikaso muna 'yan." Dali-dali itong umalis kaya napatingin ang lahat sa akin. "Taki, pagpasensyahan mo na si Jeane, pero siya lang talaga ang nakakaayos sa lahat ng problema." turan ni Senior Rodolfo. "Ah, ako na ang tatapos niyan." Akmang kukunin na ni Senior Mavic ang mga folder na ibinigay sa akin ni Jeane pero ipinatong ko ang aking kamay roon, dahilan upang hindi niya iyon makuha. "Kaya ko 'yan kaya ako na. Isa pa ay mas marami pang nakatambak na trabaho sa desk mo kaya ipagpatuloy mo na po iyon." sagot ko. "Sigurado ka?" tanong pa niya na naninigurado kaya tumango ako at nginitian siya bago nagpatuloy sa trabaho ko. Ilang oras kaming nakaupo roon at kape lang ang mineryenda namin maging ang lunch. Napahawak ako sa batok ko dahil nangangawit na ako. Natapos ko na ang unang limang ibinigay sa akin at 'yung tambak na sampu na ang tinatapos ko, trabaho naman pala ito ni Jeane pero ipinasa niya sa akin dahil may aayusin siya? Hah, siya ang nagpresintang aayos ng gulo kaya bakit napunta sa akin ang iiwan niyang trabaho? Hahayaan ko na muna ito, pero wala ng susunod. "TAPOS!" sabay-sabay nilang anunsyo at napatingin sa kinauupuan ko. Natigilan naman sila ng makita ako. Nakahalukipkip ako habang may nakasalpak na lollipop sa bibig ko at nakataas sa desk ko ang aking mga paa. "Taki, tapos ka na ba? Baka gusto mo ng tulong." "Ayos lang. Tapos na ako." Kalmado lang ako at tumayo na sabay hinarap sila. "Hinintay ko lang kayo dahil gusto kong ilibre kayo ng hapunan." Nagkatinginan silang lahat at saktong dumating si Jeane, ngayong tapos na ang trabaho. "Maayos na ba?" Tumango ito at taas noong naglakad na animo'y siya ang bida sa araw na ito. "'Yung iniwan ko sa'yo? Tapos mo na ba?" tanong niya naman sa akin na tinanguan ko at iniabot sakaniya ang USB. "Sigurado ka?" "Walang kwenta ang teamwork kung walang tiwala," sagot ko at ipinasok sa aking bulsa ang aking kamay. "Tara na, gutom na ako." aya ko at pinangunahan ang daan palabas. Nagtungo kami sa malapit na restaurant at doon kumain. Animo'y ilang araw na hindi nakakain ang lahat dahil dire-diretso sila sa pag-kain at wala ni isa ang nagkwento. "Teka, cheers para kay Taki!" sigaw ni Manager Ashlyn na iniangat pa ang kaniyang champagne kaya naman iniangat na naming lahat ang sa amin at pinagtama ang aming mga baso. "Nga pala Taki, may boyfriend ka na ba?" tanong ni Senior Bianca kaya naman napatingin ang lahat sa akin na mukhang hinihintay ang sagot ko. "Sinabi mo kaninang walang kwenta ang teamwork kung walang tiwala. Kailangan mo kaming pagkatiwalaan dahil gusto lang naming malaman kung may magseselos ba para hindi kami masuntok." lintana naman ni Senior Rodolfo at natawa. "Meron," sagot ko naman kaya naghiyawan sila. Panay ang pangungulit nila kung anong pangalan at kung anong hitsura pero naguguluhan ako kung sino ang ipapakilala ko, kung si Paxton ba o si Nikolai kaya hindi ko sila sinagot. Nagkatuwaan silang lahat roon hanggang sa lumabas na kami upang magsiuwian na. Mula sa 'di kalayuan ay natanaw ko si Paxton na nakasandal sa kotse niya at mukhang naghihintay, mukhang alam niya na narito ako. "Hindi ka ba susunduin ng boyfriend mo?" tanong ni Manager Ashlyn kaya naman napatingin ako sakanila. "Umm, ewan ko. Sige, mauna na kayo." Nagpaalam na ako sakanilang lahat at naglakad naman sila paalis. Bumuntong-hininga naman ako at naglakad na patungo kay Paxton pero biglang may humawak sa braso ko. Nagulat pa ako pero nakahinga naman ko ng maluwag ng makitang si Nikolai lang iyon. "Ginulat mo naman ako," usal ko pero niyakap niya lang ako. "Ayos ka lang ba? Sinasaktan ka parin ba niya?" sunod-sunod nitong tanong sa malungkot na boses kaya naman hinaplos ko ang kaniyang likuran. "Hindi na. Ayos lang ako." "Mabuti naman kung ganu'n. Nag-aalala ako dahil ilang araw ka ng hindi tumatawag o nagtetext. Akala ko ay kinakawawa ka na niya." Ngumiti ako at itinulak siya palayo sa akin. Hinawakan ang magkabila nitong pisngi sabay hinaplos iyon. "Sorry kung hindi ako nagparamdam, pero ayos lang talaga ako nitong mga nakaraang araw. Huwag ka ng mag-alala, okay?" turan ko at ipinayuko siya upang halikan ang kaniyang noo. "Sigurado ka ha?" Muli akong tumango hanggang sa halikan nito ang aking labi na ginantihan ko naman. Hindi ko alam pero may nagbago roon. Hindi na ito 'yung kasing init ng dati— at parang nawawalan na ako ng gana. Ano bang nangyayari dito? Anong nangyayari sa relasyon namin ni Nikolai?
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (27)
Lex Villarosa Santillan
5000
08/10
0
gurlshibal
sobrang ganda grabe yung character development nilang dalawa lalo na si paxton(ᗒᗩᗕ)
5000
08/10
0sobrang ganda grabe yung character development nilang dalawa lalo na si paxton(ᗒᗩᗕ)
17/02/2025
0Nice
29/12/2024
0Tingnan Lahat