logo text

CHAPTER 17: Date

Bumuga ako ng marahas na hangin upang magpakawala ng ilang nararamdaman kong pagod subalit hindi iyon sapat, pagod na talaga ako.
"You look tired," usal ni Paxton na naglalakad kasabay ko habang may hawak itong ice cream sa kanan niyang kamay at sa kaliwa naman ay hawak ang kamay ko.
Ang sabi niya ay ituring ko daw itong unang date naming dalawa kaya noong makalabas kami sa restaurant ay nag-aya siyang mamasyal hanggang sa makarating na nga kami rito sa park.
"Ngayon mo lang napansin?" pagtataray ko na nginitian nito at hinila ako palapit sakaniya sabay niyakap ako nito ng sobrang higpit. "Ano bang ginagawa mo?"
"Ang sabi nila ay nakakawala ng pagod ang yakap ng asawa. Ano? Tumatalab ba?" sagot nito na ikinatigil ko.
Hindi ko na talaga siya maintindihan. Parang may kung anong sumapi sakaniya kaya siya nagkakaganito.
"A-ang sabihin mo maniac ka lang."
Tumawa siya dahil sa sinabi ko at lumayo sa akin. "Hindi naman sa ganu'n. Gusto ko lang talagang tanggalin ang pagod mo dahil marami pa tayong pupuntahan, pero mukhang ako ang natanggalan ng pagod nang yakapin kita. Payakap nga ulit."
Muli ako nitong niyakap na nginiwian ako, napakaweird niya talaga ngayon.
Matapos ang yakap na iyon ay muli kaming naglakad na hawak niya ulit ang kamay ko hanggang sa makaupo kami sa isang bench, at doon inubos ang ice cream namin.
"Kilala mo si Genesis, tama?" biglaan nitong pagbubukas ng usapan na tinanguan ko. Suminghap naman ito at tumingin sa kalangitan. "Alam mo, siya ang first love ko."
Para namang may pake ako.
"Nagtagal rin ng dalawang taon ang relasyon namin hanggang sa ayain ko siyang magpakasal. Sa araw ng kasal ay hindi siya sumipot. Masyado akong nagtanim ng galit sakaniya kaya naman kung sino-sinong babae na ang pinatulan ko." pagkukwento niya na tinangu-tanguan ko lang para kunwari'y may pake ako. "Wala ka man lang bang sasabihin?"
"Ano namang sasabihin ko?"
"Kahit komento man lang."
"I feel sorry for your shit."
"'Yun na 'yun?"
"Well, you deserve it."
Huminto ito hanggang sa matawa siya at inakbayan ako. Hindi naman siya 'yung ganito, kapag may nasabi akong hindi niya nagustuhan ay sasaktan niya ako... hindi kaya sincere siya sa pangako niya?
"Hindi ka man lang ba magugulat? Mukha kasing magkakilala kayo."
"Inaasahan ko na 'yun. Lahat naman siguro ng babaeng nakakakilala sa'yo ay pinatulan mo."
"Grabe ka naman."
Hindi na ako umimik at naramdaman ang awkwardness sa pagitan naming dalawa hanggang sa tumikhim ito.
"Paano nga pala kayo nagkakilala?" tanong niya kaya naman napatingin ako sakaniya at kinunotan siya ng noo.
"Hindi mo ba alam na kapatid ko ang boyfriend niya ngayon?" patanong kong sagot sakaniya kaya kumunot rin ang noo niya.
"Hindi ko alam 'yun. Ang alam ko lang ay may talo kang kapatid na lalaki, si Mason, Miles, at si Ike. Sino ba sakanila iyon?"
"Pinaglololoko mo ba ako? Inalam mo lang ang pangalan nila at hindi ang mukha nila?"
"Marami akong trabaho kaya hindi ko na pinagkaabalahan iyon. Tanging mga pangalan lang nila ang kinabisado ko."
Napahampas ako sa aking noo dahil sa sinabi nito.
"Wala kang kwentang prosecutor."
Ngumuso naman ito at yumuko na mukhang napahiya. Grabe, gusto ko siyang paglaruan kaso baka biglang lumitaw ang gunggong na Paxton at masaktan ulit ako.
"Taki!"
Kapwa kami napatingin sa nagsalita at nakita si Diego. Naglakad ito palapit sa akin, tinapunan lang nito ng tingin si Paxton pero bumalik ang kaniyang paningin sa akin.
"Wala akong ginawa para arestuhin mo," agaran kong sambit na inilingan niya at may iniabot na papel sa akin. "Warrant ba yan? Sinabi ko na, wala akong ginawa!"
"Tumigil ka nga at buksan nalang 'yan," saad nito kaya naman kinuha ko na ang papel at binuklat iyon.
Binasa ko iyon at natigilan dahil sa nilalaman nito.
"'Yung resume mo na ipinasa sa France, nabasa na at tanggap ka na." pamamalita nito kaya naman napatingin ako sakaniya.
"Kalokohan, three years ago na nu'ng ipinasa ko iyon tapos ngayon lang ako matatanggap? Loko ka, gusto mo bang ihampas ko sa'yo ang printer?"
"Seryoso ako. Nakuha ko 'yan sa mailbox kanina noong umuwi ako sa bahay. Makakapunta ka na ng France," masaya nitong sambit habang ako ay hindi parin makapaniwala.
Sinulyapan ko si Paxton pero wala itong imik na nakatingin sa damuhan.
"Gusto kong mag-celebrate dahil natanggap ka na sa isang pinakasikat na publishing company sa France, at hindi ka napasok sa gulo ng ilang linggo, kaya libre kita. Tara?" aya nito.
Napaisip ako sa sinabi nito.
Natanggap na ako, ibig sabihin ay aalis na ako ng bansa. Ibig sabihin ay pansamantala akong makakatakas sa lalaking ito. Dapat ba akong magsaya? Pero bakit wala akong nararamdaman ni katiting na tuwa?
Shit, parang gusto kong manatili dito. Hindi bale ng bugbugin niya ako't lahat-lahat, basta ayokong umalis.
"Hoy, hindi ka ba natutuwa?" tanong ni Diego sa akin kaya bumalik ako sa katinuan.
"Hindi lang ako naniniwala sa'yo."
"Sa tingin mo ba ay nagsisinungaling ako?"
"Oo."
"Tsh, ewan ko sa'yo. Kung ayaw mo edi 'wag." inis nitong sambit at tinalikuran na ako pero nilingon niya muna ako. "Nga pala, 'yung boyfriend mo ay laging nambubulabog sa bahay at lahat kami ay nililigawan niya. Pakiramdam ko aayain ka na niyang magpakasal. Payag naman ako basta hindi ka niya sasaktan kahit na isang beses lang." pahabol nito bago naglakad paalis.
Deputang lalaki iyon. Tama, hindi niya pa pala alam na kasal na ako sa lalaking katabi ko ngayon kaya niya nasasabi iyon, hindi ko siya masisisi.
Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa huminga ng malalim si Paxton at hinarap ako.
"Tanggapin mo 'yung trabaho sa France," bigla nitong bulalas na ikinagulat ko habang nakatingin sa mukha nitong sobrang seryoso.
"H-hindi mo ako pipigilan?" taka kong tanong na nginitian nito at bumuntong-hininga.
"Gusto kong manatili ka, pero ayoko ng sakalin ka ulit. Baka kapag pinigilan ulit kita sa gusto mo ay piliin mo na 'yung kabit mo kaysa sa akin, delikado't boto na ang pamilya mo sakaniya."
"Pa'no mo—"
"Habang tulog ka ay panay ang pagtawag niya kaya naman sinagot ko iyon at nagkausap kaming dalawa ng MASINSINAN."
Teka, ano?!
Medyo weird sa pakiramdam na malaman na nagkausap 'yung asawa ko at kabit ko. Aish, bakit nagkakaganito ako?
"Sandali, kaya ka ba nagbabago para hindi ako tuluyang sumama sakaniya? Gusto mong kunin ang tiwala ko para manatili ako sayo at kapag nangyari 'yun ay babalik ka nanaman sa dati?" lintana ko na inilingan niya.
"Hindi sa ganu'n. Noong nakausap ko siya ay ramdam kong gustong-gusto ka niya at habang pinakikinggan ko kayong magkausap ay ramdam ko ring gusto mo siya. Ngayon ay kailangan kong bumawi ng marami at magpakatino para sa'yo." paliwanag nito pero hindi iyon pumasok sa isipan ko.
Wala akong nasa isipan kundi ang pagbabago nito para lang manatili ako sakaniya at kalauna'y babalik na siya sa dati.
Tumayo ako at kumurap-kurap.
"Hindi ako uuwi sa bahay mo," sambit ko at naglakad paalis. Hinabol ako nito at rinig ko ang pagtatawag niya sa pangalan ko pero hindi ko siya pinansin hanggang sa bigla nalang may humintong van sa harapan ko at sapilitang akong hinila ng isang lalaking nakabonet papasok sa loob ng itim na SUV.
Nagwala ako sa loob at nasapak ang mga pilit na nagtatali sa akin pero may naramdaman akong karayom na tumusok sa leeg ko hanggang sa unti-unting nanghina ang katawan ko at nawalan na ng malay.

Komento sa Aklat (27)

  • avatar
    Lex Villarosa Santillan

    5000

    2d

      0
  • avatar
    gurlshibal

    sobrang ganda grabe yung character development nilang dalawa lalo na si paxton(⁠ᗒ⁠ᗩ⁠ᗕ⁠)

    17/02/2025

      0
  • avatar
    Chris John Amor

    Nice

    29/12/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata