Bagsak ang balikat ko habang naglalakad papasok ng bahay hanggang sa natigilan ako at napatingin sa harapan. Nakita ko si Mom at Dad na kapwa walang emosyon na nakatingin sa direksyon ko. "Baby," biglang bulalas ni Mom at nilapitan ako sabay niyakap ako ng sobrang higpit, hanggang sa nakisali narin si Dad. Humigpit ang pagkakahawak ko sa damit nilang dalawa at ipinikit ang aking mata. Gusto kong magsumbong, gustong-gusto ko talaga, pero hindi, magpapakatatag ako at lalabanan ang lalaking iyon ng ako lang. "Anong nangyari sa noo mo?" takang tanong ni dad at hinaplos ang sugat kong may takip roon kaya naman lumayo ako at napahawak roon. Ngayon ko lang naalalang may sugat pa pala ako. "Nauntog lang po ako," pagsisinungaling ko na ikinatinginan ng mag-asawa. "Seriously?" sabat ng kararating lang na si Ike na nakaschool uniform. "Hindi ka tatanga-tangang tao gaya ng kambal kaya imposibleng mauuntog ka." usal pa nito at tumayo sa tabi ko. "Minsan may mga katangahan tayong nagagawa sa buhay natin dahil wala namang perpektong tao." Nagkibit-balikat nalang ito sa isinagot ko. "Ewan ko lang ha, but I see my life as hell damn perfect." saad niya at naglakad na patungo sa kwarto niya. "Si Lolo po?" tanong ko kay Mom na ikinabuntong-hininga nito. "May sakit siya at nasa hospital kasama si Alf at Camile. Nagkasabay ang kamalasan ng dalawang matanda," pahayag nito kaya naman mas lalong bumigat ang pakiramdam ko. Ilang saglit lang ay dumating na ang ataul na laman ang katawan ni Tanda, kaya umalis na si Mom at Dad para isaayos ang mga iyon habang nilapitan naman ako ni Nikolai na kasamang dumating ng katawan ni tanda. "Magpahinga ka kaya muna? Buong araw kang umiiyak, walang kinakain o iniinom, at hindi ka rin nakatulog." wika ko rito. Hindi siya umimik at yumakap lang sa akin sabay isinubsob ang kaniyang mukha sa aking balikat. "Hindi ko kaya 'to. Ayokong mawala siya," bulong niya sa akin sa nanghihina bosed kaya naman inalo ko siya na hindi ko naman ugali lalo na kung ibang tao na hindi parte ng pamilya ko. "Hayaan mo ng magpahinga si Tanda dahil miss niya narin ang asawa niya, maging masaya ka nalang dahil magiging masaya na ang basurerong iyon." sambit ko pero umiyak lang ito na parang bata. "Taki—" Natigilan si dad ng makita si Nikolai at kumunot ang noo. "Anong meron?" "Malapit po siya kay Tanda na itinuring niya ng Papa kaya heto, masyadong madrama." sagot ko na tinawanan ni Dad at tinapik ang balikat ni Nikolai dahilan upang mapaayos ito ng pagkakatayo. "Ano bang iniiyak-iyak mo diyan? Tatawanan ka lang niya kapag nakita ka niyang umiiyak. Tsaka 'wag kang oa dahil ako naman ang tunay niyang anak at hindi pa ako umiiyak." lintana ni dad ng nakataas ang noo hanggang sa batukan siya ni Mom. "Anong hindi pa umiiyak? Noong malaman mong wala na si Tanda ay halos bumaha ng luha sa conference room. Nakakahiya ka dahil sa harapan pa talaga ng mga stockholders ka umiyak." sabat ni Mom at napatingin kay Nikolai sunod sa akin at kay Nikolai ulit. "Hindi ko gusto ang pagyakap ko ng mahigpit sa anak ko lalo na kung wala kayong relasyon kaya shoo, umuwi ka na." "Hoy, ang sama mo. Bisita siya ni Tatay." "Anong pakialam ko? Bisita siya ni Tanda pero nilalandi niya ang anak ko, hindi tama 'yun." "Ano ka ba naman?" Nagtalo ang dalawa sa mismong harapan namin ni Nikolai na ikinabuntong-hininga ko. "Mom, boyfriend ko po siya. Ayos na po ba?" Natahimik na sa pagtatali ang dalawa at napatingin silang tatlo sa akin. "Okay. Welcome to Hudson-Villanueva family," bati ni Mom at tinapik ang pisngi ni Nikolai. "Linus, sabihan mo 'yung mga maid na magluto ng marami dahil may pakakainin tayong bisita ngayon." "P-po? Hindi na po kailangan. Umm, uuwi na po ako." Bakas ang pagkailang ni Nikolai at pinaningkitan ako ng mata. "Magpahinga ka muna at kumain dito bago ka umuwi," suhesyon ko. Tinignan lang ako nito hanggang sa maputol iyon ng batukan siya ni Dad. "Magpahinga ka mag-isa sa kwarto niya at sa kwarto namin magpapahinga si Taki. Sa tingin mo ba ay papayag akong magkasama kayo sa iisang kwarto?" anito at matalim na tinignan si Nikolai. "Ako, payag ako." Sinamaan ng tingin ni Dad si Mom dahil da dinabi nito, at nagsimula nanaman silang nagtalo kaya hinila ko na si Nikolai paalis roon at dinala siya sa kwarto ko. "Magpahinga ka na." Natigilan ako ng hawakan nito ang kamay ko kaya naman napatingin ako sakaniya. "Hahanapin ako ni Jayden," aniya at doon ko lang naalala na may anak pala siya na naghihintay sakaniya. "Ibigay mo sa akin 'yung address kung nasaan siya at ako na ang susundo sakaniya, dadalhin ko siya rito." sagot ko na ikinatango naman nito at isinulat iyon sa papel sabay iniabot sa akin. "Hindi ko akalain na ipapakilala mo ako bilang kasintahan mo gayong kasal ka na." Muli nanaman akong natigilan sa sinabi nito at napatingin sakaniya. Hindi ko pa nasasabi ang bagay na iyon sakaniya. Wala pa akong nababanggit kaya paano niya nalaman? Iniangat nito ang kamay ko na hawak-hawak niya at pinagsiklop ang aming daliri. "Si prosecutor Paxton Brooke ang asawa mo tama?" usal nito at huminga ng malalim. "Naiintindihan ko na kung anong tulong ang kailangan mo at handa akong tulungan ka kahit na kalabanin ko pa ang isa sa mga pinakamagaling na prosecutor." "Sandali, paano mo siya nakilala?" taka kong tanong sakaniya na nginitian nito. "Isa rin akong prosecutor gaya niya at inimbestigahan na kita," sagot nito na ikinanlaki ng mata ko. Prosecutor rin siya? "Alam ko rin ang ginagawa niyang pananakit sayo sa loob ng bahay niya at kung paano ka niya ituring na para bang isa kang hayop, kumukulo ang dugo ko habang inaalala ang mga iyon." pahayag pa nito na ikinakuyom ng kamao ko. "K-kung ganu'n ay tutulungan mo ako? Pero alam mo ba kung sino ako at kung ano ang mga nagawa ko?" tanong ko pa sakaniya na nginitian nito at tumango. "Alam kong pabalik-balik ka sa kulungan at lahat ng kaso mo ay minalipula ng pera, pero ang inaalala ko, kung paano naging ganiyan ang isang napakagandang babae? Alam kong may dahilan ka at may gumugulo sa isipan mo kaya tutulungan kita." Medyo nakahinga ako ng maluwag sa mga sinabi niya. Kung ganu'n ay hindi ko na kailangang magpaliwanag, pero nakakagulat parin ang mga nalaman ko patungkol sakaniya. Ang alam ko lang ay siya si Nikolai na isang batang ama. "May rason ba para tulungan mo ang gaya ko?" sunod ko pang tanong sakaniya na ikinapawi ng ngiti sakaniyang labi at yumuko ito kasabay ng pagbigaw niya sa kamay ko. "Marami akong rason. Una ay apo ka ng taong itinuring kong ama, pangalawa ay iniligtas mo si Jayden, pangatlo ay interesado ako sa'yo, at pang apat... dahil isang serial killer ang nakatatanda kong kapatid na walang-awang pinatay ng isa ring prosecutor imbes na ipakulong nalang. Nakikita ko siya sa tuwing kaharap kita at sumisikip ang dibdib ko." salaysay nito na bakas ang lungkot sakaniyang boses. Naupo ako sa tabi niya at hinarap ito sabay itinagilid ang aking ulo upang tignan ang mukha niya. "Kung ganu'n ay nakikita mo lang ako bilang Ate mo? Napakadaya naman dahil ipinakilala kita bilang boyfriend ko sa pamilya ko, ipapahiya mo ba ako?" inosente kong untag na ikinatingin niya sa akin at natawa. "Hindi mo ba narinig 'yung pangatlong rason ko? Interesado ako sa'yo." "Tama, dahil may pagkakahawig kami ng kapatid mo." "Hindi. Interesado ako sa'yo bilang babae at hindi dahil sa pagkakapareho niyo ng kapatid ko." "Kung ganu'n payag kang maging kabit ko?" "Teka, ano?" "Kasal ako kay Paxton kaya kabit kita." "Ang sama naman ng salitang kabit. Deserve ko ba 'yun? Sa gwapo kong to magiging kabit lang ako?" "Sayang, gusto ka pa naman ni Tanda para sa akin at ang huling habilin niya ay patulan kita. Nakakapang-hinayang talaga at mukhang hindi ko masusunod ang gusto niya." "Sinabi niya 'yun?" "Mukha ba akong sinungaling?" "Hindi pero mahirap kang pagkatiwalaan." "Tsk." Tumawa nalang ito at inilapit ang kaniyang mukha sa akin sabay hinawakan ang aking baba. "Sabihin mo muna, mahal mo ba ang asawa mo? Kung oo ay hindi ako payag, sino namang tangang gagawing kabit ang sarili niya?" bulong nito sa akin na nakatingin diretso sa aking mata. "Hindi. Wala akong nararamdaman sakaniya. Ikinasal kami ng hindi ko alam ang pangalan niya at kinamumuhian ko siya." sagot ko naman na nginitian nito. "Kung ganu'n ay payag ako," aniya at hinalikan ang aking labi na agaran ko namang tinugon. Isang lalaki lang ang itatapat ko sa tatlo niyang babae, hindi parin iyon sapat pero patas na kami, pareho kaming may KABIT.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (27)
Lex Villarosa Santillan
5000
7d
0
gurlshibal
sobrang ganda grabe yung character development nilang dalawa lalo na si paxton(ᗒᗩᗕ)
5000
7d
0sobrang ganda grabe yung character development nilang dalawa lalo na si paxton(ᗒᗩᗕ)
17/02/2025
0Nice
29/12/2024
0Tingnan Lahat