Trixie POV Kasalukuyan kaming nasa gym dahil para sa PE. Tapos na ang kaunting discussion ni sir kaya iniwan na niya kami rito. Naglalaro ng basketball ang boys kasama ang ilang girls na tinuturuan nila kung paano mag-shoot ng bola. Naglalaro naman ang ibang girls ng volleyball sa tabi ng court, kasama si Jae at Raja doon. "Sabi ni Jae, mula sa president, ay inaasikaso na raw 'yon. Maraming CCTV dito kaya siguro wala namang takas 'yon" aniya Acyl. Katabi ko siya rito sa gilid ng court at nakaupo sa lapag, malinis naman. Pawisan pa kami dahil naglaro kami kanina ng basketball. "Sana nga" nagbuntong-hininga ako. "Nakakatakot kasi. Baka mamaya kung sinong estudyante lang pala 'yon dito tapos nakakasalubong pa natin. Nakakapraning, baril 'yon, eh!" Napahawak ako sa braso ko na muntik nang matamaan. Hindi ko alam pero parang ramdam ko ang bala roon. Hindi ko lubos maisip na may gagawa sa akin ng ganoon. "H-Hindi kaya si A-Ara ang may gawa?" Kumunot ang noo niya. "Kung susumahin ay magmumukhang s'ya ang suspect, pero…para sa 'kin hindi. Patong-patong na ang kasalanan n'ya, hindi lang tatay niya ang nakaalam kundi buong heads ng dalawang school, tapos dadagdagan pa niya? Tanga na siya kung ga'non" "Eh, pano kung siya nga!?" "Malabo. Tsaka 'eto, ah. Kilala na siya, alam na nang lahat, bakit pa siya magtatago kung alam niya lang naman na siya ang magiging suspect 'dun? Useless, 'di ba?" "Ih…basta!" Ungot ko. Natanaw ko naman si Lucas na pumasok ng gym. Agad siyang lumapit sa amin. Base sa reaksyon ng mukha niya ay may hindi magandang balita. "May problema tayo" aniya at naupo katapat ko. Sabi na nga ba. "Ano?" Tanong ni Acyl. "Nahagip sana s'ya sa CCTV pero, hindi maaninag kung sino siya dahil sa mga puno doon. At isa pa, purong itim ang suot niya. Hindi rin matukoy kung lalake o babae siya" "O my ghad! Sa ibang CCTV may nakita bang pumasok?" Aniya Acyl. Umiling siya. "Wala, at 'yun ang nakakapagtaka. Kaya duda ngayon sa mga estudyante rito. Magrarandom checking ang mga security guards para hindi mahalata ng ibang estudyante. Mahirap na baka kumalat pa 'to. Malamang naka silencer din pala 'yung baril na hawak 'nun dahil walang putok na narinig" Natahimik kaming tatlo. "Acyl!!" sigaw ni Raja saka sinenyasan na lumapit sa kanya. "Punta lang ako, ah" Tumango ako. Natulala ako sa sahig. Paano nga kung isa sa mga estudyante lang iyon dito. Paano kung may mga kasama siya? Bakit naman iyon gagawin sa akin? May kasalanan ba ako? Bakit ba hindi ako matantanan ng mga tao? Lumipat si Lucas ng pwesto sa tabi ko, saka niya ako inakbayan. "Natatakot ka pa rin ba?" Lumingon ako sa kanya. "Malamang" "Kahit nandito ako!?" Hindi makapaniwalang sambit niya. "Eh, syempre, nabawasan din naman ng konte—" "Konte? Ha! Konte!?" "Syempre matatakot rin ako para sa 'yo, kasi baka ikaw ang mapahamak imbis na ako!" tinitigan ko siya. "G-ga'non ba. Sige, date na lang tayo bukas. Labas tayo, panget kung dito lang sa buong campus" "Ayos ka rin, 'no? Nakakatakot na ngang lumabas dahil sa nangyare tapos ikaw parang chill na chill lang" Sandali siya natahimik at lumingon sa mga naglalaro ng basketball, kaya nilingon ko siya. Ngumiti siya nang tipid bago magsalita. "Ang totoo, kinakabahan ako sobra, natatakot na rin. Sino ba naman ang hindi matatakot kung mapahamak ang mahal mo?" Tinitigan niya ako. "Gusto ko lang namang ma feel mo na safe ka kapag kasama mo 'ko. Na kahit ga'non ang nangyare kahapon, magagawa mo pa ring maging energetic kapag kasama mo 'ko, tulad nang dati. Hindi naman kita papabayaan" Hinawakan niya ang kamay ko. "Kaya dapat, kasama mo ako palagi, hm?" Dagdag niya. Ang sarap sa pandinig nang lahat ng mga sinabi niya. Mabilis na kumalabog ang dibdib ko. Hindi ako makasagot sa mga sinabi niya. "O-Oy, teka. B-ba't ka naiiyak?" Mabilis na hinawakan niya ang mukha ko. "Huwag kang mag-alala, ah? Mahahanap din natin 'yon, 'wag kang matakot. Andito lang ako, naintindihan mo?" Hindi pa rin ako makasagot. Hindi naman ako naiiyak dahil 'don! "S-sumagot ka naman, oh" Pinunasan niya ang luha ko gamit ang hinlalaki niya. "Kinakabahan ako sa 'yo. Baka mamaya samahan pa kita pati pagtulog tsaka pagligo mo—Aray!!" Pinalo ko nang malakas ang braso niya, dahilan para mapalayo siya nang kaunti. Ako na rin ang nagpunas ng mukha ko. Para bumalik yata ang luha ko sa mata ko. Panira, imbis na naiiyak na ako dahil kilig, eh! Kung tutuusin ay nakapasimple lang namang nang mga sinabi niya, pero iba pa rin ang epekto kapag galing mga naman talaga sa puso. Ramdam ang sinseridad. Dahil doon ay gumaganda ang mga salita. "Ano na naman 'yang pagtulog tsaka pagligo!? Ikaw, nanggigigil ako sa 'yo, ah!" Sabi ko sabay palo ulit. "Aray ko naman, ang sadista mo na. Ganyan na rin ba ang mga kalahi mong kwago—" "Lucas!!" Hindi ko na siya napalo dahil mabilis na siyang lumayo habang natatawa. "Bumalik ka rito!" "Ayoko nga! Ang sakit ng palo mo" "Bullying ka! Bumalik ka rito!" tinignan ko siya nang masama. Sa loob ko ay masaya ako. Alam ko namang pinapagaan niya ang ang nararamdaman ko. Nakanguso naman siyang dahan-dahang lumapit sa akin. Ang cute hahaha! "Saan naman tayo pupunta kung mag-dedate tayo bukas?" Agad na tanong ko nang may ngiti. Bahagya naman siyang natawa. "Secret" Tinaasan ko siya ng kilay. "Secret nga" Nahagip nang mga mata ko na papaalis na ang mga kaklase namin ng gym. Sila Jae, Raja at Acyl papalapit naman sa amin. "Wala raw teacher natin para sa last subject ngayong hapon. In short uwian na!!" Masiglang saad ni Raja. "Kaso may meeting kami sa student council, regarding naman sa case mo"aniya Jae at kumindat pa. Natawa lang sa kanya si Acyl. "Iba ka Trixie, laging ikaw ang laman ng school article ko" "So, maiiwan na naman kami?" tanong ko sa kanila. "Siguro 'yon talaga ang purpose ni Lucas sa 'yo. Siya ang palit sa 'min na samahan ka dahil busy kami. Umalis 'yan ng student council para may kasama ka raw. Iyan 'yung sabi niya sa 'kin 'nung naging busy kaming tatlo, hindi pa s'ya umaamin 'nun sa 'yo—" Raja. "Tama na nga, umalis na kayo!" ungot ni Lucas. Pinagtulakan niya ang tatlo papalayo. "Busy pa kayo, 'di ba? Pagbutihin n'yo! Ikaw Raja, hindi ka naman madaldal, kaya manahimik ka!" Natawa lang sa kanya ang tatlo bago tuluyan umalis ng gym. Nakangiti namang bumalik sa akin si Lucas. Clingy na naman 'to, panigurado. Niyakap niya ako. Sabi na, eh. Umupo kami sa bench. "Malapit na rin ang finals ng first sem. Wag kang magpuyat sa cellphone, i-review mo na lang 'yon. Tapos 'dun sa library dapat sabay tayong mag-aral" Aniya at nakaakbay na naman sa akin. "Opo sir" sarkastikong sabi ko. "Anong gagawin natin dito ngayon?" "Babalik ka pa ba sa AIS pagkatapos nitong first sem?" Bigla niya tanong. Bigla kong naalala ang dating plano ka pagkarating ko dito. Sa oras na matapos ako kay Ara ay babalik ako sa AIS. Nandoon pa rin naman ang huhubog sa passion ko. Pinaghirapan kong mapasok doon para lang matutukan ang magiging career ko. Ngumiti ako. "Hindi, ayoko na 'dun." "Sigurado ka? Stay ka na dito? Kahit nandoon ang mas makakaigi sa career mo?" Tumango ako. "Marami naman ang natututunan ko dito, tsaka ok na ako. Mas masaya dito, ayokong masayang nag highschool life ko, 'no? Enjoy muna, may college naman. Actually, plano ko talagang bumalik, pero nagbago 'yon dahil mas nailabas ko ang totoong ako dito, nagkaroon pa ako ng mga kaibigan. Balewala 'yang career na 'yan kung mag-isa lang ako, hahaha. Mas maganda at masaya pa rin kung successful ka nang may kasama." Natigilan ako nang halikan niya ang tuktok ng ulo ko. "Mabuti naman at masaya ka" aniya. "T-Trixie…" Lumunok siya. "Ano?" Umiwas siya nang tingin at umiling nang ilang beses. "W-wala, wala. Tara na, baka kung ano pa gawin ko hahaha" Inaya niya akong tumayo. "Ano ba pinagsasabi mo?" "Wala nga" aniya at natatawa. Pumunta siya sa likuran ko saka hinawakan ang magkabila kong balikat. Tinulak niya ako para maglakad. "Ano ba kasi iniisip mo? Para kang ewan d'yan. Libre mo ako ng snacks ngayon" "Opo ma'am" Nang malapit na sa labasan ng gym ay bigla siyang tumigil. Problema neto? "Aish!!" aniya ay napakamot pa nang batok. Kumunot ang noo ko. "Anyare sa 'yo? May gusto ka bang sabihin? Tungkol ba 'dun sa bumaril sa 'kin?" Lumunok siya. "W-Wag kang magagalit, ah? O kaya paluin mo na lang ako sa braso…" "Ano?—" "I love you" "Huh—" Hinalikan niya ako. Biglang lumakas ang tibok nang puso ko ang maglapat ang labi naming dalawa. Hinawakan niya ang batok at patuloy akong hinalikan. Hindi ko alam ang gagawin ko. Jongina!!!!!!!!!!!!!
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (50)
Samantah Clemente
I like it so much I'm just chilling
27/11/2024
1
Kean A. Cardano
yafevrjdoidhdv3bdooxididjdjbebebj3vfo3vco3boebcoebcowbxoebcoe ceoncepbxoebo3xje0bxo3bxoeb rob robv brobc roceocoevcoebceobx9oebxoeb e0v j0eh9e be ovexocrobrcorcvbor bo b robrob rb robcrobcrobc4ohrxcfcoircbprcorbi2vfv8ceco3voexboc3vorcborcborhrobrojro rorb orb orhco4corbcrob uncwune7evn7env7ejv7ejfe7jfw7jh7wfjwjhvwvwhvwjejvjs77hjw7jnw7n8wfn8eng8emv8emgiegnguen8nwfn8en8fn8wbn8wnbf28nfi ini inuneeunviemgw8gmw8gmwivmwigmw8mg8wgm8wmfw8mg8wmv8wmv8wmv8wmg8wmg8wm8emv8em3y.tit8r9r939ee0e00w0w0w0w0wmgomge
I like it so much I'm just chilling
27/11/2024
1yafevrjdoidhdv3bdooxididjdjbebebj3vfo3vco3boebcoebcowbxoebcoe ceoncepbxoebo3xje0bxo3bxoeb rob robv brobc roceocoevcoebceobx9oebxoeb e0v j0eh9e be ovexocrobrcorcvbor bo b robrob rb robcrobcrobc4ohrxcfcoircbprcorbi2vfv8ceco3voexboc3vorcborcborhrobrojro rorb orb orhco4corbcrob uncwune7evn7env7ejv7ejfe7jfw7jh7wfjwjhvwvwhvwjejvjs77hjw7jnw7n8wfn8eng8emv8emgiegnguen8nwfn8en8fn8wbn8wnbf28nfi ini inuneeunviemgw8gmw8gmwivmwigmw8mg8wgm8wmfw8mg8wmv8wmv8wmv8wmg8wmg8wm8emv8em3y.tit8r9r939ee0e00w0w0w0w0wmgomge
13/11/2024
1100,000,000
06/10/2024
0Tingnan Lahat