Blurred Witness. SOMEONE “It’s time. Kuhanin n’yo na s’ya. Magandang timing ‘to dahil mainit ang ulo nila. They have no time para magkalapit sila,” utos ko sa mga tauhan ko. Hindi na ako mapakali sa mga gagawin ko sa kaniya. Naiirita ako sa tuwing nakikita silang magkasama. I-sama mo na rin ang dahilang may perfect memory itong isa pero ayaw gamitin ng tama. Kaya, mas mabuting alisin na lang natin. HAHAHA. MIKE Napag-desisyunan kong maglakad-lakad muna sa vicinity ng school habang kinukuhanan ko ang magagandang bulaklak dito sa mini botanical garden ng school. Hapon na at tapos na ang spots fest. Maraming nangyaring cheers at yells sa bawat laro pero hindi ko ma-enjoy. Para kasing lagi na lang akong kinakabahan this past days. Hindi ko alam kung bakit. Almost past six na ng hapon nang mapag-desisyunan kong umuwi. I was about to took last shot of white angel flower when I heared some noises around. Hindi ko alam kung saan iyon nagmumula ngunit pilit kong pinakiggan. Inakyat ng kaba ang aking dibdib nang makita ko ang pamilyar na pigura ni Rain. Hila-hila siya ng dalawang lalaki na hindi ko namumukhaan. Wala akong magawa dahil halos mapako na ang paa ko sa aking kinatatayuan. Gusto ko siyang tulungan at puntahan ngunit bigla na lamang sumikip ang aking dibdib, nahihirapan akong huminga. This feeling was familiar 10 years ago. That day when Louie died before my eyes. Kusang tumulo ang luha ko. Habang unti-unting nawala sa paningin ko ang wala ng malay na si Rain. Hindi ako makasigaw para makahingi ng tulong. Sa laki ng Jacksonville Academy, may makakarinig kaya naman sa ‘kin kung sakaling sumigaw ako? “Hey, Fletchner. What are you doing here?” tanong ng ‘di ko kilalang babae mula sa aking likuran. Siguro, kaklase ko rin s’ya. Wala naman sigurong ganoong nakakakilala sa akin para malaman ng buong school kung anong pangalan ko. Unless, they stalked me. “D-Do I know y-you?” Wala sa sarili kong tanong sa kaniya. Tumaas naman ang kilay n’ya kasabay ng pagtaas niya ng kaniyang makapal na salamin. Hawak-hawak niya ang librong parati kong nakikita sa loob ng classroom namin. Baka nga isa siya sa mga classmate ko. Hindi ko lang talaga ma-recognize ang itsura niya at kung sino siya. “Pardon?” “Ah...hehe, I’m sorry. I’m just confused. Nelcy, right?” Tumango naman siya “Uhmm... una na ako sa ‘yo.” Ngumiti ako sa kaniya at walang lingon-likod na umalis. Pa’no ko na lang makikita rito si Rain. Hindi ko pa gaanong saulo ang pasikot-sikot dito sa loob ng campus. Natatakot ako. Hindi ko alam kung paano at saan ko makikita rito si Rain. Sa ilang sandali pa ng aking pag-iikot, napansin kong maraming truck na pumasok sa loob ng campus. They are five, and all belong to M.O.H. Ministry of Health? Ano namang ginagawa nila rito? “Kuya Mike?” Halos mapatalon ako sa gulat nang bigla akong tinawag ni...Ella? “Hindi ka pa umuuwi?” Naguguluhan kong tanong. “Pauwi na ikaw an—” Mabilis ko siyang hinila paupo sa may sulok ng mga halaman at tinakpan ang bibig n’ya. Tahimik naming pinagmasdan ang mga nakaputing tao na may ibinababa sa truck at ang iba’y papunta sa aming direksyon. “What the heck?!” Kinabukasan. Huwebes pa lang naman ngayon ah? Bakit parang walang tao? “Mr. Fletchner? Anong ginagawa mo rito?” tanong ng isang ginang sa akin na nakapang teacher na uniform. “A-Ah, bakit parang ang tahimik po ata ng buong campus? Wala pasok po bang ngayon?” Nahihiya kong tanong din sa kaniya. “Ha? Baka naman..” Tumingin siya sa kaniyang relos at natawa na lang bigla. “Ano ka bang bata ka? Alas otso na pala. Mukhang nahuli ka na sa iyong klase.” Tumatawa niyang sabi pagkatapos ay umalis na sa harap ko. Nailing na lang ako. Ano bang oras ako nagising kanina? Hindi na ako pumasok sa pang-umaga kong klase, mamaya na lang siguro after breaktime. Napag-isipan ko munang maglibot-libot sa buong campus. Noong unang araw kasi namin ay hindi naman kami nakagala rito dahil may bisita raw noong araw na ‘yon. Pabor din naman sigurong late ako ngayon dahil kagabi pang hindi matahimik ang isip ko dahil sa nakita namin ni Ella kagabi. Pumasok kaya ang malditang ‘yon? ELLA Halos hindi ako makatulog kagabi sa nakita namin ni Kuya Mike kagabi. Bakit nandito kagabi ang mga sasakyan ng Ministry of Health? Alam na ba ‘to ni Pres.? Kagabi na ba nila de-niliver ‘yong mga materyales para sa sci-lab? Napag-alaman na kasi nila na nasunog ang laboratory namin. Ang Jacksonville Academy kasi ang may pinaka-maganda, malaki at functional na laboratory sa buong Geniva. Halos dito na nga rin dumadayo ‘yung ibang mga professional na wala pang kakayahang bumili ng mga mamahaling gamit para sa laboratory. Anyways... hindi ko pa nakikita ngayon si Ms. VP, wala rin s’yang excused letter man lang kung bakit siya absent na hindi naman talaga niya gawain. Depende na lang kung talagang emergency dahil sa nanay n’ya. Pero nagsasabi naman siya sa akin kapag liliban s’ya. At wala akong natanggap na anoman sa kaniya kanina o kahit kagabi na balita sa kaniya. Tatanungin ko sana si President Hugo, kaso kanina pa siyang tahimik at parang napaka-lalim ng iniisip. Napalinga na lang ako sa buong paligid ko na lahat ay may ginagawa. Gustuhin ko mang sabihin sa kanila ang mga nakita namin kagabi, baka kung ano lang isipin nila sa akin. Normal lang kasing pumupunta sa school namin ang mga taga-MOH dahil suportado nga nila kami sa mga gamit na kailangan namin tuwing may contest. Pero sa pagkaka-alam ko, hindi pa ito ang araw na dapat silang pumunta rito. Masyado ring kahina-hinala ang mga truck na pumunta rito. Hindi ko maintindihan, bakit gabi? Usually, umaga sila pumupunta rito dahil may mga pa-activity sila sa mga gustong sumali sa contest. Tsaka, bakit may mga doktor? “Hoy, Ella papel mo!” Napa-pitlag ako nang bigla na lamang nagsalita si Jester na siyang nasa unahan ng aking upuan. “H-ha? Anong papel?” lutang na sagot ko. “Hala s’ya. Pasahan na ng essay kay Mrs. Alvarez.” Parang bigla akong natauhan sa sinabi niya. Aligaga akong naghanap sa desk ko kung may naisulat na ba ako. Hindi ko alam kung may nagawa nga ba ako sa lalim ng iniiisip ko. “T-teka lang. Hindi pa ako tapos.” Halos mangatal ako sa hindi ko malamang dahilan. Hindi ko alam kung dahil sa takot ko kay Mrs. Alvarez dahil wala akong maipapasa ngayon sa kanya, o dahil sa dahilang may kakaiba sa mga truck ng MOH na pumunta rito kagabi? “Ok, class. All papers are in? Wala ng hahabol pa? Hindi na ako tatanggap sa labas.” I suddenly felt like, I’m a ticking bomb na anomang oras ay sasabog sa hindi ko malamang kabang nabuo sa dibdib ko. At parang nauupos na kandila na hinihintay na lamang na mamatay ang apoy na nagsisilbing liwanag para sa akin. Kita ko ang paglaki ng mata ni Jester nang makita niya akong matutumba. Wala sa sarili niyang nitapon sa ere ang mga hawak niyang papel. Ngunit bago pa man ako mahulog ng tuluyan sa sahig, agad na akong nasalo ni Kennedy na wari’y kanina pa ring naka-bantay sa akin. Uhuh? My knights. Umakyat ang kanina pang lamig sa aking mga paa patungo sa buo kong sistema na nagpawala sa aking ulirat. Tanging mga hibik na impit at mga nagkakagulong paa ang aking huling naalala.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (4)
murillojamela
So this is my first time reading a story in just one night napakaganda ng story naiyak ako na Ang dami Kong narealize I really love this story love, friendship's,a little bit betrayal Sana may movie na gamito
So this is my first time reading a story in just one night napakaganda ng story naiyak ako na Ang dami Kong narealize I really love this story love, friendship's,a little bit betrayal Sana may movie na gamito
17/01/2022
1nice story🥰🥰🥰
06/06/2024
0wow
07/08/2022
0Tingnan Lahat