Chapter 21

I never felt this feeling before.
I never felt being special when I am with Xander before.
I silently watched Zachary prepare and cook Adobo for me. My first week of being a freshmen has already done and we're here inside our unit, celebrating. Alliah went outside when Zach came. Ewan ko ba sa babaeng iyon. Inaasar na naman ako. Aniya para raw magkaroon kami ng quality time ni Zachary.
Though, I was shock when I saw Zach oitside of our unit. Hindi ko naman alam na darating siya. May bitbit na itong bayong na naglalaman ng baboy at kung anomang ingredients sa pagluluto ng Adobo. At hindi ko rin alam na marunong pala siyang mamalengke!
Napasinghap ako nang maamoy ko ang aroma ng Adobo ni Zach. Lumingon ito sa akin ng may malawak at maliwanag na ngiti habang bitbit ang niluto niyang Adobo. Masaya niyang inilapag sa mesa ang isang malaking bowl nito. Natatakam akong nakatingin sa kan'yang niluto, umuusok pa iyon at nakakagana tingnan ang pagple-plating niya! Aakalain mong kasali siya sa Master Chef!
"Pasensiya na 'yan lang nakayanan ko," aniya kaya napadako ang tingin ko sa kan'ya.
My heart fluttered in pain and happiness. Halos maluha ako sa harap niya, pinipigilan ko lang. I mean, this is so simple, kung sa paningin ng iba. Pero sa akin, this means a lot. I intently looked at him. Pawis na pawis siya dahil sa init na nagmumula sa stove. Hindi rin nakatakas sa akin ang mga paso sa kan'yang kamay. My gosh! What did I do in my past life to have him?
Dala ng samu't saring emosyon, hindi ko namalayang nayakap ko na siya. I felt him stiffined, kahit ako rin nang mapagtanto ko kung ano ang ginawa ko. Pero imbes na kumalas, mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakayakap sa kan'ya.
"This means so much to me, Zach. Salamat," I whispered to him, nakatingkayad ako para maabot ko ang kan'yang tainga.
Naramdaman ko ang pagyakap niya rin sa akin. Napapikit ako dahil doon. Ang sarap at ang init ng kan'yang katawan. Napakakomportable.
"Tara na, kumain na tayo baka kung ano pa ang sabihin ng kaibigan mo kapag naabutan tayong ganito," si Zach ang unang kumalas sa amin. Nakaramdaman naman ako ng panandaliang pangungulila. Binalewala ko ang damdaming iyon.
"Huli na ang lahat, nakita ko na!"
Napatalon ako sa gulat nang makita si Alliah na nasa likod ng pader na humihiwalay sa salas at kusina, tila nagtatago ito mula sa amin. Nag-init ang aking pisngi.
"K-kailan ka pa riyan?" nauutal kong tanong. Gusto kong magtago sa ilalim ng lupa! Bakit kasi palagi na lang sumusulpot sa kung saan itong si Alliah?
"Kanikanina lang naman. Sapat na para marinig ko ang pasasalamat mo. Ah! Pati 'yung paghigpit mo ng yakap! Nahuli ko iyon!" aniya, lumabas na ito mula sa pinagtataguan at walang habas na kumuha ng karne mula sa nakahain.
"Hey! Hindi 'yan para sa'yo!" sita ni Zach.
"Aba! Magkahati kami sa bayarin dito ni Renae sa unit! Meaning may ambag din ako rito kasi ginamit mo 'yung kalan namin! Kapal ng mukha!" singhal ni Alliah, tinuro-turo niya pa ang sahig nang may panlalaking mata.
Napabuntong hininga na lamang ako't napapikit sa inis. Kailan ba magkakasundo ang dalawang ito?
"Itigil niyo na nga ito! Para kayong aso't pusa! Nakakainis!"
Binalingan nila akong dalawa.
"Bakit nagseselos ka kasi para kaming may LQ?" mataray at nanghahamong tanong ni Alliah. Hindi ako nagpatalo, I also raised my eyebrow, mas mataas sa kan'ya.
"Naiinis ako sa ingay niyo! At saka bakit naman ako magseselos sa'yo?" Hindi ka naman gusto ni Zach. Gusto kong idagdag iyon kaso baka magmukha ang self-entitled. Pinapamukhang ako lang naman ang gusto ni Zach at wala nang iba. Sabi niya (Zach).
"Girls, relax. Let's just eat. Pero mas kaunti ang sa'yo, Alliah," Zach intervened, marahan niyang hinawakan ang magkabilang braso ko para paupuin ako.
"Dapat nagse-celebrate tayo ng first week ni Nausicaa. Let's enjoy!" dagdag pa nito.
"Aba! Si Renae lang ba ang nag-college rito? Bakit 'yung kan'ya lang ang sine-celebrate?!"
Mahina akong napasinghal sa inis, ang lakas talagang mag-amok nito ni Alliah. Ang sarap busalan ng bibig!
"Simply 'cause your not my special someone," casual na sagot ni Zach.
Namula ako ng marinig ang special someone. So that's me, huh? I am his special someone? Am I?
"Bastos!"
"Find your own version on Zachary Lozano," natatawang sambit ni Zach at saka ako binalingan ng tingin. Ngumiti ito ng matamis sa akin, lalo tuloy akong pinamulahan ng mukha.
"Malalandi!" bayolenteng komento ni Alliah.
Hinahilap ko ang pamunas at mabilis na hinagis sa kan'ya. Patago akong umirap. Nakakainis talaga palagi na lang istorbo!
***
Tahimik at kunot noo kong hinahanap ang mga gamit na nasa listahan. After we ate lunch, I decided to go to the mall and buy the art materials that I'll be needing. Of course, 'yung mga pinakamahahalaga muna tulad ng mga lapis at tech pens. Saka na muna siguro 'yung iba, hindi pa naman daw ganoon kailangan at saka mayroon naman na akong ibang drafting materials dahil sa Technical Drawing namin noong Senior High.
I should do this quickly, naghihintay sa akin si Zachary sa may Arcade, just across this book store. Gusto niya sana akong samahan talaga rito sa loob kaso I insist na hintayin na lang niya ako sa may Arcade, at least doon, na-e-entertain siya. Ayaw ko namang mapahod iyon sa kakaikot at kakahanap ng mga kailangan ko.
"Nandito ka rin pala?"
I almost jumped off because of shocked! Nakakainis naman kasi bakit bigla-biglang nanggugulat?!
"What the—" I said, clenching my fist in front of my chest. This guy will give me a heart attack!
My heart beat's pounding so fast. But it's not because of the giddy feeling.
I'm absolutely sure that it's not Zach. Una, hindi niya ugaling manggulat at pangalawa, malalim ang boses ni Zach unlike this guy na parang pangbagets at hindi pa rin dumadaan sa puberty stage ang boses.
My eyebrow automatically raised when I saw the guy. Hindi naman talaga ako masungit, well, masungit daw akong tignan minsan. 'Yung intimidating daw, pero minsan lang naman ako magtaas ng kilay kapag naiinis o nabubuwisit ako.
I mean, aside kay Alliah. Sa gan'yang senaryo lang ako nagtataas ng kilay.
"Sorry, did I scare you?"
Hindi ko maiwasang irapan siya. Hindi ko talaga gusto magtaray kaso . . . ugh! I don't really like the guts of this guy since the first day!
Nakakainis! Papansin!
I thought, magiging matahimik na ang buhay ko dahil weekend. On the past few days, 'yung first week of classes, sobra siya manggulo! Gumagawa kami ng plates tapos para siyang supervisor na umiikot-ikot sa buong class. Daig pa 'yung professor namin, e!
Then he'll end up staying at my back, looking at how I do my work, saying flattering and flowery words at my plates. And it makes me annoyed! His words were not helping! His presence was disturbing! Mas lalo akong hindi makapag-focus sa paggawa ng plates. I felt so concious whenever someone's looking at me, doing my plates.
Dahil sa kan'ya, I ended up getting low grades. And him? Nah. Don't ask.
This Greek mathematician just got the highest grades!
And I'm not happy!
"Stalker ba kita? Sunod ka ng sunod!"
Umalis na ako sa section ng mga pencils, nagmamadali akong pumunta sa counter kung nasaan ang mga high-end pens. 'Yung mga mamahalin na hindi inilalabas kasi nga mahal.
"Miss," I called the attention of one of the sales clerk.
Nakita ko sa aking peripheral view na tumabi sa akin si Archimedes. Napabusangot ako't napasinghal sa inis.
"May Rotring po kayo na tech pens?" tanong ko nang lumapit na si Ate. Kailangan ko nang makaalis dito agad. Banas na ako sa mukha at presensiya ni Archimedes!
"Anong point po?
"Ah! 1, 3 at 5 po."
"Ate ako rin, pasabay na," ani Archimedes. Hindi ko na lang siya pinansin.
"Oy, hindi mo ako stalker ha. Coincidence lang. Malapit lang naman kasi ang unit ko rito."
Share mo lang? Gusto kong sabihin pero pinigilan ko na lang ang sarili ko na magsalita. Kapag nag-rebutt pa ako, magsasalita ulit siya. At ayoko nang humaba pa ang usapan namin!
Bumalik si Ate nang may dalang tatlong sets. Nagtataka naman akong napatingin sa mga inilabas niya.
Hindi ko alam ang dami pa palang hanash ng tech pens na ito! Bakit kasi hindi na lang disposable tech pens ang ipagamit sa amin? Katulad noong Senior High.
"Alin po rito sa tatlo 'yung gusto niyo? May Junior set, College at Master set po kami, pili na lang po kayo."
Saglit na iniwan kami ni Ate para i-entertain ang iba pang customers.
Sinuri ko naman ang tatlo. 'Yung Junior set ang pinaka-simple, tatlong tech pens, at may tatlong refillable ink. 'Yung College naman ay may isang bote rin ng refillable ink, may mechanical pen at isang case ng lead no'n, eraser at compass adaptor. Samantalang 'yung master set, kompleto na lahat. Parang College set pero ang nagdagdag lang ay 'yung compass mismo.
Kinuha ko 'yung Master set. S'yempre dapat ang kunin ko na ay 'yung kompleto, hindi ba? Tiningnan ko ang likod no'n para hanapin na ang presyo.
At muntik ko nang mabitawan iyon nang makita ko kung magkano. Tangina?! 3K for this set?! Parang pang-isang buwan ko na iyong upa ha?
Nanlalaking mga mata kong ibinalik ang Master set. Napatakla ako, kinuha ko naman ang College set para tignan ang presyo. Compass lang ang wala rito kaya expected kong malaki parin ang presyo. And guess what? Tama ako! 2,600 ang presyo! At 400 ang compass?! Tangina talaga!
Hindi ako palamura pero kamura-mura naman kasi ang presyuhan nito!
Akala ko naman mura, mga nasa 500 lang ang set. Kaya iyon lang ang budget ko sa tech pen. Kung makapag-require naman kasi 'yung prof namin akala mo mabibili mo kaagad 'yon! Tapos ginto pala!
This time, 'yung Junior set ang kinuha ko. Ito mas mura ata. Halos wala nang laman, e. Sana below 1k lang ito.
Napapikit ako sa inis at frustration. Shit! 2,100?! So hanggang saan aabot ang 500 ko? Anong mabibili nitong tech pen?!
Alam ko sa sarili ko na hindi na maipinta ang mukha ko. Minsan sinisisi ko ang sarili ko. Bakit kasi ang hirap ko? Bakit hindi na lang ako naging mayaman tulad ng iba? Well, we used be pero . . .
I sighed. There's no point of blaming. Wala na, e. Ganito talaga ang buhay. Pero hindi porket mahirap, hindi na makakaangat pa. Tama! I should look on the brighter side. You should look on the brighter side of your life, Nausicaä.
Malungkot at nanghihina kong ibinalik ang tech pen. Siguro . . . siguro sa susunod ko na lang bibilhin iyon. I could borrow from Gwen naman diba? I shook my head internally. Of course I couldn't. Well, pwede naman kaso matatagalan si Gwen gumawa ng plates niya kung may kahati siya. At hindi ko naman pwedeng iuwi 'yung tech pens niya kapag may take home plates kami.
Napabuntong hininga ako ng malalim. It's okay, Nausicaä. Makakagawa ka ng paraan. Siguro hindi pa naman ganoon ka-necessary 'yung tech pens? Pencils pa lang naman kami no'ng first week. Siguro this week gano'n pa rin. I mentally crossed my fingers. I hope so.
"A-Ah, Ate h-hindi—"
"Ate, dalawa po nito ng Master set."
Natabunan ang maliit at halos pumipiyok kong boses ng boses ni Archimedes.
Muntik ko nang makalimutan na katabi ko nga pala siya. Nakakahiya naman! Nakita niya panigurado 'yung expression ko sa mga presyo. Argh! Ano naman?! Anong pakialam ko kung mas mayaman siya at afford niya ang dalawang set ng Master?!
Bumalik si Ate at itinago ang dalawang set. Nilingon ako nito. "Ikaw miss ano ang sa'yo?"
"A-Ah . . ." gusto kong sabunutan ang sarili ko. Para akong pipi na nagpupumilit magsalita. I was suddenly loss at words!
"Kasama na po 'yung kan'ya roon sa dalawa po."
Napatango si ate at napa "Ah.
"Akala ko kasi hindi kayo magkasama," ani pa nito.
Napangiti lang si Archimedes kay Ate habang ang huli ay kumuha ng isa pang set.
Napalunok ako. Totoo bang binilhan niya rin ako? Pero wala akong pangbayad!
"A-Ano, w-wala—"
Pinutol niya ang sasabihin ko sana.
"Okay lang, bayaran mo na lang sa susunod," simpleng sagot niya nang hindi ako nililingon.
Tahimik akong huminga ng malalim. Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi. I saw Archimedes glanced at me pero kaagad niya iyong ibinalik nang dumating na si Ate. The sales clerk punched the two sets, isinabay na rin ang pencils na kinuha ko pati ang kan'ya. Nagbayad na si Archimedes through debit card. Nag-abot ako nang bayad sa kan'ya para sa mga lapis na binili ko, at first ayaw niya tanggapin but I insisted. Ibinigay na sa kan'ya ang dalawang paperbag. He asked earlier na paghiwalayin ang sets.
Malalalim ang paghinga hanggang sa iniabot na niya ang paperbag sa akin. Kanina, para akong tigreng handang lapain si Archimedes sa inis. Ngayon, para akong kuting na pipi dahil sa hiya. Nagkautang pa ako sa kan'ya! At hindi biro ang halaga!
"Salamat, though dapat hindi mo na lang ginawa," nagkautang pa tuloy ako sa'yo.
"No, it's okay. Kaysa naman sa wala kang gamitin sa Monday. Balita ko kasi magkakaroon tayo ng esquisse at tech pens ang gamit."
Tumango-tango na lang ako sa kan'ya. Honestly, I don't know what to say. Ang gusto ko na lang gawin ngayon ay tumakbo pauwi sa unit at magkulong doon habangbuhay. Bakit kasi sa kan'ya pa ako nagkautang?! Argh!
Mas gugustuhin ko pa atang umutang kay Xander kaysa rito kay Archimedes.
But come to think of it, medyo matino siya ngayon. At buti na lang, hindi ko nakita sa mga mata niya kanina ang pangmamaliit. I'm pretty sure, mala-langit at lupa ang agwat ng estado namin sa buhay. Halata naman kasi may debit card siya.
Nakalabas na kami sa book store. At doon ko lang naalala na kasama ko nga pala si Zach na naghihintay sa Arcade! Nanlalaki ang aking mga matang tumingin kay Archimedes.
"A-Ano, salamat ulit. P-Promise babayaran naman kita as soon as possible," mabilis kong saad. Parang atat na atat makaalis.
"Okay lang talaga Nausicaa. Sige na, mauna na ako sa'yo. Ingat ka ha?" aniya, bahagya pa nitong itinaas ang kanang kamay bilang paalam. Mabagal lang akong tumango sa kan'ya.
Nang tumalikod na ito at nagsimulang maglakad paalis saka ako dali-daling pumunta sa Arcade. There, I found Zachary playing with a kid, sa tingin ko'y anim na taong gulang palang iyon. Hawak-hawak ni Zach ang magkabilang kamay ng bata habang nakasakay sila sa motor at nagmamaneho.
Napangiti sa kanila at lumapit. Sinulyapan ako ni Zach at malawak akong nginitian.
"Nabili mo na lahat?" anito habang papalit-palit ang tingin nito sa monitor at sa akin.
Napanguso ako pero hindi ko iyon ipinakita kay Zach. Naalala ko na naman 'yung utang ko kay Archimedes. Kailan at paano ko kaya iyon mababayaran? Ang laking halaga no'n! Baka isang taon kong pag-ipunan 'yon!
"O-Oo," I said simply.
Natapos na ang laro nila at nakipag-apir siya sa batang lalaki.
"Ang galing mo nang magmaneho ha!" ani Zach.
"S'yempre ikaw naman talaga 'yung kumukontrol!" halos bulol-bulol na sagot ng bata.
Ginulo lang ni Zach ang buhok ng huli. Napangiti ako sa kanila. Muli akong tinapunan ng tingin ni Zach.
"Ito nga pala ang Ate Renae mo," pagpapakilala niya sa akin.
It felt weird. Na Renae ang itawag niya sa akin imbis na Nausicaa. Parang may iba kapag first name ko ang tawag niya sa akin. I felt . . . special. Sa tuwing may tumatawag ng first name ko, siya agad ang naaalala ko. Siya lang naman kasi anh tumatawag sa akin ng Nausicaä, rito.
Well, not until Archimedes came. He kept on saying my first name. Mali naman palagi ang pronunciation!
I mentally shook my head, dismissing the thought about Archimedes.
Ngumit at maliit akong kumaway sa bata na Santi ang pangalan. Nalihis ang atensyon ng bata nang may tumawag dito. Otomatikong napataas ang kilay ko nang lumapit ang isang babae. Mas bata sa akin ata ng isang taon. Simple lang manamit, white t-shirt at pants lang. Hindi ko alam pero malakas ang vibe ko na probinsyana siya.
Hindi naman tumaas ang kilay ko dahil sa suot niya o sa mukha siyang probinsyana. Napataas ang kilay ko kasi habang lumalapit kay Santi, na kay Zach lang ang tingin niya! Nakakainis! Ang layo naman ng tingin nito sa tinatawag niya!
Mabilis na lumapit sa kan'ya si Santi. Binuhat ng babae 'yung bata at tinanong kung ayos lang ito. Tumango-tango ang bata at tinuro si Zach. Muling ibinaling ng babae ang tingin kay Zach. Hindi nakalampas sa paningin ko ang pamumula ng morena niyang pisngi. Napakunot ng husto ang noo ko roon.
Mas lalo pa itong lumapit kay Zach na nasa harap ko.
"Salamat sa pagtingin sa kapatid ko," aniya sa isang nalumanay na boses.
Pigil na pigil kong iniwasan na mapairap ng mata. Bahagya na lang akong yumuko para hindi ako laling mainis sa mukha ng babae. Kahit kasi simple lang ang dating niya, hindi maipagkakaila na maganda ito.
Parehas naman kaming morena, ang kaso may maganda ang buhok niya kasi maalon himdi tulad ng sa akin, bagsak langt parang walang buhay.
Argh! Kailan pa ako naging insekyora?!
"No problem. I had fun playing with Santi," sagot naman ni Zach na may kasama pang ngiti.
Mas lalong kumunot ang noo ko.
"Salamat ulit."
Ano ba?! Hindi ba sila matatapos?!
"Una na kami," dagdag pa ng babae.
Mabuti pa nga! Dapat lang na umalis na sila agad kasi nabuburyo na ako. Kanina pa ako naiinis! Ewan ko ba? Ang bilis kong mainis ngayong araw. Baka malapit na akong datnan? Pero grabe naman ang PMS ko. Ito na ata ang worst. Sana lang hindi ito magtuloy-tuloy hanggang sa Monday. Ayokong madamay ang esquisse at iba ko pang plates sa mood swing ko.
Kailangan kong mataasan ng grades ngayon si Archimedes.

Komento sa Aklat (14)

  • avatar
    John Benedict Salac

    So good

    06/08/2023

      0
  • avatar
    Yscà Kriffney

    Grabe super ganda nitooo!!naiyak talaga ako and tbh halos diko na mabitawan phone ko para lang mabasa kase super nakakaentertain talaga na basahin.thank you and Padayon author!!!

    05/07/2023

      0
  • avatar
    sennie barretto

    Solid read

    21/05/2023

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata