logo text

Chapter #8:

~ ACE ~
Luha. Ito ang isang bagay na ayaw na ayaw kong nakikita sa mga mata ng isang babae lalo na kung ako ang maging sanhi ng mga ito.
Isa sa mga pangaral ng aking ama ay huwag na huwag mananakit at paluhain ang mga kababaihan dahil sila raw ang puso’t isip ng mga kalalakihan.
Matagal kong pinanghawakan ang mga salitang iyon kahit palagi akong nababatukan at nasasampal ng mga babae ay ni minsan hindi ako gumanti. Tama man sila o mali ay hinayaan ko lang sila dahil ni minsan ay hindi ko rin nakitang pinagbuhatan ng kamay ni ama si mama.
Hindi ko alam kung anong naging hudyat upang bigla na lang muling buhos ang luha ni Ele ngunit ang pagtangis niya ay umukit sa aking parang isang markang hindi maalis. Hindi tulad ng kanyang pag-iyak noon sa cafe, ang pagtangis na ito ay tila may mas malalim na pinanggalingan.
Wala akong nagawa upang alohin siya kaya niyakap ko na lang ito ng mahigpit upang ipadama sa kanya na nandito lang ako at may karamay siya sa kung ano mang ang kanyang pinagdadaanan.
___
12:35pm. Tanghali na pala. Matapos makatulog ni Ele sa kakaiyak kagabi ay binuhat ko na ito at dinala sa kwarto kung saan siya namalagi. Ako naman ay sa sala na nakatulog dahil na rin sa pagod at kakahintay sa text ng mga sira ulo kong kaibigan.
Aba’y alam nila kung saan kami nagtungo ni Ele kahapon. Tinawagan ko pa nga sila isa-isa para lang ipinaalam kung nasaan kami. Nagawa pa nga nila akong kumustahin at padalhan ng pwedeng kainin pero ni isa sa mga ‘yun ay hindi man lang tumulong.
Tinanong ko ang password ng kanilang mga kwarto para sana magamit ko at doon matulog dahil malamok sa sala pero anong nangyari, no reply at cannot be reach ang mga ugok pati si Alex hindi mahagilap.
Tangina lang. Ano pa’t ginawa naming e-lock ang mga pinto dito sa bahay kung hindi rin naman sila magpapahiram kung kailangan. Wala rin namang pagkakaiba ang aming mga silid at makikitulog lang naman ako dahil gamit ni Ele ang kwarto ko na may iisang kama.
Wala talaga akong maasahan sa kanila dapat kinausap ko na lang si Aileen bago ako nagpunta dito para kunin yung susi ng kwarto niya dahil yung sa kanya lang ang de susi pero hindi ko nagawa dahil sa pagmamadali.
Badtrip talaga. Sa susunod sasabihan ko na lang si Aileen na ipaduplicate ang susi sa kwarto niya incase of emergency dahil siya lang naman ang may mabuting loob sa mga kaibigan ko - ay mali - siya lang pala ang kaibigan ko.
Nawala ang isip ko sa pagtiris sa mga ugok ng dahil sa kanina pang nag-vibrate na cellphone ko. Hindi ko na nga pinansin kanina pero may sumunod pa.
Alam kong hindi ito galing kay mama dahil automatic na naka-loudspeaker ang ringtone niya at lalong hindi ito galing sa ibang mga taong nasa phonebook ko dahil isang beep sound ang sa kanila kaya sigurado akong sa mga ugok ang mensahe dahil sinadya ko talagang on vibrate ang sa kanila sa kadahilanang alam ko ng walang kwenta ang kanilang mga mensahe.
“Hello world! The best of the best is here! Bow down before –. Aray! Kailangang manulak?”
Anak ng- Ano bang ginagawa ni Vince dito?
“Nakaharang ka sa daan,” boses ni Raven na malamang kasama niya.
F*ck! Of course. Kung kailan mo sila kailangan hindi sila magpaparamdam pero kapag wala kang balak makita ni anino nila saka sila bigla-biglang susulpot na parang mga kabute.
Tch. Kung minamalas ka nga naman.
“Oh Ace, ba’t d’yan ka natulog? Hindi ka ba nilamok?” Nakangiting tanong ni Raven na siyang unang nakapasok sa bahay kasunod si Vince na hindi rin nagpaawat.
“Oo nga naman bro, ang daming kwarto sa taas ah.”
“Tang’na niyo. Tamaan sana kayo ng kidlat.”
At pinagtawanan lang ang ng mga gago. Matamaan nga sana talaga sila ng kidlat o kaya kahit malunod na lang sa dagat.
“Chill bro.”
“Ano bang ginagawa niyo rito? Kung wala kayong matinong gagawin magpakalunod na lang kayo sa dagat tutal high tide naman ngayon.”
Kainis lang kung alam ko lang na magiging ganito ang buhay ko kapag kasama ang mga ugok na ‘to matagal ko na silang in-unfriend.
“Alam mo kasi bro,” akbay ni Vince na binalewala ang sinabi ko at akala mo naman concern talaga.
“Nag-aalala kami sayo.”
Binatukan ko na. “At sinong maniniwala sa ’yo, ulol.”
Hindi pa ako nakuntento at binato ko pa ng unan para magising sa kahibangan pero mas lalo pa yata itong nabagok dahil mas tumawa lang ito. Baliw.
“I’m here to grab my car bro, akala kasi ni mama hindi ako umuwi kahapon dahil wala yung sasakyan ko,” paliwanag ni Raven na naghahalughog na ng makakain sa fridge.
“Akala ko ba hindi ka uuwi sa inyo kahapon?”
Isa sa mga rason kung bakit si Raven ang hiniraman ko ng sasakyan at hindi si Alex ay dahil alam kong walang maghahanap sa sasakyan kung sakali mang hindi ito dumating sa kanila. Kapag si Alex kasi baka magtaka yung mama niya kapag umuwi siyang walang sasakyan.
“I didn’t. She dropped by sa studio when she’s on her way home from the airport.”
That makes sense. May music studio sina Raven at mandalas doon siya namamalagi after school dahil doon siya nagsusulat ng bagong kanta para sa banda at sa mga commissioned work niya. May maliit na office naman siya doon kaya kapag tinamad, doon na siya hanggang kinabukasan.
“Let me guess bro, nag-hesteratic nanaman nanay mo?” Natatawang komento ni Vince.
“Yup,” balewalang sagot ni Raven na parang di na bago sa kanya ang reaksyon ng ina, pero siguro nga dahil pati kami ay sanay na sa hesteratic o hysterical operatic reaksyon ni tita sa tuwing di nya mahagilip si Raven. Ganun ba talaga mag panic ang mga opera singers, operatic din?
“Sinasabi ko na sa iyo Alexander, kapag may nangyaring masama sa kaibigan ko irereport ko kayo for kidnaping and sexual harassment.”
Napantig ang aking pandinig sa ingay na naggagaling sa labas. Rinig na rinig kasi ito kahit na medyo may kalayuan pa ang pinanggagalingan.
Sino naman kaya ‘yun?
“Geez, woman. You’ve been saying that since we left Royale can you shut up.”
At mas lalo naman akong napakunot ng marinig ang boses ni Alex sa ‘di kalayuan. Base sa tono nito ay may halong pagkairita at inis sa boses niya.
“Oh anong shut up?! Hindi ako mag-shushut up hanggat hindi ko nakikita ang kaibigan ko na nasa maayos na kalagayan. At isa pa hindi naman ako sasama sa’yo kung hindi niyo siya kinidnap!”
“For the nth time, we haven’t kidnapped Yelena. She’s doing fine. She’s safe.”
“At pano mo naman nasabi ‘yun? Manghuhula ka ba? Ikaw ba si Yena para sabihin na ayos lang siya? Hindi! Kaya huwag mong iassume ang nararamdaman ng iba. Palibhasa kasi sa inyong mga lalaki, akala niyo kasi kayo palagi ang tama. Eh hindi nyo naman alam ang nararamdaman ng mga babae.”
“Kahit na hindi ako manghuhula alam ko na nasa maayos na kalagayan ang kaibigan mo dahil may tiwala ako sa kaibigan ko na siyang tumulong sa kaibigan mo. At isa pa, kayong mga babae rin naman ah, hindi marunong magtiwala. Hindi ibig sabihin na may ginawa na kaming desisyon na taliwas sa gusto niyo ay kami na ang masama, kami na ang may kasalanan. Bakit kayo lang ba ang marunong mag-isip at dumiskarte sa buhay? Kayo lang ba itong marunong makiramdam at gumawa ng tamang desisyon? Hindi naman ‘di ba, ni hindi nga kayo marunong makinig tapos ang lakas niyong magsabi na communication is the key to a good relationship. Mahiya naman kayo.”
“At talagang-”
Okay, we’re done. Ano namang bagyo ang parating at bakit kailangang may dala ng kulog at kidlat?
“Anong meron sa dalawang yun?” baling ko sa dalawang ugok.
“Bro, that's a disaster,” Raven answered.
“Tang’na bro, kung hindi nakamotor si Raven baka bingi na kong nakarating dito. Kanina pa yang mga iyan, kung hindi nga lang dumating si Aileen baka sumabog na ang ulo ko.”
I sighed, not knowing how I ended up with this.
“Yena! Yena!”
“And here she is. Good luck bro.” Vince patted my back before busying himself with a bollywood movie, I’m sure he doesn’t understand.
“Yena!” A woman in high heels marches her way inside the house roaming her eyes yelling as if it’s her own until she notices me. “Hoy ikaw.” She points at me.
“Hi? Good afternoon sa’yo,” kunot noo kong sagot sa amazonang babaeng ‘to.
“Nasaan ang kaibigan ko? Nandito siya ‘di ba? San mo sya tinata-”
“Cristine? Anong ginagawa mo di-”
Agad kaming napatingin sa pinanggalingan ng boses at bago pa ako makalapit ay nagulat na lang ako sa reaksyon ng amazonang kasama ni Alex.
“Aaaahh! Alexander anong nangyari sa kaibigan ko.”
“Aray! Bakit kailangang manghampas.”
Geez. Amazona nga talaga itong kaibigan ni Ele. Halos mabingin na ako sa tili niya.
“Irereport ko talaga kayo. Harassment. Sexual harassment. Kidnapping. Violation of human rights.!”
“Aray! Nakaka-ilan ka na ah. Hindi ba pwedeng observation and analysis muna bago conclusion? Mga babae nga naman oh.”
Hinayaan ko na si Alex sa kasama niyang amazona at nilapitan si Ele na nakababa na ng hagdan.
Pagkatapos niyang kumain kahapon ay sinabihan ko siyang maligo at magpalit ng damit, at dahil wala naman siyang dalang damit ay pinahiram ko na lang ng mga damit ko. Iyon lang naman ang nangyari. May pagka-overacting lang itong kaibigan ni Ele.
“Kumusta na pakiramdam mo?” Hindi ko napigilang hawakan ang kamay niya at hawiin ang ilang buhok na nasa mukha niya.
“Ayos lang,” she smiled. “Thank you.” But then she avoided my gaze immediately, sounding unconvincing of her words.
Knowing how she tries to hide everything about her, I lifted her chin up to make her look at me directly in the eyes and asked to say those words so I could see her more clearly.
Sa pagtama pa lang ng aming mga mata ay alam ko na agad ang tinatago niya. “Namamaga pa rin mga mata mo. Sigurado ka bang ayos ka lang?”
“Ace...” She’s trying to move my hands away but I captured her other hand instead, keeping her eyes on mine.
“AHEM.”
Oh. I blinked, trying to break whatever spell casted on me.
“Aileen.” I faced her, “you're finally here,” masigla kong bati.
“Yes I am.” She walked closer to where we stand, greeting Ele with a smile before saying a word. “I hope maayos naman ang pananatili nyo rito?”
“Ele?’’ Tumingin sa akin si Ele na tila ba nagtatanong kung ayos lang ba na siyang sumagot dito na tinugunan ko ng pagtango.
“M-maayos naman. Maraming salamat,” nahihiyang sagot ni Ele.
“Great. Glad to hear that.”
Bago ko pa ibaling ang tingin ko kina Alex ay nakita kong nag-apir pa ang dalawang ugok sa gilid at parang nanalo sa lotto ang mga ngiti.
Tch. Sigurado ako uulanin ako ng mga pang-aasar ng mga ito mamaya. Sana lang kung mangyari ‘yun kapag wala si Ele dahil siguradong walang matinong sasabihin ang mga ugok na ‘to.
“Narinig mo ‘yun. She’s fine. Like I told you she will be.” I heard Alex told Ele’s friend.
“Tch,” She rolled her eyes. “You don’t know that for sure. Hindi mo kilala si Yena.”
“Nagaaway pa rin kayo?” kunot noong sambit ni Aileen “Hindi ba kayo nauubusan ng topic o paulit-ulit lang kayo?”
“Hmmp. Your friends are immature, Aileen. You should find better friends,” sabi nito saka naglakad palapit samin ni Ele. “Tabi nga,” at binangga na lang niya ako bago gumitna samin ng kaibigan niya.
“Sorry naman.” Hinayaan ko na lang siya dahil baka sa akin naman niya ibaling ang galit o sama ng loob niya sa mundo.
“Yena, let’s change your clothes baka kung ano pang sakit ang makuha mo d’yan. Hmmp.”
Aba. Hindi talaga pinalampas na may masabing ‘di maganda. Akala ko pa naman bad mood lang siya o kaya may PMS pero parang personal ang hindi niya pagkagusto sa amin ah. Or better yet, may galit yata ‘tong babaeng ‘to sa akin.
“Excuse me.” Hindi na nakaangal pa si Ele at sumunod na lang ito sa kaibigan pataas ng kwarto. Hinayaan ko na lang rin sila para naman makampante ang kaibigan niya bago pa kung anong sabihing masama tungkol sa amin.
“Ace,” Aileen called, making me move my attention to her rather than the direction Ele and her friend went. “ You have a lot of explaining to do.”
I sighed, “Yeah, I know.”
Kahit hindi sabihin ni Aileen ay alam kong kailangan kong magpaliwanag. Kailangan ko ring sabihin sa kanila kung anong nangyari kay Ele at sa kung anong gusto kong mangyari from here on.
Alam kong marami akong dapat sabihin pero sa ngayon, ang mahalaga ay nasa mabuting kalagayan na si Ele.
xx

Komento sa Aklat (96)

  • avatar
    Maginoobernalyn

    nice

    27/07

      0
  • avatar
    MateoJebil

    thank you

    23/03/2025

      0
  • avatar
    Helen Contigno

    good

    22/01/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata