logo text

Special Chapter

Samantha Jade Emanuel-Smith gave birth to a cutie and a healthy baby boy, Coler. Walang paglagyan ang saya nila ni Dale nang makita ang ngiti ng kanilang munting anghel. Pagkalabas ni Coler sa kaniyang ina ay sabay ang pag-atungal nila ng kaniyang ama sa pag-iyak. OA man ay tunay na labis ang saya noon ni Dale.
Tinupad din nila ang pangakong magpapakasal sila pagkatapos ng pag-aaral. Their marriage was grandiose. He used to hate big occasions but not for his love.
Hindi madali na mag-aral habang may inaalagaang baby, they swear, it wasn't easy. Ngunit hindi sila nagsisi na dumating ang munting anghel na ito sa buhay nila. Bagkus ay ito pa nga ang nagpatibay sa relasyon nilang dalawa. Sa kanila, si Coler ang kanilang lucky charm.
They watch him as he grow. Tutok sila sa bata at sinigurado nila na nabibigyan nila ng atensyon ang kanilang anak.
Lumaki naman ang bata na sweet, ngunit napakasungit sa anak ni Ashley na si Ashleigh. Hindi rin nila alam kung bakit ayaw na ayaw nito sa batang babae. Siguro'y dahil sa kakulitan nito.
After a year, sinundan na rin nila ang kanilang anak. And that's how they had Allison. Medyo kikay ito at nahihilig sa mga make-up, kaya rin dahil ito madalas mapagalitan ng kaniyang ina, malingat lang siya sandali ay may kolorete na ito sa mukha gamit ang kaniyang mga make-up. Ganito ang laging senaryo nilang mag-ina.
"Allison! Bakit nakakalat na naman itong mga make-up ko?!" palahaw ni Samantha mula sa kwarto. Ang mga lipstick niya ay nagkalat sa sahig, ang mga cream na pinapahid niya sa kaniyang mukha ay nagkalat naman sa bedsheet.
Maya maya lang ay nakarinig siya ng irit mula sa kaniyang anak na babae.
"Is nat Ayisom! Nat fut meymap peys oh!" pagtatanggol ng kaniyang bunso sa sarili.
Tinignan ito ni Samantha na parang pagod. "Really?" Paano ba naman ay may lipstick sa labi nito na kalat kalat at puting puti ang mukha dahil sa foundation.
Bumuntong hininga na lang si Samantha dahil alam niyang hindi rin niya masasaway ang kaniyang anak. Nilapitan niya ito at binuhat. "You should wash na, ang dungis mo!" aniya at dinala sa banyo si Allison.
Ang bulinggit naman ay ngumiti. "Mymy, nat mad na?"
Matitiis ba naman ang kaniyang bunso?
"Hindi na, pero huwag mo na 'yon uulitin, okay? Baka masira ang face mo!" wika Niya habang pinapaliguan ang anak.
"Otey! Kit na, Mymy," matunog nitong hinalikan sa pisngi ang kaniyang ina dahilan para mapangiti si Samantha. Wala na talaga siyang iba pang mahihiling pa.
Sa kabilang banda, lumalaki na ang kanilang pamilya kaya nagsimula na rin si Dale na magtrain sa kompanya ng kaniyang ama, hindi rin nagtagal at siya na ang namumuno rito. Si Samantha namang ay full-time mom sa dalawa nilang anak.
"Oh, late ka na naman nakauwi, mahal," salubong ni Samantha sa kaniyang asawa na ginabi na namang umuwi dahil sa rami ng trabaho. "Kumain ka na ba?" tanong pa nito. Mababakas ang pagod sa mukha ni Dale ngunit nang makita ang kaniyang asawa ay para bang napawi lahat ng ito, bigla siyang nagkaroon muli ng lakas.
"My love.." tawag naman ni Dale kay Samantha at yumakap dito. "Ang bango bango ng asawa ko," ani pa niya habang inaamoy ang leeg ng asawa.
Tumawa si Samantha. "Syempre, bagong paligo ako 'no. Halika rito sa kusina, ipaghahanda kita ng makakain at paniguradong hindi ka pa kumakain." Hihilahin sana niya ang asawa papunta roon ngunit hindi gumalaw sa kinatatayuan niya si Dale. "Bakit?"
"I'm craving to something."
"Ano? Sabihin mo na at para maihanda ko."
"Nope, ako ang maghahanda ng kakainin ko," usal niya at ngumisi.
Nagtaka si Samantha. "Huh? Sira ka ba? Pagod ka nga e kaya ako ang mag-- Dale!" tili niya nang kargahin siya ni Dale.
"Doon ko sa kwarto sasabihin kung anong gusto kong kainin." Saka siya naglakad papunta sa kwarto nila habang karga si Samantha.
At doon nabuo ang kanilang bagong bunso, si Berry. Kung makulit si Allison, ito naman ang nasobrahan. Isang araw nga ay nakita ni Samantha ito na nakalupagi sa sahig nila at may hawak na bilog na brown, akala niya ay graham balls lang ito kaya't isinawalang bahala niya muna ngunit nang may umalingasaw na mabahong amoy ay nataranta siya.
"Jusko! Anak naman! Bat mo pinaglaruan ang poopoo mo?!" stress na aniya at hindi magkandaugaga.
Binuhat niya ito papunta sa banyo at pinaliguan. "Hinding hindi na talaga kami magdadagdag ng anak, sa inyo palang ng ate mo ay mamemenopause na agad ako!" ani Samantha habang pinapaliguan ang bunsong anak. Si Berry naman ay tumatawa lang at winiwisikan pa siya ng tubig sa bathtub na parang inaasar pa ang ina.
"Oh, bakit ganiyan ang itsura mo, mahal ko?" tanong ni Dale sa kaniyang asawa pagkauwi sa trabaho. Mukha kasi itong pagod at sabog-sabog ang buhok.
"Ang kukulit ng mga anak mo," tanging sabi niya at pumikit.
Mahinang natawa lang si Dale at niyakap ang asawa. "Ikaw kasi e, I told you na kumuha na tayo ng babysitter nila."
"Wag na, gusto kong ako mismo ang mag-aalaga sa kanila kahit na nalolosyang na ako dahil sa makukulit na 'yon." Sumiksik siya sa dibdib ni Dale. Sininghot niya ito. Kahit galing sa trabaho ay mabango pa rin ito.
Nagcucuddle time sila doon nang makarinig sila ng mga takbuhan. Ilang sandali nga lang ay pumasok sa kwarto nila ang tatlo nilang anak at tumalon sa kama nila. Si Coler ay sa tabi ng ama nila, si Allison sa tabi ni Samantha at si Berry naman ay sa gitna nila.
"Dito sleep, My!" ani Berry habang nakayakap sa kaniyang ina.
"Oh, bakit? Sikip na tayo dito e."
"Iiihh, want dito sleep!"
"Oo nga po!" pagsang-ayon naman ng dalawa.
Tumingin si Samantha kay Dale, pareho silang ngumiti. "Sige pero.."
Nagtinginan ang tatlong magkakapatid at nagngisian. "Pillow fight!" sigaw ni Coler at kani-kaniyang nagsikuhaan sila ng mga unan at nagpaluan. Ganiyan ang gawain ng pamilya nila. Tumigil lang sila nang makaramdam na ng antok si Berry.
"Luv u, Mymy.." ani Berry sa maliit na boses at papikit-pikit na. "Luv u, Dydy."
Napangiti ang mag-asawa. "Love you too, sweetie.."
"Goodnight, Mommy! Good night, Daddy!" ani namang ng dalawa, si Coler at Allison.
"Sweet dreams.." hinalikan ni Samantha sa noo ang dalawa.
"Good night, mahal.." dinampian naman ng halik ni Dale si Samantha. And they sleep happily that night.
Without knowing.. someone's watching them.
"What a great happy family.." nakapangalumbabang sabi ng isang sopistikadang babae habang pinapatunog ang kaniyang kuko sa mesang babasagin. Pinapanood nito ang masayang pamilya nina Samantha at Dale sa monitor. "Ang sarap sirain diba?" ani pa nito at malademonyong tumawa.
"Yeah, kailan mo ba gagawin ang plano mo?" tanong ng isa pang babae.
"Soon, hahayaan ko munang magpakasaya sila," wika nito at ngingisi-ngising sinindihan ang sigarilyo.
"You know what? Hindi ko akalain na matindi pala ang galit mo rito kay Samantha, mas matindi ka pa nga kay Thea 'e. Hindi ko rin akalain na ikaw pa ang sisira sa pamilya nila. I mean, you guys are friends since birth."
Tumawang muli ang 'dating kaibigan' ni Samantha. "I'm a great actor, right?"
"Yes, you are. You really are."

Komento sa Aklat (113)

  • avatar
    Aurel Baldostamo Ronrick

    soper hahahahavbfjavbdhagagahsjahahaahhahahahshdjdjdkdkdkdhdbsbzbzjxbxksbxbxhakaha nalakal amied jakan naman nang ahdkabbsjbhsjak aka am I supposed to do something else if you want to come over and watch the kids tonight and watch TV and playing with my mom for you and watch a movie or something to get it done in the next few months ago but it was good to get it out of your house for you guys to pa sa akin to the next time you see me for a second I think I supposed to say nga wallpaper na Miatns

    13h

      0
  • avatar
    Charmaine Joy Manoy

    book2 pls

    02/12/2024

      0
  • avatar
    Liecel Gan Caguioa

    my book 2 ba to gusto ko malamang kung sino ang kaibigan nyang traidor😆

    26/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Tapusin

Mga rekomendasyon para sa iyo