Chapter 31

Chapter 31: Pagsuko
Samantha's Pov
He's here.
What is he up to? Nandito ba siya para manggulo?
Pumikit ako ng mariin at pagkamulat ko, wala na siya roon. Baka namamalikmata lang ako. Argh, gutom lang 'to. Ano ba? Hindi ko naman siya namimiss para maghallucinate na nandito siya ngayon. Tss.
Nang mailagay na nung babae lahat ng pinamili ko sa malalaking paper bag ay umalis na rin ako. Bigat na bigat ako habang dinadala 'yon, nasobrahan yata sa dami ang mga pinamili ko.
"Miss? Do you need some help? That looks heavy," sabat bigla ng lalaking nasa gilid ko. Amerikano ito at sobrang gwapo. Shet.
"Nakikita mo na ngang mabigat diba? Tapos magtatanong ka pa kung mabigat," pakipot ko pang sabi.
"Uh, what?" Nakalimutan ko yata. 'Kano nga pala itong lalaking 'to, bat ko 'to tinatagalog?
"Ah, I mean, yes I need help." Binigay ko sa kan'ya lahat ng paper bag na dala ko, mukhang nabigatan siya room at nagsising tinulungan pa ako.
"Can you bring that to my car? It's right there on the parking lot," usal ko habang naglalakad papunta roon, nakasunod lamang siya sa akin.
"Y-yes, sure. What's your name?"
Hindi ko pinansin ang tanong niya at hinanap lang ang kotse na dala ko, hindi naman ako nahirapan don. "Here, you could put it there." Binuksan ko ang pinto ng backseat at nilagay naman niya ang mga 'yon doon.
"I'm Lavander," pakilala niya nang mailagay niya na ang lahat ng paper bags sa loob ng kotse. "And you?"
"Nice name. I'm Samantha, single but not available, not open for suitors, sorry." Natawa siya sa dire-diretso kong pagsasalita.
"Wow, straight forward. I like that."
"I really need to go, Lav, see you next time. Thank you for helping me!" Pumasok na ako sa loob ng kotse upang hindi na siya makaangal pa. Baka tanungin niya pa kung saan ako nakatira, ilag na talaga muna ako sa mga lalaki, maliban nalang syempre sa mga boy friends ko.
"Nag grocery lang po, La," sagot ko kay Lola nang tanungin nito kung saan ako nanggaling.
"May pumuntang lalaki kasi rito at hinahanap ka," aniya habang tinutulungan ako na ayusin ang mga pinamili ko.
"S-sino raw po?" Bumilis ang tibok ng puso ko. Posible nga ba na nandito siya ngayon.
"Hindi niya sinabi e, kaibigan mo raw siya."
Si Hans? Si Kliff? Seavey? Hervey? Lincoln?
Hanggang sa pagtulog ay binabagabag ako ng sinabi ni Lola. Iniisip ko pa rin kung sino 'yung lalaking pumunta raw dito at nagpakilala na kaibigan ko.
Hindi ako mapakali kaya't tinawagan ko si Kliff , nakatatlong ring muna bago niya ito sagutin. "Oh?"
Wow, gandang bungad.
"Nagpunta ka ba rito sa States? Nandito ka ba ngayon? O di kaya ay si Hans, si Seav, si Hervey, si Lincoln? O sa kung sino man sa T.C?"
"Huh? Ano namang gagawin ko riyan? At saka, kakauwi ko lang galing sa hq, nakita ko silang lahat doon kaya masasabi ko na wala sila riyan sa States."
"Malamang na wala nga sila rito kung nakita mo sila sa hq." Umikot ang eyeballs ko, rinig ko naman ang pagtawa niya.
"Gan'yan ba talaga ang buntis? Masungit? Kung gano'n ay hindi na ako mag-aasawa."
"Ewan ko sa'yo."
"Bakit nga pala tinatanong mo kung nand'yan kami?"
Bumuntong hininga ako sandali. "Nag grocery kasi ako kanina tapos pagkauwi ko, sinabi ni Lola na may nagpunta raw sa bahay at hinahanap ako, nagpakilala pa nga na kaibigan ko e. What do you think?"  Napabangon ako nang makarinig ako ng malakas na ingay mula sa labas.
"Teka lang."
Lumapit ako sa bintana at sumilip doon. Napakunot ang noo ko nung makita ang isang motor sa harap ng bahay, may isang lalaking nakasakay doon, nakatingin lang ito sa dito sa bahay, sa akin.
What the?
Nanlamig ang buong kalamnan ko at agad na lumayo sa bintana.
"Bakit? Anong meron, Sam?" May pag-aalala na sa boses ni Kliff.
"May lalaki sa labas ng bahay." Tinali ko ang roba ko at dali daling lumabas ng kwarto ko. Baka iyon na ang lalaking nagpakilalang kaibigan ko, I must confront that guy.
"What? Teka, huwag kang lumabas, baka masamang tao 'yan!"
"Paano ko malalaman kung masama nga siya o hindi kung magkukulong lang ako sa kwarto? Mas mabuting komprontahin ko siya at malaman kung sino man ang impaktong 'yon." Pagkatapos ay binaba ko na ang tawag.
Kinakabahan man ay tinahak ko ang main door ng bahay at lumabas. Sumalubong sa akin ang malamig na hangin kaya't napapikit ako. Wala ng atrasan 'to. Gusto kong malaman kung sino siya.
Sinuot ko ang tsinelas ko na panlabas at saka dahan dahang naglakad palabas ng gate. Ngunit wala akong nadatnan doon kundi ang motor lamang. Lumingon lingon ako sa paligid, baka nandito pa siya.
Lumapit ako sa motor na 'yon na halatang mamahalin. "Nasaan na ba ang lalaking 'yon? Tsk, kapag nakita ko talaga 'yon makakatikim siya sa'kin ng malakas na umbag!" Hinampas ko ang upuan ng motor na 'yon dahil sa inis.
"Looking for me?"
Nanlamig ako sa boses na 'yon. Ang boses na 'yon, ang boses na dati'y nakakapagpahulog sa akin, hulog na hulog na kung saan ay nahirapan pa akong umahon.
Hindi ko alam kung haharap ba ako sa kan'ya pero sa huli'y napagpasyahan ko na rin.
And after I turned to face him, nasalo ko na naman ang mga mata niya na masaya man ay may bahid pa rin ng lungkot.
"Anong ginagawa mo rito?" Bumilis na naman ang tibok ng puso ko, gusto ko siyang yakapin at halikan dahil sa pagkamiss ko sa kaniya, isang buwan pa lang ang nakakalipas ngunit nananabik na ako sa kaniya. Pero pinigilan ko ang sarili ko, hindi dapat pananabik ang maramdaman ko ngayon kundi galit.
"I missed you.. so much, asawa ko."
Nangilid ang luha ko sa sinabi niya. Bakit ganoon? Bakit parang wala lang sa kaniya na nasaktan ako ng sobra at umaakto siya ngayon na parang walang nangyare?
"Hindi mo na ako asawa." Nilabanan ko ang titig niya sa akin, pinilit kong maging matigas sa harap niya. Hindi niya dapat malaman na malakas pa rin ang epekto niya sa akin, hindi niya dapat maramdaman na hanggang ngayon ay mahal ko pa rin siya. "Baka bukas makalawa ay tumawag na sa akin ang abogado ko at sabihin non na tapos na ang proseso ng diborsyo natin."
"How are you so sure that I signed those damn papers?" I was stunned. Ano bang kalokohan ang sinasabi niya?
"H-huwag mo nga akong paikutin. Alam ko na gusto mo rin naman na hindi na matali sa akin di'ba? Dahil gusto mo nang makasama si Claudette di'ba? Hindi mo kasi magagawa 'yon kung kasal ka pa rin sa'kin!" Ako lang din ang nasaktan sa sinabi ko, para itong mga kutsilyo na bumabaon sa puso ko.
Again, I started crying. Sinabi ko sa sarili ko na hindi na ako iiyak lalo na sa harap ng ibang tao pero heto ako ngayon.. at sa harap pa mismo ng taong lubos na nanakit sa akin.
"K-kahit kailan ba minahal mo ako, Dale? K-kahit kaunti ba ay may naramdaman kang pagmamahal para sa akin? Hindi di'ba? Sabihin mo sa'kin na hindi, Dale. A-alam kong 'yon naman talaga pero gusto ko ng kumpirmasyon mula sa'yo. Tell me, Dale, tell me! You didn't loved me right?! Si Claudette ang mahal mo hindi ba?!"
Humagulgol ako. Iyon naman talaga ang gusto ko, hindi pa ako tuluyang nakakamove on dahil gusto ko na siya ang mismong magsabi ng mga salitang 'yon.
"Mahal kita. Minahal kita at mamahalin pa kita." His words hit me. No, he's lying. "Hear me out, Sam. I-I love you, may mga bagay na hindi ko pa maipapaliwanag sa ngayon pero 'yan sana ang itatak mo sa isip at puso mo." Then he started crying too. It shocked me, kahit kailan ay hindi ko siya nakitang umiiyak.
"If only you could read my mind.. you'll know how much I endure the pain when you keep on getting my attention while me, keeps on ignoring you." He cried even harder. Halos hirap na siya sa pagsasalita dahil sa pag-iyak.
Tila nabura lahat ng galit ko. I hate it but that's how I feel right now.
Lumapit ako sa kan'ya at niyakap siya.  Ramdam na ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya. His sobs, hindi ko kaya. "I-im sorry, Sam. I'm sorry, p-please.. hayaan mong ayusin ko ang lahat, b-babawi ako sayo.. pangako, mahal ko." He cupped my face, ipinaglapat niya ang mga noo namin.
Pumikit ako at marahang tumango. Nagmulat muli ako ng mata upang salubungin ang matamis niyang ngiti kahit na nangingilid pa rin ang luha sa mata niya. "I love you.." aniya at dinampian ng magaan at masarap na halik ang labi ko.
"We're having a baby.." I whispered but his face wasn't shock.
"I know.. that's why I came here, para makasama ang dalawang baby ko." Dinampian na naman niya ng halik ang labi ko. I can't help it but to smile because of happiness.
Hindi ako marupok. In this kind of times, hindi dapat pride ang umaangat. Pride can destroy a relationship. We're once destroyed dahil sa hindi pagkakaintindihan. Him, didn't let me know what's wrong when we had a misunderstanding, nasira kami noon. And now, he's asking for forgiveness, kung pride ang ipapairal ko, ano pa ang mangyayari sa amin?
Aminado akong mahal ko siya kaya't ano pa ba ang saysay ng pagmamatigas ko?
Kaya ngayon, mark this day.
Isinuko kong muli ang aking sarili sa lalaking mahal na mahal ko.

Komento sa Aklat (112)

  • avatar
    Charmaine Joy Manoy

    book2 pls

    02/12/2024

      0
  • avatar
    Liecel Gan Caguioa

    my book 2 ba to gusto ko malamang kung sino ang kaibigan nyang traidor😆

    26/10/2024

      0
  • avatar
    NieJen

    good for me

    27/06/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata