Chapter 30

Chapter 30: Grocery Store
Samantha's Pov
"Lolo! I missed you po!" Sinalubong ako ng aking Lolo na gwapong gwapo pa rin hanggang ngayon. He's Lolo Isidro Emanuel, my dad's daddy.
"My apo! Still stunning and lovely, I missed you so so much too, my dear," he hugged me, I hugged him too. Gahd, ilang taon din mula nung huling nagkita kami ni Lolo, kapag nag-uusap kasi kami dati ay sa Skype lang.
"I'm glad that you arrived safely. How are you, my apo? And, my dearest 'apo'?" Tumingin siya sa tiyan ko. Alam niyang buntis ako, sinabi na ni Daddy sa kan'ya at tuwang tuwa pa siya non imbis na magalit sa akin.
I smiled before answering him. "I'm fine, Lo. How about you? Mukha pong hindi kayo tumatanda, ah?" He chuckled then pinch my nose.
"You didn't change, my apo. Bolera pa rin, let's go inside, I have a lot of chocolates for you!"
"Lolo naman, I'm not a kid na po para d'yan sa chocolates," nakanguso kong wika. He just laughed.
"I know, but you're still my baby even if you're now carrying a baby," he grins then guide me inside the mansion.
Natatawa nalang na napailing iling ako sa Lolo ko at sumunod sa kan'ya. Malaki ang pinagbago ng mansion, pinarenovate ito kaya mukhang bagong bago talaga, pati ang mga muwebles ay bago.
"Are you hungry, my apo? Your Lola cooked your favorite after your Mom said that you're going here," aniya habang papunta kami sa kusina.
"Talaga po? Where's Lola--"
"My beautiful grandchild! Oh my god, how I missed this gorjas!" Gulat akong napalingon sa magandang babaeng pababa sa hagdan, hindi halatang nasa 60's na siya dahil sa ganda niya. It's my Lola.
"Hi, my pretty Lola!" Naglakad ako palapit sa kaniya at niyakap siya. She's Theodora Alicia Emanuel.
"My baby! How are you? And how's my grandchild to you?" She give a soft hand on my tummy.
"We're fine, Lola. And you? Nothing's changed, you're still pretty like me," we giggled.
"Oh no, nagsama na naman ang magLola na maganda 'kuno'," Lolo said while making a salad.
"Isidro," suway sa kan'ya ni Lola at pinanlikahan pa ng mata. Natawa nalang ako sa kanila.
"Ikaw naman, Lolo. Maganda naman po talaga kami ni Lola!"
"If you say so," aniya at tumawa. "Kidding, of course you two are pretty."
"I'll show you something, Sam." Hinila ako ni Lola papunta sa taas.
"Saan po, La?"
She didn't answer. Hinila niya lang ako papunta sa isang kwarto.
"Charan! Surprise!" My eyes are now widely open when she opened the white door. This is a room, a room for a kid! The wallpaper theme are pink and blue, there's a crib, toys and everything for my baby!
"Hala, thank you po, Lola!" I hugged her once again. "Talaga pong pinaghandaan niyo pala 'to. Salamat po talaga sa inyo ni Lolo," pinunasan ko ang luhang nangingilid sa mata ko.
"Of course, for you.. you're our only grandchild kaya dapat lang na paghandaan din namin ang magiging anak mo. Mabuti nga at habang nandito pa kami sa mundo ay nagkaanak ka na!" She laughed.
"Lola naman, kahit na magdalaga pa po itong magiging baby ko, nandito pa rin po kayo! Ang lakas lakas niyo po kayang dalawa ni Lolo." She smiled sadly. Hind ko alam kung para saan ang lungkot na 'yon na nakapagpaalala  sa akin. "May problema po ba, Lola?"
Umiling lamang siya. "Nothing, wala, apo.. sige na, bumaba ka na doon at gumagawa ng salad ang Lolo mo."
"Sumunod ka rin po doon, ah?" Pumunta na ako sa baba nang tumango siya.
...
"Hello, Kliff?" Kausap ko siya ngayon sa phone.
"Sinabi ni Tita na nasa States ka raw? Totoo ba 'yon?"
I sighed. "Yeap, nandito ako ngayon kina Lola."
"Why? Why happened?"
"Long story, Kliff," I said then chuckled.
"I'm willing to listen, Sam." With that, I smiled. Now you know kung bakit siya ang co-founder ng The Cards.
I told him everything that happened, 'yung tungkol sa amin ni Dale at sa pagbubuntis ko.
"Hindi talaga kami okay ngayon ni Dale at malabo nang magkabalikan pa kami. On how he kissed that girl, sign na 'yon na hindi ako ang pinili niya."
"Maybe you could tell him that you're pregnant? I'm pretty sure, maghahabol iyon sa'yo," sambit niya na ikinatawa ko.
"Hindi na, mas mabuti pa na hindi nalang niya malaman."
"If that's your decision, I'm respecting that, just always remember, The Cards are always here for you." It melted my heart, kahit na umalis ako nang walang paalam ni-isa sa kanila ay hindi naman sila nagtanim ng sama ng loob sa akin.
"Thank you, Kliff, maaasahan ko talaga kayo. Pero isang favor pala.."
"What is it?"
"Nagawa mo na ba 'yung nirerequest ko sa'yo?" Mukhang nagtaka siya, siguradong nakalimutan niya na 'yon.
"Anong request?" Oh see.
"Yung cellphone na pinapagawa ko sa'yo. Yung matagal malowbat, umaabot ng 50 days, limang minuto lang magcharge, kapag nagpicture o video ay sobrang linaw, 'yung volume niya parang speaker, hindi na fu-full ang memory, waterproof, unlimited ang pwedeng idl na apps, may free WiFi na mabilis pa sa mabilis, hindi nababasag kahit na ihulog mo sa building, tapos tig-piso lang." Narinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya.
"Ewan ko sa'yo, magpahinga ka na nga," natatawa pa rin niyang sabi. Nagpaalaman na rin kami sa isa't isa at binaba na ang tawag.
Nangingiting nahiga ako sa kama ko at matutulog na sana nang magring na naman ang phone ko. Si Hans naman ngayon ang tumatawag.
"Oh, Hans? Gabing gabi na jusmiyo garapon ka."
"Sam! Nasa States ka raw?! Anong ginagawa mo d'yan?! Bakit hindi mo sinabi sa'kin?! Aaaaaah!! Nakakainis ka!" Napapikit ako ng mariin at nilayo ang phone ko sa tenga. Mukhang mabibingi naman yata ako sa isang 'to.
"Ano ka ba! Pwede mo naman akong kausapin nang hindi sumisigaw 'no, tss. At oo, nandito ako ngayon sa States, e pake mo?"
"Bakit kasi hindi mo sinabi sa amin? Nag-alala kaya kami sa'yo!" Nawala ang inis ko sa kanya doon sa sinabi niya. Hay, napakaswerte ko talaga kahit na napakamalas ko sa love life.
Minuto lang rin ang tinagal ng pag-uusap namin ni Hans, nagpaalam na rin siya dahil may date pa raw siya, kinamusta niya lang talaga ako.
Pinatay ko na rin ang phone ko para wala ng istorbo sa pagpapahinga ko.
...
"Good morning, my beautiful apo!"
Iyan ang bungad ng umaga sa akin ni Lola. Mukhang hyper na hyper agad siya.
Nag-unat ako ng katawan at ngumiti sa kaniya. "Good morning, my pretty Lola."
"Bangon na riyan at handa na ang almusal natin. Si Lolo mo ang nagluto ngayon," sabi niya habang nag-iistretching.
Nangingiti nalang akong bumangon at itinali ang aking buhok. Kaya sobrang healthy ni Lola 'e, sanay kasi siyang mag-exercise tuwing umaga.
Nagtoothbrush na muna ako at naghilamos bago sumunod sa kan'ya paibaba.
"Good morning, Lolo!" bati ko naman kay Lolo na naghahain na. Napalingon siya sa amin ni Lola at ngumiti.
"Good morning, my apo. Halika na at kumain na tayo," bati niya sa akin kaya naupo na ako sa upuan.
"Ako? Hindi mo ba ako babatiin, Isidro?" Nakataas ang kilay ni Lola kay Lolo.
"Good morning, my love," ani Lolo na nakapagpakilig naman sa aking may kalanturan na Lola.
"Naks, umagang kay tamis," pang-aasar ko sa kanila at tumawa. "Gusto ko po kapag nag-asawa ako, kagaya mo po, Lolo. You're a standard."
Lolo smiled sweetly, like my compliment melted his heart. "Thank you, apo."
Naupo na rin silang dalawa sa upuan at kumain na kami.
"Hanggang kailan ka nga pala rito, apo?" tanong ni Lolo habang kumakain kami.
"Oo nga, magtatagal ka ba rito? Kung oo ay maganda kung ganon. Welcome na welcome ka sa bahay na ito," dugtong naman ni Lola.
Ngumiti ako sa kanila. "Hindi ko pa po alam kung kailan ako uuwi, siguro po ay dito na ako manganganak."
"Ipapunta nalang natin dito ang Mommy't Daddy mo sa araw na iyon, sila na ang mag-adjust."
Nagtawanan nalang kami at pinagpatuloy ang pag kain.
...
It's now my first month here. Ramdam ko na ang umbok ng tiyan ko na nakapagpangiti sa akin.
I did a research for my pregnancy. Wala pa akong masyadong alam dito, of course, una kong panganganak ito. Sinabi roon na magkecrave ako sa iba't ibang pagkain which is true, ngayon nga ay nagkecrave ako sa carbonara, lagi ko iyong hinahanap hanap, gusto ko nga na 'yon ang umagahan, tanghalian at hapunan ko.
Kaya ngayon, nandito ako sa isang malaking grocery store para mamili ng carbonara pasta at iba pang kakailanganin sa pagluluto non. Mamimili rin ako ng mga gamit namin sa bahay na naout of stock na.
Pumunta muna ako sa kitchen utensils and food section, sumunod ay sa baby's section. Titingin lang naman ako ng mga gamit na pang-baby, marami na kasi sa bahay, which is 'yung mga pinamili nila Lola, pero kung may macute-an ako, edi bibilhin ko.
Katulad nalang nito, may nakita akong baby bottle na ang design ay si Teddy sa cartoon na Mr. Bean. I love that man, really. He made my childhood happy. Minsan nga dati noong bata pa ako ay tinatawag akong abno ng mga pinsan ko dahil pinapanood ko si Mr. Bean.
What's wrong with that ba? He's funny, he's a legend.
Nilagay ko na ang baby bottle na iyon sa cart na dala ko.
Naglibot libot pa ako ron, maraming gamit na pang-baby na nacute-an ako kaya ito, dalawang cart na ang hila hila ko. Ang isa ay para sa baby ko, at ang isa ay para sa mga gamit namin sa bahay.
Dumiretso na ako sa cashier nang makumpleto ko na ang mga kailangan kong bilhin.
I was waiting there while the girl cashier was counting all that I bought. Patingin tingin lang ako sa paligid nang mapansin ko ang isang lalaki na nakatayo sa labas ng store, kinusot ko pa ang mata ko ngunit hindi ako nagkakamali. Hindi ako maaaring magkamali.
It was Dale. Staring at me, smiling but pain was visible in his eyes.

Komento sa Aklat (113)

  • avatar
    Aurel Baldostamo Ronrick

    soper hahahahavbfjavbdhagagahsjahahaahhahahahshdjdjdkdkdkdhdbsbzbzjxbxksbxbxhakaha nalakal amied jakan naman nang ahdkabbsjbhsjak aka am I supposed to do something else if you want to come over and watch the kids tonight and watch TV and playing with my mom for you and watch a movie or something to get it done in the next few months ago but it was good to get it out of your house for you guys to pa sa akin to the next time you see me for a second I think I supposed to say nga wallpaper na Miatns

    1d

      0
  • avatar
    Charmaine Joy Manoy

    book2 pls

    02/12/2024

      0
  • avatar
    Liecel Gan Caguioa

    my book 2 ba to gusto ko malamang kung sino ang kaibigan nyang traidor😆

    26/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata