Homepage/Forced Marriage/
Chapter 28
Chapter 28: P.T
Samantha's Pov
He's acting cold.
Napakalamig na ng pakikitungo niya sa akin dahil lang sa hinala niya. Kakaibang kirot ang nararamdaman ko sa tuwing binabalewala niya ako.
"Dale, sandali, hindi ka ba muna kakain?" Tanong ko sa kanya habang naghahain ng umagahan namin. Sa halip na sumagot ay naglakad lang siya palabas ng bahay, he's wearing his uniform, didiretso na siya sa school ng hindi ako kasama. Napabuntong hininga na lamang ako at mag-isang kinain ang niluto ko.
"Sam! Bakit hindi mo kasama si Dale?" Iyan ang tanong ni Yesha sa'kin nang makita ako na mag-isang naglalakad papunta sa room. Tipid na ngiti lang ang sinagot ko sa kanya at dumiretso sa upuan ko ngunit may nakapagpatigil sa'kin, nakaupo si Dale sa tabi ni Eya, mukhang masaya sila habang nag-uusap. Pinigilan kong maluha sa nakita, naupo na ako sa upuan ko at pilit hindi pinapakinggan ang mahinang hagikhikan ng dalawa.
Teka. Bakit nandito si Dale? Hindi ba't sa kabila ang room niya? Huwag mong sabihin na pumunta talaga siya rito para lang makipaglandian kay Eya? This is insane.
"Really? Oh my god, I missed Tita Beth, too! Tell her na one of these days, bibisita ako sa bahay niyo. But you should be there, too, okay?"
"Hm, sure. She'll cook you your favorite Caldereta," matamis na sagot ng asawa ko kay Eya.
"Really?! Gahd, namiss ko ang mga luto niya! Talagang pupunta ako sa inyo sa lalong madaling panahon!"
"That's great, we'll wait there, I'll call mom later dahil sabik din siya sayo."
Nakakainggit. Sa'kin siya dapat gano'n e.
I hate this. I'm strong, hindi ako basta bastang napapaiyak ng kung sino maliban sa mga magulang ko. Pero nag-iba 'yon nang makilala ko siya. Ang sakit lang na ngayong hulog na hulog na ako sa kan'ya, nagkalabuan naman kami. Kung kailan na baliw na baliw na ako sa kan'ya, ngayon naman niya pinaramdam na wala akong halaga sa kan'ya.
"Pst, Dale! Tara na sa room, parating na si Ma'am!" Isang tawag ang nakapagpatigil sa dalawa na magharutan, si Blake.
"Alright, sasabay ako sa inyo mamaya," ngumiti pa si Dale kay Eya bago siya tuluyang umalis.
"Oh my gosh! Nagkakamabutihan na uli kami ni Dale, Sam! Sheesh! Kinikilig na ako kahit na isipin ko palang na magiging kami na!" Yan ang bungad sa akin ni Eya matapos lumipat ng upuan sa tabi ko, ngumiti na lang ako sa kan'ya.
"Girl, bakit hindi mo sitahin 'yang asawa mo?" Bulong sa akin ni Ashley habang naglalakad kami papunta sa cafeteria. Paano ba naman ay magkasabay na naglalakad 'yung dalawa, nakalingkis pa ang kamay ni Eya sa braso ng asawa ko.
Gustong gusto ko silang paghiwalayin pero siguradong magagalit sa akin si Dale.
"Hayaan mo na, friends lang naman sila," sabi ko nalang.
"Friends? Seryoso? Friends? Hambalusin kaya kita d'yan?" Tinawanan ko nalang siya at pilit tinatago ang sakit na nararamdaman ko.
He ordered his and her food. Sa kanila lang dalawa ang inorder niya, he didn't ask mine. Panibagong sakit na naman ngunit tiniis ko.
"Sam, anong sayo?" Si Yesha, mukhang napansin niya na wala akong balak na umorder.
"Sandwich at coke in can nalang," sagot ko at pinanood siya na umalis at umorder.
Nabalik ulit ang paningin ko kay Dale at Eya na masayang kumakain. Mukhang hindi na nga nila napapansin na nandito kami dahil parang may sarili silang mundo.
Tumingin sa akin si Blake na parang nag-aalala dahil may kalandian sa harapan ko ang asawa ko. Nginitian ko lang siya.
Hanggang kailan kaya ako ngingiti at magpapanggap na ayos lang ang lahat?
Ilang minuto lang rin ang lumipas at bumalik na si Yesha dala dala ang mga pagkain namin. Tahimik nalang akong kumain at hindi na nilingon pa ang dalawa.
"Sam, pwede bang magpasama ako sayo sa banyo? Please?" Pakiusap sa akin ni Eya, gusto kong tumanggi pero ang sama ko naman tignan kung gano'n kaya pumayag na rin ako.
Nakatingin lang ako sa kanya habang naglalagay siya ng lipstick sa labi niya sa salamin, nasa banyo na kami.
"Eya, you like Dale, right?" Napatingin siya sa repleksyon ko sa salamin at ngumiti.
"Yes, halata naman diba? What about it, by the way." Tinuloy na niya ang pagkokolorete.
"I like him too," pag-amin ko. "I mean no, I love him."
Dahil doon ay nagbago ang itsura niya, mukhang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. "Kindly repeat that?"
"Mahal ko si Dale."
Tumawa siya. "Come on, Sam. Don't joke around," aniya ngunit nakita niyang seryoso ako kaya nagseryoso rin siya. "You know na wala kang mapapala sa kan'ya, it's obvious that he likes me! Kaya ano pang nilalike like mo d'yan? And to warn you, hindi ako nagpapatalo, Sam," sambit niya, handang ipaglaban ang lalaking nakatali na sa akin.
"Same goes to me, ako rin, Claudette. Hindi rin ako nagpapatalo lalo na kung ang pinag-uusapan ay 'yung pag-aara ko na."
She laughed. "Seriously? Ikaw? Pag-aari mo si Dale? Oh my god, hindi ka man lang nga matapunan ng tingin ni Dale, eh. Tapos 'pag-aari mo'?" Tumawa siyang muli.
"Bakit hindi ka magresearch kung kanino nga ba talagang pag-aari ang lalaking nilalandi mo, Claudette?"
Umirap lang siya. "No need, kung kanino man siyang pag-aari ay makukuha ko rin naman siya. Madali lang 'yon, Samantha. Lalo na ngayon na lumalapit uli ang loob namin sa isa't isa," ngising aso niyang sabi at saka ako nilagpasan, binangga niya pa ang balikat ko.
Kumulo ang dugo ko kaya agad kong hinila ang braso niya kaya gulat siyang napaharap sa akin. "Ano ba?!"
"Natatakot ka ba sa'kin, Claudette?" Ngumisi rin ako, pinapatunayan na handa akong lumaban.
"Why would I? Gusto mo ng laban? 'O sige, let the war begin. Pero may mga kondisyones ako, kapag nanalo ako, iiwasan mo na si Dale at magiging sa'kin na siya ng buo'ng buo. And you, you can make yours "
"Ganoon din sa'kin. Pero huwag kang umasa na isusuko ko ang laban," buo ang loob kong sabi at nakipagsukatan ng tingin sa kanya.
"Let's see who's the last girl standing."
Ilang araw ang lumipas, wala ni-isa sa amin ni Claudette ang sumusuko. Umiinit na rin ang chismisan sa buong school tungkol sa paglalaban namin ni Claudette. Parehas naming pinatutunayan na hinding hindi kami susuko. May tiwala ako sa sarili ko, alam kong maipapanalo ko 'to, sa akin lang si Dale.
"Syempre naman kakainin niya 'to, ang sarap kaya nitong gawa ko! Pinaghirapan ko 'to!" Gumagawa ako ngayon ng cookies sa bahay, nandito ang mga kaibigan ko at pinapanood lang ako sa mga ginagawa ko. Halos magdamag ko rin itong pinag-aralan at ginawa kaya sana ma ni Dale.
"Tikim nga kung masarap." Kumuha si Ashley ng isang cookies na binake ko. "Mm! Sarap nga! In fairness ha, hindi nasayang ang pagod mo d'yan!"
Napangiti ako doon. "Sana masarapan din siya."
"Dale, I baked this cookies for you. Masarap 'to! Tikman mo dali," nakangiti kong alok sa kanya habang nasa cafeteria kami.
"I'm full," sagot niya at hindi kinukuha ang inaabot kong isang box ng cookies. Hindi ako pwedeng panghinaan ng loob.
"Edi mamaya mo kainin! Sige na, kunin mo na!" Pinilit ko pa rin 'yung inaabot sa kan'ya. Pinagtitinginan na kami dito ng mga kapwa namin estudyante pero hindi ko sila pinansin.
"Hindi ka ba makaintindi? I said, I'm full!" Sumigaw na siya, kahit na ang mga estudyante na nakatingin ay napasinghap sa paninigaw niya sa'kin.
Naramdaman ko ang pamumuo ng luha sa mata ko ngunit pinilit kong ngumiti. "W-wag ka ngang sumigaw, ito naman.. sige na, t-tanggapin mo na 'yan, pinaghirapan ko 'yan kagabi e.." nahihirapan na akong hininga dahil sa bigat ng nararamdaman ko pero pinilit ko pa rin na masabi 'yon.
"Will you stop being so desperate, Samantha?! Hindi mo ba nakikita na ayaw kitang makita o makausap man lang?! Hindi na ako natutuwa sa'yo!"
Tuluyan nang tumulo ang luha sa mata ko. Hindi ko alam kung tama ba 'yung nakita ko na lumambot ang ekspresyon niya nang makita ang itsura ko. Nanlalabo na ang mata ko. "D-Dale gusto ko lang naman na.. g-gusto ko lang naman na ibigay sa'yo 'tong binake ko. P-pinaghirapan ko pa kasi 'yan e.. k-kahit tumikim ka lang t-tapos ay pwede mo nang itapon," hindi mapigilang iyak na sabi ko at binaba yung box sa lamesa.
Tumakbo na ako papunta sa banyo ng school at doon nagpakaiyak.
"N-napaka-unfair mo naman, Dale. Y-yung cupcake na binake sa'yo ni Claudette tinanggap mo.. t-tapos sa'kin.." napahagulgol na naman ako. Dumating sila Ashley, Yesha at Sandra para aluin ako pero wala lang din silang nagawa. Walang makakahilom ng sugat sa puso ko ngayon. Wala.
Inuwi na muna nila ako sa bahay, sa bahay namin ni Dale. Pumayag na rin ako dahil hindi rin naman ako makakapagfocus sa lectures. Napakabigat ng nararamdaman ko ngayon at dahil iyon kay Dale. He really know how to hurt me.
"Ewan ko sa'yo, Samantha. Noong nagpaulan ang langit ng kadesperadahan ay sinambot mo yata lahat! Itigil mo na nga 'yan, hayaan mo na si Dale! Kung ayaw niya sayo edi ayaw mo rin dapat sa kanya! He's not worth it! Tinataboy ka lang niya, he doesn't love you!" Pilit na itinatatak yan sa utak ko ni Sandra.
"H-hindi ako pwedeng sumuko.. m-mapupunta siya kay Claudette. He.. he deserve me, h-he loves me," sambit ko at humihikbi.
"Hayaan niyo na munang magdrama 'yan, siguradong maiisip din niyan ang mga kagagahan niya, magsasawa rin yan sa paghahabol kay Dale," usal naman ni Yesha habang kumakain ng mansanas na galing sa ref.
Hindi ko na sila pinansin at muling umiyak. Ngunit sa gitna ng pagduwal ko ay ang pag-ubo, at kasunod noon ang pagduwal. Dali dali nila akong dinala sa banyo upang doon ipasuka.
"Oh my god, Sam! Anong nangyayare sa'yo?!" Nagpapanic na si Ashley habang hinahagod ang likod ko.
Hindi ko rin alam, sa mga sumunod na araw ay ganito ang nararamdaman ko, lagi akong nagsusuka.
"Oh, shit. Sam, kailan ka pa nagsusuka?!" Nagpapanic na rin ngayon ang boses ni Sandra.
"H-hindi ko alam kung kailan eksakto nagsimula pero madalas akong ganito.." wika ko at patuloy na dumuduwal.
"Tang'na. Buntis ka ba?!"
Natigilan ako sa sinabi ni Sandra. Posible. May nangyare sa amin ni Dale at posible na meron ngang mabuo.
"H-hindi ko alam.." sambit ko sa mahinang boses ngunit sapat na para marinig nila.
"Nagjugjugan na ba kayo?!" Marahan akong tumango. Lahat sila ay napasinghap.
"Shutangama ka, Samantha! Hindi man lang ba kayo nagproteksyon?! Ayokong maging ninang agad!" Naghihisterikal na ngayon si Sandra na parang siya ang may dinadalang problema ngayon. "Oh, ito! Gamitin mo 'yan at nang matignan natin kung buntis ka nga!" Inilabas niya ang pt sa bag niya at inabot sa akin.
"Bakit ka naman may ganyan?" Taas kilay na tanong ni Yesha sa kanya na ikinalikot ng mata ni Sandra.
"W-wala, for emergency purposes lang. Dali na, Sam! Gamitin mo na 'yan!"
Lumabas na sila at ako naman, nakatitig lang sa pregnancy test na hawak ko.
'Kung may mabuo man, magiging masaya ako. May dahilan na para bumalik sa akin si Dale.'
Ginamit ko na iyon at nakita ko na ang resulta.
Positive.
"SHUTA MAGIGING NINANG NA NGA AKO!"
"Oh my god, hindi ako makapaniwala! Buntis ka nga talaga!"
Ngumiti ako sa kanila. Yes, I'm happy. I'm very happy.
Hindi man magandang pakinggan, pero puwede kong gamitin ang batang dala dala ko para maging maayos kami ni Dale.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (112)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
book2 pls
02/12/2024
0my book 2 ba to gusto ko malamang kung sino ang kaibigan nyang traidor😆
26/10/2024
0good for me
27/06/2024
0Tingnan Lahat