Chapter 21

Chapter 21: Danger
Samantha's Pov
"Baby, what you think 'bout this?"
Lumingon ako sa mommy ko na may hawak na tatlong white dress.
"Maganda naman po lahat, My."
"Choose one, hindi naman pwedeng ito lahat ang isuot mo sa kasal mo," natatawa niyang sabi kaya natawa na din ako.
"That one, mom. Yung may kaunting beads na long sleeves." Turo ko sa nasa gitna.
"Alright, this one, then." Iniayos niya ito bago lumapit sa'kin. "Is there a problem? Mukhang matamlay ka."
Marahan akong umiling. "Wala po, My. Excited lang po ako."
Tomorrow, I and Dale will be married. Sa judge lang kami ikakasal at pirmahan lang ang magaganap pero masaya parin ako.
Hindi ko lang talaga makalimutan si Thea. It will be the happiest day of my life pero wala siya, wala ang isa sa mga kaibigan ko na laging nandyan para sa'kin.
Think about it, we've been together for almost our whole existence here in this world pagkatapos ay nawala nalang 'yon bigla na parang bula.
Paulit ulit na pero hindi ko talaga kayang tanggapin 'yon.
I'll give justice to our friendship. I'll find out what happened.
"Hindi ko 'yon makita sa'yo. Ang pagkaexcite, mukha kasing kulang. Tell me, baby. What happened?" Tanong niya at hinaplos ng marahan ang may kahabaan kong buhok.
Naramdaman ko nalang na may tumulong isang butil ng luha mula sa mata ko.
"Si Thea, My.."
Hindi ko pala kayang maging tahimik lang.
"Hindi ko po alam ang nangyare sa kanya kung bakit parang bigla niya nalang tinalikuran ang pagkakaibigan namin. She changed like as if hindi nin siya naging kaibigan at hindi niya kami naging kaibigan. That's.. not understandable."
Niyakap niya ako at hinagod naman ang likod ko upang matahan ako.
"Shh, baka may problema siya, anak? Maybe she needs space."
"Pero.. pero hindi niya naman kailangan tabuyin kami di'ba? Hindi kailangan yon, mom." Napasubsob nalang ako sa balikat ng mommy ko.
"Intindihin niyo nalang muna siya.. hindi din magtatagal at malalaman niyo ang tunay na rason niya," aniya at dinampian ng halik ang noo ko.
Tumango ako at pinunasan ang luha ko. "Yeah, hahayaan nalang muna namin siya. Pero hindi ibig sabihin 'non na mapuputol na doon ang pagkakaibigan namin."
Ngumiti si mommy at tinap ang balikat ko. "You're growing, Sam. My baby is growing. Our princess is getting matured now."
Natawa na lang ako. "Mom naman, I'm immature parin sometimes."
"Yeah, right. I know that," sambit niya na ikinatawa namin pareho.
***
Sandra's Pov
"Hindi naman kasi tama ang formula na ginamit mo kaya mali mali talaga ang kalalabasan niyan."
I'm here at the library with my professor. Yes, ang kumakausap sa'kin ngayon ay ang lalaking ito na paborito akong punain sa mga maling ginagawa ko.
"Paano ba kasi 'to?" Naiinis na talaga ako, sinusunod ko naman lahat ng sinasabi niya pero mali parin. 'O baka naman siya talaga ang may problema at hindi marunong mag-explain at magturo.
"Ganito 'yan. Makinig ka." Nagsimula na naman siyang kumuda ng kung ano ano na hindi ko naman maintindihan.
I just stared at him while he's discussing.
Ang gwapo niya talaga. Inaamin ko na ngayon na may kaunti akong crush siya sa kaniya. Pero crush lang 'yon ah, humahanga lang ako sa kagwapuhan niya. Nakakainis lang minsan ang kasungitan at kasupladuhan niya.
Ang perfect ng ilong niya, ng mata niya, ng labi niya. Sarap i-kiss lalo na at medyo mapula ang kanyang labi.
Napalunok na lamang ako habang pinagmamasdan ang bawat pagbuka ng kanyang bibig.
Ang puti ng ngipin niya at hindi mabaho ang hininga. Plus pogi points sa'kin 'yon.
Yung buhok niya, medyo mahaba pero malinis naman tignan sa kanya.
Naiimagine ko kung siya ang makatuluyan ko at magkaroon kami ng sariling pamilya.
Ang gagwapo at ang gaganda siguro ng mga magiging anak namin 'no?
I imagine our kids calling us mom and dad. They're showing us what they draw, the cards when there's a special occasion.
Oo, crush lang talaga 'to. Hindi ko naman siguro mukhang obsess na ako sa kanya 'no?
"You're spacing out again while staring at me."
Nabalik lamang ako sa reyalidad nang pukawin ako ng kanyang gwapo'ng boses.
At ano daw? Ako? Nakatitig sa kanya?
"Excuse me, sir. Hindi po ako nakatitig sa'yo." Pagdadahilan ko pero narinig ko lamang ang mahina niyang pagtawa.
"Marami na din naman ang naaral natin ngayon, sa susunod naman," aniya at nag-ayos na ng mga gamit niya.
Hay, salamat naman. Dumudugo na kanina pa ang ulo ko dito sa pesteng formulas na 'to!
"Anyway, what happened to Thea? Bakit hindi na siya ang kasama niyo lagi? I noticed she's always with Laurine and Katy," tanong niya habang nagliligpit. Nagligpit na rin ako ng mga gamit ko.
"Hindi ko din alam, sir."
Yan ang totoo. Wala kaming kaalam alam sa nangyayare sa kaibigan namin.
Ewan ko ba sa babaeng 'yon. Kapag talaga prank lang 'to sasabunutan ko 'yon.
"Nag-away kayo? Maybe you guys should talk to her," suggest niya.
"We did, kasi inartehan lang kami. Sigurado naman ako na hindi 'yon makakatiis at mamimiss kami non. Babalik din sa'min 'yon."
Nang matapos ako na mag-ayos ay nagpaalam na ako sa kaya. He even insist na sumabay ako sa kanya kaso tumanggi na ako. Baka sabihin niya easy to get naman ako kaya pakipot na muna ang beauty ko ngayon.
I received a text message habang naglalakad kaya napahinto ako.
From: Thea bestie❤️
Nandito ako sa kanto malapit sa school. Usap tayo.
Wait, what? It's Thea. Bakit naman kaya?
Agad akong kumuha ng taxi at pumunta doon. Maybe magkukwento na siya sa'kin.
***
Samantha's Pov
Sir Gordon
»phone ringing«
Bakit naman kaya tumatawag si Sir?
"Hello, Sir? Bakit po?" Sagot ko dito.
"Pwede bang icontact mo ang mga magulang ni Ms. Cassandra? She's here in the **** Hospital."
Tinubuan ako ng kaba sa narinig.
Si Sandra? Nasa hospital?
"A-ano pong nangyare, Sir? Anong lagay ng kaibigan ko?" Nag-aalala kong tanong.
"Maayos na siya pero hindi parin siya nagigising. Mamaya ko na ikukwento, tawagan mo muna ang mga magulang niya."
Pagkatapos non ay tinawagan ko agad si Tita Morriet, ang mom ni Sandra at papunta na din daw sila kaya pumunta na ako don. Tinawagan ko din sila Ashley at Yesha tungkol doon.
Nang makarating ako sa hospital na sinabi ni Sir ay agad kong tinanong sa nurse na nakaassign doon. Pagkasabi non ng room ay agad ko yung pinuntahan.
"Sir!" Tawag ko kay Sir na nasa labas ng room.
"Sam, nasa loob na ang mga magulang ni Cass," aniya at mukha din siyang nag-aalala sa lagay ng kaibigan ko.
"A-ano po bang nangyare, Sir? Bakit po nagkaganon ang kaibigan ko?"
Bumuntong hininga muna siya bago magsalita. "Kanina, kakatapos ko lang siyang itutor, sinabi ko na ihahatid ko na siya sa kanila pero tumanggi siya. I was about to leave nung makita ko siya na may tinitignan sa phone at nagmamadaling kumuha ng taxi so sinundan ko siya. At nadatnan ko siya sa kanto malapit sa school na pinagtutulungan ni Laurine at Katy."
Gulat na gulat ako sa sinabi niya.
Yung dalawang babaeng yon?!
"Don't worry, naireport ko na kay Dean at pinatawag yung dalawa at mga magulang nila."
"Dapat sa kanila ay maexpell sa school! Mga bruha sila!" Inis na inis na sabi ko.
Anong lakas ng loob nila na saktan si Sandra? Humanda talaga sila bukas sa'kin.
Dapat sa kanila e balatan ng batan gamit ang nail cutter, bunutin ang mga ngipin gamit ang fliers, sabunutan hanggang anit!
"Sigurado namang mangyayari 'yon. Pero.. may isa pa akong nalaman." Tumigil muna siya. "Ang nagtext sa kanya na pumunta doon ay ang kaibigan niyo.. si Thea."
Ano?
Kung ganoon ay si Thea ang may may pakana non?
Pero imposible!

Komento sa Aklat (112)

  • avatar
    Charmaine Joy Manoy

    book2 pls

    02/12/2024

      0
  • avatar
    Liecel Gan Caguioa

    my book 2 ba to gusto ko malamang kung sino ang kaibigan nyang traidor😆

    26/10/2024

      0
  • avatar
    NieJen

    good for me

    27/06/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata