Chapter 18

Chapter 18: Thea's Secret
Samantha's Pov
"Hoy, Ashley, mukha kang tanga dyan."
"Pake mo? Inggit ka lang dahil may jowa ako!"
"Pake ko din sa jowa mo? Pag-untugin ko pa kayong dalawa e."
Napapikit nalang ako sa kaingayan ni Ashley at Sandra. Kanina pa sila nagtatalo, ewan ko ba sa dalawang 'yan.
"Manahimik nga kayo, nag-aaral 'yung tao oh," inis kong baling sa kanila, paano'y nagbabasa ako ng lesson last discussion dahil magpapa quiz daw si Ma'am Ethel.
"Wow? Nag-aaral ka, mars? Totoo nga pala na may himala!" Hirit nitong si Sandra.
"Hoy, wag niyo ngang ganyanin si Sam, nagseseryoso na 'yan sa buhay 'no!" Si Yesha, habang sinusuklayan ang mahaba at itim na itim niyang buhok.
"Yeap, para sa future namin ni Dale," nakangisi kong sabi at bumalik na sa pagbabasa.
"Hay, nakakapagpabago pala talaga ang love 'no? Ano bang feeling nang ma in love?" Nagpangalumbaba si Sandra at tumingin pa sa akin.
"Masarap sa pakiramdam! Ikaw ba? Puro ka lang kasi flings, halos wala kang naging serious relationship!" Si Ashley naman, inaasar si Sandra.
Inirapan lamang siya nito. "Ba't ko naman kase seseryosohin yung mga nakakalandian ko e hindi din naman nila ako sineseryoso."
"'Yun oh! Humuhugot si mareng Cassandra!" Nagtawanan kami sa sinabi ni Yesha, sinimangutan lang kami ni Sandra.
"Alam mo kasi, Cass. Marami namang naghahabol dyan sayo e, why not give them a chance? Give them a chance to prove that they deserve you and you deserve them!" Pagpayo ko kay Cass at nginisian siya. "English na 'yon ha, galing 'yon sa heart ko."
"Huy, bat lagi kang tahimik dyan?" Pansin ko kay Thea. Madalas ko na talaga siya napapansin na sobrang tahimik, hindi na siya nakikipag-ingay sa'min, hindi na minsan nakakasama sa mga gala.
"Huh? Wala, may iniisip lang."
"Sure ka? May problema ka ba?" Tanong ko ngunit iling lang ang isinagot niya.
Nang sumapit ang lunch break namin ay agad kaming pumunta sa cafeteria. Si Ashley na ang umorder dahil siya daw ang manlilibre ngayon, mukhang masaya talaga siya dahil sa bago niyang jowa. Sana lang ay seryosohin siya ng Blake na 'yon, kapag niloko talaga siya non, uupakan ko 'yon.
"Huy! Kanina ka pa d'yan cellphone mo, may problema ba?" Biglang tanong ni Sandra kay Thea. Tinitigan ko ito at mukhang malamlam ang kanyang mga mata, hindi ko alam kung sadya bang payat na siya dati or mas pumayat lang siya ngayon?
"H-huh? Ah, wala, nagtext kasi si Mommy, darating daw sina Kuya Ethan bukas."
"Woah, talaga?! Sabihin mo pasalubong ko ha!" Giliw na usal ni Sandra, nginitian lamang siya ni Thea.
"Sige ba."
"Ito na ang foods!" Agad na napabaling ang atensyon namin kay Ashley na may dalang isang tray ng pagkain.
"Huwag mong sabihin na magsasalo tayo dyan?" Nakataas ang kilay na tanong ko. Paano'y ang konti non.
"Hindi 'no! Ayun yung iba oh!" Lumingon kami sa inginuso niya at nakita namin doon si Blake kasama si Dale, Luke, Dennis at Lance. May mga dala silang mga tray ng pagkain at drinks. "Magcecelebrate tayo dahil first day namin ngayon ni Blake!" Hagikhik ni Ashley.
Inilapag na nila sa lamesa ang mga pagkain. Pansin ko pa ang titig ni Dale sa akin.
"Ano?"
"Paupo," aniya at tumingin sa upuan na nasa tabi ko.
"Oh, edi maupo ka."
Ano bang problema nito?
"Bag mo," usal niya at umirap. Tumingin ako sa upuan at pilit na tumawa.
"Ay, hehe." Kinuha ko ang bag ko at nilagay sa lap ko, naupo na din siya sa tabi ko.
Mukhang nawiwili na ang fiancé ko na maupo sa tabi ko ah?
"Anong nginingisi-ngisi mo dyan?" Puna sa akin nitong masungit ko na fiancé.
"Cute mo kasi, kiss mo nga ako." Ngumuso pa ako sa harap niya. Siya naman ay napatitig nalang sa labi ko, hindi din nakawala sa mata ko kung paano siya umalon ang adams apple niya.
"Tsk, tigilan mo na 'yan," tanging sabi niya at hindi na ako tinignan.
"Sungit mo talaga!"
Hindi niya na ako pinansin kaya kumain nalang ako.
"Grabe, girl ha, talagang sinagot mo agad siya?" Sandra.
"Bakit pa ba patatagalin e sasagutin ko rin naman siya?" Sagot ni Ashley at malanding tumawa habang nakapulupot ang kamay sa braso ng shota niya, samantalang si Blake ay ngumisi lang.
"Hindi kasi niya natiis ang charm ko kaya sinagot niya na agad ako." Yabang nito.
"Kadiri," wika ko habang iniikot spaghetti sa tinidor ko.
"Palibhasa hindi kayo M.U," balik sa akin ni Ashley kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Anong hindi kami M.U? Mag- fiancé na nga kami e!"
"What I mean is, hindi ka niya gusto unlike what you're feeling for him!"
Natigilan ako doon, oo nga naman. Natahimik nalang ako at pinagpatuloy ang pagkain.
"Hehe, sorry, hindi ko sadya. Peace," ani Ashley at nagpeace sign pa. I just give her my middle finger.
"Ouch!" Daing ko nang marahang tampalin ni Dale ang kamay ko. Mahina lang 'yon pero syempre, kailangang mag-inarte para maawa siya sa akin. Nginisuan ko siya. "Why naman, babe? You know ba na it hurts?"
"Tsk, huwag mo ngang gawin 'yan, kababae mo'ng tao."
"Okay! Willing naman akong magbago for you." I giggled at nagpacute sa kanya. Umirap lang siyang muli at uminom sa coke in can niya.
Hanggang sa paguwian ay pagpapacute ang ginawa ko kay Dale.
"Masanay ka na kasi na lagi akong hinahatid at sinusundo, alam mo namang ilang linggo nalang ay magiging isa na tayo diba?" I let out a flirty laugh that cause him to be more irritated.
"Just shut up and sit, behave."
Sinimangutan ko siya. "Mukha ba akong aso? Hmp, ang sama mo talaga sa'kin. Isusumbong kita kay Mommy Beth."
"What? Mommy Beth? And please, put your seatbelt on, hindi ko na kasalanan kapag naumpog 'yang mukha mo sa salamin kapag nagkataon."
"Erkey! Alam ko namang sobra ang pagke-care mo sa'kin e." I put my seatbelt at umayos na ng upo. He started driving and I can't help but to watch every angle of him.
Oo, sasabihin ko na naman, ang gwapo niya. Napakaperpekto ng mukha niya at bagay kami.
Ang kamay niyang nakahawak sa manibela, ang seryoso niyang mukha habang nagmamaneho, nakakapagpadagdag ang lahat ng kilos niya sa kagwapuhan niya.
•••
Thea's Pov
Tahimik lamang ako na naglalakad pauwi sa bahay, hindi 'yon gaano kalayo sa school kaya kaya pa namang lakarin. Hindi ko na din tinanggap ang alok nina Yesha na isasabay nila ako sa pag-uwi.
I let out a loud sigh. Uuwi na naman ako, kakaharapin ko na naman sila. Paulit ulit nalang naman. Pagod na ako, hindi ba sila napapagod? O napapansin man lang napapagod na ako?
Isa pang buntong hininga ang pinakawalan ko at humigpit ang kapit sa strap ng bag ko. Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad nang maramdaman ko na parang may sumusunod sa akin.
Kanina ko pa 'to napapansin e, kung saan ako dumaan e doon din 'yon dumaraan, kung saan ako liliko e doon din siya.
Dumiretso ako sa isang madilim na eskinita at tumigil sa gitna non, wala ng madaraanan pa.
Hindi nga ako nagkamali, nakasunod parin sa akin ang lalaking 'yon, mukhang natigilan siya nang makitang nakatigil na ako.
"Sinusundan mo ba ako?" Hinarap ko siya, hindi man lang ako nakaramdam ng kaba.
Hindi ko makilala ang lalaki, naka-mask ito at cap kaya mata niya lang ang nakikita ko.
"It's obvious, sinusundan mo nga ako. So, anong kailangan mo?"
"Wala."
"Stalker?"
"No."
"Then, why?" Kinuha ko ang kahoy na nasa gilid. "Ilang araw na kitang napapansin na sinusundan ako lagi. Aamin ka o ihahampas ko 'to sayo?"
Sumandal lamang ang lalaki sa pader at nagcross arms pa habang nakatingin sa'kin, hindi man lang natakot na may hawak ako na kahoy na handang ipukpok sa kanya sa kahit anong oras. "Ikaw si Thea, 'di ba?" Aniya at ngumisi pa.
"Oh? Edi stalker nga kita? Alam mo pangalan ko e."
"Hanggang kailan ka ba magbubulag-bulagan?"
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Ano?"
"Hanggang kailan ka magtatanga-tangahan?"
Mas nangunot ang noo ko doon. "Ano bang sinasabi mo?"
"Hanggang kailan ka.. magpapanggap?"
Natigilan na ako doon, may alam siya?
"Tumahimik ka. Hindi ko alam ang sinasabi mo." Lalagpasan ko na sana siya ngunit nahawakan niya agad ang braso ko.
"They'll hate you. Having a friend which is.. traitor? I'll definitely be mad, nakakasuka." Ani nito na nakapagpakulo ng dugo ko. Hinaklit ko ang braso ko at matalim siyang tinignan.
"Wala kang alam." Naglakad na ako papalayo doon ngunit natigil din nang magsalita na naman siya.
"Kilala kita. Ikaw si Althea Morey Villasper. Isa sa mga miyembro ng...
Xcience. At kinakalaban ang sariling kaibigan." Nakakatakot na ngisi ang ibinigay niya sa akin bago siya unang umalis.
This is bad. Hindi pwede. I can't just lose it, I've sacrifice everything for this!

Komento sa Aklat (112)

  • avatar
    Charmaine Joy Manoy

    book2 pls

    02/12/2024

      0
  • avatar
    Liecel Gan Caguioa

    my book 2 ba to gusto ko malamang kung sino ang kaibigan nyang traidor😆

    26/10/2024

      0
  • avatar
    NieJen

    good for me

    27/06/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata