Homepage/Forced Marriage/
Chapter 16
Chapter 16: First Mission
Samantha's Pov
Everything went very well. Maayos naman na ang pag-uusap na naganap, kaso nga lang.. hindi ko matanggap. Ilang araw na ang nakalipas pero hindi ko parin matanggap.
Ikakasal lang kami sa judge, not on the church. Kaiyak 'no? Pero oo nga naman, hindi naman kasi totoo talaga ang pagpapakasal namin at pilit lang yon dahil sa business kaya no need to have a church wedding.
Medyo nakakalungkot pero hindi naman mababago no'n na magiging Mrs. Smith na ako.
"Cheer up, Sam! Malay mo, kapag tumagal at nahulog na talaga si Dale sayo, pakasalan ka na talaga niya in church!" Pagche-cheer sakin nung apat.
"Alam ko naman 'no, I'm confident na mahuhulog talaga si Dale sa akin. I just have to wait." I flipped my hair.
"Anyways, you know what? Si Sir Gordon, agh, he's now my tutor. Kainis, right?" Ani Sandra at umiirap pa. "Ayos lang sana na itutor niya ko kaso nakakainis siya! Masyado siyang bossy tapos ayaw akong ipagbreak, gusto niya matapos ko muna yung activities na pinapagawa niya." Halata ang iritasyon sa boses niya.
"Wow? Lumelevel up na kayo ah? From Prof to tutor, hmm.. ano kaya ang sunod?" Nang-aasar na wika ni Ashley at humagalpak ng tawa.
"But girls, diba substitute teacher lang si Sir Gordon? Once na bumalik na si Sir Von, hindi na natin siya magiging teacher. It isn't illegal na for the both of you!" Mapanuksong usal naman ni Yesha habang si Sanda e hindi maipinta ang mukha.
"What?! Ano bang pinagsasabi niyo? Ang dudumi ha! Kahit naman na substitute teacher lang siya e ang layo naman ng agwat ng edad namin." Ani Sandra at may punto siya don.
"Pero may kasabihan naman tayo na Age doesn't matter, diba?" Paggatong ko at nginisian si Sandra.
"Argh, ewan ko sa inyo. Hinding hindi ko papatulan ang lalaki na 'yon."
"Sige, sabi mo e." Tinapunan nalang kami ni Sandra ng masamang tingin habang kami ay tatawa tawa lang.
•••
"Hi, Dale!" Sumabay ako sa paglalakad ni Dale papasok sa university. He look pissed as he gazed at me but I didn't mind it.
"Excited ka na ba? Lapit na ng kasal natin 'no?" I giggled, I just can't hide my excitement whenever the topic is about our wedding.
"No. And don't be so excited, pirmahan lang naman ang mangyayari." Seryoso niyang sabi habang tuwid na naglalakad.
Inangat ko ang paningin ko sa kanya at ngumuso, sinasabayan parin siya sa paglalakad.
"Wala bang kiss don?"
"Wala."
Mas napanguso ako don. Seriously? Anong klaseng kasal iyon kung walang kiss na magaganap?
"Pangit mo naman kabonding, pasalamat ka gwapo ko."
"Then thanks to my self." Aniya at binilisan ang paglalakad. Halos tumakbo na ako maabutan ko lang siya.
"Bakit ba nagsusungit ka na naman? Parang hindi mo ako hinalikan nung birthday ko ah!"
Kita ko ang pamumula ng tenga niya. "Pinagbigyan lang kita."
"But I didn't ask for a kiss." Ngisi ko at humarap sa kanya. "Tell me, crush mo na ako 'no?" Hindi nawala ang ngisi ko sa labi. "Aminin mo na, hindi ko naman ipagkakalat, promise." Itinaas ko pa ang isang kamay ko na parang nanunumpa.
Nangunot ang noo niya doon at inirapan lang ako. "As I've told you, pinagbigyan lang kita non." Aniya at nilagpasan na ako.
"Pero hindi naman na kailangan ng halik para doon diba?"
Hindi ko siya tinigilan hanggang sa makarating kami sa room nila, pinagtitinginan pa ako ng mga kaklase niya dahil hindi naman doon ang room ko.
"Just shut up, It was just a small kiss, don't make this a big deal."
Ibig bang sabihin niya non e normal lang sa kanya ang manghalik? Kahit sino e hinahalikan niya?
"Ang sama mo naman! Hmp, sige na nga. Babalik na ako sa room, just text me if you need me." Kinindatan ko siya bago pumunta sa room namin.
"Sa lahat ng desperada, ikaw yung gusto kong kutusan." Inirapan ko lamang si Yesha at naupo sa tabi niya. Sesermonan na naman ako nito e.
"Hayaan mo na ako, okay? Alam naman kung anong ginagawa ko." Sabi ko at tinapik tapik siya sa balikat.
"Ewan ko sayo, para kang aso dahil sa kakahabol sa lalaking yon."
Binelatan ko nalang siya at kung ano anong pinaggagawa.
Ilang oras din ang lumipas at uwian na. Kinukulit ko na naman ngayon si Dale.
"Sige na, please? Iniwan kasi ako nina Yesha e."
Hindi 'yon totoo, nagpaiwan talaga ako para ihatid niya ako pauwi.
"Excuses again, huh?" Aniya na parang hindi talaga naniniwala sa akin.
"Yah, Dale naman e. Magagalit si Daddy sayo kapag hindi mo kk hinatid sa bahay!" Pananakot ko sa kanya.
Umirap siya sandali. "Get in."
Abot langit na naman ang ngiti ko at pasakay na sana sa sasakyan niya nung makarinig kami ng busina. May papalapit na BMW sa amin at tumigil yon sa harap ko. Nang binaba non ang bintana ng sasakyan ay nakilala ko kung sino yon. Si Hans.
Ano kayang ginagawa ng lalaking to dito?
Bumaba ito sa sasakyan at lumapit sa akin. "Oh, Hans. Bakit ka nandito? May problema ba?"
"Dumating na si Gian, gusto ka niyang makita." Usal niya ngunit hindi sa akin nakatingin, kundi sa likod ko, kay Dale.
"Err, ngayon na talaga?" Tanong ko. Napapayag ko na si Dale e! Ano ba yan, pero ano nga bang magagawa ko? "Sige na nga, sabay na ako sayo."
Papasok na sana ako sa sasakyan ni Hans nang may humawak sa braso ko. "O-oh, Dale. Ahm, may importante kasi kaming pupuntahan e." Paliwanag ko, nadagdagan ang kaba ko nang makita na mariin siyang nakatitig sa akin.
"Sabi mo sa'kin ka sasabay, diba?"
Damn! Parang nakokonsensya agad ako. Gusto ko naman talagang sumabay sa kanya e, kaso hindi pwede.
"N-next time nalang siguro. S-sorry, Dale." Marahan kong inalis ang kamay niya sa braso ko at pumasok na sa sasakyan ni Hans.
Nakaalis na ang sasakyan namin don pero habol parin ang tingin ko sa kung saan nakatayo ngayon si Dale, hindi parin siya don umaalis.
Napabuntong hininga na lamang ako at masamang tinignan si Hans. "Alam mo? Napaka wrong timing niyo. Yun na e, pumayag na siya na ihahatid niya ako sa bahay! Argh, kainis naman si Gian. Bat kasi ngayon pa siya bumalik? Ha? Sisikmuraan ko talaga ang isang 'yon."
Tawa lang ang isinagot niya sa akin. Bwisit kayo, sisirain niyo pa ang love life ko.
"Hindi ko naman 'yon kasalanan 'no. Pinasundo ka niya sa akin e. At ano ba namang karapatan kong tumanggi sa lalaking 'yon?" Aniya at umiling iling pa.
"Tch, bilisan mo nalang magdrive."
Kinuha ko ang phone ko upang itext si Dale.
To: Fiancé ko na pogi😍😍😍:
Hi, Dale! I'm sorry talaga, bawi ako sayo next time😭😭😭😭
Wala pang isang minuto ay nakatanggap na agad ako ng reply sa kanya.
From: Fiancé ko na pogi😍😍😍:
You don't have to. Mas masaya na hindi na kita kasabay.
Napanguso ako doon. Ang mean niya talaga. Hmp, pero kanina para siyang galit diba? Ewan ko talaga sa lalaking yon, may sapak ba siya sa ulo?
Pero, oo nga no? Ayaw na ayaw niya kanina na ihatid ako sa amin so bakit kailangan ko pang bumawi? Argh, nakakahiya.
"We're here." Napabaling sa labas ang tingin ko nang magsalita si Hans. Nandito na nga kami.
Agad akong lumabas ng kotse ni Hans. "Nasaan ba sila?"
"As usual, sa meeting room." Pagkasabi niya noon ay dumiretso na ako sa loob ng building. Mabilis akong pumunta sa meeting room.
"Argh, Gian! Did you know that you ruined my date? Kainis ka, bakit kasi ngayon ka pa dumating?" Irita kong sabi habang papasok sa meeting room, lahata doon ay napalingon sa akin.
Nakita ko doon si Gian na tumawa lang. He looks much matured now, mas tumangkad siya at mas gumwapo. Pero wala paring tatalo sa kagwapuhan ni Dale.
Lumapit ito sa akin. "'Yan talaga ang bungad mo sa'kin? Wala bang welcome hug dyan?" Aniya at yumakap nalang bigla sa akin. "I missed you, baby namin! Sayang, hindi ako nakaabot noong birthday mo!"
Agad naman akong humiwalay sa kanya at ngumuso. "Nakakatampo ka talaga! Kahit kailan naman ay hindi ka umattend ng birthday ko!"
Tumawa siyang muli. "Babawi ako sa'yo no! Ano bang gusto mo? Luxury bags? Jewelries? Cars? Name it!"
Inirapan ko lang siya. "Mukha ba akong pulubi para magpabili pa sayo niyan? Tch, bumalik ka nalang sa ibang bansa!"
"Aba. Batang to, mas matanda ako sayo kaya gumalang ka! And you should call me Kuya Gian!"
"Oh, please. Nakakasuka." Irap ko sa kanya pero tinawanan niya lang ako at ginulo pa ang buhok ko.
He's Gian Molfoir. Siya ang pinaka founder ng grupo, hindi siya katulad ng ibang leader ng organization na sobrang seryoso, this is what I love about them. Seryoso lang sila kapag may tinatrabaho kami, err sila.
"Anyway, kailan ang training mo? 18 ka na, you should learn our tactics para kapag may missions, makakasama ka na."
"Kapag natapos na tong Sem, I'm busy with my studies, Gian."
Mukha pa siyang gulat na gulat sa sinabi ko. "Whoa, nagseseryoso ka na sa pag-aaral? Aba, good!" Ginulo niyang muli ang buhok ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Stop! Gusto mo ba akong kalbuhin? At oo, nagseseryoso na ako sa pag-aaral ko."
"Dahil daw yan doon sa fiancé niya, Gi." Singit ni Hans.
"Oh? Anong fiancé? May fiancé ka na, Sam? Aba, ang bata bata mo pa ah!"
"Eh, hayaan mo na! Crush ko naman yung fiancé ko, hehe."
"Bat niyo nga pala ako pinatawag? May gagawin pa ba? Kailangan ko na kayang umuwi!"
"May first mission akong ibibigay sa'yo." Wika ni Gian kaya napangisi ako sa excitement. This will be really my mission na ako lang mag-isa!
"Ano 'yon?"
"Here, study their org, kumalap ka ng mga impormasyon sa kanila." Aniya at inabot sa akin ang isang folder.
"Argh, really? Ito lang? Akala ko pa naman may bubugbugin na ako." Irap ko at kinuha na din yung folder.
"Mag training ka muna bago ka makakuha ng ganoong mission no!" Usal niya habang tumatawa. "Sige na, Hans. Ihatid mo na si Sam sa bahay nila."
"Wag na, kaya ko namang umuwi mag-isa."
Nagpumilit pa ako doon pero ano bang laban ko sa lalaking mapilit din na ito? Nagpahatid nalang din ako kay Hans sa bahay.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (113)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
soper hahahahavbfjavbdhagagahsjahahaahhahahahshdjdjdkdkdkdhdbsbzbzjxbxksbxbxhakaha nalakal amied jakan naman nang ahdkabbsjbhsjak aka am I supposed to do something else if you want to come over and watch the kids tonight and watch TV and playing with my mom for you and watch a movie or something to get it done in the next few months ago but it was good to get it out of your house for you guys to pa sa akin to the next time you see me for a second I think I supposed to say nga wallpaper na Miatns
2d
0book2 pls
02/12/2024
0my book 2 ba to gusto ko malamang kung sino ang kaibigan nyang traidor😆
26/10/2024
0Tingnan Lahat