Homepage/Forced Marriage/
Chapter 15
(A/N: So ito na nga, may mga scenes dito sa story ko na medyo hindi maganda, kagaya nalang ng pag-inom ng alak ng ibang babaeng karakter ko kahit na wala pa sila sa tamang edad para doon. I'm sorry sa mga nadidisappoint ko pero yun yung role nila dito sa story ko. And yeah, minor din naman ako pero hindi ako umiinom. This is a story, hindi kailangang gayahin. Wala namang issue about this pero kinaklaro ko na hangga't maaga pa. 'Yon lang, maraming salamat. Enjoy reading!)
Samantha's Pov
Nakahawak lamang ako sa aking labi habang nakaupo sa table naming magkakaibigan, kasama din namin sina Dale sa table namin. Halos hindi na ako makatingin sa kanya dahil sa pamumula ng buong mukha ko.
Ilang oras na ang nakalipas matapos niya akong halikan pero dama ko parin yung labi niya sa akin.
"Hoy! Kanina ka pa tulala dyan ah? Come on! Enjoy the night girl! 18 ka na kaya lubos-lubusin mo na unang araw mo bilang isang gurang!" Maingay na sabi ni Sandra at inabutan ako ng isang baso na puno ng alak.
Kinuha ko iyon agad at ininom. Straight! She's right, I'm 18 and I can do all that I want!
Nakauwi na ang ibang bisita namin, like yung mga inimbita nina daddy na kasosyo nila sa negosyo. Kami kami nalang na mga kaibigan ko ang nandito at mga kaklase ko. Sina Mommy at Daddy naman ay nagpapahinga na sa loob ng bahay.
Nasa mood ang DJ ngayon, he played some party songs at mapapasayaw ka talaga.
"Oh my god, Hans! You're late!" Angil ko sa bagong dating lang na mga kaibigan ko. Tumayo ako at sinalubong sila.
"Happy birthday, our baby." Malambing na bati ni Hans sa akin na ikinairap ko.
"Stop calling me baby, okay? 18 na ako, I'm old!"
"You're still our baby." Ani Seavey at ginulo pa ang buhok ko.
"Argh, dagat!"
Tumawa lamang ito. "Oh? Asan ang mga regalo niyo? Mayayaman kayo tapos wala kayong dala na regalo para sakin?" Nakasimangot kong usal.
Nagtawanan sila. "Nandoon sa kotse no! Pakainin mo na muna kami at nakakagutom ang bagong misyon ni Kliff!"
Agad ko silang pinapasok at pinakain, nagtinginan pa sa kanila ang mga kaklase ko.
"Oh my gosh, pakilala mo naman kami sa kanila, Sam!"
"Shocks, ang gwapo! Sino yan, Sam?"
"Isa ba sa kanila ang boyfriend mo? Ang swerte mo ah!"
Ilan lang yan sa mga narinig ko sa mga kaklase ko. "Gwapo nga mga siraulo naman." Sagot ko lang sa mga 'yon kaya sinamaan ako ng tingin nung tatlo. Si Hans, Seavey, at Hervey.
"Teka, bakit kayo lang? Bat hindi niyo kasama yung iba? At saka, si Kliff?"
"Busy pa ang mga 'yon, at ano namang aasahan mo doon kay Kliff? Napaka-busy'ng tao non, baka babawi nalang sila kapag nakabalik ka na ulit!" Ani Seavey habang dala dala ang dalawang plato na punong puno ng pagkain. Hindi naman halatang gutom ang isang to no?
"Doon tayo sa mga kaibigan ko, ipapakilala ko kayo kina Dale." Sabi ko at nauna na, ramdam ko na sumunod sila sa akin.
"Ey, guys. I'm with The Cards." Sabi ko sa mga kaibigan ko at naupo na sa upuan ko. "Maupo muna kayo." Wika ko kina Hans na naupo naman agad sa mga bakanteng upuan.
"Ah, Dale, this is Hans, Seavey, and Hervey. Guys, this is Dale, Blake, Luke, Dennis, and Lance." Pagpapakilala ko sa kanila sa isa't isa.
Nakita ko na mariin na nakatitig si Dale doon sa tatlo.
"Yow, mga brad, musta?" Si Seavey habang nakikipag-usap kina Blake.
"Shat tayo mga pre!" Si Blake naman at inabutan ng alak yung tatlo.
"Ikaw pala si Dale?" Bigla sabi ni Hans habang nilalabanan ang titig ni Dale sa kanya.
"Yes, do you have any problem with that?" Sagot naman ni Dale. Umiling lamang si Hans at ipinagpatuloy na ang pag kain.
Err, hindi naman sila mag-aaway diba?
•••
Kinabukasan, ramdam ko na naman ang pananakit ng ulo ko. Shit, naparami na naman ang inom ko. Lagi naman.
"Damn those liquor, hindi na talaga ako iinom."
Hindi muna ako bumangon at hinayaan ang sarili na nakahilata lang sa kama.
I'm now 18.
Gumuhit ang isang ngiti sa labi ko.
That means.. maikakasal na ako kay Dale.
"Good morning, our princess!" Napalingon ako kay mommy na kakapasok lang sa kwarto ko.
Nginitian ko siya ng pagkatamis tamis. "Good morning, mommy!" Bati ko rin pero napahawak din agad ako sa ulo ko nang maramdaman ang pananakit nito. "Err, dahil lang to sa alak, My." Sagot ko nung tanungin niya kung napano ako.
"Get up na, Sam. We're going to meet Dale and his parents para sa gaganapin na kasal ninyo." Aniya kaya napabalikwas ako ng bangon.
"Talaga, My?! Sige po! Ngayon din e maliligo na ako!" At ayon nga, tatakbo akong pumunta sa banyo, nilinis ko ng mabuti ang sarili ko at binilisan ko rin.
Nagbihis lamang ako ng puting dress at tinapatan iyon ng puting sandals, light make up lang din ang nilagay ko sa akin mukha habang ang buhok ko ay pinanatili kong nakalugay.
"I'm ready, mom!" Sabi ko habang pababa ng hagdan. Nadatnan ko silang kumakain pa doon.
Nagtataka ko silang tinignan. "Bakit po hindi pa kayo nakakabihis?" Nakanguso kong tanong.
"Aish, ang bilis mo naman. Kakain palang nga kami ng daddy mo e, saluhan mo na kami. Para may laman ang tiyan mo bago tayo pumunta doon."
Nakanguso parin ako na umupo sa upuan. Nagsimula na din akong kumain. "Saan po ba natin kikitain sina Dale?"
"May tinext na address sa akin si Elizabeth, isang restaurant 'yon." Aniya kaya tumango nalang ako.
Kalahating oras din ang byinahe namin nang makapunta sa address kung saan kikitain namin sina Dale.
Wala akong ibang maramdaman ngayon kundi ang pinaghalong kaba at saya.
Magkakasabay kaming pumasok sa resto, sa hindi kalayuan ay nakita agad namin sina Tita Elizabeth kasama si Dale, nakita ko pa doon ang dalawang lalaki pang kasama nila, yung isa ay si Sav at ang isa pa ay parang kaedad lang ni Daddy, siguro ay 'yun ang Daddy ni Dale.
Naglakad na kami papunta doon.
"Oh, they're here!" Pansin sa amin ni Tita Elizabeth. "Come here, take a seat."
Naupo ako sa bakanteng upuan na katabi ni Dale. Naupo na rin sina mommy.
"We ordered our foods na so can we talk about the wedding?" Tita Elizabeth. "Anyway, Sam, this is my husband, your soon to be dad, Oliver. Wala siya noong pumunta kayo sa bahay dahil may business meeting siya noon."
"I'm glad to meet you, Sam. Kahit ngayon palang tayo nagkita ay boto na ako sa inyong dalawa nitong si Dale." Ani Tito Oliver kaya namula ako. Boto na sa akin parehas ang mga magulang ni Dale, tuloy na talaga ang kasal. Pwede ba akong sumabog sa saya?
"Hi, Sam! We met na diba? Kapag umatras si kuya sa kasal niyo nandito lang ako." Singit ni Sav at kumindat pa sa akin kaya hinampas siya sa braso ni Tita Elizabeth. "Mom naman e! Malay mo naman diba umatras si Dale?" Nakangusong wika ni Sav. Sabay sabay kaming napatingin kay Dale na prenteng nakaupo lang sa upuan niya.
Nakaramdam lalo ako ng kaba, paano kung tumutol siya bigla? But no, para naman sa business kaya siya magpapakasal sa akin diba? Argh, that hurts a little.
"No." Tipid na sagot ni Dale kaya nakahinga ako ng maluwag. He'll marry me! "Lubog na ang business nila diba? Wala namang masama kung tutulong ako."
Napabagsak ang balikat ko doon, masaya nga na pakakasalan niya ako kaso para nga talaga sa business.
Pero bakit pa ako aangal diba? Pakakasalan niya parin naman ako. Magiging asawa ko parin siya. Napangisi na lamang ako.
"'Yun naman pala e, pag-usapan na natin ang mga gaganapin!" Tita Elizabeth.
•••
Ashley's Pov
Sabado ngayon, napaka boring talaga kapag nasa bahay ka lang at walang kasama.
Nagpagulong gulong na lamang ako sa kama ko at nag-isip ng kung ano ano hanggang sa lumipad iyon kay Blake. Wala sa sariling napangiti ako.
Naalala ko ang mga ngiti niya, napakagwapo ni Blake, palatawa, jolly talaga. May pagka madaldal din pero bagay naman sa kanya, 'yon ang gusto ko sa lalaki.
Natigil ang pag-iisip ko tungkol kay Blake nang makatanggap ako ng chat mula sa kaibigan kong writer.
Bessy ko 😍😍💛:
Bes! Bagong labas ngayon ang aklat ko, baka gusto mong itry? Hehe. 😅💛
Napangiti ako, naaabot na niya ang mga pangarap niya, I'm so proud of her.
Me:
Okay! Saan ba mabibili? Gogora agad ako dyan! 😘😘😘
Bessy ko 😍😍💛:
Dito sa Ysaga's Bookstore. Thank you bestieee💛💛💛
Me:
Alright! See you later! Miss na miss na kita kaya manlibre ka!
Nangingiti akong pumunta sa banyo upang maligo na. Minadali ko rin ang pagligo dahil baka maubusan pa ako ng aklat doon.
I wear short-shorts na maong, ang pantaas ko naman ay crop top na itim ay pinatungan ko iyon ng maong na jacket. Nagsapatos din ako na puti at naglagay ng kaunting make up, pagkatapos ay gumora na ako sa bookstore.
Pagkapasok ko doon ay sinalubong agad ako ng kaibigan ko, she's hella pretty.
"Bes! Oh my gee, I missed you!" Nagyakapan pa kami doon.
"Congrats ah! Nakapag publish ka na ng aklat! I'm so proud of you!"
Tumawa siya. "Hindi ko naman to magagawa kung wala kayo no! Kayo yung inspiration ko habang nagsusulat!"
"Sus, pahumble pa. Asan na yung aklat mo? Babanatan ko agad yan mamaya!" Tatawa tawa kong sabi.
"Here oh! Pinareserve ko talaga yan para sayo." Inabot niya sa akin ang aklat na bagong bago talaga.
"Excited na ako dito, sabi mo may role ako dito diba?" Sabay kaming nagtawanan.
"Oo naman no!"
Binasa ko ang tittle ng story niya.
Forced Marriage by MissOwemjii.
Nangingiti ko itong nilagay sa bag ko. Nagkwentuhan pa kami doon, hinapon pa kami sa pagkekwentuhan dahil matagal na din kaming hindi nagkikita.
"Oh, sige na. Mauuna na ako ah? May dadaanan pa ako e!" Paalam ko sa kanya.
"Sige, ingat ka ha? Ingatan ang mukha at puhunan yan! Wag sayangin ang ganda!" Paalala niya kaya natawa ako.
"Hindi'ng hindi mawawala to dai, sila ang mag-iingat." Sabi ko at nagtawanan na kami.
We bid our last goodbye at umalis na din ako. Dumiretso ako sa isang kilalang bakery dito.
"May cookies pa po ba?" Tanong ko doon sa nag-aassist ng mga orders. Ang talaga kasing dinarayo dito ay ang kanilang sariling gawang cookies. Tunay na napakasarap.
"Wala na po ma'am e, naubos po agad kanina. Pasensya na po." Sabi nung babae. Ano ba yan, I'm craving for cookies pa naman, huhu.
"You can have this."
Napalingon ako sa nagsalita sa likod ko, nanlaki ang mata ko nung makita kung sino yon. He's smiling widely habang nasa harap ko ko at inaabot ang lalagyan na may laman na cookies.
It's Blake!
"E-eh, sayo yan.. hindi mo naman kasalanan na nahuli ako at naubusan." Sabi ko at ngumiti din sa kanya. Gwapo niya talaga!
"Sige na, tanggapin mo na to, pwede namang bumalik nalang ako dito e. Kunin mo na." Pagpupumilit niya kaya kinuha ko na rin.
"Mag-isa ka lang?" Tanong niya at tumango ako bilang sagot.
"Ikaw?"
"Mag-isa lang din ako. Saan ang inyo? Hatid na kita." Sabi niya kaya namula ako, gusto kong tumanggi dahil nakakahiya pero sayang naman ang opportunity diba? Gora na!
"Ahm, sige." Pagpayag ko agad at sabay na kaming lumabas sa bakery.
"You know what? You're really pretty, Ash. Nahulog na yata ako sayo." Aniya habang nagdadrive. Napaka straight forward naman nito. Pero err, kinilig naman ako. Narinig ko ang pagtawa niya. "Kung papayag ka, pwede ba kitang ligawan?" Tanong niya na halos ikahulog ko sa upuan ng sasakyan niya. Sigurado ba siya doon?
"Kung papayag ka din.." panimula ko. "Sasagutin na kita ngayon."
Kita ko ang panlalaki ng mata niya. "T-talaga?" Hindi makapaniwalang sabi niya.
Baka naturn off to sa pagiging mabilis ko. Pero bakit ba? Gusto ko rin naman siya e! Gora na!
"Ayaw mo? Edi don't." Pagbawi ko.
"No! Gusto ko!" Agap niya at ngumiti ng malawak, naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko. "Girlfriend na kita."
Ngumiti ako. "Boyfriend na kita."I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (112)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
book2 pls
02/12/2024
0my book 2 ba to gusto ko malamang kung sino ang kaibigan nyang traidor😆
26/10/2024
0good for me
27/06/2024
0Tingnan Lahat