Chapter 12

Chapter 12: Cassandra's Tutor
Samantha's Pov
I leaved all the missions to Hans at sa iba pang kagrupo namin sa misyon. They know na nag-aaral pa ako kaya pinapayagan nila ako na hindi muna magcooperate. I'm also still training and learning.
Ako din ang pinakabata sa aming lahat and they treat me like their younger sister. Oh diba, instant kuya ko sila.
Sinasabak lang nila ako sa mga bugbugan, pero sa patayan? Hindi nila ako pinapayagan, kapag 18 na daw ako.
And speaking of 18, next week ay birthday ko na, I'm turning 18. I will be on my legal age. Sa wakas ay hindi ko na ipepeke ang I.D ko tuwing pupunta sa mga club.
"So, anong plano sa birthday mo, Sam? May pa-party ba?" tanong ni Ashley habang kumakain ng junk food. Nandito kami ngayon sa isa sa mga bleachers dito sa soccer field. Pinapanood namin ang mga estudyante na maglaro.
"Hmm, of course. Nagpaplano na sina mommy e." dumukot ako ng sa chips niya.
"Hay, sana all mag-18 na diba? Ako next month pa" ani Ashley at ngumuso pa.
"Same lang tayo girl." usal ni Yesha habang tumatawa.
"Basta kayo ang 18 candles ko ah? At ang walang regalo, hindi makaka-kain!" biro ko pa at tumawa.
Natigil lang ako sa pagtawa nang makita ko si Dale, nakasuot ito ng P.E uniform namin, mukhang maglalaro din siya.
"Hi, Dale!" tawag ko sa kanya at kumaway pa nung lumingon siya sakin. Ngunit inirapan niya lang ako at tinalikuran. "Tignan mo tong taong to, napakabastos."
Pinanood ko na lamang siya na maglaro ng soccer kasama ang ibang mga estudyante.
Napakagaling niya at bawat sipa niya sa bola ay hindi man lang nakakabawas sa poise niya. Mukha rin na mahusay siya sa soccer.
Ilang minuto din na pinanood ko siya don at nung makita ko na magpapahinga muna siya ay agad akong tumayo. "Wait lang, girls."
Agad akong lumapit kay Dale na nakaupo sa isang bleachers. Pawisan na din siya. "Dale, you must be thirsty." Inabot ko sa kanya ang wala pang bawas na tubig na dala ko. Binili ko iyon kanina sa cafeteria.
Tinignan niya lang iyon. "No, thanks. I have mine." Usal niya at napatingin ako sa gilid niya, mayroon doon na baunan ng tubig.
Inalis ko ang pagkakapahiya sa buong katawan ko. "Pawisan ka, punasan na kita?"
Oo na, ako na ang malandi.
Nilabas ko ang panyo na nasa bulsa ko at handa na sana siyang punasan nung pigilan niya ang kamay ko.
"Why?"
"Hindi ako bata para pagsilbihan mo." Kinuha niya ang panyo ko at siya na ang nagpunas sa sarili niya.
Napakagat labi ako. "But we're getting married, pagsisilbihan din naman kita."
Napaangat ang tingin niya sa akin. "Tss, I'll do everything to stop that fvcking wedding." I felt a bang on my chest. Kung ganoon ay ayaw niya pala na maikasal sa akin? Bakit? Maganda naman ako.
"Why? Aren't you.. excited? First of all, ikakasal ka sa isang maganda, sexy at medyo matalino na si Samantha Jade Emanuel which is me, from the Emanuel clan. Halos lahat kaya ng lalaki ay nagkakandarapa para sa akin!" Pagmamalaki ko pa sa sarili ko. Alam ko ang halaga ko, I'm gold.
"Huwag mo akong igaya sa kanila. Hindi ako nagkakandarapa sayo. Wala akong gusto sayo, at ako lang ang ganoon, si Skyler Dale Smith lang." Matigas niyang sabi at tumayo. "Hindi lahat ng lalaki ay magugustuhan ka, katulad ko nalang, imbis na pagkagusto ay pagkainis ang nararamdaman ko para sayo." Aniya at bumalik na sa mga kalaro niya.
Nalaglag ang paningin ko sa sahig. Bakit ba ganoon siya magsalita? Walang habas, hindi niya ba alam na nakakasakit ang mga pinagsasabi niya? Manhid ba siya?
Ramdam ko ang paglapit nila Yesha."Uy, anyare? Para kang natalo ng ilang milyon sa loto."
"Wala." Binalik ko ang paningin kay Dale na nakikipaglaro na ulit.
Ngayon lang iyan, Dale. Sigurado ako na mahuhulog ka rin sa akin. You will fall hard for me. You'll fall for me, big time.
•••
Cassandra's Pov
Simula palang, hindi ko na talaga bet ang aura nitong si Sir Gordon. Nakakainis siya, wala naman akong ginagawa sa kanya tapos magpapadayaw siya sa akin. Papansin, crush ba ko nito?
Katulad nalang ngayon, pinatawag niya ako sa office niya, hindi ko din alam kung bakit.
"Good morning, Sir." Bati ko sa kanya nang makapasok ako sa loob ng office niya.
I scanned his office, napakalinis ng paligid, ito ang isa sa nakakahanga sa kanya, bukod sa gwapo ay organize siya sa mga gamit niya. Pero wala akong gusto sa kanya ah?
"Sit down." Aniya at itinuro ang upuan sa harap niya.
"No need, ano bang kailangan mo, Sir?" Diretsong tanong ko sa kanya at diretso din ang tingin sa mata niya.
Damn, bakit ngayon ko lang napansin na ang ganda pala ng mata niya? Kahit seryoso siya at tahimik ay napakarami ang sinasabi non.
Argh, ano ba tong naiisip ko?
Pinanood ko siya na may ilapag na papel sa mesa niya. Tinignan ko yon, it's my card. Umuulan ng palakol don.
"What are you doing here in school, Miss Cassandra?"
Napalunok ako dahil sa sobrang seryoso ng boses niya. "O-of course, I'm.. I'm studying." Utal utal kong sagot.
"Studying, huh?" Sarkastiko nitong sabi at pinagsiklop ang mga kamay. "Your mom called me."
Nanlaki ang mata ko don. Shit. Pagagalitan na naman ako non. Kainis naman oh. Hindi ko naman kasalanan na bobo ako e. Tss, hindi naman ako gaya nina Yesha na kahit nagbubulakbol e may masasabi tungkol sa pag-aaral.
"Is she.. mad?" Alanganin kong tanong. Tanga naman ng tanong ko, sinong hindi magagalit?
"Yes." Sagot nito kaya napabuntong hininga ako. "Gusto mo bang matuto?"
Naupo na ako sa upuan na nasa harap niya. "What do you mean?"
"I'll be your tutor." Aniya na nakapagpalaki ng mata ko. What? "Nakiusap ang mom mo na ihanap kita ng pwedeng mag-tutor sayo, I'm not busy so I suggest myself at pumayag naman siya."
"O-oh, I don't really need some tutor. I can learn on my own."
Tumaas ang kilay niya. "Mommy mo na ang nagsabi, aangal ka pa?
Napanguso ako. "Fine, saan ba at kailan?"
"We'll start later. Doon sa library, 4 PM to 5 PM. Isang oras lang, napag-usapan na din namin ng mommy mo ang tungkol doon."
Tumango ako at tumayo na din. "So, 'yon lang ba? Pwede na ba akong umalis?" Tumango rin siya kaya lumabas na ako sa office niya. Me with him in library? God, I can't imagine myself seriously studying with and because of him.
Nakasalubong ko pa si Cris habang naglalakad pabalik sa room namin. "Hey." Bati nito sa akin at sinuklian ko siya ng ngiti.
"Hi, Cris."
"Ano na ang desisyon mo, San? Kailan mo na ako sasagutin?" Tanong niya. Cris is one of my suitors. Marami akong manliligaw at siya ang pinakamakulit. Laging niyang tinatanong kung kailan ko siya sasagutin, sinabi ko naman na tumigil na siya pero pinipilit niya parin ang sarili niya. Annoying, right? Pero friendly naman siya at mabait.
"I don't know, Cris. Sa ngayon ay ayoko munang makipagrelasyon sa kahit sino."
"Pero nakipagdate ka kay Ione? Tss, why so unfair, San? Parang ako lang yung hindi mo pinagbibigyan sa lahat ng mga nanliligaw sayo." Nakanguso nitong wika.
"I told you, Cris. Maging magkaibigan nalang tayo, okay? Hindi ko talaga masusuklian ang nararamdaman mo para sa akin.
"Pero, San naman. Andami ko na kayang hirap sayo, tapos babastedin mo lang ako?" Aniya at medyo galit na.
"Ilang ulit ko bang--" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang may marinig akong boses sa likod ko.
"Bakit ba pinipilit mo siya kung ayaw niya sayo?"
Nilingon ko iyon at nagulat ako nang makita ko doon si Sir Gordon na madilim ang paningin kay Cris.
"S-Sir.." kinakabahang usal ni Cris. "A-alis na ako." Aniya at agad na nagtatakbo paalis na ikinataka ko. Ganoon siga katakot kay Sir Gordon?
"Pinipilit ka ba lagi non?" Tanong ni Sir Gordon sa akin. Nanginig ang kalamnan ko dahil sa boses niya.
"A-ahm, hindi naman."
"Tss." Nilagpasan niya ako ngunit tumigil din siya upang sabihin ang mga salita na nakapagpatindig balahibo sa akin.
"I don't want somebody to get my property, mine is mine. Mine alone." Malamig niyang wika at naglakad na ng tuluyan paalis.
What the fvck did he just say? Property? Who? Sinong pagmamay-ari niya?

Komento sa Aklat (112)

  • avatar
    Charmaine Joy Manoy

    book2 pls

    02/12/2024

      0
  • avatar
    Liecel Gan Caguioa

    my book 2 ba to gusto ko malamang kung sino ang kaibigan nyang traidor😆

    26/10/2024

      0
  • avatar
    NieJen

    good for me

    27/06/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata