Vote, comment and follow guys! Thank youuuu! 🙏 Enjoooooy! ♥️ Pagpasensyahan niyo na ang grammatical error and typos. Walang nagaganap na re-read kada update ko. ~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~ -KIANDRA POV- Kinabukasan... Nagising ako sa alarm ng cellphone ko. Nakapikit ako habang kinakapa ang cellphone kong nasa nasa maliit kong side table sa may ulunang bahagi ko. Kinuha ko agad ito nang makapa ko. Tinignan ko ang oras. 6am. Pumikit ulit ako. 5 mins. Nakakaidlip na sana ako ulit ng may marinig akong sumigaw. Literal na nanlaki ang singkit kong mga mata kanina. "KIAAAAAAA!!" Automatic na napaliit ulit ang nanlalaki kong mga mata kanina. Nakadapa pa din ako sa kama. Pumikit ulit ako. Handa na sanang umidlip nang sumigaw na naman qng pinsan ko. Ano na naman ba ang kailangan ng isang 'to?! Lagi na lang nanggigising! "KIAAAAA!!! BUKSAAAN MOOOO!!" Inis na napabuga ako sa hangin. Padabog akong umupo mula sa pagkakadapa. "ANO NA NAMAN BA?! BAKIT NA NAMAN?! ANG AGA-AGA PAAAA!!" Bwisit na sigaw ko pabalik sa kaniya. "KIAAAAAA!" Inis na nagulo ko naman ang buhok ko. Padabog akong bumangon sa kama ko. Siguraduhin niya lang na mahalaga ang reason niya kung bakit niya ako ginising ngayon! 5 mins na nga lang, hindi pa makapag hintay. Papasok naman ako sa school eh. Nakakunot ang noo ko na binuksan ang pinto. "Problema mo?!" Inis na tanong ko kay Aaron. "Rise and shine princess." Pinagtaasan ko lang siya ng kilay. "Rise and shine your face." Tinawanan niya lang ako. "So? Ano na namang problema mo at nanggigising ka ng ganito na naman ka aga ha?! Tatayo naman na ako. 5 mins na lang hindi pa mahintay." "I can't believe you forgot?" Hindi makapaniwalang saad neto. Humawak pa ito sa dibdib niya at umarteng nasasaktan. "Forgot what?" Humalukipkip akong tumayo. "Mag go-groceries tayo dahil may mga bisita akong dadating mamaya." Saad niya. "Bakit? Anong meron?" Pinagtaasan niya ako ng isang kilay. "Baka may pasok ako ngayon?" Sarcastic kong sabi. "Birthday ko ho ngayon prinsesa. At hindi ka papasok. Ipinagpaalam na kita kay Tita." Ah Birth- Nanlaki bigla yung mga mata kong naniningkit pa dahil sa antok. "Tss. Dahil nakalimutan mo na birthday ko, bawal kang magreklamo sa akin ngayong araw." Bumagsak ang balikat ko sa sinabi niya. May pang black mail na naman siya sa akin. Bakit ba kasi nakalimutan ko? Napanguso ako. "Mag-asikaso ka na. Samahan mo ako mamili. Nga pala. Nagpadala na sila Tita kanina. Kinuha ko na din. Ibibigay ko sa'yo yung parte mo. Bilisan mo ha?" "Oo na!" Tinulak ko na siya palabas ng kwarto ko at sinarado ang pinto. Mahirap na. Baka mabungangaan na naman ako. Inis na nagulo ko na lang ang buhok ko. Pero napangiti din ako ng maalala ang sinabi ni Aaron. Ayan na ang allowance ko! Mabuti naman at nagpadala na ang Nanay ko. Nasa ibang bansa kasi sila ni Mommy at Daddy ngayon. Sila pa kasi ang nagma-manage ng company namin doon kaya doon na sila nakatira for good. Bumibisi-bisita na lang sila dito. Kapag hindi na daw masyadong busy doon ay balak daw nila akong kunin din. Kaso parang ayoko. Mas nasanay na kasi ako dito sa Pilipinas mamuhay. Parang ang hirap kasi kapag sa ibang bansa ka tumira. Niligpit ko na muna ang higaan ko bago dumeretso ng tuluyan sa banyo para maligo. Pagkatapos kong mag-ayos, bumaba na din ako. "Oh iha. Kumain na muna kayo bago umalis." Nakangiting sambit ni Yaya. "Opo. Nagugutom na din po ako. Salamat Yaya." Nakangiting saad ko at umupo na. "Si Aaron po?" Tanong ko kay Yaya ng makakuha nang makasandok ako ng kanin sa platong kinuha ko. "Nag-aasikaso na din." Tumango na lang ako. Nauna pa 'ko? Nang makadating kami ng grocery, unang pinuntahang stand ni Aaron ay yung sa mga alak. "Teka. Iinom kayo ng mga bisita mo?" I asked. "Halata ba Kia?" Natatawang sagot niya. Sabi ko nga e. Pilosopo. Napanguso na lang ako. Pumunta na muna ako sa mga frozen habang si Aaron, naniningin sa mga alak. Inuna pa talaga ang alak. Tinignan ko yung listahan na nailista ko kanina habang hinihintay si Aaron sa bahay. Isa-isa naming binili muna yung mga nasa listahan habang etong kasama ko ay busy sa pagkutkot sa cellphone niya. Napailing na lang ako. Chineck ko yung listahan kung nabili na ba namin lahat. Nang masigurado kong kompleto na lahat, ay pumunta na kami sa cashier. Nang kami na ang magbabayad, sinabi ko na ang huling pakay ko sa cashier. Of course my cigarette Pagkatapos namin mag grocery ni Aaron, ay dumaan muna kami sa isang pastry shop para bumili ng cake niya. "So? Anong flavor ang bet mo?" Tanong ko sa kaniya. "Chocolate na lang." Napatango naman ako. Sinabi ko na agad sa cashier ang order naming cake at pinalagyan ko na din ng 'Happy Birthday Aaron! From Us'. Pagkakuha namin ng cake, ay umuwi na agad kami para makapag luto na agad si Yaya at para kami na din ni Aaron ay makapag-ayos na din. Almost 1pm na ng matapos kami sa lahat. Actually hindi pa nga masyado nakapag-ayos kasi niluluto pa din hanggang ngayon yung buttered shrimp. Nag aasikaso na ako ng lamesa ng biglang may nag door bell. Since nagluluto si Yaya, and si Aaron naman ay nag aayos na, ako na lang ang nagpresintang mag bukas ng pinto. "Ako na po Yaya." Pumunta na ako sa may pinto para pag buksan kung sino man yung nag door bell. "Hi bunso!/ Hi Kia!" Masayang bati nila Charles at Ralph. Nginitian ko lang sila at pinapasok na. "Upo kayo." Masayang bati ko. "Nag-aayos lang si Aaron tapos bababa na din 'yon. Wait lang ha?" Tumango lang sila. Pumunta ako sa sala at kumuha ng tig dalawang baso ng softdrinks at yung nalutong garlic onion toasted bread. Pagkahain ko ng mga iyon sa kanila, ay nagpaalam na muna ako na aayusin ko muna yung lamesa. Nang matapos kami ni Yaya sa kusina, ay saktong bumaba na din si Aaron mula sa kwarto niya. "Kanina pa nanjan sila Ralph at Kuya Charles. Para kang babae kumilos." pang-aasar ko kay Aaron. "What ever Kia" sabay irap sa akin. Parang bakla. Natawa na lang ako. Pagkatapos ko sa kusina ay inayos ko naman yung sa may garden. Para doon na lang sila mamaya paglilim or kapag mag iinuman session na sila. Its 4 pm at medyo dumadami na din ang bisita ni Aaron. Yung iba classmate niya dati nung collage. Yung iba naman, ka band mate niya. Si Aaron kasi tapos na sa college stage at ako, hindi pa, since 2 years lang naman ang gap ng edad niya sa akin. Madalas kasi siyang naa-accelerate sa eskwela niya dati, at 4 years lang na course ang kinuha niya kaya ayon. "Aaron! Dun na kayo sa labas oh. Kahit papaano mas malamig doon." Pagyaya ko sa kanila. Nginitian ako ni Aaron. "Kumain kana din ha? Thank you." Nginitian ko siya. Yung sweet smile. "Happy Birthday Kuya!" Pinat niya lang yung ulo ko bilang tugon sa akin sabay labas na din nila sa garden nung mga friends niya. Humarap na ako sa lamesa pagkatapos no'n. Napatulala ako sa mga pagkain na nakahain sa ibabaw nito. Alin kaya ang uunahin ko dito? Bahala na nga. Lalahatin ko na lang 'to. Kumuha ako ng malaking plato at nagsandok ng buttered shrimp, caldereta, carbonara, at sa gitna naman ay kanin. Mukhang pwede na ako hindi kumain neto ng isang buong araw kinabukasan ha? Natawa ako sa sarili kong isipin. "Yaya! Kain na din po kayo. Sabayan niyo na po ako dito." Pagyaya ko kay Yaya. Paupo pa lang sana ako sa lamesa ng biglang may nag door bell ulit. "Ako na po Yaya." Pagpiprisinta ko ulit. Hindi ko na ito hinintay na sumagot at patakbong pumunta sa pinto. Masamang pag hintayin ang grasya sa lamesa. Pag bukas ko ng pinto ay tumambad sa akin ang mukhang ayokong makita. Gusto kong isarado ulit yung pinto kaso hindi pwede dahil kahit papaano, bisita pa rin siya ni Aaron. Napabuntong hininga na lang ako. I hate it. "Pasok ka." Walang ganang saad ko sa kaniya. Tinignan niya lang ako at pumasok na. Kahit kailan bastos talaga. Napanguso na lang ako sabay irap ko sa kaniya. "Nandoon sila Aaron sa garden sa likod. Puntahan mo na lang." Agad naman niyang sinunod ang sinabi ko kaya ako, bumalik na ulit sa lamesa para kainin yung pagkain ko. Pagkadating ko sa lamesa, nandoon na si Yaya at nagsisimula na kumain. "Hi Yaya. Sigurado po napagod kayo. Kumain lang po kayo ng madami." Nakangiting saad ko kay yaya. "Mukhang masayang masaya si Aaron ngayon ha?" Saad ni Yaya habang nakatingin pa din sa kinakain niya. "Paano ba naman po, eh ngayon na lang ulit sila naging kompleto magto-tropa." Saad ko habang ngumunguya. "Iha. Ubusin mo muna yung pagkain sa bibig mo bago ka magsalita at baka ikaw ay mabulunan." "Sorry po." Napatawa na lang kami parehas. Pagkatapos ko sa pagkain, nagpaalam muna ako kay Yaya na maninigarilyo muna ako. Nakasanayan ko na kasing gawin 'yon kapag may problema ako okaya kapag kakatapos ko lang kumain. Pangpababa kumbaga ng kinain ko. Lumabas muna ako sa garden at pumunta sa pwestong wala masyadong tao. Nang makadating ako sa pwestong hinahanap ko ay sinindihan ko na agad yung isang stick ng sigarilyo ko at humithit ng isa. "Naninigarilyo ka na naman?" "Ay panget!" Muntik ko nang maihagis ang lighter na hawak ko. Napahawak pa ako sa dibdib ko. Sinong hindi magugulat? Feel na feel mo yung ka peacefulan ng paligid mo tapos biglang may magsasalita sa likod mo diba? "Hindi ako panget noh. Gwapo ko kaya." Proud na proud na sabi netong Lars na 'to. Hindi din pala bastos ang isang 'to. Mayabang din pala. Feeling close pa. Full package. I just rolled my eyes. "Hindi ka din pala bastos. Hambog ka din pala." Humalakhak lang ito sa sinabi ko. Maligaya ka jan? Inirapan ko na lang siya. "Ginagawa mo dito?" Mataray na sabi ko. Sinindihan ko na ang stick ng sigarilyo na hawak ko kanina. "Sabi ni Aaron puntahan daw kita eh." "Ah." Matipid kong tugon sa kaniya. "Kia" "Problema mo?" Humithit muna ako sa sigarilyo ko tsaka ko siya tinignan. "Ano... Meron ka pa ba niyan? Pahingi naman ako." Sabay kamot sa batok na saad niya. Akala ko ba masama sa kalusugan ang paninigarilyo? Tapos manghihingi hingi siya sa akin ngayon. Napangisi na lang ako. Kumuha ako ng isang stick sa kaha na hawak ko at inabot sa kaniya pati lighter. "Oh." "Salamat" Sabay kuha niya sa stick at lighter. "May nalalaman laman ka pa jan na masama sa kalusugan ang paninigarilyo." "Naninigarilyo lang naman ako kapag na pe-pressure ako e." Sabay hithit niya sa sigarilyo niya. Pinagtaasan ko siya ng isang kilay. "So na pe-pressure ka sa akin gan'on?" Ano naman kaya ang kapressure-pressure sa akin? Magsasalita pa sana siya ng tawagin kami ni Aaron. "Hoy Lars, Kia. Doon na tayo sa loob. Let's play a game?" Tanong ni Aaron habang tinataas baba ang kilay niya. Kinunutan ko lang siya ng noo. "Kayo na lang. Basta ako ayokong sumali." Kibit balikat kong saad. Mahirap na. Malakas ang kutob kong may mangyayaring hindi kanais-nais sa larong 'to eh. "Kj mo naman Kia." Pang-aasar sa akin ni Aaron. "Kj na kung kj. Wa' akong pake." Papasok na sana ako ng pigilan na naman ako ni Aaron. "Bahala ka. Magtatampo talaga ako sa iyo." Sabay pout. Para talagang bakla. "Oo na! Sige na!" Laging black mail sa akin eh. Pagkapasok namin sa loob ay agad na kaming naglaro ng truth or dare. Spin the bottle. "OKAY! GAME!" Masayang sambit ni Aaron. Nilapag niya ang isang boteng mababasagin sa gitna naming lahat at pinaikot ito. Mabilis umikot ang bote. Nakapabilog ang ayos namin. Habang umiikot ang bote, nagsalita si Kuya Charles. "Kung sinong tapatan ng nguso nitong bote, ayon yung tatanungin ng 'Truth' or 'Dare'. Kung sino naman yung sa may pwetan, ayon ang magtatanong o yung magpapagawa ng Dare." Napatango naman kaming lahat sa kaniya. At kung talagang minamalas ka nga naman. Sa akin natapat yung nguso ng bote. Napanguso na lang ako. "Yung hindi makasagot ng tanong o makagawa ng dare mag sha-shot ha?" Tumatawang saad ni Aaron. Masama ang kutob ko dito ha? Si Dan ang magtatanong o ang magpapagawa ng mahiwagang Dare ko. "Truth or Dare?" Ayan na. Nagtanong na siya. Napakagat ako sa ibabang labi ko. "Dare" tapang ko diba? Ako na men. Ako na talaga. Hahahayop! Tawa ko sa isip ko. "I dare you to kisssabayhug si Lars." Teka. Parang mali yata pagkakarinig ko? Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "HA?!" Sabay naming sigaw ni Lars. Nakabili ba ako kanina ng buds? "Ay! Sorry, sorry." Tumawa muna ang hayop ng mala-demonyong tawa bago nagpatuloy. "I dare you to kiss Lars and hug him. Okay na?" Tumatawa pa ding aniya. Matalim na napatingin ako kay Aaron at siya naman, napangisi lang ng nakakaloko. Napairap na lang ako sa kaniya. "Shot na lang pala ako." Mas okay nang mag shot ako kesa halikan at yakapin ko 'yang bastos na 'yan. "Wala pre. KJ talaga." Iiling-iling na saad ni Charles. Dadagdag pa 'to. "Wa' kong pake." Inirapan ko lang sila. Kinuha ko na ang shot glass na may lamang alak tsaka ito ininom ng tuloy-tuloy. Napapikit ako ng gumuhit sa lalamunan ko ang init nito. Kumuha agad ako ng dalawang pirasong chichirya at inom naman ng iced tea pagkatapos. "HAHAHAHAHAHA" Tawa nilang lahat. Kabagan sana kayo. Mga ulopong na ugok! Halos lahat ng truth or dare nila sa akin laging hindi ko na lang sinasagot at ginagawa dahil more on about kay Lars lang. Kaya in the end, halos ako lang ang naka ubos nung alak. Hindi naman nakakalasing kasi beer lang naman ang iniinom nila e. Nag hard na din kasi sila kanina nung nasa garden pa sila. Nung nagkasawaan na ng spin the bottle, mag movie marathon naman ang napag tripan namin. "Uy fafa Ron! Yung nakakaiyak naman ha? Buong araw puro kasiyahan na tayo eh. Gusto ko magsenti." Sabi ni Ralph habang natatawa. "Oo nga Aaron" Sabi naman nung collage mate ni Aaron na hindi ko na matandaan ang pangalan. "Kung nakakaiyak ang hanap niyo, ako na mamimili ng movie na papanoorin natin!" Masayang saad ko. "Ayooooonnn!! Yung nakakaiyak ha?!" Sabi ni Dan. Collage mate din ni Aaron, at ngayon, ka band made naman. "Oo" Saad ko habang hinahanap yung CD nung movie na gusto kong panoodin. Nasan na ba kasi 'yon..... Napangiti ako ng mahanap ko ang pakay na CD. Five feet apart. Pagkahanap ko dito ay agad ko na itong isinalang at pinlay. Ayan na!! Pagka-play nung movie, kaniya-kaniya na kami ng pwesto. Sina Aaron, Charles, Ralph at Dan pati yung college mate ni Aaron na nakalimutan ko na yung pangalan ang naka-upo sa couch. Sa lapag naman si Lars, George, Rence at Jeff. Ako naman sa harap ni Lars na sinandalan ang nakahalukipkip niyang tuhod. Bahala siya jan. Nasanay kasi ako na may sinasandalan ang likod ko. Nung magsisimula na yung movie, binuksan ni Aaron yung sampong maliit na beer at inabot niya sa bawat isa sa amin. Pagka-abot sa amin ni Aaron nung mga beer sa bawat isa, ay nag tanong etong si Ralph. "Uy fafa Ron. Pwede bang manigarilyo dito?" "Oo pre." Sagot ni Aaron habang nakapako ang tingin sa pinapanood. Sabi na magugustuhan niya ito eh. Napangisi na lang ako. Dahil sinabi naman ni Aaron na pwede mag yosi, syempre, nag sindi na din ako. Papahuli pa ba 'ko. Tumingin ako kay Lars. "Gusto mo din?" Pag alok ko sa kaniya. Kumuha naman siya ng isa pero bago niya kunin yung lighter sa akin, ako na muna ang pinasindi niya. Uminom muna kami sa beer namin 'tsaka namin hinithit yung sigarilyo namin. "Uy bro. Mukhang mission accomplished na tayo dito sa dalawa ha?" Tumatawang saad ni Kuya Charles. Kung makatawa naman 'to wagas. Porket inalok lang eh. Inirapan ko na lang siya. "Ewan ko sa inyo! Manood na nga lang kayo jan. Ang daming napapansin." Inirapan ko na lang sila. Issue masyado. May naalala naman ako bigla. "Wait lang ha? Kunin ko lang yung ash tray." Pagpapaalam ko. Pero bago pa man ako makatayo, pinigilan na ako ni Lars. "Ako na. Saan ba nakalagay?" Tanong niya at tumayo na. "Ah.. Nasa kusina. Malapit sa may lababo. Salamat." Humarap ako sa Tv habang napapakagat sa ibabang bahagi ng labi ko. Bakit parang nahiya ka naman daw self bigla? Ano ba yun? Wala pang minuto ay bumalik na agad siya. Dapat lang. Kasi ang haba na ng baga netong sigarilyo namin noh. Agad kong itinaktak yung sa akin. Tapos yung kay Ralph, then yung kay Lars. Nasa part na kami nung nahulog sa tubig na nagyeyelo yung babae at inililigtas na siya nung lalaki na hinubad na yung oxygen niya. Nagulat ako ng biglang may gumagalaw sa buhok ko. Pag tingin ko, pinaglalaruan ni Lars yung ilang strand ng buhok ko. Pinabayaan ko na lang. Busy ako sa panonood eh. Habang ginagawa niya 'yon ay inubos ko na yung beer ko tsaka nilantakan yung isang supot ng chichirya. Pagtapos ng movie nagkayayaan na magpahinga. Dahil masyado nang gabi, hindi na sila pinayagan ni Yaya na umuwi pa, at ipinalatag na lang sa kanila yung malaking kutson namin para dun na lang sila matulog. Delikado na din daw kasi. May mga kwarto pa namang libre sa taas, pero ayaw naman ng mga ugok doon. Mas gusto nila dito. Pinabayaan na lang namin sila. Nung maglalatag na sila ay tumayo na ako. Pero bago pa ako makatayo ng tuluyan, na out of balance ako sa kadahilanang may bwisit na paa na paharang-harang sa aapakan ko. Dahil nasa tabi kong naka upo si Lars, sa kaniya ako bumagsak. Sasaluhin niya sana ako kaso huli na. Hinigit na lang niya ang bewang ko para mapayakap ako sa kaniya Kaya ang nangyari napatihaya na lang siya para sa kaniya ako bumagsak at hindi sa sahig. Pero sablay dahil ang pwesto namin ay..... Nakapatong ako sa kaniya habang nakapulupot sa bewang ko ang mga braso niya. At... at.... MAGKA DIKIT ANG MGA LABI NAMIN!!!! -TO BE CONTINUED- ~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~ So how is it? Haha. Hope you guys like this chappy Kindly vote, comment and follow me! 🙏 Thank youuuuuu! ♥️ GEORGE LIAM HERNANDEZ  RENCE AUSTIN MARIANO 
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
sobrang Ganda
07/06/2024
0Great🧡🧡🧡
08/08/2023
0thankyou
01/07/2022
0Tingnan Lahat