SEBASTIAN'S POV Wala ni isa sa'min ang nagtangkang magsalita, nakayuko lang ako habang siya ay nakatingin sa'kin mag-mula pa kanina. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na nakita ko na siya. "I'm sorry anak.." Tuluyan ng pumatak ang mga luha ko dahil sa huling binanggit niya. Kay tagal kong hinintay na marinig muli ang katagang 'yan mula sa kanya. "Alam ko na nasaktan kita at nasaktan ko ang dad mo pero sana mapatawad mo 'ko sa nagawa ko," umiiyak na sambit nito. Agad kong pinunasan ang pisnge ko bago ako nag-angat ng tingin sa kanya. "Napatawad na kita pero hindi ko pa rin kayang kalimutan ang ginawa mo. Hindi lang kasi si dad ang nasaktan mo kundi pati na rin ako na anak mo. Kaya sana maintindihan mo kung hanggang ngayon ay galit pa rin ako sa'yo," tugon ko na ikinatahimik niya. "Pero ngayon na kaharap na kita, parang unti-unting nawala ang galit ko sa'yo," dugtong ko. Lumitaw ang mapait na ngiti mula sa labi nito at agad niyang hinawakan ang kamay ko na ikinasikip ng dibdib ko. Gustong-gusto ko na siyang yakapin ngunit hindi ko magawa. Namiss ko siya, namiss ko ang nanay ko. "Naintindihan ko kung bakit hanggang ngayon ay galit ka pa rin sa'kin. Pero salamat, salamat dahil napatawad mo 'ko. Iyon lang naman ang gusto kong marining mula sa'yo, ang mapatawad mo 'ko sa kasalanang nagawa ko." Hindi ko na napigilan ang sarili ko na yakapin siya. Kusa na ring bumuhos ang mga luha ko nang maramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya. "Namiss kita ng sobra.. sana hindi pa ito ang huling yakap ko sa'yo. I love you anak, mahal na mahal kita." Hindi ako sumagot bagkus ay niyakap ko siya ng mahigpit. Ngayon ko lang ulit naramdaman ang yakap ng isang ina. Namiss ko siya at mahal ko siya kahit hindi ko man ito magawang sabihin sa kanya. VIENNA'S POV Kasalukuyan na 'kong naglalakad dito sa may hallway papuntang Music Club. Kakalabas ko lang ng auditorium after ng 30 minutes na practice. Ayoko pa naman sanang umalis do'n kaso itong si Sebastian, ang kulit. Ilang beses niya na 'kong tinext na ayaw daw siya palabasin ni kuya Dim kaya ako na ang pupunta do'n para makalabas na siya at makita ako. 'Yon lang naman kasi ang gusto niya kaya gagawin ko. Kung 'di ko lang talaga siya mahal baka sinako ko na 'yun at ipinatapon sa ilog. Kaso mahal ko eh, tiyaka gusto kong bumawi sa lahat ng mga naging pagkukulang ko sa kan'ya. "Vienna.." Nag-angat ako agad ng tingin nang marinig ko ang boses niya. Hindi ko inaasahan na makikita ko siya ngayon dito. We met last week, no'ng pumunta ako rito para kumuha ng exam pero hindi kami nakapag-usap ng kami lang. Sa tuwing bumisita sina Michelle, Therese, Britt, Enzo at kuya sa Antipolo, hindi siya sumasama. Hindi ko alam kung bakit, I try to call him pero hindi niya sinasagot. I want to talk to him privately but it seems that he was avoiding me for some reasons. "Tine.. h-hi, kumusta ka?" kinakabahang usal ko. Siya lang mag-isa at hindi ko alam kung bakit hindi niya kasama si kuya. "I'm fine, ikaw? kumusta ka? inaalagaan ka ba ng maayos ni Sebastian?" tanong niya. But it seems that he's not fine, halata sa mukha nito na hindi siya okay. "Ayos lang ako, huwag kang mag-alala inaalagaan ako ni Sebastian," tugon ko tiyaka ako nag-iwas ng tingin. Hindi ko na kayang makipagtitigan sa mga mata niya, nasasaktan lang ako sa tuwing nakikita ko siyang gan'yan. Hindi na siya ang masayahin at palangiting Tine na nakilala ko, ngayon nabalot na ng lungkot ang mga mata niya. Dahil sa'kin kaya siya nagkakaganito pero wala akong maisip gawin para alisin ang lungkot na nararamdaman niya. "Mabuti naman kung gano'n. By the way, I have to go, may kailangan pa kasi akong puntahan. Ingat ka ha? bye." "Mm.. ingat ka rin." Then he leave, wala na akong nagawa para pigilan siya. Siguro hindi pa ito ang tamang panahon para mag-usap kami, alam kong nasaktan din siya sa mga nalaman niya kaya iniiwasan niya 'ko ngayon. Pero sana sa kabila ng mga nalaman niya, maging magkaibigan pa rin kami. "Vienna.." Napalingon naman ako agad nang marinig ko ang boses ni Sebastian ngunit biglang nanlaki ang mata ko nang makilala ko kung sino ang kasama niya. Nang makarating siya sa direksyon ko, agad ako nitong niyakap nang hindi ko inaasahan. Hindi ako makapaniwala na makikita ko siya ngayon dito, oo tinext ko siya na magkikita kami mamaya pero hindi ko akalain na ngayon siya pupunta. "Are you okay Vienna?" nag-aalalang tanong niya. Nakaupo kami ngayon sa isang bench na malapit lang sa hallway at kokonti lang din ang nakakita sa'min. Pero sigurado ako na kakalat ang balita na nagpunta rito ang mom ni Sebastian. "Okay lang po ako, hindi ko lang po inaasahan na makikita ko kayo ngayon," tugon ko. Hindi ko napigilang titigan ang mukha niya, maganda siya at halatang mabait. Nagmana rin pala si Sebastian sa kan'ya. "I'm sorry hija, hindi ko sinasadyang gulatin kayo. Namiss ko lang talaga kayong dalawa at gustong-gusto ko na ring makita at makausap ang anak ko kaya nagpunta na 'ko rito kahit hindi ako nakapagpaalam sa'yo. I'm sorry Vienna." "Okay lang po tita, naintindihan ko po kayo at alam ko po na miss na miss niyo na si Sebastian kaya kayo na ang nagpunta rito," nakangiting sambit ko saka ko nilingon si Sebastian na nakatingin na sa'kin ngayon. Nginitian niya 'ko ng pagkatamis bago nito hawakan ang kamay ko. "Tita, pwede ba 'ko magtanong?" I think this is the right time na itanong ko sa kan'ya ang tungkol dun sa pictures. "Yes hija, ano 'yun?" tugon niya. "Bakit niyo po 'ko pinadalhan ng litrato no'ng na-ospital ako?" tanong ko na ikinatahimik niya. Ngunit bigla siyang nagpakawala ng malalim na buntong hininga bago nito sagutin ang tanong ko. "Gusto kitang tulungan para maalala mo siya pero nang dahil sa ginawa ko, mas lalo kang nahirapan," malungkot na saad niya. "Nahirapan nga po ako pero dahil sa litrato na ipinadala niyo, nakilala ko po kayo. Malaking tulong na po 'yun sa'kin kahit hindi ko man po kayo naaalala. Salamat po tita, salamat po sa tulong niyo," ani ko saka ako tumayo at lumapit sa kan'ya para yakapin siya. "Masaya po ako na makita kayo ngayon at masaya rin po ako dahil nagkaayos na kayo ni Sebastian. Thank you tita," dugtong ko. "Ako ang dapat na magpasalamat sa'yo dahil sa kabila ng mga nangyari at mga nalaman mo, napatawad mo ang anak ko at siya pa rin ang mahal mo. Maraming salamat Vienna, salamat dahil muli mong pinasaya ang anak ko. Masaya ako na makita kayong masaya ngayon. Sana alagaan at mahalin niyo ang isa't-isa." Napatingin ako kay Sebastian na malawak ang ngiti habang nakatingin sa'min ngayon. Agad na rin siyang lumapit at niyakap ang mom niya. Napangiti ako, finally nagkaayos na silang mag-ina. Alam ko hanggang ngayon nasasaktan pa rin si Sebastian pero sigurado akong napatawad niya na si tita Selestina. Darating ang panahon na mawawala rin ang sakit na nararamdaman niya at mas lalo na ang galit nito sa mom niya. Naintindihan ko siya, napagdaanan ko ang napagdaanan niya. I will help him, gagawin ko ang lahat makalimutan niya lang ang mga masasakit na nangyari sa nakaraan. This time, I'll always be on his side and I will never ever leave him again. That's a promise. ******* "Billy bumaba na ba ang kuya Sebastian mo?" tanong ko nang makarating ako sa may salas. Kagagaling ko lang ng kusina, tinulungan ko kasi si ate Riza maghanda ng hapunan pero magmula pa kanina hindi ko nakita si Sebastian. "Opo at nakita ko po siyang lumabas kanina ate pero hindi ko po alam kung sa'n siya pupunta," sagot niya. "Salamat Billy, dito ka muna ha? hahanapin ko lang siya sa labas." "Okay po ate, walang anuman po." Nginitian ko naman siya at hinalikan sa pisnge saka ako lumabas ng bahay para hanapin si Sebastian. Saan kaya nagpunta 'yun? nakapagtataka, okay naman siya kanina nung dumating kami rito sa bahay. After naming mag-usap at magkuwentuhan kanina, hindi na rin kami nagtagal pa sa university. Nang maihatid namin si tita Selestina sa bahay nito, dumiretso na rin kami ng uwi. At no'ng nakauwi na kami, naglaro sila ng video games ni Billy habang ako naman ay tumulong sa paghahanda ng hapunan. Huli ko siyang makita nung pinuntahan ko siya sa room niya after nilang maglaro ni Billy. Naabutan ko pa siyang tumutugtog ng gitara eh kaso mahigit kalahating oras na siyang nando'n sa taas at hindi ko pa rin siya nakikitang bumaba. Nag-aalala na 'ko, hindi naman kasi aalis 'yun nang hindi nagpapaalam sa'kin. "Ma'am Vienna, saan po kayo pupunta?" tanong ni Mang Eduardo nang makasalubong ko siya sa labas ng bahay. Hindi ko alam kung saan siya galing pero may bitbit siyang tool kit. Ano naman kaya ang inayos niya? "Hahanapin ko po si Sebastian, nakita niyo ba siya?" sagot ko. Tumango naman siya bilang sagot at nginitian ako nang pagkatamis na ipinagtaka ko. Parang may ibig sabihin ang ngiting 'yan pero hindi ako sigurado kung tama ang iniisip ko. "Nandoon po siya sa garden ma'am," nakangiting sambit nito. Ano kaya ang ginagawa ng lalaking 'yun doon sa may garden? Nang makarating ako sa pool area, sobrang dilim at hindi ko alam kung bakit nakapatay ang mga ilaw dito. Ginamit ko namang pang-ilaw ang flashlight ng cellphone ko, buti na lang nasa bulsa ng shorts ko. Malapit na 'ko sa garden pero hindi ko pa rin nakita si Sebastian. "Love nasa'n ka? kanina pa kita-" Biglang bumukas ang mga ilaw dito sa pool pero ang mas nakaagaw ng pansin ko ay ang mga nag-gagandahang ilaw na nagmumula sa garden. Napangiti ako habang pinagmamasdan ito, para silang mga tala sa paningin ko. Ngunit hindi rin nagtagal ay nagpakita na si Sebastian. Bitbit nito ang kaniyang gitara at nakangiting nakatingin sa'kin. (Song playing: STILL YOU song by: Kyle Juliano) Hindi man ako isang perpektong babae pero gagawin ko ang lahat mapasaya lang ang taong mahal ko. Gusto ko siyang pasayahin at gusto kong bumawi sa kan'ya pero bakit ako itong napasaya niya? Ang suwerte ko na nakilala ko ang kagaya niya na wala ibang ginawa kundi ang mahalin at pasayahin lamang ako. I really love this guy, siya ang lalaking gusto kong makasama habambuhay. Tumakbo na 'ko papunta sa kan'ya at agad siyang niyakap ng mahigpit. Napapikit ako nang maramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa noo ko. Nag-angat ako ng tingin at nginitian siya. Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko na halikan siya. "I love you.." nakangiting sambit ko. Pinagdikit niya ang noo naming dalawa at muli akong hinalikan. "I love you too.." aniya saka ako niyakap ng mahigpit. Ngunit makalipas ang ilang segundo, naramdaman ko ang marahan niyang pagsayaw. "Love.." "Hmm?" Nakahilig lamang ako sa dibdib niya at kung saan naririnig ko rin ang tibok ng puso niya. Ang sarap pakinggan at nakakataba ng puso kapag ikaw 'yung dahilan. "No'ng 18th birthday mo, humiling ako." Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin at napansin ko agad ang lungkot sa mga mata niya nang magtama ang tingin naming dalawa. "Hiniling ko na sana ako 'yung last dance mo kahit alam kong hindi mangyayari. And that day, ipinangako ko sa sarili ko na kakalimutan na kita. Pero no'ng bumalik ka, hindi ko na nagawang kalimutan ka dahil sa bawat araw na nakikita at nakakasama kita, mas lalong lumalim ang nararamdaman ko sa'yo. Mahal na mahal kita Vienna at kailanman hindi ako nagsisi na minahal kita. Hindi na 'ko makakapayag na mawala ka pa ulit sa'kin. Kapag ayaw mo na, hindi ako susuko, gagawin ko ang lahat mahalin mo lang ulit ako. At kapag iniwan mo 'ko, hahanapin kita, hindi ako uuwi hangga't hindi kita nahahanap. Mawala na ang lahat sa'kin, huwag lang ikaw Vienna." Tuluyan ng bumuhos ang mga luha ko, hindi ko na kinaya ang mga katagang lumabas sa bibig niya. Ilang beses ko ng narinig mula sa kan'ya ang salitang "mahal kita". Araw-araw niya 'kong sinasabihan ng gan'yan at araw-araw din niyang ipinaparamdam sa'kin na mahal niya 'ko. Pero ang mga katagang lumabas sa bibig niya ngayon ang mas kakaiba. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko pero ang tanging magagawa ko ngayon ay ang iparamdam sa kan'ya kung gaano ko rin siya kamahal. "Mahal na mahal kita Vienna.." "Mahal na mahal din kita Sebastian.."
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (63)
Fhem De Castro
ayies!!!! another excellent Job you got there ms. A. Highly recommended 👌 👍 👏 how to be you po? 🤗🤗🤗🤗Keep writing.🥰🥰🥰
03/05/2022
0
VerdanAngelie
Nakakakilig! pwedeng akin na lang si Sebastian? hahahaha
16/01/2022
0
Tolits Tudla
Rojdjhxjdbjfjfjfjbksjbfjfndjkdbdufjfjubfjfjbfindbdjfkdljfudnfjijfjfkfudkkufjfifjbfifjfjfufjfjfjufbfjfkeodkfujfjfufjfjfifujfjfjujfjufjfjfjfufjfjfjfjufjfjfjfjjfjjfbbfjfbfbjfugjdjfjfjfjfjfjebfjnxnfjskfjjenfjfjfjfjjfjfjeuenbdjzusknfbccjjdbjfjnfjfbjfbjfjnfnduksndjfjjfjfjfbejjdnfbudms sbdidkbfjfnjfkdkenejejdjdjfjfjjfjfjfndjdnxnsnjjJdjjdbdnfjfjjj in bfjfjxbfjjfjfjfjfjfjfjfjjfjdkdkwieidkueueieiejxbjdidkdndkkfjfjdujfjfjjdjhdhfjdkjdjjfkkdiwkdkjdjdkdkjfjdjfkkfkeiekejeidkdkwowoekfkfjjkeieifjkkdkrkkkkfjfifkf
ayies!!!! another excellent Job you got there ms. A. Highly recommended 👌 👍 👏 how to be you po? 🤗🤗🤗🤗Keep writing.🥰🥰🥰
03/05/2022
0Nakakakilig! pwedeng akin na lang si Sebastian? hahahaha
16/01/2022
0Rojdjhxjdbjfjfjfjbksjbfjfndjkdbdufjfjubfjfjbfindbdjfkdljfudnfjijfjfkfudkkufjfifjbfifjfjfufjfjfjufbfjfkeodkfujfjfufjfjfifujfjfjujfjufjfjfjfufjfjfjfjufjfjfjfjjfjjfbbfjfbfbjfugjdjfjfjfjfjfjebfjnxnfjskfjjenfjfjfjfjjfjfjeuenbdjzusknfbccjjdbjfjnfjfbjfbjfjnfnduksndjfjjfjfjfbejjdnfbudms sbdidkbfjfnjfkdkenejejdjdjfjfjjfjfjfndjdnxnsnjjJdjjdbdnfjfjjj in bfjfjxbfjjfjfjfjfjfjfjfjjfjdkdkwieidkueueieiejxbjdidkdndkkfjfjdujfjfjjdjhdhfjdkjdjjfkkdiwkdkjdjdkdkjfjdjfkkfkeiekejeidkdkwowoekfkfjjkeieifjkkdkrkkkkfjfifkf
25/11/2024
0Tingnan Lahat