SEBASTIAN'S POV Apat na araw na ang nakalipas mag-mula no'ng nalaman ni Vienna ang buong katotohanan. Hanggang ngayon tanda ko pa rin ang mga nangyari sa araw na iyon at hanggang ngayon hindi ko pa rin siya nakikita. Kahit pinigilan niya na 'ko sa paghahanap sa kaniya pero hindi ako tumigil. No'ng sinagot niya ang tawag ko, nagkaroon ako nang pag-asa na maaayos ko pa ang sitwasyon. Pero bigla 'yung nawala nang sabihin niya na ayaw pa niya 'kong makita. Hindi pa rin ako tumigil sa paghahanap kahit gano'n ang mga sinabi niya. But I suddenly remembered what I did 3 years ago. Hinanap ko siya kung saan-saan, kahit nasasaktan ako sa mga panahong 'yun dahil sa pagkawala niya at pag-iwan sa'kin ng mom ko, hindi pa rin ako tumigil. Ngunit lumipas ang mga araw, linggo, buwan at taon, saka ko na realize na iniwan niya na 'ko at hindi na siya babalik. But after 3 years, she came back but she doesn't remember me. Ngayong alam niya na kung sino ako, saka pa ba 'ko susuko at titigil sa paghahanap sa kaniya? Inaamin ko, ilang beses na 'kong sumuko, ilang beses na 'kong pinanghinaan ng loob pero hindi ko pala kayang iwasan at kalimutan siya. Kahit tatlong taon ko siyang hindi nakita at kahit hindi niya 'ko naaalala, siya pa rin ang tinitibok ng puso ko at kailanman hindi nag-bago ang pagtingin ko sa kaniya. At isa lamang ang hinihiling ko ngayon, 'yun ay ang mapatawad niya 'ko sa ginawa ko. "Natapos na ang exams natin pero hindi pa rin nakakabalik si Vienna. Nag-aalala na 'ko sa kaniya, sana ayos lang siya at nasa mabuti ang lagay niya," malungkot na saad ni Michelle. Magkasama kami ngayong lima at nandito kami ngayon sa cafeteria. Hindi sana ako papasok dahil balak kong hanapin si Vienna pero pinigilan ako ni Britt tiyaka ni dad. Kaya kahit labag sa loob ko, pumasok ako at kumuha ng exam pero hindi ako makapag-focus dahil sa kakaisip kay Vienna kung ayos lang ba siya at kung nasa'n siya ngayon. "Makikita rin natin siya pero hindi pa sa ngayon. Kailangan natin siyang intindihin at hayaan na muna natin siyang mapag-isa. Ang dapat nating gawin ngayon ay ang hintayin siya dahil sigurado akong babalik si Vienna," wika ni Britt sabay lingon nito sa'kin. Naintindihan ko ang sinabi niya pero hindi ko kayang pigilan ang sarili ko na hanapin si Vienna. Alam ko na babalik siya, sigurado akong makikita at makakasama ko pa siya. Pero ang tanong, kailan? kailan mangyayari 'yun? "Sebastian.." Dahan-dahan naman akong nag-angat ng tingin nang banggitin ni Therese ang pangalan ko. "Okay ka lang ba? halatang pagod ka at hindi nakakatulog ng maayos. Magpahinga ka muna, kailangan mo'ng magpalakas para kay Vienna. Dahil kapag sa oras na makita ka niya na gan'yan ang lagay mo, masasaktan at malulungkot 'yun," aniya na ikinasikip ng dibdib ko. "She's right, you need to rest Sebastian. Huwag mo nang hintayin na si Vienna pa ang magsabi niyan sa'yo. Alam naming pagod ka, halata sa itsura at katawan mo ngayon. Huwag mong parusahan ang sarili mo nang dahil lang sa kasalanang nagawa mo sa kaniya. Maiintindihan ka ni Vienna at alam namin na mapapatawad ka niya. Kung si Britt at Enzo ay nagawa niyang patawarin, gano'n ka rin. Nasaktan lang talaga si Vienna sa mga nalaman niya kaya hindi pa niya kayang harapin ka. But I'm sure, she will forgive you," wika ni Michelle. Pilit siyang ngumiti sa'kin kahit ang lungkot-lungkot ng mga mata niya dahil sa kaibigan. Alam na nila ang lahat ng mga nangyari at na ipinaliwanag ko na rin sa kanila ang dahilan kung bakit ko nilihim kay Vienna ang tungkol sa'min. Nung una, hindi sila makapaniwala pero unti-unti rin nilang naintindihan ang sitwasyon nung kinuwento ko na sa kanila ang mga nangyari bago at pagkatapos maaksidente ni Vienna. Hindi nila napigilan ang magalit sa'kin at sisihin ako sa nangyari. Naintindihan ko naman kung bakit, alam kong nag-aalala lang sila kay Vienna. "Sebastian, bakit walang kasunod na Martin sa pangalan mo sa class list? Diba ang full name mo Sebastian Martin Ruiz Angeles? 'yun kasi ang nadinig ko no'ng dumalaw kayo nang dad mo sa ospital. Hindi ko 'to nabanggit kay Michelle lalo na kay Vienna kasi baka mali ang hinala ko na may koneksiyon ka sa kaniya. Pero tama naman pala ako, meron nga. Pwede mo bang sagutin kung bakit?" nag-aalangang tanong ni Therese. Napabuntong hininga naman ako nang malalim bago ko sinagot ang tanong niya. "Kasi ayokong marinig sa iba na banggitin ang pangalang 'yan. Si Vienna lang ang tanging tumatawag sa'kin niyan pero mag-mula no'ng nawala siya, nawala na rin sa utak ko ang pangalang 'yan," tugon ko. "Kaya naman pala hindi mo na ginagamit, dahil pala kay Vienna. I'm sorry Sebastian," aniya. "Ayos lang, kailangan niyo rin malaman ang tungkol do'n," ani ko. Napatingin naman ako kay Michelle pero halatang may iniisip siya. "Michelle may problema ba? bakit parang ang lalim ng iniisip mo?" wika ni Enzo. Nagtataka namang napatingin sa'kin si Michelle kaya hindi ko napigilan ang sarili ko na tingnan siya nang seryoso. "May kilala ka bang Martin San Diego?" tanong niya na ikinakunot ng noo ko. Ngunit umiling ako bilang sagot, sino kaya ang lalaking tinutukoy niya? "After niyo kasing umalis sa hospital, may nag-iwan ng sobre sa counter at ang laman nun ay dalawang picture ng mom at dad ni Vienna kasama ang parents mo. Nagtaka nga kami kung bakit sila magkasama sa isang picture at wala rin namang naaalala si Vienna tungkol sa inyo. Kung may koneksiyon ba ang pamilya mo sa pamilya niya o wala. Pero ng dahil sa mga nalaman niya, mas lalo siyang naguluhan sa pagkatao mo. The next day, pinahanap ni Vienna yung nakunang CCTV footage sa counter. Nag-hire siya nang private investigator para hanapin 'yung lalaki na nakunan sa CCTV. At no'ng Sunday, nalaman niya na nga kung sino and that guy named Martin San Diego, siya ang nag-iwan nung sobre sa counter ng hospital. Akala ni Vienna siya na ang lalaking minahal niya noon pero hindi naman pala." Bigla kong naalala 'yung araw na nakita ko siya sa shop niya. Halata sa mukha niya na naguguluhan siya at madaming iniisip pero hindi ko siya nagawang kumustahin sa mga oras na 'yon. Palaisipan ang ginawa niya, sino naman kaya ang nag-utos sa kaniya para gawin 'yon? nakapagtataka. "Ikaw pala talaga ang lalaking minahal niya pero hindi man lang namin nagawang hulaan kahit an'dami ng palatandaan na ikaw nga si Martin. Edi sana wala kayo sa sitwasyong 'to na pareho kayong nasasaktan at nahihirapan," saad ni Therese. "Pero sana maayos niyo at sana maibabalik pa kung anong meron kayo noon," dagdag ni Michelle. Napabuntong hininga ako nang malalim, sana nga mangyari ang mga sinabi niya pero hindi ako sigurado sa nararamdaman ni Vienna. Hindi ko alam kung sino sa'min ni Tine ang mahal niya pero hindi ako susuko, hinding-hindi na. "Si Tine papunta rito.." wika ni Therese. Napatingin naman kaming apat sa direksyon nito, hindi niya kasama si Vince at mag-isa lang siya. "Tine kumusta? tapos na rin ba exams mo?" tanong ni Michelle nang makarating ito sa direksyon namin. "Okay lang, oo tapos na exams ko," tugon niya. "Si kuya Vince kumusta? asan siya?" muling tanong ni Michelle. "Hindi ako sigurado kung ayos lang ba siya, after kasi ng exams namin lumabas na siya agad ng room. Sa tingin ko, aalis 'yun para muling hanapin ang kapatid niya. Hindi pa rin ba tumatawag sa inyo si Vienna?" "Hindi Tine eh, nag-aalala na nga kami sa kaniya. May idea ka ba kung saan siya pwedeng pumunta?" malungkot na tugon ni Therese. "Meron, pero hindi ako sigurado kung nando'n siya," aniya at bumaling ang tingin niya sa'kin. "Saan? sabihin mo sa'min," wika ni Enzo. "Sa Antipolo.. kung saan sila dati nakatira," sagot niya na ikinagulat ko. Napatayo ako nang wala sa oras at nagbabalak na sanang umalis kaso napigilan ako sa braso ni Britt. "Sebastian saan ka pupunta?" si Michelle. "Pupuntahan ko si Vienna kaya huwag niyo na 'kong pigilan," galit na tugon ko. "Sebastian hindi ako sigurado kung nando'n nga si Vienna, pa'no kung wala siya do'n?" si Tine. "Pre tama si Tine, huwag kang pumunta do'n hangga't hindi natin nasisiguro na nando'n nga siya. Diba sinabihan ka na ni Vienna? na hayaan mo muna siyang mapag-isa, na ayaw ka pa niyang makita. Pre respetuhin mo naman ang sinabi niya, tatawag din si Vienna at makikita mo rin siya," saad ni Britt. Wala na rin akong nagawa kundi sundin ang sinabi niya. Pero hindi ko na kayang maupo sa isang tabi at walang ginagawa. Apat na araw ng nawawala si Vienna at hanggang ngayon hindi pa rin siya nahahanap. Bigla namang nag-vibrate ang phone ko at agad ko itong kinuha sa bulsa ng pants ko. Nag pop-up sa screen ng cellphone ko ang isang mensaheng ilang araw ko nang hinihintay. "Magkita tayo, sa lugar kung saan tayo unang nagkakilala. Hihintayin kita, sana pumunta ka." Galing sa babaeng pinakamamahal ko, walang iba kundi si Vienna. VIENNA'S POV Napabuntong hininga ako nang malalim after kong mai-send ang text message sa taong gustong-gusto ko nang makita, walang iba kundi si Sebastian. Ito na ang tamang araw para magkita at magkausap kami. It's been four days passed since that day nung nalaman ko ang buong katotohanan tungkol sa pagkatao niya. Hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako at hindi ko pa rin kayang tanggapin ang ginawa niya at ginawa sa'kin ng pamilya ko. Sa loob ng apat na araw, wala akong ibang inisip kundi ang tungkol do'n at ang tungkol kay Sebastian. Pero nang dahil sa nangyari noong Lunes, unti-unti kong naalala ang mga pinagsamahan namin noon. Hindi man ito gaano ka linaw sa isip ko pero malaking tulong na 'yon sa'kin para lalo siyang makilala. ------FLASHBACK------ Wala akong marinig na kahit na anumang ingay sa paligid ko. Anong nangyari? bakit wala akong naririnig? patay na ba 'ko? Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko, gano'n na lang ang gulat ko nang makita ko ang truck na nakahinto sa mismong harapan ng kotse ko. "Ma'am.. ma'am! ayos lang ba kayo diyan sa loob? ma'am naririnig niyo ba 'ko?" Napalingon ako sa may bintana ngunit hindi ko siya nagawang sagutin dahil sa tindi ng takot na nararamdaman ko ngayon. ------END OF FLASHBACK------ Umiyak na lamang ako dahil sa takot na nararamdaman ko sa mga oras na 'yun. Akala ko 'yon na ang katapusan ko, salamat sa diyos niligtas niya 'ko mula sa bingit ng kamatayan. Nagpapasalamat din ako sa driver nung truck, ginawa niya ang lahat para mailayo sa kapahamakan ang buhay naming dalawa. After nung nangyari, may dumating na mga pulis at ambulansiya. Dinala kami sa hospital for check up at si kuyang driver, ginamot ng nurse 'yung sugat sa noo nito. Tumama kasi ito sa manibela ng truck nung pumreno siya nang malakas para hindi ako masagasaan. Hindi na rin naman ako tumagal sa ospital, after akong kausapin ng pulis about sa nangyari, umalis na rin ako agad para maghanap ng pwede kong matuluyan ng isang gabi. Kinabukasan, mga bandang alas otso ng umaga, umalis na rin ako sa tinuluyan kong apartment at nagtungo sa shop ko. Nung makarating ako do'n, gulat na gulat si ate Jessie nang makita niya 'ko na may bitbit na maleta. Kinuwento ko rin naman sa kaniya ang dahilan kung bakit ako umalis sa'min at binanggit niya rin sa'kin na hinahanap ako ni Sebastian. Dahil do'n, hindi na 'ko nagtagal sa shop at umalis na rin agad bago pa ako makita ni Sebastian. I've decided na pumunta nang Antipolo at doon na muna tumira para makalayo sa kanila lalo na kay Sebastian. At ngayon, nandito na nga ako sa lugar kung saan ako lumaki at kung saan ko siya unang nakilala. Nakakapanibago man ang tumira dito pero kinaya ko naman sa loob ng tatlong araw. Unti-unting nawala ang sakit na nararamdaman ko, unti-unti kong naalala ang mga nangyari sa bahay na 'to noon at unti-unti kong nakilala ang sarili ko. Sa tulong ni Tiya Maricel, Mang Eduardo at Tatay Manuel, unti-unti akong nakabangon mula sa sakit at hirap na pinagdaanan ko. Ang laki nang naging pasasalamat ko sa kanilang tatlo dahil hindi nila ako iniwan at hindi nila ako pinabayaan kahit pinagtatabuyan ko na sila palayo. Kung hindi dahil sa tulong nila, baka tuluyan ng nasira itong buhay ko. Huwebes ng hapon, laking gulat ko nang makita ko si kuya sa labas ng bahay. Hindi ko alam kung paano niya nalaman na nandito ako. Wala na rin akong nagawa kundi ang magpakita sa kaniya at kausapin siya. "Paano mo nalaman na nandito ako?" tanong ko nang makapasok na siya sa loob ng bahay. Pero nagulat siya nang makita ako, halatang wala siyang alam na nandito ako ngunit agad niya 'kong niyakap ng mahigpit nang hindi ko inaasahan. "Kumusta ka? ayos ka lang ba? wala bang nangyaring masama sa'yo?" tanong niya matapos akong yakapin. Ngunit hindi ko siya sinagot at napatingin lamang sa kabuuan ng mukha niya. Halata sa mga mata niya na pagod siya at kulang sa tulog. Parang piniga ang puso ko dahil sa itsura ngayon ni kuya. I couldn't help but blame myself, he became like that because of me. "Ayos lang ako, huwag ka nang mag-alala sa'kin. Ikaw kumusta ka? tapos na ba exams mo?" walang emosyong tugon ko. Ngunit biglang lumitaw ang ngiti sa labi niya dahil sa mga sinabi ko. Hindi na 'ko galit sa kanila, I just really don't want to see them after what happened. Pero unti-unti ko na silang napatawad, hindi lang talaga gano'n kadali para sa'kin na kalimutan at tanggapin ang ginawa nila. Hindi lang tiwala ko ang sinira nila kundi pati na rin ang tiwala na ipinagkaloob ni Sebastian sa kanila. "I'm fine, hindi lang ako nakakatulog ng maayos dahil sa kakaisip sa'yo pero ayos lang ako. Oo, tapos na ang exams ko kaya nakapunta ako rito," sagot niya. "Paano mo pala nalaman na nandito ako sa Antipolo?" tanong ko nang makarating kami sa may salas. Pero hindi siya nakasagot agad bagkus ay napatingin siya sa paligid. Napansin ko agad ang lungkot sa mga mata niya nang mapatingin siya sa'kin. "Nabanggit mo kasi na nakapunta ka na rito kaya sinubukan ko pero hindi ko sinabihan si mom na dito ako pupunta para hanapin ka," tugon niya. "Vienna patawarin mo 'ko, hindi ko sinasadya na ilihim sa'yo ang tungkol sa kaniya. Napilitan akong sundin ang utos ni dad kahit labag sa loob ko na gawin 'yon. I'm sorry Vienna, sana mapatawad mo 'ko," dugtong niya. "Huwag ka nang humingi ng tawad, naintindihan ko naman kung bakit mo 'yun nagawa pero hindi ko lang talaga kayang kalimutan ang ginawa mo sa'kin. Napatawad ko na kayo ni mom at hindi na 'ko galit sa inyo pero hindi agad maiaalis ng isang sorry ang sakit na ipinaramdam niyo sa'kin," ani ko at tuluyan ng bumuhos ang mga luha ko. Agad lumapit si kuya sa direksyon ko at niyakap ako nang mahigpit. Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko na yakapin siya. Mahigit limang minuto na ang nakalipas ngunit nakayakap pa rin ako kay kuya gano'n din siya sa'kin. Namiss ko ang ganitong feeling na kasama ang kapatid ko sa oras na nasasaktan ako pero hindi na ito mauulit pa. "Namiss ka na ni mom at gustong-gusto ka na rin niyang makita. Kailan ka uuwi? may balak ka pa bang bumalik sa bahay?" tanong niya. "Hindi na 'ko babalik do'n, dito na 'ko titira," diretsong tugon ko. Kumalas ako mula sa pagkakayakap sa kaniya at napansin ko agad ang lungkot sa mga mata niya dahil sa sinabi ko. "I'm sorry kuya, sana maintindihan mo 'ko. Hindi gano'n kadali para sa'kin na tanggapin ang lahat ng mga nangyari. Ayoko nang tumira sa bahay na punong-puno ng kasinungalingan. Masaya ako na nakabalik ako rito kaya sana hayaan niyo na 'ko. Huwag na kayong mag-alala sa'kin, kaya ko na ang sarili ko," dugtong ko. "Pero Vienna.. wala kang makakasama rito sa bahay." "May kasama ako rito, nand'yan si tiya Maricel at Mang Eduardo, hindi ako nag-iisa kuya. 'Tsaka pwede ka namang tumira rito, malaki 'tong bahay at madaming kwarto." "Gusto ko mang tumira rito para samahan ka kaso hindi pwede. Ayokong iwan si mom, ilang buwan na lang magtatapos na 'ko sa college at aalis na rin ako sa bahay. Once na umalis ako do'n, mas lalo siyang malulungkot at ayokong mangyari 'yon Vienna." Hindi ko na pinilit si kuya, naintindihan ko naman kung bakit gano'n ang naging desisyon niya. Mahal ko si mom at napatawad ko na siya pero ayoko nang bumalik at tumira sa bahay na 'yun. Hindi na rin naman nagtagal si kuya sa bahay, umalis na rin siya after naming mag-usap. Nakiusap din ako sa kaniya na huwag sabihin kay Sebastian kung nasa'n ako ngayon at buti na lang, pumayag siya. Pero ngayon, nagkaroon na ako nang lakas ng loob para harapin ang lalaking mahal ko. "Ma'am Vienna.." Lumingon naman ako agad nang marinig ko ang boses ni Mang Eduardo. Kasalukuyan akong nakaupo ngayon dito sa may garden, dito ko naisipang pumunta after kong kumain para magpahangin at makapag-isip ng maayos. "Bakit ho?" "Dumating na po ang dalawang anak ni Manuel." After niyang sabihin 'yun, tumakbo na 'ko agad papasok ng bahay at nagtungo sa may salas. Nang makarating ako, naabutan kong yakap-yakap na ni tatay Manuel ang dalawa nitong lalaking anak. Napangiti ako, sa wakas nagkita na rin silang mag-ama. Tinulungan ko si tatay Manuel na hanapin ang pamilya niya at salamat sa diyos nahanap ni sir Francisco ang address kung saan nakatira ang dalawang anak ni tatay. At nalaman din niya na patay na ang asawa nito dahil sa sakit na cancer. Hindi napigilan ni tatay Manuel ang umiyak, hanggang ngayon mahal pa rin niya ang dating asawa. Napalingon sa direksyon ko si tatay Manuel matapos niyang yakapin ang dalawa nitong anak. Nagdesisyon akong lumapit at nang makarating na 'ko sa direksyon nila, niyakap ako ni tatay Manuel. "Maraming salamat Vienna, kung hindi dahil sa tulong mo baka hindi ko pa nakita ang mga anak ko. Wala na 'kong ibang gustong sabihin sa'yo kundi salamat, salamat sa lahat," umiiyak na sambit niya matapos ako nitong yakapin. "Walang anuman tay, gusto ko lang tuparin ang matagal niyo nang pinapangarap at 'yun ay ang makita at makasama mo ang mga anak niyo. Sana po napasaya ko kayo." "Napasaya mo 'ko hija, masaya ako na nakita ko na ang mga anak ko at dahil 'yun sa'yo. Maraming salamat Vienna." Sa huling pagkakataon, muli akong niyakap ni tatay. Hindi ko napigilan ang sarili ko na huwag umiyak dahil sa lungkot na nararamdaman ko ngayon. Aalis na si tatay Manuel kasama ang mga anak niya pero umaasa ako na makikita ko siyang muli. Pansamantala akong nagkaroon ng isang ama dahil sa presensya at pagmamahal na ipinaramdam niya. Mamimiss ko siya. *********** Kasalukuyan akong nandito sa labas ng bahay at nakaupo sa may hagdan. Kakaalis lang nina tatay Manuel, gusto ko sana silang ihatid kaso baka biglang dumating si Sebastian. Kaya tumawag na lang ako nang taxi para ihatid sila sa bahay nila. Pero bago sumakay si tatay Manuel kanina, may sinabi siya sa'kin na ikinatuwa ko. "Aminin mo sa kaniya ang totoong nararamdaman mo bago mahuli ang lahat. Sigurado akong hindi nagbago ang pagtingin niya sa'yo kahit tatlong taon ka niyang hindi nakita at nakasama. May pag-asa pang ituloy ang naudlot ninyong pagmamahalan, kung hindi man ay gumawa kayo ng panibagong kuwento." Magagawa kaya naming dalawa 'yun? paano kung hindi na? kung gano'n nga, wala na akong magagawa kundi ang tanggapin na lang. Naisipan ko ang sumakay sa duyan habang nakatingin sa photo album na kinuha ko kanina sa room. Naaaliw ako sa mga pictures na nakikita ko kahit ni isa rito ay wala akong natatandaan. At ngayon ko lang din napagtanto na si Britt ay ang pinakamatalik kong kaibigan noon. Siya ang kasama ko rito sa mga pictures during elementary days, birthdays at kung anu-ano pang okasyon. He's my best friend pero bakit siya pa ang nakalimutan ko? Bigla namang pumasok sa isip ko ang limang letters na galing kay Sebastian. Natuwa ako nung nabasa ko 'yun, parang biglang nawala ang lungkot ko dahil sa mga matatamis na salitang nabanggit do'n sa sulat. Hindi ko akalain na gano'n ka sweet si Sebastian, kahit simpleng greetings ang laman ng lahat ng 'yun, nakaramdam ako nang kilig. Pero mayroong parte sa puso ko na malungkot nang biglang pumasok sa isip ko ang seryoso at malamig niyang mukha. He wasn't like that before but he changed because of me. Napakanta ako nang wala sa oras nang mapatingin ako sa picture naming dalawa ni Sebastian. Hindi ko man natatandaan kung kailan 'to nangyari pero sigurado akong masaya kami at napakamemorable sa'ming dalawa ang araw na ito. Kahit tatlong taon ko siyang hindi nakita at nakasama, hindi nagbago ang pagtingin ko sa kanya kahit nawalan man ako nang memorya. Bigla akong natahimik nang marinig ko ang boses na 'yun. Hindi ko na rin nagawang igalaw ang kamay ko gano'n din ang bibig ko. That voice, ang boses na kinahuhumalingan ng lahat, ang boses na kasing-lamig ng yelo at ang boses na lalong nagpapatibok ng puso ko. Ang nagmamay-ari ng boses na 'yon ay walang iba kundi si Sebastian. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin at napatingin sa direksyon kung saan nanggagaling 'yung boses. Hindi nga 'ko nagkakamali, siya nga. Bumaba na 'ko sa duyan at isinara ang hawak kong photo album. Humakbang na rin siya patungo sa direksyon ko at ngayon nakita ko na ang kabuuan ng mukha niya. Parang piniga ang puso ko nang mapansin ko ang matamlay niyang mga mata at pagod niyang katawan. Naaawa ako sa itsura niya ngayon, hindi ko akalain na ganito ang magiging epekto ng ginawa kong pag-iwan sa kaniya. "I'm sorry.." tanging naiusal ko at tuluyan ng bumuhos ang mga luha ko. Napayuko ako ngunit bigla kong naramdaman ang mainit niyang yakap. "Hindi mo sinasadyang gawin 'yon, taha na.. huwag ka nang umiyak. Hindi ko kaya na makita kang ganito, taha na mahal ko," marahang usal niya dahilan para yakapin ko siya nang mahigpit. I don't want to lose him again and I will never ever leave him again no matter what happens. ******* "Hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko sa'yo ngayong kaharap na kita," ani ko. Pinaghandaan ko itong pagkikita namin pero nang makita ko na siya, parang nawala lahat sa isip ko ang gusto kong sabihin sa kanya. Hindi niya 'ko sinagot bagkus ay nakatingin lang siya sa kabuuan ng bahay. Kaya nagkaroon ako nang pagkakataon na pagmasdan ang kabuuan ng mukha niya. Palihim akong napangiti, siya pa rin talaga ang lalaking minahal ko noon. Walang nagbago sa kanya kahit tatlong taon ko siyang hindi nakita at nakasama. "Wala ka nang dapat na ipaliwanag o sabihin sa'kin, alam ko na lahat. Kinausap na 'ko nang mom mo, ipinaliwanag niya na sa'kin ang lahat ng mga nangyari noon," aniya sabay lingon nito. Umiwas ako agad ng tingin nang mapansin ko ang lungkot sa mga mata nito. Hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya kapag gan'yan ang sitwasyon niya lalo na't ako ang dahilan. "Gusto kong kausapin ang dad mo, gusto kong marinig ang paliwanag niya kung bakit ka niya nilayo sa'kin at kung bakit hindi niya ipinaalam sa'min ang tungkol sa nangyari sa'yo 3 years ago. Hindi ko kayang tanggapin ang paliwanag ng dad mo, hindi magandang dahilan 'yun para ilayo ka niya sa'kin. Pero ano pa ang magagawa ko? patay na ang dad mo, hindi ko na maririnig pa ang paliwanag niya," dugtong nito. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya, halatang hindi niya kayang tanggapin ang naging dahilan ni dad. Pareho lang din kaming dalawa, hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na umabot si dad sa gano'ng desisyon. "I'm sorry.. sorry kung nilihim ko sa'yo ang tungkol sa totoo kong pagkatao. Ginawa ko 'yun para hindi ka masaktan at para hindi ka mahirapan na alalahanin ako ngunit nasaktan parin kita," aniya dahilan para lingunin ko siya. "At patawad kung wala ako sa mga panahong kailangan mo 'ko. Kung alam ko lang sana ang tungkol sa nangyari sa'yo, hindi ako magdadalawang-isip na puntahan ka kahit pigilan man ako nang dad mo." Muli akong napaiwas ng tingin nang magbadyang bumuhos ang mga luha ko sa pangalawang pagkakataon. "Sana mapatawad mo si dad, nang dahil sa nangyari sa'kin kaya siya umabot sa gano'ng desisyon. Naintindihan ko kung bakit mo ginawa 'yun, kapakanan ko lang din ang iniisip mo pero hindi ko lang talaga kayang tanggapin na pati ikaw ay maglilihim din sa'kin. Napatawad na kita at sana mapatawad mo rin ako. Patawad kung wala ako sa mga panahong kailangan mo 'ko, patawad kung nasaktan kita at patawad sa ginawa kong pag-iwan sa'yo. Hindi ko sinasadyang gawin 'yun Sebastian.. hindi ko sinasadyang iwan ka.." umiiyak na sambit ko. Marahan niya 'kong kinabig papaharap sa kanya at agad niya ring pinunasan ang mga luhang naglalandasan sa pisnge ko. "Wala kang ginawang kasalanan at wala kang dapat na ihingi ng tawad sa'kin. Nagalit man ako sa'yo noon pero nawala lahat ng 'yun nung nalaman ko ang dahilan kung bakit bigla mo 'kong iniwan. Huwag mo nang isipin 'yun okay? okay na 'ko at masaya na ulit ako dahil sa wakas bumalik ka na," tugon niya at lumitaw ang mapait na ngiti mula sa labi nito. Mas lalo siyang lumapit sa'kin at agad ako nitong hinalikan sa noo. Napapikit na lamang ako nang maramdaman ko ang paglapat ng labi niya sa noo ko. "Hindi ko na sasayangin ang pagkakataong 'to na sabihin sa'yo ang nararamdaman ko. Mahal kita Vienna at kailanman hindi nagbago ang pagtingin ko sa'yo. Alam ko na may nagmamay-ari na ng puso mo pero gusto ko lang aminin 'to sa'yo bago mo pa malaman sa iba. Mahal kita Vienna, mahal na mahal.." "Mahal din kita Sebastian," ani ko na ikinagulat niya. "Hindi rin nagbago ang pagtingin ko sa'yo kahit tatlong taon kitang hindi nakita at nakasama. Nawalan man ako nang memorya pero hindi nakalimot ang puso ko, ikaw pa rin ang tinitibok nito. Alam ko na hindi kapani-paniwala pero nagsasabi ako nang totoo." Nangingilid na ang luha sa mga mata niya kaya agad siyang nag-iwas ng tingin pero nanatili pa rin akong nakatingin sa kanya. "No'ng nasa US ako, hindi ako nagkagusto sa kahit na sinong lalaki kahit sobrang yaman o gwapo pa niya. Napagkakamalan akong tomboy dahil lahat ng lalaki na may balak na manligaw sa'kin, nire-reject ko agad. 'Yun pala may naiwan akong importanteng tao dito sa Pilipinas kaya kailanman hindi ako nagkagusto sa ibang lalaki. No'ng bumalik ako rito at nakilala kita, hindi na kita kayang alisin sa isip ko. Akala ko dahil lang sa kuryusidad ko kaya kita naiisip, hindi pala 'yun ang dahilan, gusto na pala talaga kita kaya ko nagagawa ang isang bagay na kahit kailan hindi ko nagawa sa isang lalaki. Mahal kita Sebastian, mahal kita-" He cut me off. Nagulat ako sa ginawa niya at hindi ko na rin alam ang gagawin ko. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon ngunit mas nanaig ang tuwa sa puso ko. He kissed me. Hinalikan niya 'ko nang marahan at may pag-iingat. Unti-unti ko na ring naipikit ang aking mga mata at tumugon sa mga halik niya.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (63)
Fhem De Castro
ayies!!!! another excellent Job you got there ms. A. Highly recommended 👌 👍 👏 how to be you po? 🤗🤗🤗🤗Keep writing.🥰🥰🥰
03/05/2022
0
VerdanAngelie
Nakakakilig! pwedeng akin na lang si Sebastian? hahahaha
16/01/2022
0
Tolits Tudla
Rojdjhxjdbjfjfjfjbksjbfjfndjkdbdufjfjubfjfjbfindbdjfkdljfudnfjijfjfkfudkkufjfifjbfifjfjfufjfjfjufbfjfkeodkfujfjfufjfjfifujfjfjujfjufjfjfjfufjfjfjfjufjfjfjfjjfjjfbbfjfbfbjfugjdjfjfjfjfjfjebfjnxnfjskfjjenfjfjfjfjjfjfjeuenbdjzusknfbccjjdbjfjnfjfbjfbjfjnfnduksndjfjjfjfjfbejjdnfbudms sbdidkbfjfnjfkdkenejejdjdjfjfjjfjfjfndjdnxnsnjjJdjjdbdnfjfjjj in bfjfjxbfjjfjfjfjfjfjfjfjjfjdkdkwieidkueueieiejxbjdidkdndkkfjfjdujfjfjjdjhdhfjdkjdjjfkkdiwkdkjdjdkdkjfjdjfkkfkeiekejeidkdkwowoekfkfjjkeieifjkkdkrkkkkfjfifkf
ayies!!!! another excellent Job you got there ms. A. Highly recommended 👌 👍 👏 how to be you po? 🤗🤗🤗🤗Keep writing.🥰🥰🥰
03/05/2022
0Nakakakilig! pwedeng akin na lang si Sebastian? hahahaha
16/01/2022
0Rojdjhxjdbjfjfjfjbksjbfjfndjkdbdufjfjubfjfjbfindbdjfkdljfudnfjijfjfkfudkkufjfifjbfifjfjfufjfjfjufbfjfkeodkfujfjfufjfjfifujfjfjujfjufjfjfjfufjfjfjfjufjfjfjfjjfjjfbbfjfbfbjfugjdjfjfjfjfjfjebfjnxnfjskfjjenfjfjfjfjjfjfjeuenbdjzusknfbccjjdbjfjnfjfbjfbjfjnfnduksndjfjjfjfjfbejjdnfbudms sbdidkbfjfnjfkdkenejejdjdjfjfjjfjfjfndjdnxnsnjjJdjjdbdnfjfjjj in bfjfjxbfjjfjfjfjfjfjfjfjjfjdkdkwieidkueueieiejxbjdidkdndkkfjfjdujfjfjjdjhdhfjdkjdjjfkkdiwkdkjdjdkdkjfjdjfkkfkeiekejeidkdkwowoekfkfjjkeieifjkkdkrkkkkfjfifkf
25/11/2024
0Tingnan Lahat