"Ma'am Vienna, ayos lang po ba kayo?" Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin at pinunasan ang mga luha ko. "Bakit po kayo umiiyak?" nag-aalalang tanong niya. "Ayos lang ako ate, huwag po kayong mag-alala sa'kin. May naalala lang po ako kaya ako umiyak pero ayos lang talaga ako," tugon ko at napilitang ngitian siya. "Sana nga po ma'am ayos lang kayo. Tawagin niyo lang po ako kapag may kailangan kayo." Tumango na lamang ako bilang sagot at agad na ring umalis si ate. Ngunit muli na namang pumatak ang mga luha ko nang maalala ko ang mga nabasa ko kanina. That happened 4 days ago, umamin na siya na siya si Martin pero nang dahil sa naospital ako, hindi ko ito nalaman agad. If I had only known this right away, we wouldn’t have gotten into this situation that we were both hurting each other. But it's too late, I don't know if I can get back what we had before or not. She's already here, I need to prepare myself for whatever she's going to say. "Vienna anak, mabuti naman ayos ka lang. Saan ka ba nagpunta? hinanap ka namin ng tito Lucas mo-" "You act as if you haven't done anything wrong, anyway you've always been like that." I cut her off, hindi ko na kayang pakinggan ang kadramahan niya. Lagi na lang gan'yan, nakakasawa na. "Vienna is not what you think, please let me explain okay? I will tell you everything but please listen to me," she replied as she pleaded in front of me. I could do nothing but listen to what she had going to say, gusto ko na ring matapos 'to para makaalis na 'ko rito. "Hindi namin sinasadya ng kuya mo na ilihim ang tungkol sa kanila, ang tungkol kay Sebastian mula sa'yo. But we have no choice but to keep it as a secret from you dahil 'yun ang gusto ng dad mo." Bigla akong natahimik, hindi ko maintindihan kung ano ang ibig sabihin ng sinabi niya. Gusto ni dad na ilayo ako mula kay Sebastian? pero bakit? "No'ng naaksidente ka, muntikan na akong mapatay ng dad mo dahil sa tindi ng galit niya pero napigilan siya nang tito Lucas mo. I admit, it's my fault kung bakit ka naaksidente pero hindi ko kinaya ang parusang pinaramdam sa'kin ng dad mo. Hindi niya 'ko pinayagan na makalapit sa'yo, hindi niya 'ko binigyan ng pagkakataon na makita ka o mahawakan man lang ang kamay mo. Ang sakit-sakit na hindi man lang kita nagawang lapitan o hawakan dahil sa kasalanang nagawa ko sa'yo at sa pamilya natin." Dahan-dahan akong napaupo sa sofa dahil sa mga nalaman ko. Nanghihina na ang buo kong katawan at patuloy pa rin sa pagbuhos ang mga luha ko. Hindi ako makapaniwala na magagawa 'yun ng dad ko, wala siyang kahit na anong kinuwento sa'kin tungkol do'n. Kaya pala hindi man lang ako nagawang bisitahin ni mom sa ospital at orphanage dahil pala sa nangyari sa'kin. Pero hindi ko akalain na aabot si dad sa gano'ng desisyon na ilayo ang mismong anak sa sarili nitong ina. "Ilang beses akong humingi ng tawad at nagmakaawa sa dad mo pero hindi niya pa rin ako pinayagan na makita ka. Pinagtabuyan niya 'ko, kinaladkad niya 'ko papalabas ng ospital at pinahiya sa maraming tao pero hindi ako tumigil kasi gustong-gusto kong makita ka. But after 2 weeks, nalaman ko kay nanay Selda na dadalhin ka nang dad mo sa orphanage. 'Yun ang araw na nakita kita pero hindi ko nagawang lumapit sa'yo dahil sa takot kong masaktan na naman kita. After that, kinausap ako nang dad mo at ang sabi niya, huwag ko raw sasabihin sa iba ang nangyari sa'yo. Nakiusap ako sa dad mo na sabihin kina Britt lalo na kay Martin ang nangyari sa'yo pero hindi siya pumayag, makakasama lang daw sa'yo kapag nalaman mo pa ang tungkol sa kanila. Kaya kahit na ang hirap para sa'min ng kuya mo na ilihim 'yun, pinilit namin para payagan lang ako nang dad mo na makita ka. Wala na rin akong nagawa para baguhin ang desisyon ng dad mo dahil ginawa niya 'yun para sa'yo, para sa ikakabuti mo." "Para sa ikakabuti ko? bakit may nangyari bang maganda o mabuti sa'kin after kong umalis sa orphanage? Mom wala! I ended up wondering who I was then? kung sino ang mga taong malapit sa buhay ko? kung ano'ng kulang sa pagkatao ko? Mom ang hirap na wala kang maalala ni isa tungkol sa nakaraan mo. Pero hindi ko pa rin magawang kalimutan ang dahilan kung bakit ako naaksidente. Bakit ako ang nagbayad ng kasalanan mo? bakit ako 'yung naghirap na dapat ay ikaw?" "Vienna.. I'm so-sorry, patawarin mo 'ko-" "Mababago ba nang sorry mo ang lahat ng nangyari sa pamilya natin? sa'kin?" "Vienna..-" "Dahil sa ginawa niyo, hindi lang ako ang nasaktan kundi pati na rin ang mga taong mahal ko. No'ng naaksidente ako, 'yun din ang araw na iniwan si Sebastian ng mom niya." Nagulat siya sa sinabi ko, agad siyang napaiwas ng tingin ngunit patuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha niya. "Kung kailan pa na kailangan niya 'ko sa mga oras na 'yun, saka pa ako naaksidente. Mom hinanap nila ako kahit saan, hinanap ako ni Sebastian kahit pa na nasasaktan siya dahil sa pag-iwan sa kaniya ng mom niya. Pero wala man lang kayo ka ide-ideya na nangyari 'yun dahil mga sarili niyo lang ang iniisip niyo! hindi niyo na inisip kung ano ang mararamdaman ng ibang tao. Nanay kita diba? bakit hindi mo man lang nagawang ipaglaban ng tama ang karapatan mo bilang isang ina nang sa gayon ay nakita mo 'ko? Bakit humantong sa gano'n? na nagawa mong ilihim ang tungkol sa nangyari sa'kin para lang makita ako? Hindi lang ako ang nasaktan niyo kundi pati na rin si Britt at Enzo, lalong-lalo na si Sebastian. Naintindihan ko na nag-aalala lang kayo sa'kin pero wala silang kasalanan, bakit pati sila dinamay niyo?" Wala na akong lakas para makinig sa mga paliwanag niya, ang gusto ko lang ay ang matapos na 'to at makaalis na rito. Mabigat ang mga paang nilisan ko ang bahay kasama ang mga ala-alang gusto ko nang ibaon sa nakaraan. Naging malinaw na sa'kin ang lahat pero hindi ko kayang tanggapin ang mga nalaman ko. Ang sakit, hindi ko matanggap na kung sino pa yung pinagkakatiwalaan natin sila pa yung taong sisira ng tiwala natin. ******** Hindi ko alam kung nasaan ako ngayon pero nasisiguro kong malayo na 'ko sa kanila. Malayo sa mga taong sinaktan at niloko ako, at malayo sa mga taong sinira lamang ang tiwala ko. Ngayon na malayo ako sa kanila, parang nawala yung mabigat na nakadagan sa dibdib ko at parang pansamantalang nawala ang galit at sakit na nararamdaman ko. Kailan kaya magwawakas ang pagsubok na 'to? gustong-gusto ko nang ibalik ang dating buhay na meron ako. I suddenly thought of opening my phone and I received a hundred of missed calls from Britt, Michelle, Therese, Enzo, Tine, kuya and especially Sebastian. I didn’t expect him to call me, that's not the Sebastian I used to know. Tiningnan ko ang ilan sa mga pictures namin na naka-save sa phone ko. I smiled but I couldn't stop crying when I suddenly thought, why couldn't I even remember his face 3 years ago? Hindi ko napigilan ang mapaisip na, bakit siya pa 'tong nakalimutan ko? Ngunit may isang bagay akong napagtanto, nawalan man ako nang memorya pero hindi nakalimot ang puso ko na siya ang nag-iisang lalaking minahal ko noon na mas lalo ko pang minahal ngayon. Napagdesisyunan ko na buksan ang box na binigay sa'kin ni nanay Selda. Nagkaroon na 'ko nang lakas ng loob, siguro ito na rin ang tamang panahon para malaman ko kung ano ang laman nito. Sana dati ko pa binuksan 'to, edi sana nalaman ko na ang lahat. Nasa huli talaga ang pagsisisi kaya ayoko nang ulitin ang mga naging pagkakamali at desisyon ko. Nang mabuksan ko na ang box, ang unang tumambad ay limang sulat na galing mismo kay Sebastian. CD's, isang video tape, isang maliit na box, photo album, bracelet, puting sombrero, isang nakatuping black na hoodie jacket at isang key chain na sa tingin ko ay galing lahat sa kaniya. Gusto kong malaman ang kuwento sa likod ng mga bagay na 'to, pero paano? Nakangiting mga mukha ang unang tumambad nang buksan ko ang photo album. Ako at kasama ang tatlong lalaki na hindi ko sinasadyang kalimutan. Hindi ko inaasahan na ito agad ang makikita ko, pero napangiti ako kahit hindi ko maalala kung kailan o saan ito nangyari. Ang sarap sa pakiramdam na makita mong nakangiti ang mga taong mahal mo kahit sa simpleng litrato lang. Litrato naming apat ang tanging laman ng photo album na 'to pero ni isa rito, wala akong maalala. Nakakalungkot lang, nasa harapan ko na ang lahat ng bagay na pwedeng makatulong sa'kin para maalala sila o siya ngunit hindi pa rin bumalik ang mga alaala ko. "He-hello.. sino 'to?" Wala naman sana akong balak na sagutin 'to kaso kanina pa kasi siya tumatawag. "Hello.." Pero wala namang sumasagot, sino ba kasi 'to? Tiningnan ko naman ang screen ng phone ko ngunit nanlaki bigla ang mga mata ko nang mabasa ko ang pangalan ng nag-register sa phone call. Si Sebastian! "Vienna.." Biglang nanlamig ang kamay ko nang marinig ko ang boses niya pero heto na naman ako, hindi ko na naman napigilan ang mga luha ko. "Nasaan ka? pupuntahan kita, please sabihin mo sa'kin kung nasa'n ka." "Huwag mo na 'kong hanapin, tumigil ka na sa paghahanap sa'kin. Huwag mo nang pahirapan ang sarili mo Sebastian, tama na ang tatlong taong pagpapahirap ko sa'yo. Please tumigil ka na," umiiyak na usal ko. "Titigil lang ako kapag nahanap na kita, kapag alam kong ligtas ka." "Ayaw pa kitang makita.. kaya please hayaan mo muna akong mapag-isa sa ngayon. I'm sorry." Then I hang up the call. Agad ko na ring binuhay ang makina ng kotse ngunit hindi natuloy ang pag-alis ko dahil sa isang malakas na busina na nanggagaling sa isang ten wheelerd truck na patungo sa direksyon ng kotse ko. "TUMAWAG KAYO NG AMBULANSIYA! 'YUNG BABAE KAILANGANG MAIDALA SA OSPITAL!" "Kasalanan mo ang lahat ng 'to Venice! kapag may nangyaring masama sa anak ko, mapapatay kita!" "Vienna anak, gumising ka na. Namiss ka na ni daddy." "VIENNA I'M SORRY! ANAK LET ME EXPLAIN, VIENNA SAAN KA PUPUNTA? VIENNA!!" "Makalimutan mo na ang lahat, huwag lang ako." "I love you! I love you! billion times, gano'n kita kamahal." "Korny ako? pero mahal mo naman." I suddenly remembered some of what had happened before the accident. Ito na ba ang katapusan ko? bakit bigla kong naalala ang mga gano'ng pangyayari? "I love you Sebastian," ani ko at dahan-dahang ipinikit ang mga mata ko.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (63)
Fhem De Castro
ayies!!!! another excellent Job you got there ms. A. Highly recommended 👌 👍 👏 how to be you po? 🤗🤗🤗🤗Keep writing.🥰🥰🥰
03/05/2022
0
VerdanAngelie
Nakakakilig! pwedeng akin na lang si Sebastian? hahahaha
16/01/2022
0
Tolits Tudla
Rojdjhxjdbjfjfjfjbksjbfjfndjkdbdufjfjubfjfjbfindbdjfkdljfudnfjijfjfkfudkkufjfifjbfifjfjfufjfjfjufbfjfkeodkfujfjfufjfjfifujfjfjujfjufjfjfjfufjfjfjfjufjfjfjfjjfjjfbbfjfbfbjfugjdjfjfjfjfjfjebfjnxnfjskfjjenfjfjfjfjjfjfjeuenbdjzusknfbccjjdbjfjnfjfbjfbjfjnfnduksndjfjjfjfjfbejjdnfbudms sbdidkbfjfnjfkdkenejejdjdjfjfjjfjfjfndjdnxnsnjjJdjjdbdnfjfjjj in bfjfjxbfjjfjfjfjfjfjfjfjjfjdkdkwieidkueueieiejxbjdidkdndkkfjfjdujfjfjjdjhdhfjdkjdjjfkkdiwkdkjdjdkdkjfjdjfkkfkeiekejeidkdkwowoekfkfjjkeieifjkkdkrkkkkfjfifkf
ayies!!!! another excellent Job you got there ms. A. Highly recommended 👌 👍 👏 how to be you po? 🤗🤗🤗🤗Keep writing.🥰🥰🥰
03/05/2022
0Nakakakilig! pwedeng akin na lang si Sebastian? hahahaha
16/01/2022
0Rojdjhxjdbjfjfjfjbksjbfjfndjkdbdufjfjubfjfjbfindbdjfkdljfudnfjijfjfkfudkkufjfifjbfifjfjfufjfjfjufbfjfkeodkfujfjfufjfjfifujfjfjujfjufjfjfjfufjfjfjfjufjfjfjfjjfjjfbbfjfbfbjfugjdjfjfjfjfjfjebfjnxnfjskfjjenfjfjfjfjjfjfjeuenbdjzusknfbccjjdbjfjnfjfbjfbjfjnfnduksndjfjjfjfjfbejjdnfbudms sbdidkbfjfnjfkdkenejejdjdjfjfjjfjfjfndjdnxnsnjjJdjjdbdnfjfjjj in bfjfjxbfjjfjfjfjfjfjfjfjjfjdkdkwieidkueueieiejxbjdidkdndkkfjfjdujfjfjjdjhdhfjdkjdjjfkkdiwkdkjdjdkdkjfjdjfkkfkeiekejeidkdkwowoekfkfjjkeieifjkkdkrkkkkfjfifkf
25/11/2024
0Tingnan Lahat