SEBASTIAN'S POV "Bakit ngayon mo lang 'yan inamin sa'kin? bakit ngayon lang?! bakit ngayon lang kung kailan pa na nagkakagulo na?!" "Ano ang ginawa ko para ilihim mo 'yun sa'kin? pinagmukha mo 'kong tanga Sebastian." Mga linyang lumabas sa bibig niya na naging dahilan para tuluyang masira ang pag-asa kong maibabalik ko pa ang dati naming relasyon. Dahil sa nangyari ngayon, alam kong hindi na. Alam ko na hahantong kami sa ganito, na kapag nalaman niya na ang tungkol sa'kin masasaktan ko siya at masasaktan namin ang isa't-isa. Natatakot ako, natatakot ako na baka ang pangyayaring 'to ang magiging dahilan para tuluyan siyang mawala sa'kin. Ayoko nang mangyari pa 'yun, hindi na 'ko makakapayag. "Kailangan ko siyang sundan, baka may mangyari pang masama sa kaniya," wika ni Tine pero pinigilan siya sa braso ni Vince habang nakatingin ng masama sa'kin. "Huwag mo siyang sundan, hayaan mo muna ang kapatid ko," sagot nito. "Hayaan? paano kung may mangyaring masama sa kaibigan ko?!" galit na sigaw ni Britt. "Kapag may nangyaring masama sa kapatid ko, sisihin mo 'yang kaibigan mo!" "At bakit si Sebastian ang sisisihin? diba dapat ikaw? kayo ng mama mo? Hindi tayo aabot sa ganito kung inamin niyo ng mas maaga sa kaniya," wika ni Enzo. Gusto ko nang umalis dito para habulin si Vienna pero hindi ko magawa. Ngayon pa na nalaman na ng lahat ang tungkol sa'min, mas lalong lalala ang sitwasyon. "Shut up Enzo! wala kang alam sa mga nangyari kaya tumahimik ka na lang." "Tatahimik ako? kaibigan ko rin si Vienna, kaya may karapatan akong magalit sa inyo. Wala ka ring alam sa mga pinagdaanan namin, sa pinagdaanan ni Sebastian noong mga panahong nilihim niyo sa kaniya, sa'min ang nangyari kay Vienna." "Pare tama na, huwag mo na siyang pansinin," awat ni Britt pero hindi pa rin nagpapigil si Enzo. "Sabi nang tumahimik ka na! Ano ba ang hindi mo maintindihan sa sinabi ko?" galit na sigaw ni Vince tiyaka lumapit sa direksyon namin pero napigilan siya ng mga kaibigan niya. Wala na akong lakas para pigilan si Enzo, nanghihina na 'ko dahil sa mga nangyari. Ang gusto ko lang gawin ngayon ay ang sundan si Vienna at magpaliwanag sa kaniya. "Wala kang karapatan na utusan ako! pasalamat ka, kapatid ka ni Vienna kasi kung hindi." "Kung hindi ano? susuntukin mo 'ko? sige subukan mo." "Guys tama na! pinapalala niyo lang yung sitwasyon. Dadagdag pa ba kayo sa sakit na nararamdaman ni Vienna? hindi na kayo naawa sa kaniya. Pwede ba i-set aside niyo muna 'yang galit niyo sa isa't-isa at si Vienna muna ang isipin niyo. Guys babae 'yun, mahina at walang laban sa inyo. Bakit hindi niyo man lang nagawang isipin 'yun?" galit na sigaw ni Michelle at naging dahilan para tumahimik silang lahat. "Kuya Vince kapatid mo 'yun tapos hahayaan mo lang siya? at kapag may nangyaring masama sa kaniya, si Sebastian ang sisisihin niyo. Eh pareho lang naman kayong may kasalanan, naglihim kayo sa kaniya at pinagmukha niyo siyang tanga. Pwede bang hanapin na muna natin si Vienna saka niyo ituloy 'yan?" dugtong ni Michelle sabay alis nito. Nag-desisyon na rin akong umalis para hanapin si Vienna. Tinakbo ko na papuntang parking lot at nagbabakasakaling maaabutan ko pa siya pero wala na ang kotse niya no'ng dumating ako. Hahanapin kita Vienna at sana mapatawad mo 'ko. VIENNA'S POV Ano ang masamang nagawa ko para gawin nila sa'kin 'to? pinagmukha nila akong tanga sa loob ng tatlong taon. Ang sakit, hindi ko matanggap na nagawang ilihim sa'kin 'to ng mga taong mahal ko. Hindi ko akalain na ililihim sa'kin ni dad ang tungkol sa kaniya. Naniwala ako, nagtiwala ako sa kaniya kasi siya na lang ang kakampi ko pero nagawa niya ang bagay na 'yun sa'kin. Ano ba ang ginawa ni Sebastian para ilayo nila ako sa kaniya? "Kamukha mo kasi ang kaibigan ni Sebastian before, I'm sorry again hija." "Vienna matagal na bang magkakilala ang parents mo at ang parents ni Sebastian?" "no'ng dumating si tito Kristopher at Sebastian, napatayo sa gulat ang mom mo." "If ever na matagal na silang magkakilala, matagal na ring kilala ng mom at dad mo si Sebastian lalo na ang kuya mo. At matagal ka na ring kilala ng parents ni Sebastian." "Di kaya.. kilala mo rin sila at nakalimutan mo lang dahil sa nagkaamnesia ka?" Naihinto ko bigla ang kotse at agad na hinampas ang manibela dahil sa mga pangyayaring nagsisilabasan sa utak ko. Naihampas ko na rin ang ulo ko sa upuan pero wala talaga akong kahit na anong maalala tungkol sa kaniya. Ngayon ko lang nalaman ang dahilan kung bakit may koneksiyon ang pamilya ko sa pamilya niya, dahil pala sa'min. Ang tanga ko, bakit hindi ko man lang nagawang intindihin ang sitwasyon sa simula pa lang? Tama si Therese, nakalimutan ko lang sila dahil sa nagkaamnesia ako. Sana naniwala ako sa kaniya edi sana hindi ako nasaktan ng ganito ka tindi. Hindi ko alam kung saan ako pupunta at gusto ko munang lumayo sa kanila mas lalo na sa kaniya. Hindi pa ako handa na harapin siya kahit na gustong-gusto ko siyang makausap. Alam ko na may dahilan siya kung bakit nilihim niya sa'kin ang totoong pagkatao niya at kung bakit nila nilihim sa'kin ang tungkol sa kaniya. Pero gaya nga ng sinabi ko, ako na ang hahanap ng sagot. Nang makarating ako sa Baywalk, walang tao at ang tanging naririnig ko lang ay ang malakas na hampas ng alon na nanggagaling sa dagat. Dito ko naisipang pumunta para kahit papa'no umayos ang pakiramdam ko at makalimutan ko yung mga nangyari pero hindi. Mas lalo ko lang itong naalala mag-mula no'ng una naming pagkikita, ang paglihim sa'kin ng kapatid at nanay ko, ang mga nalaman ko tungkol sa kaniya at ang mga nangyari sa pagitan namin. Nagsilabasan sila lahat kahit pa na ayaw ko na itong maalala pa. "Hija, ayos ka lang ba?" Napalingon ako agad sa taong nagsalita, isang matandang lalaki na may pinapasan na isang sako ng plastic bottles. Hindi ko napigilan ang maawa sa kaniya dahil sa suot nitong punit-punit at maruming damit. Wala pa siyang sapin sa paa at halatang pagod na pagod mula sa mahabang paglalakad. "Ayos lang po ako, kayo po? saan pa po kayo galing?" tanong ko habang pinupunasan ang mga luha ko. Binaba niya ang pinapasang malaking sako at hindi ko naman napigilan ang sarili ko na tulungan siya. Alam kong palaboy na si tatay pero wala akong pakealam sa kung ano siya. "Namulot ng mga bote at kung ano pa na pwedeng maibenta, doon malapit sa dalampasigan," tugon niya at tinuro kung saan siya nanggaling. "Nagugutom ho ba kayo? bibili po ako ng pagkain para po sa inyo." "Ayos lang hija, kumain na 'ko ng tinapay kanina." Ang bait ni tatay kahit ganito ang katayuan niya sa buhay. Pero kapansin-pansin sa kaniya na may iniinda siyang malalang sakit. "Tay, may pamilya pa ho ba kayo o asawa?" tanong ko na ikinalungkot ng mga mata niya. "Wala na, iniwan na ako ng aking asawa mag-mula no'ng nagkasakit ako. Walong taon ang nakalipas no'ng sinabi ng doktor na may sakit ako sa kidney at kailangan akong maoperahan bago pa ito lumala. Ngunit dahil sa hirap ng buhay, hindi ako naoperahan o nakainom man lang ng gamot para gumaling mula sa sakit ko. Wala akong trabaho dahil nga sa may edad na ako at hindi na kaya ng katawan ko ang mag-trabaho. Kaya wala akong pampaopera at pampagamot sa sakit ko. Nabaon kami sa utang at mas lalo kaming naghirap. Dahil do'n, iniwan ako ng asawa ko kasama ang dalawa kong anak na binata. Parang gumuho ang mundo ko no'ng iwanan nila ako, hindi ko kinaya kaya humantong ako sa ganito." Hindi ko napigilan ang umiyak dahil sa kinuwento ni tatay. Parang bigla kong naalala ang pinagdaanan ni dad no'ng iwan siya ni mom. Naging miserable ang buhay niya kagaya ng nangyari dito kay tatay. "Apat na taon na akong palaboy-laboy sa kalsada. Walang matitirhan, walang makain at walang maayos na damit. Namumulot ako ng mga bote at kung ano pang pwedeng maibenta para sa pagkain ko araw-araw. Hindi man ito sapat pero malaking tulong na ito para sa'kin. Nagpapasalamat ako kasi buhay pa rin ako kahit na may malala akong sakit. Akala ko pa nga mamamatay na ako pero sa awa ng diyos buhay pa rin ako," dugtong niya. Naalala ko bigla yung panahong naaksidente ako, akala ko 'yun na ang katapusan ko pero hindi pala. Nabuhay nga ako pero nawalan naman ako nang memorya kaya hindi ko napigilan ang mag-isip na sana namatay na lang ako. "Ang lungkot ng mga mata mo.." aniya dahilan para lingunin ko siya pero nanatili siyang nakatingin sa dagat. "Halata po ba?" tugon ko at tumango naman siya bilang sagot. "Napansin ko agad no'ng papunta pa lang ako sa direksyon mo. Akala ko pa nga tatalon ka, 'yun kasi ang dahilan ng ibang tao na pumupunta rito mag-isa. Tatalon dahil sa problemang kinakaharap nila at akala ko isa ka sa kanila ngunit mali pala ako. Ano ba ang dahilan mo bakit ka nagpunta rito?" "Makaiwas sa mga taong naging dahilan kung bakit nasasaktan ako at makalimot saglit mula sa mga masasakit na pinagdaanan ko," tugon ko na ikinalingon niya. "Sa tuwing nakatingin ako sa dagat, parang umaayos ang pakiramdam ko at parang nawawala bigla sa isip ko ang mga problemang kinakaharap ko. Akala ko 'yun pa rin ang mararamdaman ko kapag bumalik ako rito kaso hindi na. Dahil sa mga nangyari ngayong araw, lalong bumigat yung sakit na nararamdaman ko. Akala ko makakalimutan ko ito saglit, akala ko gagaan ang pakiramdam ko kapag nakarating na 'ko rito kaso hindi. Mas lalo lang akong nasasaktan at mas lalo ko lang naalala lahat ng mga masasakit na nangyari sa buhay ko no'ng humarap na 'ko sa dagat. Pero hindi ho ako nagsisi na bumalik ako rito, pinaintindi sa'kin ng dagat na 'to na hindi ko dapat takbuhan ang problemang kinakaharap ko, na dapat ko itong harapin mag-isa." But the question is, kaya ko nga bang harapin 'to nang mag-isa? May tiwala ako sa sarili ko but I’m not sure if I can handle it. I don't want them to worry about me, I'd rather face it alone instead of asking for help from them. "Kahit gaano pa ka laki ang kasalanang nagawa nila sa'yo, sana mapatawad mo sila. Maikli lang ang buhay kaya huwag mong sasayangin ang pagkakataon hangga't kapiling mo pa sila." Pero hindi ko pa sila kayang patawarin at hindi ko pa sila kayang harapin matapos ng mga nangyari. "Madaming solusyon sa problema at makakaya mo 'yang lagpasan mag-isa. Nakadepende sa 'tin kung ano ang dapat gawin para lampasan ito nang sa gayon guminhawa ang mga buhay natin. Lilipas din 'yang problemang kinakaharap mo basta magtiwala ka lang sa sarili mo," nakangiting sambit niya. Hindi ko rin napigilan ang sarili ko na ngumiti dahil sa sinabi niya. Parang nagkaroon ako nang pag-asa na malalampasan ko ang lahat ng problema at masasakit na pinagdadaanan ko ngayon. "Salamat tay, sana po sa susunod na balik ko rito nandito ka pa pero alam kong hindi na. Gusto kitang tulungan tay kaya sana hayaan niyo 'ko." Agad kong kinuha ang wallet na nasa bulsa ng pants ko at nilabas ang limang libong laman nito. "Ibibigay ko ho ito sa inyo, bilhin niyo po lahat ng gusto niyo. Bumili ho kayo ng damit, pagkain at gamot para po sa sakit niyo," ani ko sabay abot ng pera sa kaniya. "Masyadong malaki ang perang ibibigay mo, hindi ko 'yan matatanggap hija," aniya. Ngunit agad kong hinawakan ang kamay niya at nilagay ang pera sa palad nito bago ko siya nginitian. "Gaya po nang sinabi ko kanina, gusto ko ho kayong tulungan at hindi ho ako napipilitan. Deserve niyo po 'yan kasi mabait kayo, masipag at isang mabuting ama. Dahil po sa inyo, umayos ang pakiramdam ko at pansamantalang nawala yung sakit na nararamdaman ko. At siya nga ho pala, ibibigay ko po sa inyo yung address ng bahay ko. Huwag po kayong mag-alala, may makakasama ho kayo ro'n. Sabihan niyo lang po 'yung care taker ng bahay na kilala ko kayo at ite-text ko rin po siya para alam niya na dadating kayo. Pasensya na ho kung hindi ko kayo masasamahan, may importante po kasi akong gagawin. Magkita ho tayo ro'n after 2 days at sana kapag nagkita na tayo, maayos na ang kalagayan niyo." "Maraming salamat hija, salamat sa tulong mo," maluha-luhang tugon niya dahilan para yakapin ko siya. "Walang anuman po tay, ingat po kayo." Nakangiti ako habang nakatingin sa papaalis na si tatay Manuel. Sana kahit papa'no natulungan ko siya na unti-unting makabangon mula sa hirap na pinagdaanan niya. At kahit mahigit tatlong pung minuto ko lang siyang nakasama, nagkaroon na siya ng parte sa buhay ko. Nag-desisyon akong umakyat sa di-kataasang semento para mas lalong makita ang kabuuan ng dagat. Bigla akong napabuntong hininga nang maalala ko ang sinabi ni tatay Manuel kanina. Bakit kaya dinadaan ng ibang tao sa pamamagitan ng pagtalon dito sa dagat ang problemang kinakaharap nila? Nawawala ba agad kapag tumalon ka? o gusto lang talaga nilang magpakamatay? "VIENNA HUWAG KANG TATALON!"
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (63)
Fhem De Castro
ayies!!!! another excellent Job you got there ms. A. Highly recommended 👌 👍 👏 how to be you po? 🤗🤗🤗🤗Keep writing.🥰🥰🥰
03/05/2022
0
VerdanAngelie
Nakakakilig! pwedeng akin na lang si Sebastian? hahahaha
16/01/2022
0
Tolits Tudla
Rojdjhxjdbjfjfjfjbksjbfjfndjkdbdufjfjubfjfjbfindbdjfkdljfudnfjijfjfkfudkkufjfifjbfifjfjfufjfjfjufbfjfkeodkfujfjfufjfjfifujfjfjujfjufjfjfjfufjfjfjfjufjfjfjfjjfjjfbbfjfbfbjfugjdjfjfjfjfjfjebfjnxnfjskfjjenfjfjfjfjjfjfjeuenbdjzusknfbccjjdbjfjnfjfbjfbjfjnfnduksndjfjjfjfjfbejjdnfbudms sbdidkbfjfnjfkdkenejejdjdjfjfjjfjfjfndjdnxnsnjjJdjjdbdnfjfjjj in bfjfjxbfjjfjfjfjfjfjfjfjjfjdkdkwieidkueueieiejxbjdidkdndkkfjfjdujfjfjjdjhdhfjdkjdjjfkkdiwkdkjdjdkdkjfjdjfkkfkeiekejeidkdkwowoekfkfjjkeieifjkkdkrkkkkfjfifkf
ayies!!!! another excellent Job you got there ms. A. Highly recommended 👌 👍 👏 how to be you po? 🤗🤗🤗🤗Keep writing.🥰🥰🥰
03/05/2022
0Nakakakilig! pwedeng akin na lang si Sebastian? hahahaha
16/01/2022
0Rojdjhxjdbjfjfjfjbksjbfjfndjkdbdufjfjubfjfjbfindbdjfkdljfudnfjijfjfkfudkkufjfifjbfifjfjfufjfjfjufbfjfkeodkfujfjfufjfjfifujfjfjujfjufjfjfjfufjfjfjfjufjfjfjfjjfjjfbbfjfbfbjfugjdjfjfjfjfjfjebfjnxnfjskfjjenfjfjfjfjjfjfjeuenbdjzusknfbccjjdbjfjnfjfbjfbjfjnfnduksndjfjjfjfjfbejjdnfbudms sbdidkbfjfnjfkdkenejejdjdjfjfjjfjfjfndjdnxnsnjjJdjjdbdnfjfjjj in bfjfjxbfjjfjfjfjfjfjfjfjjfjdkdkwieidkueueieiejxbjdidkdndkkfjfjdujfjfjjdjhdhfjdkjdjjfkkdiwkdkjdjdkdkjfjdjfkkfkeiekejeidkdkwowoekfkfjjkeieifjkkdkrkkkkfjfifkf
25/11/2024
0Tingnan Lahat