"Sasabihin mo ba kay Vince ang tungkol sa titulo ng bahay?" tanong ni Tine nang makaakyat na kami sa ikalawang palapag. Hindi na namin kasama si Mang Eduardo, tinuro niya na lamang sa'kin kung saan banda ang kwarto ko rito noon. "Kailangan niyang malaman, ayoko rin namang ilihim 'to sa kaniya," sagot ko. "Ayaw mo ba talagang tumira dito kasama ang kuya mo?" "Hindi ako sigurado kung gusto pa bang tumira ni kuya sa bahay na 'to. After kasi maghiwalay ng parents namin, kay tito Francis na siya tumira. But I will try to ask him, if gusto niyang tumira dito then lilipat kami after ng kasal ni mom at tito Lucas." "I'll convince him, dont worry. But I'm sure, namiss na rin ng kuya mo itong bahay niyo." Napabuntong hininga naman ako agad, hindi ako sigurado tungkol do'n sa sinabi niya. Ang kuwento sa'kin kanina ni Mang Eduardo, nagpunta raw dito si kuya noon. May kung ano raw siyang kinuha tapos umalis agad at after daw non, hindi na nagpunta pa rito si kuya. Ramdam ko na may iniiwasan siya sa bahay na 'to kaya kailanman hindi niya na nagawang bumalik pa rito. Kung ano man 'yon, sana malaman ko. "Ang haba naman ng hallway na 'to, mga ilang hakbang pa kaya papunta sa kwarto mo?" reklamo ni Tine. Natawa naman ako bigla dahil sa sinabi niya pero tama siya ang haba nga ng hallway na nilalakaran namin ngayon. "1000, bakit suko ka na? kung pagod ka na, doon ka na lang sa baba," tugon ko na ikinatawa niya. Ngayon lang ulit ako nagsungit ng ganito, magmula kasi no'ng manligaw siya sa'kin, hindi ko na siya sinusungitan kaya nakakamiss lang ang mga ganitong usapan namin ni Tine dati. Mga 5 minutes na kaming naglalakad pero hindi pa rin kami nakakarating sa kwarto ko. Nasa pinakadulong bahagi ng second floor pa raw 'yun. Puro pader lang ang nakikita namin ngayon pero ang ganda lang tingnan dahil sa mga paintings na nakadikit dito. Parang art gallery na ito at hindi bahay. Tatlong palapag itong bahay, sa baba matatagpuan mo ang kusina, dining area, maid's quarter at living room. While dito sa second floor, mayroong anim na kwarto at ang tatlo diyan ay guest room. Sa third floor naman daw doon matatagpuan ang office ni dad, game room na lagi raw tambayan ni kuya noon, mini-studio, library, storage room at dalawang guest room. At sa likod nitong bahay, nandoon ang isang malaking swimming pool at malawak na garden. Parang gusto ko na tuloy tumira dito kaso hindi pa pwede. After ng limang minutong paglalakad, nakarating na kami sa wakas ni Tine. Dahan-dahan ko namang binuksan ang pinto at tumambad sa'ming dalawa ang isang malaki at napakagandang kwarto. It's a kind of bohemian style, from its aesthetic colors, decorations, walls, eclectic patterns and textures. All I can say is, it's so beautiful. Mas malaki at mas maganda pa ito kaysa sa kwarto ko doon sa bahay ni tito Lucas. "You have a big and beautiful room Vienna. Do you even remember this before?" Tine said. I just shook my head in response. "I don't remember anything, ni hindi ko nga maalala kung sino ang nagdesign nito," tugon ko. Nilibot ko naman ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto at hindi ko napigilan ang mamangha dahil sa ganda nito. I never imagined that a young Vienna's before was have this kind of huge and beautiful room. Spoiled ba 'ko noon? nakukuha ko ba ang lahat ng gusto ko kaya nagkaroon ako ng ganitong kagandang kwarto? But who designed this? is it dad? But wala akong ni isang makitang family picture at ang tanging nakikita ko lang ay ang pictures namin ni dad before. Kahit pictures namin ni mom o ni kuya, talagang wala but why? Ilang taon ba 'ko no'ng lisanin ko ang bahay na 'to? Ang hirap, wala akong ni isang maalala rito. "Isang beses ko lang na-meet ang dad mo before," wika ni Tine. Nilingon ko siya, may hawak siyang litrato ngayon ngunit nagtaka ako sa sinabi niya. "Why? bestfriend ka ni kuya diba? then ang sabi mo sa'kin, lagi kang pumupunta sa bahay." Binalik niya naman ito sa dating puwesto bago niya 'ko nilingon at nilapitan. "Lagi nga akong pumupunta sa bahay niyo pero hindi ko naman nakikita ang dad mo, only your mom. Na-meet ko lang siya no'ng 13th birthday ng kuya mo. At kahit na 'yun pa lang ang unang beses naming pagkikita, tandang-tanda ko pa rin ang mukha niya hanggang ngayon. At alam mo, nakuha mo lahat ng physical features niya, kamukhang-kamukha mo siya at nag-mana ka sa kaniya." He's right, kaya minsan naiisip ko na nabuo ako nang sapilitan lang. Wala kasi akong kahit ni isang minana o pagkakatulad kay mom. Kaya sa tuwing magkaharap kami at nakatitig ako sa mukha niya, hindi ko napigilan ang mapaisip ng "ina ko ba talaga siya?" "But until now, nagtataka pa rin ako kung bakit hindi man lang kita na-meet before. Nakita lang talaga kita sa litrato at hindi sa personal," dugtong niya. Ngunit natahimik na lang ako at napabuntong hininga. Hindi ko kasi alam kung ano ang isasagot ko sa kaniya. "Ma'am Vienna.." Napalingon naman ako nang marinig ko ang boses ni Mang Eduardo. Nasa labas siya ng kwarto at may dalang box. "Tulungan ko na ho kayo Mang Eduardo," saad ni Tine at nilapitan ang matanda para tulungan ito. "Salamat po Mang Eduardo," nakangiting pasasalamat ko. "Walang anuman po ma'am, tawagin niyo na lang po ako kapag may kailangan pa kayo," nakangiting tugon niya. Tumango naman ako bilang sagot at lumabas na rin siya nang kwarto. Nabanggit niya kasi kanina na ang lahat ng laruan at mga gamit ko ay naidonate sa orphanage pero may inihiwalay daw si dad na mga importanteng bagay na alam niyang hahanapin ko. 'Sana ito na 'yun.' Kinakabahan ako, pero kailangan kong gawin 'to para sa sarili ko. "Tine.. hintayin mo na lang ako sa baba," ani ko ngunit nakatingin lamang ako sa box. "Pero.. Vienna.." "Tine ayos lang, kaya ko na 'to." I want him to be here pero hindi niya kailangang malaman kung anong meron dito sa box. Kapag ang mga bagay na nasa loob nito ay tungkol lahat kay Martin, masasaktan ko lang siya. "Ayokong iwan ka rito, baka kapag nalaman mo na kung ano ang laman ng box na 'yan mag-collapse ka rito habang wala ako," nag-aalalang usal niya. "Naintindihan ko na nag-aalala ka lang sa'kin but please kahit ngayon lang, hayaan mo muna akong harapin 'to nang mag-isa. I'm fine Tine, don't worry," ani ko tiyaka ko siya niyakap ng mahigpit. Wala na rin siyang nagawa kundi ang sundin ang sinabi ko. Pagkalabas niya ng kwarto, kinuha ko naman agad ang cutter at dahan-dahang binuksan ang box. Nang tuluyan ko na itong nabuksan, napabuntong hininga muna ako bago ko tiningnan ang laman. Letters, diary, polo dress, romance books, instant camera, ukulele, blue scarf, earpads and headphones, sneakers at tumbler ang laman ng box. May kuwento ba ang bawat bagay na 'to kaya sineparate ito ni dad? Importante ba ang mga 'to sa'kin? pero kanino galing naman kaya ang mga 'to? Ngunit wala yung teddy bear na kapareho nung binigay sa'kin ni Sebastian pero sigurado akong nagkaroon ako nun dati. Saan ko naman kaya 'yun mahahanap? Kinuha ko naman ang isang diary at binasa kung ano ang mga nakasulat dito. Tiyaka ko lang nalaman na ang diary pala na hawak-hawak ko ngayon ay pagmamay-ari ko. June 6, 201* Dear Diary; First day of school namin ngayon at excited na 'kong makilala at makita yung lalaking kaibigan ni surot. Ang sabi niya sa'kin, mabait at gwapo raw 'yun. Ano kaya ang itsura niya no? pero sana magiging kaibigan ko rin siya. Love, Vienna June 7, 201* Dear Diary; Tama nga si surot mabait siya at gwapo. Tapos madali siyang pakisamahan, hindi siya masungit o mayabang. Nakakatawa siya, parang lagi siyang may baong jokes at ang corny pa ng mga pick up lines niya. Hindi ko talaga akalain na magiging close kami kaagad kahit pa na, ito pa lang ang pangalawang beses naming pagkikita. He's so sweet and kind. Ang suwerte ko na nakilala at naging kaibigan ko siya. Love, Vienna June 19, 201* Dear Diary; I feel so guilty dahil sa nangyari kaninang umaga. Nahihiya akong humarap at makipag-usap sa kaniya. Nang dahil sa'kin naparusahan siya at hindi siya nakapagkuha nang quiz. Paano ba naman kasi nakalimutan ko yung I.D ko, hindi kami makakapasok ng gate kapag hindi namin suot 'yun. Natiyempuhan pa na naabutan niya 'ko sa labas at dahil sa kabaitang taglay niya, pinasuot niya sa'kin yung I.D niya. Nakapasok nga ako pero siya naman itong naparusahan. Ngunit parang okay lang sa kaniya, but sa'kin hindi. Naiiyak ako ngayon, parang ayoko nang magpakita pa sa kaniya. Love, Vienna Sino ang lalaking tinutukoy ko sa bawat pahina nang diary na 'to? Sino si surot? palayaw ba siya nang kaibigan ko dati? July 16, 201* Dear Diary; Ilang weeks na kitang hindi nasusulatan at nasasabihan ng mga nangyari sa araw ko. Nagkaroon kasi ng problema rito sa bahay at nalulungkot lang ako sa tuwing iniisip ko ang tungkol do'n. Kailangan mo pa bang malaman? kailangan ko pa bang sabihin sa'yo? Nasasaktan ako ngayon, nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko ang mga magulang ko na nag-aaway. Hindi ko alam kung ano ang dahilan nun ngunit parang, malapit na silang maghiwalay. I once heard my mom, she mentioned about the annulment. In the first place, I don't know what that means but when I found out what that meant, I was scared for the sake of our family. I don't want my parents to separate but I won't let that happen. I will do everything para huwag lang iwan ni mom ang dad ko. Love, Vienna Naisara ko agad ang notebook matapos kong basahin ang pahinang 'yun. Napaupo na 'ko sa sahig at napayuko habang hawak-hawak ang ulo ko. Hindi ko na ito kayang basahin, nasasaktan lang ako at nahihirapang balikan ang nakaraan ko sa bahay na 'to. Sigurado ako na ang kasunod nun ay ang mga nangyari dito sa bahay matapos hiwalayan ni mom ang dad ko. Ayoko nang malaman pa ang tungkol do'n, ayoko nang maalala pa ang mga panahon kung kailan nasaktan ng husto ang dad ko. "Ma'am Vienna.." Naiangat ko ang ulo ko nang marinig ko ang boses ni Mang Eduardo sa labas ng kwarto. Ngunit hindi ko siya nilingon, nakatingin lang ako ngayon sa diary na hawak-hawak ko. "Ma'am Vienna, ayos lang po ba kayo?" tanong niya. Tumango naman ako bilang sagot bago ko siya nilingon. Ngunit nanlaki ang mata ko nang makita ko ang teddy bear na hawak-hawak niya ngayon. Dahan-dahan akong napatayo pero nakatingin pa rin ako sa teddy bear na hawak niya. 'Yan ang teddy bear na tinutukoy ko.' "Ito ho ba ang teddy bear na kapareho nung nasa litrato na pinakita niyo sa'kin kanina?" tanong niya. "Opo, pero saan niyo ho 'yan nahanap?" tugon ko. Inabot din naman niya ito sa'kin kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko na mapatitig dito. Tama nga ako, may ganito akong teddy bear noon na kapareho nung teddy bear na binigay sa'kin ni Sebastian. "Sa office ng dad niyo ma'am," aniya na ikinagulat ko. Paano 'to napunta sa office ni dad? imposible naman na maglalagay ng teddy bear si dad sa offjce niya. "Ang lahat ng mga laruan at gamit niyo po dati, naidonate sa orphanage. Pero 'yang teddy bear na hawak niyo, inihiwalay ho ni sir at nakita ko siya na nilagay niya 'yan sa office niya. Nagulat nga po ako eh kung bakit hindi niya binigay sa inyo 'yan," dugtong pa niya. Bakit kaya hindi sinama ni dad ang teddy bear na 'to rito sa box na binigay sa'kin ni Mang Eduardo? Nagtataka na 'ko, may tinatago ba sa'kin si dad? "Kailan ho 'yan nangyari? tanda niyo pa po ba?" tanong ko. "Noong dalhin kayo ng dad niyo sa orphanage. Inutusan niya po kami agad na iligpit at itago lahat ng gamit niyo rito sa bahay. Nagtaka nga ho kami ma'am eh, kasi sa mga panahong 'yun galit ang dad niyo at 'yun pa lang po ang unang beses na nakita ko siyang nagalit." Mas lalo akong naguluhan sa sinagot niya at ni isa, wala akong naintindihan. Pero nakapagtataka lang kung bakit ginawa 'yun ni dad? "Nalaman niyo naman po ba ang dahilan kung bakit siya nagalit sa mga oras na 'yun?" muling tanong ko ngunit umiling siya bilang sagot. "Hindi na ho ako nag-abala pang magtanong ma'am, baka po kasi mas lalong magalit ang dad niyo." "Pero alam niyo ho ba ang dahilan kung bakit sa orphanage ako pinatira ni dad 3 years ago?" Matagal na akong naghahanap ng sagot tungkol sa bagay na 'yan ngunit wala akong mahanap. Every time na tinatanong ko si dad, lagi niyang iniiba ang usapan gano'n din si mom at kuya. Sinubukan ko ring tanungin sina sisters pero wala silang alam. "Hindi rin ma'am, hindi na ho kasi kami nakapag-usap magmula noong dalhin niya kayo sa orphanage. Ngunit may narinig ho ako, na kaya raw kayo pinatira doon sa orphanage ay para po mapabilis ang paggaling niyo." 'Yan din ang sinabi sa'kin ni nanay Selda at ewan ko lang kung totoo. Ang dahilan daw kasi ni dad kung bakit sa orphanage niya 'ko pinatira ay dahil mas maganda raw do'n, payapa, tahimik, walang gulo at mapapabilis ang paggaling ko. Naka-recover nga ako pero naguguluhan naman ako sa mga nangyayari sa paligid ko. Nang makaalis ako sa orphanage, parang ang laki ng pinagbago ko lalo na ang takbo nang buhay ko. Ramdam ko na parang hindi na ito tulad ng dati, na parang may kulang sa pagkatao ko at hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung ano 'yon. "Ma'am Vienna, tanda niyo pa po ba kung sino ang nagbigay niyan sa inyo?" tanong niya sabay turo sa teddy bear na hawak ko. Sigurado ako na si Martin ang nagbigay sa'kin nito. Biglang pumasok sa isip ko yung unang beses ko siyang naalala dahil sa teddy bear na binigay ni Sebastian. At hindi ako nagkakamali, ito nga 'yun. Pero coincidence lang ba na magkapareho 'yung teddy bear na binigay sa'kin ni Martin at Sebastian? "May napansin nga po pala ako sa damit ng teddy bear ma'am." "Ano po 'yun Mang Eduardo?" takang tanong ko bago ko tiningnan ang damit ng teddy bear. "Merong nakasulat na pangalan ng lalaki sa bandang likod ng damit ma'am." Tiningnan ko naman kung ano ito at tama nga si Mang Eduardo. At ang pangalan na tinutukoy niya ay pangalan ni Martin. Ngunit may napansin akong kakaiba kaya agad kong kinuha ang cellphone sa bulsa ko. Binuksan ko naman ito at nagtungo sa gallery para tingnan yung picture nung teddy bear na binigay sa'kin ni Sebastian. Nang mahanap ko na, pinagtabi ko ang teddy bear at ang phone ko kung saan nakadisplay yung picture. Papalit-palit ako nang tingin sa dalawa hanggang sa nalaman ko na kung anong meron sa teddy bear na 'to. Ang teddy bear na bigay ni Martin at ang teddy bear na bigay ni Sebastian ay parehong-pareho. Kahit sa paraan ng pagsulat ng dalawang pangalan, parehong-pareho. Ano ang ibig sabihin nito? nagkataon lang ba lahat? Hindi ko maintindihan, naguguluhan ako. Ayokong mag-isip ng kung anu-ano kasi imposibleng tama ang iniisip ko. Na si Martin at Sebastian ay... iisa.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (63)
Fhem De Castro
ayies!!!! another excellent Job you got there ms. A. Highly recommended 👌 👍 👏 how to be you po? 🤗🤗🤗🤗Keep writing.🥰🥰🥰
03/05/2022
0
VerdanAngelie
Nakakakilig! pwedeng akin na lang si Sebastian? hahahaha
16/01/2022
0
Tolits Tudla
Rojdjhxjdbjfjfjfjbksjbfjfndjkdbdufjfjubfjfjbfindbdjfkdljfudnfjijfjfkfudkkufjfifjbfifjfjfufjfjfjufbfjfkeodkfujfjfufjfjfifujfjfjujfjufjfjfjfufjfjfjfjufjfjfjfjjfjjfbbfjfbfbjfugjdjfjfjfjfjfjebfjnxnfjskfjjenfjfjfjfjjfjfjeuenbdjzusknfbccjjdbjfjnfjfbjfbjfjnfnduksndjfjjfjfjfbejjdnfbudms sbdidkbfjfnjfkdkenejejdjdjfjfjjfjfjfndjdnxnsnjjJdjjdbdnfjfjjj in bfjfjxbfjjfjfjfjfjfjfjfjjfjdkdkwieidkueueieiejxbjdidkdndkkfjfjdujfjfjjdjhdhfjdkjdjjfkkdiwkdkjdjdkdkjfjdjfkkfkeiekejeidkdkwowoekfkfjjkeieifjkkdkrkkkkfjfifkf
ayies!!!! another excellent Job you got there ms. A. Highly recommended 👌 👍 👏 how to be you po? 🤗🤗🤗🤗Keep writing.🥰🥰🥰
03/05/2022
0Nakakakilig! pwedeng akin na lang si Sebastian? hahahaha
16/01/2022
0Rojdjhxjdbjfjfjfjbksjbfjfndjkdbdufjfjubfjfjbfindbdjfkdljfudnfjijfjfkfudkkufjfifjbfifjfjfufjfjfjufbfjfkeodkfujfjfufjfjfifujfjfjujfjufjfjfjfufjfjfjfjufjfjfjfjjfjjfbbfjfbfbjfugjdjfjfjfjfjfjebfjnxnfjskfjjenfjfjfjfjjfjfjeuenbdjzusknfbccjjdbjfjnfjfbjfbjfjnfnduksndjfjjfjfjfbejjdnfbudms sbdidkbfjfnjfkdkenejejdjdjfjfjjfjfjfndjdnxnsnjjJdjjdbdnfjfjjj in bfjfjxbfjjfjfjfjfjfjfjfjjfjdkdkwieidkueueieiejxbjdidkdndkkfjfjdujfjfjjdjhdhfjdkjdjjfkkdiwkdkjdjdkdkjfjdjfkkfkeiekejeidkdkwowoekfkfjjkeieifjkkdkrkkkkfjfifkf
25/11/2024
0Tingnan Lahat