"Sebastian, pwede mo na 'kong ibaba rito," sabi ko nang matanaw ko na ang pinto ng clinic. Pero hindi niya 'ko pinakinggan at nagpatuloy lang siya sa paglalakad. Hindi ba siya nabibigatan sa'kin? magmula cafeteria patungong clinic, buhat-buhat niya 'ko. Tapos kanina pa kami pinagtitinginan ng mga estudyanteng nakakasalubong namin pero wala man lang siyang pakialam. Tumigil din naman siya nang makarating na kami sa clinic ngunit hindi niya pa rin ako binaba. Sakto na bumukas ang pinto at lumabas ang isang nurse na sa tingin ko ay nagulat sa presensya namin. "Ano ang nangyari sa'yo? ayos ka lang ba Miss Vienna?" Kilala niya 'ko? paano? "Nahihilo siya, pwede ba na magpahinga muna siya sa loob?" sagot ni Sebastian. "Ahh sige, pasok kayo." Pagkapasok namin sa clinic, dahan-dahan naman akong binaba at pinahiga ni Sebastian sa kama. Nakatingin lang ako sa kaniya pero nagtataka na 'ko sa kinikilos niya. "Nahihilo ka pa ba? kailangan ba kitang dalhin sa ospital?" tanong niya. Gusto kong ngumiti pero hindi ko magawa. Halata sa boses niya na nag-aalala siya pero hindi ko makita sa mga mata niya. "Hindi na kailangan, dito na lang ako sa clinic magpapahinga saglit. Pwede ka nang umalis, may show pa kayo ng banda mo at baka hinahanap ka na nila." "Okay lang, hindi naman ako ang kakanta mamaya." Nagulat ako sa sinagot niya, siya ang bokalista ng banda pero hindi siya yung kakanta? Bakit naman kaya? pinalitan siya? "Ano ang ibig mong sabihin?" takang tanong ko. "Si Louie muna ang kakanta tapos ako naman ang tutugtog pero sa tingin ko kaya na nila na wala ako. Kaya okay lang na mag-stay ako rito at bantayan ka," sagot niya. Bakit bigla akong kinabahan sa sinabi niya? kainis! Hindi na naman normal ang kabog ng dibdib ko. Ano ba kasi ang nangyayari sa mokong na 'to? bakit bigla siyang naging ganito? Bigla namang nag-ring ang phone ko, tiningnan ko naman kung sino ang tumatawag. Thanks God, tawag galing sa ospital. "Lalabas na muna ako," sabi niya. Hayss, buti na lang lumabas siya, ayoko na marinig niya ang sasabihin ko. "Hello.." (Hello maam Vienna, ako po ang incharge sa CCTV kahapon. Kinausap na po ako ng may-ari ng ospital tungkol po sa hiningi niyong pabor sa kaniya) "Kamusta kuya? nahanap niyo ba ang CCTV footage na pinapahanap ko sa inyo kahapon? Nakita niyo ho ba kung sino ang naglagay nung sobre sa counter ng ospital?" (Yes ma'am at mas maganda po siguro na ikaw ang makapanuod. Baka sakali po na makilala niyo siya agad) "Okay, pupunta ako diyan bukas ng umaga." Hindi kasi ako mapakali kung sino ang nag-iwan nung sobre kahapon. Kaya nag-isip ako ng paraan para malaman ko kung sino siya. Bago kami umuwi kanina, kinausap ko ang Head Officer na incharge sa CCTV kaso nga lang hindi niya 'ko pinayagan. Buti na lang kilala ko ang may-ari ng ospital at kaibigan siya ni dad kaya pinayagan niya 'ko. Kaya pinahanap ko agad ang CCTV footage kahapon kaso medyo nahirapan sila kaya hindi na 'ko naghintay. Pero buti na lang nahanap na, kaya malalaman ko na kung sino siya. Naguguluhan kasi ako dun sa litrato at hindi ko alam kung ano ang kuwento sa likod nun. Gusto kong tanungin si tito Kristopher pero nag-aalangan ako kasi baka masaktan ko siya kaya hindi ko na tinuloy. 'Di kaya kilala mo rin sila at nakalimutan mo lang dahil sa nagkaamnesia ka?' Napailing ako nang maalala ko ulit ang sinabi ni Therese. Imposible 'yun, kasi kung tama siya dapat sinabi sa'kin ni Sebastian pero wala. Kaya imposibleng mangyari 'yon, hindi gano'n 'yun Vienna, huwag kang maniwala. Bigla namang bumukas ang pinto at nagulat ako sa dalawang taong pumasok. Si Michelle at Therese na halatang kakagaling lang sa pagtakbo. Pumasok naman si Sebastian pero parang wala man lang siyang pakialam sa dalawang babaeng dumating. "Vienna.. bakit ang tigas ng ulo mo? diba sabi ng doktor magpahinga ka pero bakit ka nandito?" naiinis na wika ni Michelle pero halata pa rin sa mga mata niya na nag-aalala siya. "Ayos lang ako Michelle, huwag na kayong mag-alala sa'kin," sagot ko. "Nag-aalala kami sa'yo dahil dinala ka ni Sebastian dito sa clinic at baka may ginawa na naman siya sa'yo nang hindi namin alam," wika ni Therese sabay lingon kay Sebastian. "Wala siyang ginawa sa'kin, kaya huwag niyo na siyang pag-isipan ng masama okay?" tumango naman silang dalawa bilang sagot. "Paano niyo pala nalaman na nandito ako sa clinic?" takang tanong ko. "Galing kami sa cafeteria, narinig namin na may binuhat na babae itong lalaking kasama mo. Nahulaan naman namin agad kung sino, walang iba kundi ikaw. Ikaw lang naman ang babaeng kinakausap niya kaya nagpunta kami agad dito," sagot ni Michelle. "Okay ka lang ba Vienna? nahihilo ka pa ba? masakit pa ba ang likod mo?" nag-aalalang tanong ni Therese. "Okay lang ako Therese, kaya ko naman ang sarili ko. Pwede na kayong umalis, kakausapin ko muna si Professor Lozano tapos uuwi na 'ko." "Hindi Vienna, sasamahan ka namin. Wala naman kaming gagawin ngayon e," wika ni Michelle. "Oo wala Vienna, kaya okay lang na samahan ka namin," dugtong ni Therese. "Ako na ang sasama sa kaniya." Napalingon naman silang dalawa sa lalaking nagsalita, walang iba kundi si Sebastian. Napahalukipkip silang pareho sa harapan niya pero walang emosyon naman silang tiningnan ng lalaking kaharap nila. "Wala kaming tiwala sa'yo, baka ano pa ang gawin mo sa kaibigan namin," si Michelle. "Yeah, kaya kami na ang bahala sa kaniya. Pwede ka nang umalis dahil may show ka pa. Baka kapag nakita ka ni kuya Vince na kasama mo si Vienna, masuntok ka pa niya," kalmadong sambit ni Therese. "Huwag kayong mag-alala, hindi ko na sasaktan ang kaibigan niyo. Kaya sana payagan niyo 'ko kahit ngayong araw lang na makasama si Vienna." Napatingin ako kay Sebastian nang sabihin niya ang mga katagang 'yon. Nilingon ako nina Michelle pero hindi ko sila magawang tingnan. 'Ginugulo mo ang isip ko Sebastian. Gusto kitang sapakin alam mo ba 'yon?' "Sige, papayag kami. Pero sa oras na saktan mo ulit si Vienna, huwag na huwag ka ng lumapit sa kaniya. Nagkaintindihan ba tayo Sebastian? maliwanag ba?" seryosong sambit ni Michelle. Tumango naman si Sebastian bilang sagot at lumapit na sa direksyon ko. "Vienna alis na kami, tawagan mo 'ko kapag may nangyaring masama sa'yo okay? Kami na ang bahala kay kuya Vince, hindi makakarating sa kaniya na nandito ka sa university at kasama si Sebastian," wika ni Michelle. Niyakap naman nila akong dalawa after that lumabas na rin sila sa clinic. "Here.. baka nauuhaw ka," sabi niya sabay abot sa'kin ng C2. Bigla ko namang naalala yung araw na kinuha niya kay Therese ang C2 para ihatid sa'kin pero hindi naman siya ang kusang nagbigay. "May tanong ako.." wika ko. "Ano 'yon?" diretsong tugon niya. "Bakit hindi ikaw ang nagbigay sa'kin nung C2 kung kinuha mo naman ito kay Therese para ihatid sa'kin? Ewan ko kung tanda mo pa, bigla ko lang kasing naalala." "Tinawag na kasi ako ni Dim kaya si Lester na lang ang inutusan ko." "Ahh gano'n ba, okay." "Nahihilo ka pa ba?" tanong niya. "Ahh hindi na.. okay na 'ko," sagot ko. "Kung gano'n hali ka na, manuod tayo ng show." "Ha?" "Manuod tayo ng show," nakangiting sambit niya na ikinagulat ko. Pero sa totoo lang namiss ko 'to, namiss ko ang makita siyang nakangiti. "Hali ka na," sabi niya sabay hawak ng kamay ko. Parang bigla akong nakaramdam ng kuryente sa katawan dahil sa biglaang paghawak niya. Ito pa lang ang unang beses na ginawa niya sa'kin 'to pero hindi ko akalain na ganito pala ang magiging epekto nito sa'kin. Inayos niya muna ang suot kong cap bago kami lumabas ng clinic. Pero buti na lang wala nang masyadong estudyante at sa tingin ko nandoon silang lahat sa venue ng show. Nakahawak pa rin siya sa kamay ko, ewan ko ba kung bakit hindi ko magawang alisin ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Kapag nakita siya ng lahat na may ka holding hands na babae, malaking issue na naman 'yan. At kapag nalaman nila na ako ang babaeng 'yun, patay ako. Nakarating na kami sa venue ng show pero wala ni isang nakapansin sa presensya namin. Abala ang lahat sa panunuod, kahit mga fans ni Sebastian hindi siya nakita. Okay na rin 'yun para hindi nila malaman na ako ang kasama niya. Hawak-hawak niya pa rin ang kamay ko hanggang sa makarating kami sa pinakalikod na part at sakto lang na makikita namin ang nangyayari sa stage. Naghahanda na sina Louie pero itong si Sebastian walang plano na sumali sa kanila. "Kaya sana payagan niyo 'ko kahit ngayong araw lang na makasama si Vienna." Ibig sabihin ba niyan, gusto nga niya 'kong makasama kaya hindi siya sumali kina Louie? Pero parang bukod do'n, may iba pa siyang dahilan. "Ito pa lang ba ang unang beses na hindi ka makakatugtog?" tanong ko habang nakatingin sa stage. "Oo.. pero ayos lang basta makasama lang kita," sagot niya. Napalingon ako sa kaniya pero nakatingin din pala siya sa stage. Hindi ko napigilan ang sarili ko na mapangiti dahil sa sinabi niya. 'Siraulo ka talaga Sebastian, oo gusto na kita pero hindi ako mahuhulog ng husto sa'yo. No! Never!' "Sebastian.. pwede mo ng bitawan ang kamay ko," mahinang sambit ko. Nilingon niya 'ko pero parang wala siyang narinig at hindi niya pa rin binitawan ang kamay ko. "Kahit ngayong araw lang Vienna, hayaan mo ako na gawin to sa'yo," sabi niya. Naguguluhan ako sa sinabi niya, "ngayong araw lang" anong meron sa katagang 'to? Nag-simula ng tumugtog sina Gian pero ibang tugtog yata ang naririnig ko. Napatingin ako kay Sebastian pero seryoso siyang nakatingin sa gitna at mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko. Napatingin ako sa kamay ko na hawak ni Sebastian. Ang higpit ng pagkakahawak niya na parang wala siyang balak na bitawan ito. Hindi ako nasasaktan, masaya ako kasi sa oras na 'to nakasama ko siya. Alam ko na bukas magbabago na ang lahat sa pagitan naming dalawa. Naintindihan ko na kung bakit gusto niya 'kong makasama ngayon pero ayos lang, naintindihan ko siya. Bigla niya akong kinabig paharap sa kaniya, tinaas niya ng konti ang suot kong cap at agad niya 'kong niyakap. Naestatwa ako dahil sa ginawa niya, ang lakas ng kabog ng dibdib ko at ewan ko lang kung nararamdaman niya. "Sebastian.. baka may makakita sa'tin. Sebastian, a-ayos ka lang ba?" tanong ko pero hindi siya sumagot bagkus hinigpitan niya ang pagkakayakap sa'kin. "Hayaan mo sana ako na yakapin ka, kahit sa huling sandali Vienna." He hugged me.. tight Humiwalay siya mula sa pagkakayakap sa'kin pero bigla siyang napatungo at hindi ko alam kung bakit. "Patawarin mo sana ako sa gagawin ko," wika niya. Dahan-dahan niyang inangat ang mukha niya at agad siyang napatitig sa mga mata ko. Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin pero kinakabahan ako sa kung ano man ang gagawin niya sa'kin. Pero unti-unti niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko. Nakatingin lang ako sa mga mata niya na punong-puno ng lungkot. 'Ano ang gagawin ko para mawala ang lungkot sa mga mata mo?' Ngunit naramdaman ko na lang ang paglapat ng labi niya sa noo ko. Napapikit ako dahil sa ginawa niya pero nang hindi ko pa naimulat ang mga mata ko, bigla kong naramdaman ang paglapat ng labi niya sa labi ko.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (63)
Fhem De Castro
ayies!!!! another excellent Job you got there ms. A. Highly recommended 👌 👍 👏 how to be you po? 🤗🤗🤗🤗Keep writing.🥰🥰🥰
03/05/2022
0
VerdanAngelie
Nakakakilig! pwedeng akin na lang si Sebastian? hahahaha
16/01/2022
0
Tolits Tudla
Rojdjhxjdbjfjfjfjbksjbfjfndjkdbdufjfjubfjfjbfindbdjfkdljfudnfjijfjfkfudkkufjfifjbfifjfjfufjfjfjufbfjfkeodkfujfjfufjfjfifujfjfjujfjufjfjfjfufjfjfjfjufjfjfjfjjfjjfbbfjfbfbjfugjdjfjfjfjfjfjebfjnxnfjskfjjenfjfjfjfjjfjfjeuenbdjzusknfbccjjdbjfjnfjfbjfbjfjnfnduksndjfjjfjfjfbejjdnfbudms sbdidkbfjfnjfkdkenejejdjdjfjfjjfjfjfndjdnxnsnjjJdjjdbdnfjfjjj in bfjfjxbfjjfjfjfjfjfjfjfjjfjdkdkwieidkueueieiejxbjdidkdndkkfjfjdujfjfjjdjhdhfjdkjdjjfkkdiwkdkjdjdkdkjfjdjfkkfkeiekejeidkdkwowoekfkfjjkeieifjkkdkrkkkkfjfifkf
ayies!!!! another excellent Job you got there ms. A. Highly recommended 👌 👍 👏 how to be you po? 🤗🤗🤗🤗Keep writing.🥰🥰🥰
03/05/2022
0Nakakakilig! pwedeng akin na lang si Sebastian? hahahaha
16/01/2022
0Rojdjhxjdbjfjfjfjbksjbfjfndjkdbdufjfjubfjfjbfindbdjfkdljfudnfjijfjfkfudkkufjfifjbfifjfjfufjfjfjufbfjfkeodkfujfjfufjfjfifujfjfjujfjufjfjfjfufjfjfjfjufjfjfjfjjfjjfbbfjfbfbjfugjdjfjfjfjfjfjebfjnxnfjskfjjenfjfjfjfjjfjfjeuenbdjzusknfbccjjdbjfjnfjfbjfbjfjnfnduksndjfjjfjfjfbejjdnfbudms sbdidkbfjfnjfkdkenejejdjdjfjfjjfjfjfndjdnxnsnjjJdjjdbdnfjfjjj in bfjfjxbfjjfjfjfjfjfjfjfjjfjdkdkwieidkueueieiejxbjdidkdndkkfjfjdujfjfjjdjhdhfjdkjdjjfkkdiwkdkjdjdkdkjfjdjfkkfkeiekejeidkdkwowoekfkfjjkeieifjkkdkrkkkkfjfifkf
25/11/2024
0Tingnan Lahat