logo text

Chapter 35

VIENNA'S POV
Ito na dapat ang araw kung saan makakasama ko siyang kumanta pero hindi na mangyayari. Ang oportunidad na para sa'kin ay mapupunta sa iba at wala na akong magagawa para baguhin 'yun.
Nakalabas na ako ng ospital at nakauwi na rin ako sa bahay pero iniisip ko pa rin ang mga sinabi ni Sebastian kahapon. At hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ako. Ngunit wala na akong magagawa, susundin ko ang inutos niya kahit na ang hirap para sa'kin na gawin 'yun.
Maayos na rin naman ang pakiramdam ko, hindi na masyadong masakit ang likod ko pero nakakaramdam pa rin ako ng kaunting pagkahilo. Habilin ng doktor magpahinga ako pero ayoko ng magstay ng matagal dito sa kwarto ko. Gusto kong lumabas at pumunta sa university.
"Maam Vienna.." Napalingon ako sa pinto nang marinig ko ang boses ni ate Riza. Tumayo naman ako agad para buksan ito.
"Good morning ma'am Vienna."
"Good morning din ate, may kailangan ho ba kayo sa'kin?"
"May ipinadala pong regalo ang tita Mhegan niyo, ito po maam," sabi niya sabay abot sa'kin ng isang paper bag.
"Thank you po ate."
"Walang anuman po ma'am, alis na po ako."
Para saan naman kaya itong regalong pinadala niya? eh hindi ko pa naman birthday. Binuksan ko naman ito pagkaupo ko ng kama at may nakita akong isang letter sa loob. Binasa ko naman kung ano ang nakasulat sa papel.
Vienna I'm sorry if hindi kita nabisita sa ospital, I'm really busy at hindi ako makaalis sa office. Si kuya Francis ang nagsabi sa'kin na naospital ka, nag-aalala ako sa'yo. Be careful next time okay? and by the way this gift suits you. Ako mismo ang bumili at pumili niyan, suotin mo after ng weeding ko. I love you and I miss you.
Kahit malayo siya at mayroon kaming maliit na pinag-awayan, nag-aalala pa rin siya sa'kin. Last week, sinabihan niya 'ko na ikakasal na siya pero hindi ko pa naman nakilala o nakita ang soon to be uncle ko. But I'm sure na kaya niyang tiisin ang ugali ng tiyahin ko.
Ang ganda ng binigay niya, it's a white scater dress pero hindi ako sanay na magsuot nito lalo na't makikita ang dibdib ko. Pinangako ko sa sarili ko na hindi na ako magsusuot ng dress at mukhang mapipilitan na naman ako na suotin ito.
After 10 minutes, nag-decide ako na pupunta ng university. Nakapagbihis na ako ng damit at suot ko rin ang cap na binigay ni Britt para walang may makapansin sa'kin kapag nakarating na ako sa university. Nakalabas na ako ng kwarto at nagtungo na sa baba. Naabutan ko naman si ate Riza na naglilinis sa may salas.
"Ate.. aalis po ako."
"Saan ho kayo pupunta ma'am? ang sabi po kasi ng mama niyo huwag daw kayo lumabas ng bahay."
"Pupunta po ako sa university, uuwi ako before 6 pangako po 'yan ate. Alis na po ako."
"O sige po ma'am, mag-iingat po kayo." Ngumiti naman ako kay ate Riza tiyaka ako lumabas ng bahay at nagtungo sa nakaparada kong kotse. Pinagbawalan ako na mag-drive ng sasakyan pero kaya ko naman at baka hindi ako makaabot sa show kapag nag-taxi ako papuntang university.
Kasalukuyan na akong nasa biyahe ngayon, medyo traffic kahit 9 am pa lang ng umaga. Sana hindi pa nagsisimula ang show, ayoko namang tanungin sina Michelle baka kasi pagalitan pa nila ako.
Kagabi hindi ako makatulog sa kakaisip ng sinabi ni Sebastian. Nakatulala lang ako sa kisame at paulit-ulit na tinatanong ang sarili ko kung bakit nasaktan ako sa sinabi niya. Siguro nga nagugustuhan ko na siya pero hindi ko alam kung kailan ito nagsimula.
Nakarating din naman ako sa university at pagkababa ko pa lang ng kotse an'dami ko ng nakikitang mga estudyante na nanggaling sa iba't-ibang schools. Nakakaagaw pansin sila dahil sa mga suot nilang uniforms. May naka-display ding mga booths for every courses at may naririnig na rin akong tugtog.
Nagpunta na nga ako sa venue ng show kung saan matatagpuan ito sa harap ng building ng College of Music. Pagkarating ko sa venue an'dami ng nag-aabang, sa pangunguna ng mga fans ni Sebastian. May nakikita na akong mga banners pero nakakalungkot lang na hindi ito magawang i-appreciate ng taong hinahangaan nila.
May umakyat din naman sa stage, si ate Sheene at kasama niya si kuya Dim. Sa tingin ko magsisimula na ang show.
"Good morning everyone! Excited na ba kayong lahat?!!" Nagsihiyawan at sigawan naman ang lahat nang sabihin 'yon ni ate Sheene. Ngunit pangalan lang ni Sebastian ang sinisigaw nila.
"So I think everyone is excited, let's start with our first performer. They are both from Music Club, please give a round of applause to Ms. Cheska Madrid and Mr. Sebastian Ruiz Angeles." Ngunit biglang tumahimik ang paligid at hindi ko alam kung bakit. Napuno ng bulungan at bakas na ang pagtataka sa mga mukha ng mga estudyanteng nanunuod.
"Akala ko ba si Vienna?"
"Kaya nga eh, sino ba siya?"
"Balita ko kaibigan siya ni Sebastian pero bakit siya ang nandiyan? Asan kaya si Vienna?"
Hindi nila napansin ang presensya ko ngunit hindi ko na sila pinansin at tumingin na lang sa lalaking nasa gitna na walang pakialam sa mga taong nasa paligid niya. After a minute, nagsimula na rin silang tumugtog ngunit tahimik pa rin ang lahat.
Hindi ko alam pero nasasaktan ako na makita silang magkasama at nakipagtitigan sa isa't-isa habang kumakanta. Sa bawat bigkas nila ng mga linya, mararamdaman mo yung emosyon na binibigay nila. Ang tanging masasabi ko lang... bagay sila.
Bago pa bumuhos ang mga luha ko, umalis na 'ko at naglakad papalayo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero gusto ko nang makaalis dito. Patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa may nabangga na 'ko at tumama ang ulo ko sa dibdib niya. Kusa na ring tumulo ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.
"Miss okay ka lang? nasaktan ba kita?" Hinarap ko siya, tiyaka ko lang nalaman na si Britt pala ang lalaking nabangga ko.
"Vienna??" gulat siyang napatingin sa'kin. Napatungo na 'ko at napatakip ng mukha. Pero bigla kong naramdaman ang mainit na yakap ni Britt at hindi ko na rin napigilan ang sarili ko na yakapin siya.
**********
After ng nangyari, dinala niya 'ko sa cafeteria at buti na lang wala ni isang estudyante ang nakapansin o nakakilala sa'kin. Tahimik lang ako habang kaharap si Britt, hindi ako makapagsalita dahil sa mga tingin niya magmula pa kanina.
"Uminom ka na muna ng tubig Vienna, nagugutom ka ba? bibili ako," sabi niya pero umiling naman ako bilang sagot.
"Ayos lang Britt, hindi na kailangan."
"Kumusta ka? nahihilo ka ba? nasaktan ba kita kanina? Kailangan ba kitang dalhin sa ospital?" nag-aalalang tanong niya.
"I'm fine Britt, don't worry about me."
"Ano ba ang nangyari kanina? bakit ka umiiyak?" Dapat ko ba itong sabihin sa kaniya? pero paano kung sabihin niya sa kaibigan niya?
"I think.. I'm in love with.. Sebastian," mahinang sambit ko na ikinagulat niya.
"Hindi ko alam kung kailan ito nagsimula at kung kailan ko ito naramdaman. Pero ang tanging alam ko lang, gusto ko na siya. Nasaktan ako kanina nang makita ko silang magkasama ni Cheska. Nagseselos ako, naiinggit at nasasaktan kasi dapat ako yung kasama niya. Pero dahil sa naospital ako, hindi na nangyari." Sa pangalawang pagkakataon, tumulo na naman ang mga luha ko. Gusto ko na nga siya kasi kung hindi, hindi ako masasaktan at hindi ako iiyak.
"He called me yesterday, sabi niya iiwasan ko siya at umarte ako na hindi ko siya nakilala. Wrong timing siya, bakit 'yon pa ang sinabi niya na kung kailan pa na gusto ko na siya? Pwede ko namang pigilan 'tong nararamdaman ko pero hindi ko magawa. Bakit kasi sa lahat ng lalaki sa mundo sa kaniya pa ako nagkagusto?"
Napatakip na ako ng mukha pero patuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha ko. Naramdaman ko na lumapit si Britt sa direksyon ko at umupo siya sa tabi ko. Bigla niya akong niyakap kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko na mapasandal sa dibdib niya.
"Taha na, wala ka namang dapat na ikaselos do'n sa dalawa dahil magkaibigan lang sila. Pero naintindihan kita kung bakit ka nagseselos at nasasaktan. Vienna, hindi mo puwedeng turuan ang puso kung sino ang dapat at hindi mo dapat mahalin. Wala namang masama kung magkagusto ka sa kaniya. Kaibigan ko si Sebastian at kilala ko siya. Gan'yan man ang ugaling pinaparamdam niya sa lahat pero mabait siya, maalaga at responsableng lalaki. At kapag gusto mo ang isang tao, huwag ka agad sumuko pero kapag nasaktan ka na ng sobra ay matuto ka ng bumitaw kahit na mahal mo pa siya. Iiyak mo lang 'yan, nandito lang ako at hindi kita iiwan. Sasamahan kita hanggang sa maging okay ka na."
Hindi ko in-expect na maririnig ko ito mula kay Britt. He's just like my boy bestfriend who's been there for me every time I'm in pain. I wish that I could have someone like him for the rest of my life.
Sinamahan nga ako ni Britt hanggang sa umayos ang pakiramdam ko. Nagkuwento siya ng kung anu-ano para lang mapatawa ako. Kinuwento rin niya sa'kin ang mga embarrassing moments niya at syempre ang tungkol sa buhay niya.
"Vienna wala ka bang balak na sabihan sina Therese na nandito ka?" tanong niya.
"Wala, ayoko na magalit o mag-alala sila sa'kin. Ang sabi kasi ng doktor ko, magpahinga ako buong araw sa bahay pero.."
"gusto mong panuorin si Sebastian," dugtong niya na ikinatahimik ko. Napabuntong hininga naman ako at nag-iwas ng tingin sa kaniya.
"Oo.. kaya ako umalis ng bahay without telling my mom para lang mapanuod siya."
"Ano tara? baka hindi pa naman sila tapos tumugtog."
"Huwag na Britt, next time na lang."
"Gano'n ba, sige Vienna pero saan mo gustong pumunta? sasamahan kita."
"Kakausapin ko na lang muna si Professor Lozano tapos uuwi na 'ko."
"Sige sasamahan kita, hali ka na," aya niya at tinulungan niya ako na makatayo. Sa totoo lang nahihilo na naman ako, napalakas kasi ang pagtama ng ulo ko sa dibdib niya kanina. Pero hindi ko sinabi sa kaniya kasi baka mag-alala siya at dalhin niya 'ko sa ospital agad.
Aalis na sana kami ni Britt ngunit bigla kaming napatigil dahil sa dalawang lalaking nasa harapan namin. Nagkatitigan kaming dalawa pero ako na mismo ang unang umiwas.
"Pre kanina ka pa namin hinahanap, nandito ka lang pala sa cafeteria. Mamaya tutugtog na ang banda ni Sebastian at sana makanuod ka na." For sure hindi ako nakilala ni Enzo, tinapunan niya 'ko ng tingin pero hindi niya 'ko pinansin.
"Pasensya na, may nangyari lang kasi kanina kaya hindi ako nakapanuod. Sinamahan ko lang din si Vienna, wala kasi siyang kasama," sagot ni Britt.
"Vienna ikaw pala 'yan, sorry hindi kita nakilala. Kumusta ka? okay ka lang ba? at bakit mo siya inaalalayan pre? May nangyari ba?" nag-aalalang tanong ni Enzo.
"Ahh wala pre, nahihilo lang si Vienna pero ayos lang siya."
'Paano nalaman ni Britt na nahihilo nga ako?'
"Sigurado ka? Vienna ayos ka lang?" muling tanong ni Enzo.
"Oo.. ayos lang ako. Hali ka na Britt," walang emosyong tugon ko.
"Dadalhin ko na muna siya sa clinic at kapag nakausap mo sina Therese, huwag mong sasabihin sa kanila na nandito si Vienna."
"Sige pre.." at nilagpasan na namin sila. Ngunit muli kaming napatigil nang magsalita si Sebastian.
"Sandali.."
Ang lamig ng boses niya at halos lahat ng estudyanteng nandito ay napatingin sa kaniya. Hindi ako lumingon ngunit ramdam na ramdam ko ang presensya niya.
'Ano pa ba ang kailangan niya? ito ang gusto niya diba? ang iwasan siya?'
Ngunit hindi ko man lang namamalayan na nasa tabi ko na pala siya at seryosong nakatingin sa'kin.
"Bakit Sebastian?" tanong ni Britt.
"Ako na ang magdadala sa kaniya sa clinic. Huwag kang mag-alala, hindi ko siya sasaktan," seryosong tugon niya habang nakatingin sa mga mata ko. At naramdaman ko na lang ang dahan-dahang pagbitaw sa'kin ni Britt.
"Sa oras na saktan mo ulit siya, kakalimutan ko na naging kaibigan kita," seryosong saad ni Britt. Hindi ko maintindihan kung ano ang ibig niyang sabihin ngunit may bahid ng pagbabanta ang boses niya. Nag-away ba sila ni Sebastian dahil sa nangyari sa'kin?
Nagulat ako nang bigla akong buhatin ni Sebastian at hindi lang ako ang nagulat kundi pati na rin ang lahat ng mga estudyanteng nandito sa loob ng cafeteria. Sa tingin ko, nakilala na nila ako kasi wala namang ibang babaeng kinakausap si Sebastian kundi ako lang. Paniguradong makakarating 'to kina Michelle at lagot ako kapag nalaman nila na nandito ako sa university.
Lumabas na kami sa cafeteria at nakakapit lang ako sa leeg niya pero hindi ko siya magawang tingnan. Nakatingin lang ako sa mga taong nagtatakang napatingin sa'min. Pinagtitinginan kami ng mga estudyanteng nakakasalubong namin, ngayon pa talaga na may event at madaming tao. Paniguradong kilala na rin siya ng mga high school students dahil sa nangyaring show kanina. Bakit niya ba kasi ginawa 'to? sabi niya lalayuan ko siya at aarte ako na hindi ko siya nakilala pero bakit binibigyan niya 'ko nang dahilan na huwag gawin 'yun? Bakit kasi sumama pa ako sa kaniya? bakit ang tanga ko pagdating sa lalaking 'to?
"Hindi na kita sasaktan, pangako 'yan," aniya. Dahil sa sinabi nito, napatingin na ako sa kaniya ngunit hindi ko akalain na nakatingin din pala siya sa'kin. Wala akong makitang emosyon sa mga mata niya ngunit ramdam ko sa boses niya ang lungkot at pag-alala.
"I like you Vienna."
Bigla kong naalala ang mga katagang 'yon na galing sa kaniya pero hindi ako sigurado kung hanggang ngayon, gano'n pa rin ang nararamdaman niya.
"I like you too Sebastian," my mind said but my mouth can't tell.

Komento sa Aklat (63)

  • avatar
    Fhem De Castro

    ayies!!!! another excellent Job you got there ms. A. Highly recommended 👌 👍 👏 how to be you po? 🤗🤗🤗🤗Keep writing.🥰🥰🥰

    03/05/2022

      0
  • avatar
    VerdanAngelie

    Nakakakilig! pwedeng akin na lang si Sebastian? hahahaha

    16/01/2022

      0
  • avatar
    Tolits Tudla

    Rojdjhxjdbjfjfjfjbksjbfjfndjkdbdufjfjubfjfjbfindbdjfkdljfudnfjijfjfkfudkkufjfifjbfifjfjfufjfjfjufbfjfkeodkfujfjfufjfjfifujfjfjujfjufjfjfjfufjfjfjfjufjfjfjfjjfjjfbbfjfbfbjfugjdjfjfjfjfjfjebfjnxnfjskfjjenfjfjfjfjjfjfjeuenbdjzusknfbccjjdbjfjnfjfbjfbjfjnfnduksndjfjjfjfjfbejjdnfbudms sbdidkbfjfnjfkdkenejejdjdjfjfjjfjfjfndjdnxnsnjjJdjjdbdnfjfjjj in bfjfjxbfjjfjfjfjfjfjfjfjjfjdkdkwieidkueueieiejxbjdidkdndkkfjfjdujfjfjjdjhdhfjdkjdjjfkkdiwkdkjdjdkdkjfjdjfkkfkeiekejeidkdkwowoekfkfjjkeieifjkkdkrkkkkfjfifkf

    25/11/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata