CHAPTER 23

CHAPTER 23
KEYDEN'S POV
"I SAID I won't kill my baby!" Histeryang sigaw ni Phoebe nang dumating ang ama nito at sinabi dito ang balita ng doktor tungkol sa pagbubuntis niya.
Hindi ako nakisabat dahil maging ako ay ayaw kong mawala ang bata pero... May posibilidad na si Phoebe naman ang mawala sa akin kapag nagkataon. Mas hindi ko siguro kakayanin na mawala ang babaeng 'to sa'kin.
Hindi pa ako nakakabawi. Kailangan kong bumawi pero paano ko gagawin 'yun kung galit ito sa akin? I never seen her so mad pero hindi ko naman siya masisisi. I was an asshole to her. A jerk. I can still remembered how she cried when she told me how much she regret loving me. Hindi ko na kayang makita siyang ganun. Ni isipin ang itsura niya nun ay hindi ko magawa dahil parang dinidikdik sa sakit ang puso ko.
And it's all my fault.
"Baby, you're not going to kill your child. You're just going to save yourself. Tingin mo ba makakaligtas ang bata kung patay ka na? No, hindi aabot dahil sa bawat araw ay palala nang palala ang lagay mo. You can always make another one and I'm sure ganun din ang gusto ng apo ko kung alam niya lang ang nangyayari." Pagpapakalma ng ama nito.
Hindi ko mapigilan na pasimpleng makapakuyom ang kamay dahil... May punto ito. And I'm having doubts right now. About keeping the baby.
"I can always make another one?! Are you out of your mind?! Anong tingin mo sa anak ko, Dad? Laruan na pwedeng mawala o masira kasi pwede pa naman akong bumili ng bago? No! Buhay ng anak ko ang pinag-uusapan dito, dad at kung ginagawa mo ang lahat para mabuhay ako dahil anak mo ko pwes ganun din ako sa anak ko. Gagawin ko ang lahat para lang sa anak ko. Para lang mabuhay siya at masilayan niya ang mundo. I won't let you kill my baby and if you do something funny, I swear, I will have my vengeance and I won't stop until I destroyed each and everyone of you. Don't try me, dad. You know I can be an evil bitch if I want to." Sigaw nito habang walang emosyon ang mukha pero patuloy ang pag-agos ng luha at sa mga sinabi nito ay hindi ko mapigilan ang maiyak kaya naman tumingin ako sa kisame para hindi tuluyang tumulo ang luha ko.
My baby is so brave. I know she will be a great mother to our child. Hindi ko na naman napigilan ang magsisi. Kung sana ay maaga ko lang nalaman ang kondisyon ni Phoebe ay hindi sana kami hahantong sa ganitong sitwasyon kung saan kailangan pang mamili kung sino ang ililigtas. Kung naging mabuting asawa lang ako at mas inintindi ang asawa ko kesa sa lintek na kaguluhan ng puso ko, sana masaya kami ngayon.
"If that's what you want, fine. Pero sana intinihan mo ako. Intindihin mo sana na isa akong ama na mahal na mahal ang anak niya. 'Yung anak niya na minahal niya mula nang isilang siya sa mundong 'to. 'Yung anak niya na ayaw na ayaw niyang nadadapuan ang lamok. 'Yung anak niya na pasaway at ginagamit ang panglalambing nito para hindi ako magalit. 'Yung anak niyang naghihirap ngayon. Gusto ko lang ang makakabuti sa'yo dahil mahal na mahal kita, 'nak. Tandaan mo na walang magulang ang gustong maglibing sa anak nila." Sabi ng ama ni Phoebe habang patuloy ang pagluha at basag ang boses bago tuluyang lumabas sa kwarto. Naiwan naman si Phoebe na tahimik na lumuluha kaya dahan-dahan akong lumapit sa kama nito tyaka ko hinawakan ang ulo nito para masuyong iyakap sa dibdib ko. Laking pasalamat ko nang hindi ito umangal pero patuloy lang ang pagbuhos ng luha kaya hinayaan ko na lamang ito at hinalikan ko na lamang ang kaniyang ulo.
Sana sapat na ito para ipadama sa kaniya na nandito lang ako. Ang asawa niya na mahal na mahal siya.
"Gusto ko lang naman mabuhay ang anak ko. Ang anak natin. Gusto ko lang naman ang makakabuti sa anak natin, Keyden hindi ba pwede 'yun? Hindi ba pwedeng anak ko muna bago ako? Wala pang kamuwang-muwang ang bata pero gusto na nilang patayin." Bulong nito habang patuloy ang pag-iyak kaya napapikit nalang ako dahil damang-dama ko ang pait sa boses nito.
Somehow, naiintindihan ko ang Daddy ni Phoebe but at the same time ay naiintindihan ko din siya. Gusto lang nilang pareho na protektahan ang mga anak nila at alam kong pareho din silang nahihirapan.
"I'm just here, baby." Bulong ko dito. Hindi ko hahayaan na mag-isa na naman ito. Tama na 'yung mga panahong wala ako sa tabi nito. Tama na 'yung mga pasakit na naibigay ko sa kaniya. Sa pagkakataong 'to, si Phoebe at ang anak naman namin ang priority ko. Wala nang iba. Itaga pa yan sa tyan ni Magellan.
PHOEBE'S POV
NAKATITIG LANG ako sa mukha ni Keyden habang mahimbing itong natutulog. Hindi talaga mapagkakaila na mas gumagwapo ito sa bawat araw habang ako ay patuloy na nanghihina. Sabi nila ay malaki daw ang ibinagsak ng katawan ko lalo pa't hindi na ako umiinom ng gamot.
Hindi talaga ako napapayag ni Dad na alisin ang anak ko sa sinapupunan ko. Siguradong magkakaron ng gulo kapag pinilit pa nila ang gusto nila kaya naman hinayaan na nila ako which is pinagpapasalamat ko nang sobra.
Sa ilang linggo kong pananatili sa Ospital at pagtigil sa pag-inom ng gamot, madami ang nangyayari sa katawan ko at isa na doon ang madalas na pagsikip ng dibdib ko dahilan para mahirapan akong huminga at ang pagsuka ko minsan ng dugo.
At sa bawat sakit na nararamdaman ko sa katawan ko ay hindi umalis si Keyden sa tabi ko. Kahit patuloy ko siyang tinutulak palayo ay nanatili siya. Ilang beses ko siyang nasigawan tuwing nahuhuli niya akong nagsusuka. Ayoko kasing makita niya akong ganon kahina. Ayokong isipin niya na kailangan ko siya kahit ang totoo ay gusto kong kumapit sa kaniya dahil hinang-hina na ang loob ko pero siya at ang anak namin ang inaalala ko.
Ang totoo ay hindi naman ako galit. Siguro ay dissapointed lang- hindi sa kaniya kung hindi sa sarili ko. Dissapointed ako na sa haba ng panahon na itinago ko ang kalagayan ko ay ngayon pa malalaman ni Keyden kung kailan malala na ako. Pero kahit ganun ay susubukan ko paring lumaban.
Ang anak namin... Siya ang magiging una at huling regalo ko kay Keyden.
Naalala ko, tuwing gabi at iniisip ni Keyden na nagpapahinga na ako, naririnig ko siyang kinakausap ang anak namin.
"Keep holding, kiddo. We will get through this. Me and your mom loves you so much. Please, come here safe, okay? Don't make us worried. Kapag galit parin sa'kin ang mama mo pag lumabas ka, sabay natin siyang paaamuin. Totoo talaga ang sabi nila na 'wag mong gagalitin ang taong mabait. Tsk. I'm telling you, ibang magalit ang mama mo. Kaya ikaw, alam ko na lalaki ka kaya naman kapag nagmahal ka ng babae, ibigay mo ang lahat ng makakaya mo, okay? I can't wait to see you, kiddo."
Napailing nalang ako. Naalala ko na pilit kong pinipigilan ang sarili ko na 'wag sumabat sa bonding nila ng anak namin. Hindi naman kasi tama ang sinabi ng damuho na 'to. Kapag nagmahal ka, hindi mo dapat ibigay ang lahat. Magtira ka dapat para sa sarili mo.
Masuyo kong hinaplos ang buhok ni Keyden na hanggang ngayon ay mahimbing parin na natutulog. Wala itong pahinga simula kagabi dahil nagsuka na naman ako. Binantayan niya ako hanggang sa magising ako tyaka lang siya nakatulog.
I can see that he's trying his best para magkaayos kami. I can feel him. Pero... Ayoko nang sumugal ulit. Ayoko nang sumugal sa isang laro na alam kong ako lang din ang matatalo dahil oras na mangyari ulit sa akin ang nangyari noon, madudurog ako. Mawawasak ako nang tuluyan at hindi pwedeng mangyari iyon. Hindi ako makakapayag lalo pa't may inosenteng buhay na kumakapit sa akin. Kailangan kong maging malakas hindi para sa sarili ko kundi para sa anak ko. Anak ko muna bago ako.
"I'm sorry, Keyden." Mahina kong bulong habang masuyo kong hinahaplos ang buhok nito. "I'm sorry. I can't lose myself again. I can't lose myself now that I have a child. Now that we have a child. I can't lose myself while loving you. Kailangan kong pahalagahan ang sarili ko. Mahal kita pero hindi sapat 'yun para manatili ako sa tabi mo." Mahina kong bulong- iniingatan na 'wag siyang magising. Kailangan niya ng pahinga.
Huminga ako nang malalim kapagkuwan ay hinawakan ang tyan ko na may maliit nang umbok. "Baby, daddy is trying." Bulong ko pero matapos kong sabihin iyon ay parang biglang bumaligtad ang sikmura ko kahit wala naman akong kinain kaya kahit nanghihina ay pinilit kong abutin ang palanggana na nasa ilalim ng kama ko tyaka nagsuka nang nagsuka dahilan para magising si Keyden. Naramdaman ko nalang na tinipon nito ang mga buhok ko sa isa nitong kamay para hindi malagyan ng suka tyaka nito hinagod ang likod ko.
"Hey, baby. Shh, let it out. Let it out, that's it." Bulong nito habang patuloy ang paghagod sa likod ko habang ako ay hinang-hina na pero hindi parin mawala ang mga isinusuka ko.
Ito ang dahilan kaya mas lalo akong nanghihina. Minsan ay ayoko nang kumain dahil isusuka ko din naman at napakasakit sa lalamunan nun. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko habang sumusuka at nang mailabas ko na lahat ay naramdaman ko ang pagpunas ni Keyden ng tissue sa bibig ko bago ako masuyong niyakap habang patuloy ang pag-iyak ko dahil nagsisimula na namang sumakit ang ulo ko.
I feel like I'm in hell because of this pero mas gugustuhin kong pagdaanan ang mga ito kung kapalit naman nito ay kaligtasan ng anak ko.
"I'm here. I'm here, baby. You did a great job. Shh." Pagkokunsula nito sa akin habang panay ang hagod sa likod ko.
For some reason, gumaan ang pakiramdam ko. Usually, nanaisin ko na mapag-isa pero ngayon ay mas gusto kong manatili sa mga braso ni Keyden.
I feel like... I belong here. In his arms.

Komento sa Aklat (88)

  • avatar
    Abegail Armenta Lacre

    I just read the last chapter and I can't believe the ending! it's so tragic. my heart is hurting just thinking about it. I can't believe they did'nt get their happy ending they both deserve. Where the fate take the choice from them. As painful as possible, which is on conclusion makes Keyden heartbroken

    13/02/2022

      2
  • avatar
    Ira Ann Rachel

    ganda stone

    12/02/2025

      0
  • avatar
    Mia Dapat

    verry cute

    22/12/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata