Homepage/His Selfless Wife/
CHAPTER 19
CHAPTER 19
PHOEBE'S POV
HINDI ko alam ang dapat sabihin habang magkaharap kami ni Charity. Masyadong matalim ang tingin nito sa akin. Naninisi. Nanunumbat. Umakyat ako kanina sa kwarto namin ni Keyden para sana makaiwas ngunit hindi ko inasahan na sinundan pala ako ni Charity.
"So, why did you came back? Para manira ulit ng buhay? Shame on you, Phoebe! Hindi ka pa ba nakuntento sa paninira mo sa aming dalawa ni Keyden noon?! Kunyari ka pang tutulungan mo kami pero may hidden agenda ka pala. I shouldn't have trusted you! Ngayon naman na unti-unti nang nabubuo ang mga sinira mo noon ay babalik ka nalang bigla? How dare you!" Sigaw nito sa akin at rinig na rinig sa bawat pagbigkas nito ng salita ang sakit at panunumbat sa akin. Puno ng galit ang mga mata nito habang nangingilid na ang mga luha.
Dahil sa nakikita kong itsura ni Charity ay para akong nanghina. Hindi ako handa sa sakit na sumalakay sa akin dahil sa reaksyong ipinapakita ng matalik kong kaibigan. Hindi ko alam na ganito pala kalala ang gulong ginawa ko. Hindi ko alam na ganito kaapektado si Charity sa mga nangyari. Ngayon, paano ko pa magagawa ang balak ko kung alam kong tuluyan iyong ikakasira ng kaibigan ko? Paano ko magagawang sabihin ang sadya ko kung alam kong mas lalo kong masisira ang relasyon ng dalawang pinaka-importanteng tao sa buhay ko?
"Charity, ayoko ng gulo." Sabi ko na lamang at tyaka siya nilampasan para sana umalis nalang ulit at hindi na magpakita kailanman.
Mas mabuti na din siguro ang ganito. Alam ko naman na sa simula palang ay wala nang patutunguhan ang nararamdamn ko pero nagpumilit parin ako. Ngayon ay nasasaktan ako at wala akong dapat sisihin kung hindi ang sarili ko lamang.
Napatigil ako sa pagbaba sana ng hagdan nang may biglang humila sa buhok ko at paglingon ko kung sino iyon ay ang palad ni Charity ang sumalubong sa akin. Parang biglang nadurog ang puso ko nang marealize na sinampal ako ni Charity. Sinampal ako ng taong wala akong ibang gustong gawin kung hindi ay protektahan. Naramdaman kong tumulo ang luha ko habang hindi makapaniwalang nakatingin sa matalik kong kaibigan na may ngisi sa mga labi na parang nasiyahan ito sa ginawa at parang mas lalong nanikip ang puso ko kasabay ng panghihina ng katawan ko.
I need to get out of here.
Kahit parang gusto kong mahimatay ay nilabanan ko ang sarili at naglakad papunta sa hagdan. Kailangan kong umalis dito. Isang malaking kamalian na nagpunta ako sa bahay na ito pero mukhang walang balak si Charity na paalisin ako dahil muli nitong hinila ang buhok ko.
Wala nang ibang laman ang isip ko kung hindi ang makabalik sa ospital kaya hindi ko na alintana ang mga ginagawa ko para lang makawala sa pagkakasabunot ni Charity. Hinawakan ko ang kamay nito tyaka buong lakas na pinilipit dahilan para mapilitan itong bitawan ang buhok ko.
Ngunit walang balak magpatalo ni Charity at muli kong naramdaman ang mga palad nito sa pisngi ko. Sa sobrang lakas ng sampal nito ay napasubsob ako sa tiled na sahig at naramdaman ko ang hapdi ng mga siko ko dahil ito ang sumalo ng bigat ko.
Parang biglang nagdilim ang paningin ko at sa isang iglap ay nawalan ako ng pakielam sa pagkakaibigan namin ni Charity. Natabunan na ang isip ko ng sakit at awa para sa sarili ko dahilan para hindi na ako nakapag-isip nang tama.
Nang makatayo ay agad kong sinugod si Charity at mukha naman itong nagulat pero ilang segundo lang ay hinapit din nito ang buhok ko. Sobrang sakit ng anit ko dahil sa pagkakahila nito pero hindi ako matatahimik hangga't hindi ako nakakaganti sa ginawa nito sa akin. Wala akong ibang inisip kundi siya kahit na ang saki sakit na!
"You freak! Wala kang kwentang kaibigan!" Sigaw nito habang nagsasabunutan kami dahilan para matigil ako sa pagsabunot at napatulala nalang. Sumalakay ang sakit sa kalooban ko dahil sa mga sinabi nito. Parang isang palaso na biglang tumusok sa puso ko ang bawat salitang lumabas sa bibig ng kaibigan ko. Parang bigla ay gusto kong umiyak at magmakaawa sa kaniya na bawiin niya ang sinabi niya. Parang gusto ko biglang lumuhod at sundin lahat ng sasabihin nito para lang bawiin nito ang mga masasakit na salitang sinabi nito.
Sa lahat ng sinumbat nito sa akin, parang ito na ata ang pinakamasakit at hindi ko ito makakayanan. Mawala na sa akin lahat 'wag lang ang pagkakaibigan namin ni Charity. Hindi ko kakayanin na pati siya ay mawala sa akin. 'Di ko namalayan ang mga luhang bumubuhos sa mga mata ko habang hinahayaan si Charity na sabunutan at pagsasampalin ako.
Hinayaan ko siya. Siguro sa ganitong paraan ay bawiin nito ang sinabing wala akong kwentang kaibigan. Siguro kung hahayaan ko siyang saktan ako, makukuntento na ito at patatawarin ako. Siguro hahayaan na niya akong magpaliwanag.
Akala ko ay tapos na ito nang bitawan nito ang buhok ko habang ako ay napasubsob sa sahig pero napadaing nalang ako nang sinimulan nitong sipa-sipain ang katawan ko. Pilit kong isinangga ang braso ko para maprotektahan ang tyan ko. Kailangan kong maprotektahan ang anak ko. Hindi ko yata kakayanin kung pati ito ay mawala pa sa akin.
Awang-awa ako sa sarili ko pero ayos na ito kesa naman mawala sa akin ang kaibigan ko. Mabuti nang ako nalang ang masaktan. Tatanggapin ko nang buong puso.
"Fuck you, Phoebe! Wala kang isang salita! Sana hindi nalang kita nakilala, sana hindi ka nalang nabuhay! Mamatay ka na! You freak!" Sigaw nito habang patuloy ang pagsipa nito sa akin at mas lumalakas ang daing ko tuwing tumatama ang takong nito sa katawan ko. Dama ko ang mga sugat sa iba't-ibang parte ng katawan ko pero hindi ko iyon inalintana. Mas masakit parin ang puso ko dahil sa mga salitang sinabi nito sa akin at dahil sa sakit ko.
Parang pinagsama ang sakit ko sa puso at ang sakit na ibinigay ni Charity dahil sa mga salita nito at naging isang pakiramdam na kahit na sino ay hindi makakayanan. It's unbearable.
"Ano? Lumaban ka! Santa-santita ka! Matapang ka na diba? Sige, tumayo ka dyan at labanan mo ko! Ipakita mo sa akin ang tapang mo, Phoebe!" Hamon nito at mas nilakasan ang pagsipa sa akin pero wala akong ginawa kundi ang dumaing at tanggapin ang galit nito.
"Wala ka pala eh. You're just a worthless dirty whore na dapat mawala sa landas namin ni Keyden. Ano? Masarap ba ang boyfriend ko? Tarantada ka, napakalandi mo!" Sigaw nito tyaka hinila na naman ang buhok ko dahilan para mapahiyaw ako sa sakit. Parang basahan ako nitong pinagkakaladkad papunta sa hagdan at wala akong nagawa kundi ang kumawala dahil hindi ko kinakaya ang sakit sa anit ko. Pakiramdam ko ay mapupunit ang ulo ko dahil sa pagkakahila nito!
"Halika, magpakita ka kay Keyden. Ipakita mo kung gaano ka kamukhang kaawa-awa." Pang-iinsulto nito tyaka tumawa. "No wonder your mom left you. Wala ka kasing kwentang tao." Patuloy nito at nang mabanggit nito ang ina ko ay biglang nawala ang lahat ng respetong natitira sa akin. Sa isang iglap ay wala na akong pakielam kung hindi na maibalik ang pagkakaibigan namin basta ang nasa utak ko lang ay ang mabusalan ang bibig ng gagang 'to.
"Insultuhin mo na ako, 'wag lang ang ina ko na maging ikaw ay tinuring na anak! Wala kang respeto!" Sigaw ko tyaka siya hinarap at sinampal. Hindi pa ito nakakabawi at hindi ko na hinintay pa na makabawi ito at makalaban agad ko nang sinampal muli ang mukha nito. Nang manatili itong nakuyo-dahil siguro nahilo ito- dinakot ko ang buhok nito tyaka kinaladkad papunta sa handrail ng hagdan at walang pasubaling inihampas ang mukha nito doon.
Agad itong napasigaw sa sakit nang makaahon ang mukha at agad kong nakita ang dugo sa hawakan ng hagdan at nang tignan ko ang mukha nito ay sabog ang labi nito at namumula ang ibabang bahagi ng mata na parang magdudugo iyon pero imbis na makonsensya o maawa ay wala akong naramdaman kundi ang bitin. Nabitin ako sa ginawa ko. Kulang pa iyon. Hindi pa sapat ang ihampas lang ang mukha nito sa hawakan ng hagdan. Pakiramdam ko ay nag-ibang tao ako pero nang makita ko ang mata nitong lumuluha dahil sa sakit ay parang nagbalik ang Phoebe na marupok at mahina kasabay nun ang matinding pananakit ng puso ko. Dahan-dahan kong binitawan ang buhok nito habang nakasapo sa puso ko. Pakiramdam ko ay napakasama kong tao kahit pa mas malala ang sugat na natamo ko kaysa dito.
"Bakit mo ba 'to ginagawa? Bakit galit na galit ka sa'kin? May nagawa ba akong mali? May nagawa ba akong hindi mo nagustuhan? Charity, bestfriend tayo diba? Bakit galit na galit ka sa'kin? I'm sorry kung nasaktan kita. I'm sorry! I'm really sorry." Umiiyak kong hingi ng tawad pero nanlisik lamang ang mata nito habang nakatingin sa akin senyales ng matinding galit.
"You! Demonyo ka! Pokpok! Mabulok ka sa impyerno!" Sigaw nito habang unti-unting umaatras at agad kong nakita na malapit na ito sa hagdan kaya agad akong lumapit dito para pigilan ito sa pag-atras pero nang humakbang palang ako palapit ay nakita ko ang pagngisi nito sa akin. "Tingin mo ba, hahayaan kitang maging masaya? Simula bata palang tayo, nasa'yo na ang atensyon ng lahat. Ngayong may isang lalaking nagkagusto sa akin, at maging ako ay gusto ko din, pati iyon ay inagaw mo pa? Hindi. Hindi ako papayag na mapunta si Keyden sa'yo. Hindi ako papayag!" Parang baliw nitong sigaw tyaka muling ngumisi bago ko nakita na hinayaan nitong mahulog ang sarili sa hagdan at nakita ko ang paggulong nito pababa. Para akong naestatwa sa kinatatayuan ko at naging blangko ang lahat sa akin hanggang sa makarinig ako ng yabag ng mga paa na papasok sa loob ng bahay kasabay ang sigaw ni Keyden na puno ng pag-aalala.
"CHARITY!"I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (88)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
I just read the last chapter and I can't believe the ending! it's so tragic. my heart is hurting just thinking about it. I can't believe they did'nt get their happy ending they both deserve. Where the fate take the choice from them. As painful as possible, which is on conclusion makes Keyden heartbroken
13/02/2022
2ganda stone
12/02/2025
0verry cute
22/12/2024
0Tingnan Lahat