THE DISCO’S INFERNO CHAPTER NINE: THE PUNISHMENT K I M B E R L Y Umaga na pero hindi pa rin ako nakakatulog nang dahil sa kakaiyak. I can’t belive na sasaktan ako ni Mommy ng ganon, isa pa ay sinabihan niya ako na ako ang nagbibigay ng dumi sa pangalan niya at ng pamilya naming. Pilit ko ‘yong kinakalimutan pero kahit na anong gawin ko ay tumatak na ito sa aking isip at puso, malabong mabura, malabong makalimutan basta-basta. Tumayo na ako mula sa pagkakahiga para makapasok ako nang maaga. Balak kong gantihan ‘yung mga bwisit na babaeng naging sagabal sa buhay ko. Mga bwisit na babaeng traydor sa plano ko. Nang makarating ako sa school ay agad akong nagtungo sa hideout ng fraternity na kinabibilangan nila Rainer. Parang bar type ang hideout nila, malaki ang spot at may underground hideout pa sila. Nang makita ko si Elton ay agad kong tinanong kung nasaan ang leader nila. Itinuro niya sa akin ang pulang pinto na nasa kanang bahagi ng makipot na daan. Napatakip ako ng ilong nang maayos ang mabahong amoy sa paligid. Parang amoy patay na daga or what, basta ang baho! Nakakadiri. Papasok na sana ako sa pulang pinto nang makita ko si Martin, napairap na lamang ako dahil doon at napahalukipkip. “Excuse me,” wika ko sa kanya at akmang papasok na sa loob ng kwarto nang ilagay niya ang kanyang braso sa pinto dahilan upang hindi ako makapasok. Tiningnan ko siya nang masama at lulusot na sana nang bigla niya akong hawakan sa kamay. “Ano ba?! You are so disgusting!” sigaw ko sa kanya at pilit na binabawi ang kamay. Ilalapit pa sana niya ang sarili niya sa akin nang biglang dumating si Rainer. “Ano ba ‘yan Martin, ‘wag yang si Kimberly,” wika ni Rainer sa mabaho niyang kaibigan. Dahan-dahan naman akong binitawan ni Rainer at umalis na. Nang makapasok ako sa kwarto ay agad kong kinuha ang alcohol ko sa bag at inisprayan ang aking braso. Kinuha ko rin ang pabango ko at inisprayan ang buong katawan ko. Nakakadiri kasi si Martin, pangit na nga mabaho pa. Ilang beses ko nang nireject ‘yung hayop na ‘yon kaso ang kulit. Gusto ko na nga siya mawala sa paningin ko pero paano? Ang tanging pwede lang naman mangyari para mawala ang hayop na ‘yon ay kung papatayin ko siya. Hays, iba talaga kapag masamang damo, napakatagal bago mamatay. “Bakit ka nga pala naparito?” tanong ni Rainer sa akin at pinaupo ako sa sofa ng kwarto. Malakas kong ibinagsak ang aking kamay sa lamesa niya na ikinagulat niya. “I want that four stupid kids to be punished. Ayoko ng palpak na trabaho Rainer,” wika ko sa kanya. “Chill, ako ang bahala. Naka-set na ang lahat,” wika ni Rainer sa akin. Tumayo ako at inilapit ng bahagya ang aking mukha sa kanya. “Siguraduhin mo at sana naman ay ‘wag na itong malaman ni Justine.” 3rd P E R S O N’ S P.O.V Hindi nagawang magtungo ni Kimberly sa school para gawin ang punishment, nakatambay lang siya sa kwarto ni Rainer habang pinapanood sa monitor ng cctv ang gagawin nilang paghihirap sa apat na naging sagabal sa kanyang plano. Gabi. Naglalakad na pauwi ang apat na babae, nagtatawanan pa ang mga ito sa naging karanasan nila kanina. Kitang-kita ni Kimberly ang pagsunod ni Rainer at ang kanyang mga tauhan sa cctv. Napahanga si Kim nang maisip ni Rainer na gumamit ng hidden camera sa kanilang mga suot na damit. “Siguraduhin niyong hindi kayo papalpak dito,” wika niya na narinig naman ni Rainer sa kanyang earpiece. “Oo madam.” Kasama ni Rainer ang kanyang mga ka-fratmates na sina Martin, Xander, Elton at Dio- ang mga matagal na sa frat. Mga estudyante rin sila sa university na ang ganap ay walang iba kun’di ang maging siga sa mga estudyante. “Here’s your water,” wika ni John kay Kim kaya napatingin si Kim sa lalaki. Kinuha niya ang isang basong tubig at ininom. Umupo ito sa tabi ni Kim upang makinood sa ginagawa nila. Hindi sila close ni Kim at never mangyayari ‘yon. May itsura naman si John, kung tutuusin ay bukod kay Justine na gwapo, hindi maipagkakaila na gwapo rin ito kung ikukumpara sa iba nilang ka-fratmates. Tahimik lang ito at para bang napakabait na tao. Hindi siya bagay na mapasama sa isang fraternity. Isa pa ay girlfriend ni John si Mariella, ang kanyang kaibigan kaya’t nahatak si John upang maging famous sa kanilang paaralan. “Siguraduhin niyong hindi kayo mahuhuli o walang makakakita sa inyo,” wika ni Kimberly na sinang-ayunan naman ni Rainer. Ilang saglit pa ay lumabas na sila upang mapagtripan ang apat na babaeng ito. Nasa madilim na kalsada ang lahat, walang katao-tao sa lugar at wala ring mga dumadaan na sasakyan kaya’t dito nila iplinanong takutin ang mga ito. Lumabas sila dala-dala ang mga props na kanilang gagamtin habang nakasuot sila ng maskara. Hahabulin nila ito na para bang sila ay mga serial killers. Sumitsit si Rainer, dahilan upang mapalingon ang apat. Kitang-kita sa kanilang mga mukha ang takot. Napahalakhak naman si Kim nang nagsimulang tumakbo si Rainer para habulin ang apat. Sigaw nang sigaw ang mga ito habang umiiyak, saying nga lang ay hindi niya masasaktan ang mga ito physically dahil tiyak na meexpel siya sa school na ayaw naman niyang mangyari. “Sige habulin niyo!” sigaw ni Kim na pinanggigigilan na ang unan na kanyang hawak-hawak. Gusto niyang mamatay sa takot ang mga babaeng ito, kulang na kulang pa nga ang paghihiganti niya e, she wanted more. Gusto niyang pinapahirap talaga ang mga ito physically pero sila Rainer na ang tumanggi dahil hindi raw nila kayang manakit ng babae. Sayang! Wika ni Kimberly sa kanyang isipan. Sumakay na sila sa sasakyan upang sundan ang apat, para silang mga asong ulol na nagtatawanan at nagsisigawan habang tinatakot ang mga babae nang lumiko sila dahil may nakita silang kotseng paparating. “Anong nangyari?” iritang wika ni Kimberly nang mawala ang camera. Napahawak siya sa kanyang ulo s ainis kaya’t inayos ito ni John ngunit kahit anong gawin niya ay hindi na mabalik ang signal. Ilang saglit pa ay tumawag si Rainer kay Kimberly. “Ano puta? Palpak ka nanaman?” galit nag alit na tanong ni Kimberly sa kabilang linya. “Nagawa na naming takutin ang apat pero may dumating na sasakyan kaya lumiko kami,” wika naman ni rainer sa kabilang linya. Pinatay ni Kimberly ang tawag at inilapag ang dalawag libong piso sa lamesa ni Rainer. Kinabukasan ay kumalat sa buong unibersidad ang trahedyang nangyari sa apat na estudyante na sila Jennie, Lisa, Rose at Axel. Nakalagay ang kanilang mga katawan sa plastic habang palutang-lutang sa ilog. Muling naalarma si Kimberly sa nangyari kaya’t agad niyang kinontact si Rainer. “Tangina sigurado ka bang hindi niyo pinatay ‘yon?” tanong ni Kimberly habang kanina pa paikot-ikot sa kanyang kwarto. “Pucha sa tingin mo kaya naming pumatay ng tao? ‘Tsaka lumiko kami ‘di ba? Hindi nga natapos ‘yung plano natin,” wika ni Rainer. Muli siyang pinatayan ng tawag ni Kim, sana nga lamang ay hindi siya pagbintangan sa kasalanang hindi naman niya ginawa.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (150)
SentillasJunel M.
finish reading
14/11
0
HermoGerald
need
20/10
0
ejayyy
hi author! hindi kana po mag uupdate ng mew chapters?? sayang naman kung hindi, ganda e.
finish reading
14/11
0need
20/10
0hi author! hindi kana po mag uupdate ng mew chapters?? sayang naman kung hindi, ganda e.
11/08/2025
0Tingnan Lahat