Homepage/Roses of Affection/
KABANATA 29
ABALA kami pareho sa kaniya-kaniya naming ginagawa. Ibinigay ko lang ang inihanda kong schedule niya kaninang alas otso at pagkatapos noon ay halos buong araw kong hindi nakita ang anino niyang paikot-ikot sa loob ng kaniyang opisina dahil nasa labas ito at napakaraming appointment sa iba’t ibang negosyante. Alas otso na ng gabi at halos lahat ay nagsialisan na ngunit may dalawa pang naiwan, nag-o-overtime kasama ko. Mga alas otso y media ay aalis na rin ako nang makapagpahinga ako. Nakatutok ang mata ko habang may suot pa akong anti-radiation glass para hindi masira nang tuluyan ang mata.
I am too focus when someone called me. “Ma’am.”
I look at her with those sleepy pair of eyes, however I tried to be attentive as she spoke, “Ma’am, alis na po ako.”
I nodded. Sinundan siya ng tingin hanggang sa maglaho siya sa aking paningin. Alam ng lahat na may relasyon kami ng aming boss at medyo kagulat-gulat dahil hindi masasamang titig ang natanggap ko sa mga kababaihang nagkakandarapa sa kaniya, bagkus isang masayang palakpakan at malalawak na ngiti ang nakaukit sa kanilang mga labi nang malaman nila. Maya-maya, pagkaalis ng babae ay eksaktong dumating siya. My face brightened when I see him, a wide beam escape in my lips. Kahit malayo siya sa akin ay kitang-kita ko ang pagkapagod sa mukha niya. He exhaustedly combed his finger and he took big steps to come close to me.
He tiredly sighed. “Did I make you wait?” he asks in lower voice. Yumuko ito at hinalikan ang tuktok ng ulo ko. Umiling akong hinawakan ang kamay niya saka ito pinisil.
“Tired?” I asked him instead while stroking his hair as he nudge his face in my shoulder and breathed in.
He groaned through frustration. “Want to go home?” he asks in an exhausted tone.
Bahagya siyang tumingala para makita ang mukha ko habang nanatili itong nakatayo’t nakayuko nang bahagya sa akin. Inilapit ko ang mukha ko at idinampi ang labi sa dulo ng kaniyang ilong. “About having a dinner first before going home?”
He pressed my cheeks while nodding. “Sounds good.”
Umahon ito at tumayo nang maayos. Hinawakan niya ang kamay ko saka hinila ako patayo. I encircled my arms on his shoulders. He pressed the ground floor button as we reached the elevator. Nang makababa kami sa lobby ay bumungad sa amin ang nakangiting si Manong Frank.
“Ingat kayo ma’am, sir.”
Sumakay ako sa passenger at pinaharurot nito kasabay ang pagbuhos nang malakas na ulan. Malalaki ang patak ng tubig at malakas din ng ihip ng hangin. Kaya pa naman ng mga motoristang suungin ang kalsada.
“Tutuloy pa ba tayo?” alinlangan niyang tanong.
I looked at him when a sudden idea pop in my mind. I wiggled my eyebrows as I grin. “Paano kung sa bahay na lang tayo kumain?”
“Sure, no problem.”
Iniliko nito ang sasakyan at pumasok sa maliit na eskinita, ang ibang daan patungo sa aming mumunting mansion na kailanman ay hindi ko ikakahiya. Mabilis kaming nakarating sa bahay dahil sa ibang ruta ito dumaan. Mas pinili niyang pumasok sa may kasikipang eskinita kaysa makipagitgitan sa trapiko. Pagkatigil niya sa tapat ng bahay ay hindi pa rin tumitila ang malakas na ulan. Hinanap ko ang dala kong payong sa sukbit kong handbag. Nang mahanap ko ay nauna akong bumaba at umikot para payungan ito. Pagkababa niya ay kinuha nito sa akin ang payong sabay pulupot ng braso sa aking baywang. Bahagya akong lumayo dahil bigla akong nakaramdam ng init imbes na manlamig kahit natatalsikan ng ulan.
“Don’t move, mababasa ka.”
Hindi ako gumalaw, hinayaang siyang buksan ang gate hanggang sa makapasok kami. Nang makasilong kami sa aming balkonahe ay pumihit ako para buksan ang pinto ng bahay at patuluyin siya. Pagbukas ay bumungad sa akin ang nakamuldagat na Maureene, medyo nagulat nang makita ako at ang kasama ko. Kaagad ding nakabawi sa pagkagulat nang mapalitan nang mapangsutil na pagngisi.
“Aba! May dinalang lalaki ang pamangkin ninyo mamita!”
Inis ko itong pinandilatan ng mata. “Hoy, boss ko siya at saka…” Nilingon ko ito at bahagyang tumikhim bago magpatuloy, “Boyfriend.”
Umirap ito at pinasasdahan niya ng tingin ang kasama ko. Humarang ako sa gitna para itago si Frence sa likod nang makitang lumabi ang aking pinsan habang hindi inaalisan ng tingin ang nobyo ko. Kilala ko si Maureene at isa lang ang ibig sabihin n’on kapag lumabi, tipo niya ang nobyo ko.
“Bakit ka nandito?” Nakataas ang kilay niyang baling kay Frence.
Hinigit ko si Maureene sa braso at kinurot. Nandilat ang mga matang sinaway ito. “Hoy, Maureene, umayos ka. Nakakahiya sa bisita!”
Nakahinga ako nang maluwag nang magpakita si mamita na kanina’y hindi ko mahagilap. Hinila niya palayo sa amin si Maureene at napansin kong napangiwi ito, malamang ay kinurot siya.
“Tumuloy ka sa mansion namin, hijo. Maliit ito pero punong-puno ng pagmamahal.”
Malawak ang ngiting isinenyas ang bahay, na wala gaanong palamuti gaya noong nakapasok ako sa kanilang engrandeng mansion.
“Good evening sa inyo,” kaswal na bati niya habang nakangiti. Nahihiya niyang ipinaglipat-lipat ang tingin kanila mamita at Maureene.
“Anong good sa evening?” taas-kilay ni Maureene.
Bumuntong-hininga akong tinapunan nang matalim na titig ito. Kung maaari ko lang sanang tustahin ang puwet ng babaeng ito, kanina ko pa ginawa. Nahihiya kong binalingan ng tingin si Frence, nanghihingi ng paumanhin sa inaasal ng pinsan ko sa harap niya. “Huwag mo na lang pansinin si Maureene, galing kasi sa break-up kaya ganiyan ang asal.”
“It’s okay. Lahat tayo dumadaan sa heartbreak.”
“Sabi mo ang sama ng ugali nitong boylet mo pero tingnan mo, napaka-understanding naman pala!”
Gusto ko talagang sabunutan si Maureene hanggang sa maging manipis ang buhok niya. Nailing si mamita at nasapo ang kaniyang noo. Mapakla tuloy akong ngumiti nang maramdaman kong humigpit ang hawak niya sa kamay ko.
Pinandilatan niya ako ng mga mata at bahagyang kinagat ang ibabang labi. Tila may bumara sa lalamunan ko dahil sa kaba nang gawaran niya ako ng isang tinging makahulugan, nagpapahiwatig ng mag-uusap tayo mamaya.
Pikit-mata akong bumuntonghininga. “Mamita... Maureene...” nagbababala ang pagtawag ko sa kanilang pangalan.
Nagtapikan ng braso ang dalawa. “Diyan muna kayong dalawa, maghahanda na kami ng hapunan.”
Sinenyasan niya si Maureene na samahan siya subalit pare-parehas kaming nagulat sa pagdadabog nito. “Ako na naman!”
“Gusto mo ikaw iwan ko kay Frence tapos lalandiin mo?” taas-kilay kong pambabara dahil kanina ko pa napapansin ang panakaw tingin niya kay Frence.
“Kahit gusto kong landiin pero bawal. Mamamatay ako kapag ginawa ko ‘yon.”
Sumenyas ako kay mamita na alisin niya sa paningin ko si Maureene. Nang kami na lamang ang naiwan sa sala, inaya ko siyang pumanhik sa sa aking kuwarto. Pagkabukas ko sa ilaw ay napansin ko ang paggala ng tingin niya kabuuan ng aking kuwarto. Kulay yellow orange ang kulay ng pintura ng aking kuwarto at halos lahat ng gamit na makikita ay kulay yellow orange. Terno-terno sa lahat para maganda sa mata at hindi masakit kapag halo-halong kulay ang makikita. Lumapit ito sa aking kama saka naupo. Nag-angat lang ako ng labi nang tapikin niya ang kaniyang kandungan. Umirap akong lumapit, dumungaw sa bintana para tingnan kung tumila na baa ng ulan pero patuloy pa rin ang pag-ulan.
“Can I sleep here at bukas na lang ako uuwi? Besides I’m all alone there.”
Lumingon ako sa kaniya. “Hindi pa tumitila ang ulan at baka ma-stranded ka sa daan kung papauwiin pa kita kaya dito ka na lang matulog.”
Nakangiti niya hinawakan ang palapulsuhan ko’t hinigit. Hinawakan niya ang baywang ko at iniupo ako sa kaniyang kandungan. Napatili ako nang hapitin niya pa lalo ang baywang ko’t ilapit nang husto sa kaniya. He planted soft kisses on my shoulders that tingles my butterflies in stomach. Marahas akong napalunok nang mapagtanto ko ang aming posisyon. We are facing each other and I can feel his sword poking in between of my legs.
I swallowed the lump in my throat as my heart thump exageratedly. Bumaba ang tingin niya sa labi ko dahilan para mapalunok ako ulit. He slowly move his face inch by inch. Nagkadikitan na ang aming labi’t ilong nang biglang napatayo ako sa gulat sa sigaw ni Maureene kasama ang malakas nitong pagkatok.
“Althea, kainan na. Mamaya na kayo magkainan diyan!”
Namumula ang pisngi kong lumapit sa pinto dahil sa sobrang kahihiyan. Napabuga ako nang malalim bago hawakan ang seradura’t lumabas. Naningkit ang matang napako ang mata niya sa aking mukha sabay bungisngis.
“Aba’t ang bilis naman ninyong maghanda,” nakalihis ang tinging sabi ko. Hindi ko namalayang nasa likod ko pala si Frence.
Her eyebrows furrowed. “Siyempre dahil ayaw naming mabitin kayo kapag kainan na!”
Tahimik kaming kumain walang nagsasalita sa aming apat, nagkakatinginan lang kami’t nagngingitian sa isa’t isa. Maging ang kaninang maingay na si Maureene, ay halos hindi magawang dumada. Mabilis nilang tinapos ang pagkain nila hanggang sa kaming dalawa ang naiwan at ako na rin ang nagpresentang magliligpit ng aming pinagkainan. Marahil nagsabwatan ang dalawa na huwag kaming istorbohin at ang pasimuno ay si Maureene. Paniguradong sinabi niyang may nangyari kanina nang nasa kuwarto kahit ang totoo ay muntik lamang magkaroon. Nakagat ko ang labing sumulyap sa kaharap ko. Abala siyang kumakain, wala akong narinig na reklamo nito kundi tahimik lamang siya.
“What do you want to do after this?” basag niya katahimikang iniwan nila mamita.
Sumilay ang mapaglarong ngisi niya, halatang may ipinapahiwatig. His eyebrows wiggled and he gestured his two fingers, kissing and bouncing each other.
“Frence!” saway ko’t sinipa sa ilalim ng mesa ang paa nito. Mapang-asar itong tumawa.
“Darling…” malambing nitong tawag nang makahuma sa pagtawa. He gave me a seductive look and lick his lower lip.
“Frence!”
“Don’t call me by my name, call me darling,” he said with authority in his voice, yet he pouted.
“Sa sofa ka matutulog!”
Mabilis siyang lumapit at yumakap sa aking likuran. “Please, don’t let me sleep there.”
“Sa sofa ka sa ayaw at—” He sealed me a kiss and as our lips departed, he let out a rough chuckle before nuzzling his face on my neck.
“Baka magbago isip mo kaya dito muna ako sa tabi mo.” I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (15)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
ilove the game👍👍👍❤️
04/01/2025
0best
28/09/2024
0ma ganda
27/10/2023
0Tingnan Lahat