KABANATA 23

BIGLANG may nag-udyok sa akin para habulin siya. Bago pa niya mapaandar ang sasakyan nito ay sunod-sunod ang ginawa kong pagkatok sa bintana ng kaniyang sasakyan. Lumingon ito sa akin at nagtatakang binuksan niya ang bintana. I place my arms above the window and crouch down.
“Let’s have another last date,” I said without hesitation, asking him out. Malawak akong ngumiti, umaasang pumayag siya sa alok ko. Sa palagay ko kasi ay ito ang paraan para makabawi man lang ako sa kabutihang nagawa niya sa akin. Lumabi itong nagtaas ng dalawang kilay, nag-iisip. Ipinagsalikop ko ang palad, pleading him to go for a date with me.
Pagkaraan ng ilang minuto niyang pag-iisip ay napatalon ako sa tuwa sa marahan niyang pagtango sa pagpayag. “Sure, pero siguraduhin mong hindi makakarating ito kay Frence.”
Umawang ang bibig ko sa pagtataka. “Bakit?”
“He’s going to punch me again,” walang kaabog-abog niyang sagot.
“Bakit naman niya gagawin iyon?” taas-kilay kong tanong. I mentally rolled my eyes. Napaka-isip bata naman niya para gawin ito sa sarili niyang kapatid. Napakababaw niyang tao. Nakakapang-init lalo ng ulo.
He sarcastically smirked. “Because he likes you. Ang manhid mo!”
“Talaga?” I sarcastically let out a laughter, placing my right hand in my stomach exaggeratedly.
His forehead creased in confusion. “Huwag mo na lang ipaalala sa akin iyang kuya mo. Kumukulo ang dugo ko,” naiinis kong turan. Pinasadahan ko sandali ang sarili at nang wala akong makitang mali sa kasuotan ay umikot ako’t sumakay sa passenger seat.
“Hindi ka magbibihis?” tanong niya pagkaupo ko. Nakatingin ito sa aking suot. I’m wearing a mini-skirt above the knee and printed t-shirt along with my stylish slippers that it has a red ribbon in the middle.
“Okay naman itong suot ko.” Bahagya akong umangat para i-tuck in ang t-shirt sa paldang suot ko. Nang makumbinsi ito sa porma ko, pinaharurot niya agad ang sasakyan.
As we arrived at the mall, I couldn’t help myself to look at him with a woory-look. Labis ang kalungkutang pasan-pasan dahil hindi niya magawang ngumiti man lang. Ilang beses ko na itong hinila kung saan-saan. Pinatulan ko na rin ang pambatang rides sa timezone para lang mapasaya siya pero nauuwi sa wala ang effort ko. I even dragged him in photo booth, but as I expected, hindi siya ngumiti at napakalayo ng iniisip niya. Pinisil ko ang palad niyang hawak-hawak ko upang kunin ang atensyon niya. He looked at me blankly. His eyes express how sad he is. Iwinagayway ko ang kaliwang palad ko kahit nakatingin ito sa akin. “Is this a date or not?” I bothered asking him.
“It’s a farewell date to be exact,” he uttered with a bitter smile escape on his lips.
I frown, looking at him woefully. “Hindi ba dapat masaya ang date, hindi malungkot?”
He tapped my head using his left hand and formed a rueful smile. “Because we can’t be happy right now. Our smile is fake, even our laughter because we are thinking for someone.”
My forehead creased from terrible confusion he gives because I did not fully understand his statement.
“Ang labo mo!” naiinis kong ungot.
Umiling siya’t maya-maya ay umukit ang maliit niyang pagngisi. “Inaya mo akong mag-date pero siya ang iniisip mo, ano?”
Namilog ang mga mata ko’t mariin akong tumanggi. “H-hindi ‘no!”
Tumatawa niya akong itinuro samantalang nagtataka ako dahil ako dapat ang magtanong sa kaniya kung bakit lumilipad ang isipan niya, pero ako ang napuna niya. “See, you’re being defensive. The tone of your voice says it all.”
I shook my head from disbelief. “Why are you spacing out?” pag-iiba ko ng tanong imbes na dagdagan ko ang paratang niya.
He swallowed his lump in his throat and look away. “Do you want to go home? Sana sinabi mo na lang sa aking ayaw mo kaysa—”
“No, it’s not that. Dahil ito na ang huling pagkikita natin, na makakasama kita, na matititigan ang ganda mo...” He smiled and gently caressed my cheek.
“Huwag ka namang ganiyan. Pinapalungkot mo ako,” natatawa kong saad upang pagaanin ang atmosperang bumabalot sa amin. Nag-iwas agad ito ng tingin at hinawakan niya nang mahigpit ang aking kamay.
“Should we go home?” he asks. Umiiwas na at kapansin-pansing ayaw nang magliwaliw pa. Hinihigit niya ako palabas na ng mall pero humawak ako sa barandilyas ng hagdanan, ayaw magpahila.
“Ayaw ko pang umuwi, pero parang gusto mo nang umuwi.”
Lumabi ako sabay halukipkip. Naningkit ang mga mata kong pinakatitigan siya’t agad din naman itong nag-iwas ng paningin.
“Ngumiti ka naman diyan, o!” Sabay tampal nang mahina sa braso niya.
Umismid itong umirap. Sumilay ang mapang-asar kong ngisi sabay sundot-sundot sa tagiliran niyang inaasar-asar ito. “Ngingiti na siya. Ngingiti na iyan, ngingiti na.”
Sa bawat hawi niya sa kamay ko ay ibinabalik ko ito sa tagiliran niya para kilitiin. Pinipigilan niyang matawa at hindi niya ako maloloko sapagkat alam kong dito malakas ang kiliti niya. Hindi kalaunan ay kumawala ang malakas niyang pagtawa pero peke. Nagmistula kaming bata sa gilid ng hagdan, nagkikilitian at walang pakialam sa mga taong nagagawi sa amin ang tingin. I don’t see him happy behind his laughter because I see his gloomy eyes forcing a loud laugh for me to be convinced, but he cannot fool me.
“Althea, stop it!” tumatawang saway niya ngunit hindi ako nagpaawat hanggang sa marinig ko ang totoong pagtawa niya. Binitiwan ko ang kamay niya’t hinawakan ko ang baywang niya saka ko ito kiniliti nang kiniliti. Tumigil lamang ako sa ginagawa nang hindi niya napigilang tumili nang malakas. Napapunas ito sa luhang tumulo sa mga mata nito dahil sa pirming pagtawa.
“See, I made you laugh and smile,” tuwang-tuwa kong saad habang nakaturo ako sa kaniya. It’s a big achievement for me to made him laugh like his despite of his situation.
“Thank you for the last time,” he said, showing his angelic smile, but that smile of him gives me unfamiliar feeling... it made me nervous.
“Don’t say that!” saway kong hinampas ito sa tiyan dahilan para mapangiwi ito sa sakit.
“Say what?” maang niya.
“Thank you, bes,” he repeated grinning at me.
Pinisil ko ang magkabilang pisngi niya sa tuwa. Hinawi niya ang kamay ko’t hinawakan ang palapulsuhan sabay hila sa akin pababa na ng hagdan. “Tara, ihahatid na kita pauwi.”
“Uuwi na tayo?” malungkot ang boses kong tanong. Sa totoo lamang ay ayaw ko pang wakasan ito kahit unti-unti niyang pinaparamdam sa akin ang pagka-ilang.
“Uwi na tayo baka mamaya maging lalaki ako nang wala sa oras at makalimutan kong pinalaya na pala kita,” tumatawang biro niya.
Umingos akong nagpatianod hanggang sa namalayan kong nasa tapat na kami ng sasakyan niya. May ngiti sa labi akong sumakay sa passenger seat ngunit ang ngiting iniukit ko kani-kanina lamang ay napawi nang umandar ang sasakyan. In the middle of nothingness, the thick silence embrace the whole momentum inside of the car. His eyes were too focus in the road, and he can’t say a word. I felt awkwardness. Madalas kaming magkasama at palagi siyang nagkukuwento tuwing nasa biyahe kami para walang mabagot sa sobrang katahimikan, pero ngayon… nilamon na kami nang husto sa katahimikan. Without a word, itinigil niya ang sasakyan. Pagkalingon ko sa bintana ay nasa tapat na pala kami ng aming bahay. Lumukob sa akin ang matinding kalungkutan dahil alam kong iiwan na namin ang isa’t isa. Ibinalik ko ang tingin at pagkurba ng aking pilit na pagngiti.
Bumaba ako sa sasakyan niya at bago ko isara ang pinto ng kaniyang sasakyan ay pinilit ko ang sariling magpaalam nang masigla. “Bye, I love you!”
Ngumiwi ako sa naging resulta ng aking pagpaalam. He just waved his hand and curve a small smile. Pinanood ko ang panliliit ng kaniyang sasakyan sa aking paningin at kasabay n’on ang pagsimangot ko.
“Aba, may date!” Lumingon ako sa may-ari ng boses. Nakita ko ang pinsan kong nakangisi habang nakahalukipkip, nang-aasar ang dating.
“Si Maurel ba iyon?” boses ni mamita nang sumulpot ito bigla sa likuran ni Maureene.
“Kayo na?” taas-kilay niyang intriga.
Umiling ako bilang sagot sa tanong ni Maureene at bago pa siya humirit ay pinangunahan ko na ito. “Hindi. Lumabas lang kaming dalawa. Gusto ko lang suklian ang mabubuting ginawa niya sa pamamagitan ng date.”
Tumaas ang kilay niya at naningkit ang mga matang binalingan niya ako. “Date, e ‘di kayo na. Sabihin mo na kasi ng diretso, hindi iyong marami ka pang sasabihin.”
“Tumahimik ka nga Maureene, puwede?” pikit-matang saway ko.
“Bakit ako tatahimik?” nanghahamon niyang turan.
“Tama na iyan baka mag-away pa kayong dalawa!” awat ni mamita sa aming dalawa. Hinawakan niya ang balikat namin at marahan niya kaming itinulak para magkalayo sa isa’t isa. Hindi maganda ang mood ko ngayon at sumasabay pa si Maureene, walang konsiderasyon. Nanatili akong nakatayo sa labas ng gate. Nilingon ko ang pinanggalingan ng kotse ni Maurel kanina at kung paano ito umalis. I can still Mamita’s presence behind me, accompanying me to my solitude.
“Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako. Dahil ba hindi ko siya minahal pabalik o may iba pang dahilan gaya ng panghihinayang ko?”
“Magkaibigan kayong dalawa, at nasasaktan ka ngayon dahil nasaktan mo siya nang husto. Huwag kang mabahala dahil lilipas din ang sakit ng nararamdaman ninyo sa isa't isa... maghihilom din ang inyong sugat.” Tumunghay ako at hinayaan si mamita magsalita.
“Wala kang kasalanan, pamangkinak. Mas kalasanan iyong tinanggap mo siya sa buhay mo at pilit lamang ang ibinibigay mong pagmamahal.” Tinapik niya ang balikat ko sabay ngiti. Tama siya.

Komento sa Aklat (15)

  • avatar
    DelgadoMelba

    ilove the game👍👍👍❤️

    04/01/2025

      0
  • avatar
    syuhadadaneeya

    best

    28/09/2024

      0
  • avatar
    Rejane Saavedra

    ma ganda

    27/10/2023

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata